Filipino Grade 6
paksa
ang ____ ay ang bagay na pinag-uusapan o tinatalakay sa isang talata o sanaysay
talata
ang lipon ng pangungusap na binuo para epektibong maglahad ng isang ideya.
pantulong na pangungusap
ang mga pangungusap na humihimay o nagpapaliwanag sa isinasaad ng pamaksang pangungusap
panghalip
bahagi ng pananalita na ihinahalili sa pangngalan upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit
balangkas na papaksa
binubuo ng mga paksa o mga salita at parilala ng sulatin. mula ito sa pangunahing idea pabababa sa mga pantulong na idea. ginagamit din ito upang bumuo ng balangkas ba papangungusap
konotasyon
di-lantad ang kahulugan nito. nakatago o simboliko ang kahulugan ng ganitong pahayag
Rio Alma
ginagamit na talipanpan ni Dr. Virgilio S. Amario sa pagsulat ng tula
antala
gumagamit ito ng mga bantas para tukuyin ang pansamantalang pagtigil sa pagsasalita
sinuman, gayunman, saanman
halimbawa ng panghalip panaklaw
Dewey Decimal System
isa itong sistema ng pag-oorganisa ng mga laman ng isang silid-aklatan
balangkas na papangungusap
isang uri ng balangkas na binubuo ng mga buong pangungusap mula sa pangunahing idea pababa sa pantulong na idea
pamaksang pangungusap
isinasaad ang pangunahing ideya o kaisipan ng talata. madalas na ito ang nasa unang pangungusap ng talata
denotasyon
ito ang aktuwal o literal na kahulugan ng salita, kadalasan, nakikita ang kahulugan sa diksiyonaryo
Ponemang Suprasegmental
ito ang nagbibigay damdamin at mensahe ng mga salita at pahayag.
payyo
ito ang tawag ng mga ifugaw sa mga hagdan-hagdang taninan ng palay na inukit sa gilid ng mga bundok
pangunahing ideya
ito ay isang buong pangungusap. maaari nitong lamanin ang paksa.
panghalip panaklaw
ito ay panghalip na nagsasaad ng kaisahan, damj o kahalatan ng ngalanv tinutukoy na maaaring tiyakan o di-tiyakan
mito
ito ay tradisyonal na kwento na tila nagsasalayaay ng mga pangyayari sa kasaysayan
tesawro
mababasa rito ang mga salitanh magkaparwho o magkasalungat ang kahulugan
Ponemang Segmental
makabuluhang tunog sa pagbubuklod ng mga katinig at patinig. kasama rito ang diptonggo at klaster.
alamat
nagbibigay rin ng paliwanag sa mga likas at di-pangkaraniwang pangyayari
alinman, anuman, gaano man, ilanman, kailanman, saanman, sinuman
nilalapian na panghalip panaklaw
pabula
sa akdang ito karaniwang mga hayop ang tauhang nagsasalita at kumikilos
pluma
tawag sa balahibo ng ibon na isinasawsaw sa tinta para gamiting panulat
mitolohiya
tawag sa kalipunan ng mga mito, alamat at iba pa. kwentong bayan ng usang partikular na relihiyon o paniniwala
nocturnal
tinatawag na ____ ang mga hayop na aktibo sa gabi para manghuli ng pagkain, maghanap ng kapareha, o para iwasan ang init at mababangis na hayop
balangkas
tinatawag na ______ ang pagkakaayos at pagkakaugnay ng mga bahagi o sangkap ng isang bagay
talipanpan o sagisag-panulat
tinatawag na _________ ang pangalang inilalagda ng isang manunulat sa kaniyang akda.
haba
tumutukoy sa haba ng pagbigkas sa patinig ng isang pantig
diin
tumutukoy sa lakas o bigat ng pagbigkas ng pantig sa salita. ang mga uri nito ay malumay, malumi, mabilis at maragsa
balana, iba, ilan, isa, dalawa, at iba pa kapuwa, lahat, madla, pawa, tanan
walang lapi na panghalip panaklaw