KOMUNIKASYON

¡Supera tus tareas y exámenes ahora con Quizwiz!

Field

(ANO) tumutukoy sa disiplina o erya ng paksang pinag-uusapan.

Mode

(PAANO) tumutukoy sa paraan ng pag-uusap.

Tenor

(SINO) tumutukoy sa mga partisipant at ang kanilang mga ugnayan.

heterogenous

---- kung ito ay magkakaiba-iba ng wika at hindi kailanman magkakatulad o uniformidad ng anumang wika.

AGOSTO 13, 1959

AGOSTO 13, 1959

unang wika

Ang ---- ang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika o mother tongue language. Ito ang pinakamahusay kaya naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.

Pidgin at Creole

Ang Pidginay isang barayti ng isang wika (halimbawa Ingles) na napaunlad sa mga kadahilanang praktikal, tulad ng pangangalakal, sa mga pangkat ng mga taong hindi alam ang wika ng iba pa. Dahil dito, wala itong katutubong ispiker. Sinasabing nanggaling ang salitang "Pidgin" sa isang bersiyon ng Pidgin Chinese ng salitang Ingles na "business".

Monolinggwalismo

Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal kaya nahihirapang pasanin ang batas ng monolinggwalismo. Ang monolinggwalismo ay isang kaparaanan at pagbabagong penomenang pangwika na puspusang tinatalakay ng mga sosyolinggwistiks, sa madaling sabi, layunin ng monolinggwalismo na ipatupad ang iisang wika sa isang bansa katulad ng mahigpit na paggamit ng Pransya ng Wikang French.Ang bansang Hapon, South Korea at Pransya ay may mahigpit na ipinag-utos ang sistemang monolinggwal sa kani-kanilang bansa.

Natatangi

Ang bawat wika ay may kanyang sariling set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at kanyang Sistema ng palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang pansarili na naiiba sa ibang wika. Pinatunayan na natin iyan sa naunang talakayan sa pagitan ng Filipino at Ingles. Walang dalawang wika na magkatulad. Maaaring sabihin na may mga wikang magkakahawig dahil pare-parehong mayroon ang mga ito ng Sistema ng pag-uugnay ng mga pangungusap ang mga ito. Samakatuwid, walang wikang inperyor at superior. Ang ilokano ay hindi inperyor sa Tagalog at ang Ingles ay hindi rin naman superior sa Filipino. Bawat wika ay katangi-tangi.

Bilinggwalismo

Ang bilinggwalismo ay isang penomenong pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ito rin ay tinataya na kakayahan ng isang lipunan sa paggamit ng dalawang wika.Sa simpleng depinisyon ni Bloomfield, ito ay ang pagkakaroon ng magkasintulad na gamit at kontrol ng dalawang magkaibang wika na ginagamit ng isang indibiduwal. Samantala, ayon naman kay Diebold, inilarawa niyang ang bilinggwalismo bilang pangunahing mga yugto ng pagkakaroon ng kontak ng dalawang wika.

Jargon

Ang mga salitang gamit ng isang tiyak na grupo para sa pag-unawa ng mga katawagan.Halimbawa: Para sa mga IT Expert ang Trojanay VirusPara sa mga mambabasa ang Trojan ay isang digmaan

Nagbabago

Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago rin dulot ng agaham at teknolohiya. At dahil ang wika at kultura ay may ugnayan pati wika ay nagbabago. Ang wika ay buhay patunay rito ang patuloy na paglawak ng talasalitaan ng wika kaya minsan ay nagbabago ang alpabeto at ang Sistema ng palabaybayan. May mga salitang namamatay at may mga salitang nalilikha. Malimit pa ba sa ninyong na naririnig ang mga salitang batalan, kusing, irog, at dalita? 'Di ba't hindi na? pero, sa ngayon ay madalas nating gamitin ang mga salitang kompyuter, celpon, teks at gimik! Totoong dinamiko ang wika.

Rehistro ng Wika

Ang register ay barayting may kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Ang baryasyong ito ay ang paggamit ng ispiker ng wika hindi lang batay sa lokasyong heograpikal kundi batay sa kanyang katayuan sa lipunan o sa grupong kanyang kinabibilangan. Pumapasok dito ang iba't ibang gamit ng wika sa lipunan. Halimbawa nito ay ang register sa pagtuturo ng pilosopiya, register sa sermon sa simbahan, or register sa paglalaro ng golf, o ibang anyo ng palakasan. Mayroon ding mga register na nauugnay sa okupasyon. May mga teknikal na jargon na maiuugnay natin sa isang partikular na grupo, halimbawa, mga doktor na gumagamit ng mga terminolohiyang medikal, gayundin ang mga eksperto sa kompyuter. Ang register ay maaaring tumukoy rin sa mga ispesipikong salitang ginagamit ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Iba't iba ang anyo ng wikang ginagamit ng tao batay sa uri at paksa ng talakayan, kung sino ang kausap o ano ang okasyon.

MISKONSEPSYON SA FILIPINO

Ang tawag sa Filipino sa wikang pambansa ay hindi mula sa Filipino na tawag sa Ingles, para sa mga mamamayan ng bansa. Hindi rin mula sa Ingles ang F dito. Mga miskonsepsyon ito.Mula ito sa binagong konsepto ng wikang pambansa na batay sa lahat ng wika sa Pilipinas, kasama ang Ingles at Kastila. May tunog na F sa ilang mga wika sa Pilipinas, tulad ng afuy (apoy/fire), kofun (kaibigan/friend) ng Ibanag; afyu flafus (magandang umaga/good morning) ng Bilaan; fidu (peste/pestilence) ng S. Cotabato Manobo, atbp.

UP Diksiyonaryong Filipino

Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyonng pangkultura at pook na tinatahanan

homogenous

Ang wika ay maituturing na ---- kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

Ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunag tao mula sa mga ritwal sa lahat ng kanilang Gawain tulad ng pagkakasal, pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, panggagamot, pagluluto, at iba pa. ang ritwal ay kinasasangkutan ng pagsasayaw, pag-awit, pagdadasal, pag-ungol, at pagbulong. Kalaunan ang mga tunog na nalikha ay nagpabago-bago at nilapatan ng kahulugan.

Filipino

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay

Diksiyonaryong Adarna

Anomang set o sistema ng mga gayong simbolo na ginagamit sa katulad na pamamaraan ng isang partikular na pangkat upang magkaintindihan.

WIKANG PANTURO

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Nagsimulang ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahon ng Komonwelt at para sa edukasyon ngmga magiging guro ng Wikang Pambansa.Sa isang sirkular noong ika-3 ng Mayo 1940, iniatas ni Celedonio Salvador ng Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa Ikaapat na Taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang Pambansa bílang wikang panturo.

pangalawang wika

Ayon sa dalubwika, alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika ay itinuturing na ----.

PANAHON NG NINUNO

Ayon sa mga pag-aaral, may sarili ng sibilisasyon an gating mga ninuno, bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bayan. Ito ay malinaw na masasalamin sa kanilang pang-araw-araw na pakikipamuhay -may pamahalaan na sila na ang sistema ay katulad n gating barangay. Pinamumunuan ito ng isang datu o lakan. May mga batas na rin silang sinusunod at higit sa lahat ay marunong silang bumasa atsumulat.Baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat. Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig. Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay. Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang krus (+) bilang hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog. At gumagamit ng dalawang pahilis na guhit / / sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos nito. Dahil sa ang ating mga ninuno ay may sariling sistema ng pamumuhay at paraan ng pakikipag-ugnayan, malaki ang ginampanang papel ng kanilang alpabeto. Itoay nagamit nila sa pagpapahayag at pakikipagkalakalan, gayundin sa pagkakaroon nila ng sistema ng pamamahala. Maalam ang ating mga ninuno sa pagbasa at pagsulat. Mga makrong kasanayan na nakatulong sa pagtangkilik at pagpapanatili n gating kultura at tradisyon. Ito ang naging daan upang maitala ang mga panitikan ng bansa sa sinaunang panahon. Ang kanilang mga awit, pamahiin, paniniwala, tradisyon at iba pang katulad nito ay naisulat sa pamamagitan ng baybayin.

35

Ayon sa pag-aaral, aabot ng ---- wikain at diyalektoang nanganganib nang makalimutan ng kasalukuyang henerasyon dahil sa hindi paggamit nito.

Teoryang Cognitive

Ayon sa pananaw ng Teoryang Cognitive, ang pagkatuto ng wika ay nagaganap matapos maunawaan ang isang bagay o pangyayari. Kailangan mauunawaan ng tao ang mga impormasyon o kabatirang natanggap upang makabuo ng isang orihinal na pangungusap (sentence). Sa teoryang ito, ang kamalian sa paggamit ng wika ay karaniwan at kadalasang nangyayari. Ayon pa rin sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay palatandaan (sign) ng pagkatuto.

Teoryang Behaviorist

Batay sa teoryang ito, ang bata ay ipinanganak na may sapat na lakas at kakayahan sa pagkatuto. Ang gawiat kilos ay maaaring hubugin sa pmamagitan ng pagkontrol ng kanyang kapaligiran. Ayon kay Burrhus Frederic Skinner (1968), pangunahing tagapagsulong ng teoryang behaviorist, higit na pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ang "pag-aalaga" kaysa sa pag-unlad ng interlektwal. Maaaring mapatibay ang kakayahan sa pamamagitan ng pagganyak (motivation) na nagpapakilos, makapagbibigay sigla at mapagpapatibay ng pagpapahalaga. Para kay B. F Skinner, ipinagpapalagay na ang bawat isa sa atin ay may kakayahang matuto ng wika. Ang konsepto ng pagkatuto para kay skinner ay itinatakda ng mga panloob at panlabas na salik. Ang ilan sa mga halimbawa ng panloob na salik ay ang mga mekanismosa pagsasalita tulad ng dila, ngipin, atbp. Tumutukoy naman ang mga panloob na salik sa mga tunog na naririnig o ipinakikinig sa mga bata. Ang mga bahagi ng katawan na may kinalaman sa pagsasalita sa sandaling hasain (pormal man o impormal) ay magiging kapakinabangan sa mananalita. Ang pag-uugali ng bata, dagdag pa ang mga sa lik pangkapaligiran ay syang nagiging pundasyon ng pagkatuto ng wika.

PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN AT KASALUKUYAN

Binigyang-katugunan ang pangangailangan ng bansa ng isang pambansang wikang magbubuklod sa bansa ng Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1935. Kaya sa Konstitusyon ng 1935, nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ang ganito: Pinangunahan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang gawaing pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Sa kanyang talumpati ay isinulong niya ang pagkakaroon ng isang tanggapan para sa ganitong layunin.

PANAHON NG HAPONES

Dahil sa pagnanais ng mga Hapones na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog. Sa panahon ng kanilang pananaakop sa Pilipinas, binigyannila ng pagkakataon ang mga Pilipino na magkaroon ng sariling pamahalaan. Pinagsikapan din nilang mapalaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga Amerikano at burahin ang mga impluwensiya nito sa ating kultura at kamalayan. Ilan sa mga hakbang na kanilang ginawa upang makalimutan ng marami ang mga amerikano ay ang pagpapatayo at pagbubukas ng mga paaralang bayan. Bagaman may mga tutol at nais pa rin ang mga Amerikano at wikang Ingles, itinuturing pa rin ng ilan na ang pagdating ng mga Hapones ay isang biyaya lalo na sa mga manunulat sa wikang Tagalog na tumamlay sa pagsulat sa panahon ng mga Amerikano. Sa panahon kasi ng pananatili ng mga Hapones sa Pilipinas nagkaroon ng pagtataguyod at pagpapaunlad sa ating panitikan gamit ang katutubong wika. Itinuturing ang panahong ito bilang Ginintuang Panahon ngwika at panitikang Tagalog. Natutuhan din ng mga Pilipino ang haiku -isang espesyal na uri ng pagsulat ng tula ayon sa kultura ng Hapones.Nabigyang-sigla ang wikang pambansa sa panahong ito. Sa panahong ito nagbalik ang matandang paraan ng pagsulat ng tula ng mga Tagalog na nasa anyo ng tanaga.

Filipino

Gagamitin ang bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan.

ingles

Gagamitin naman ang bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba't ibang bansa sa daigdig.

Idyolek

Ginagamit ang salitang idyolek para sa dayalektong personal o indibidwal ng isang wika. May iba pang salik, tulad ng kalidad ng boses at katayuang pisikal, na nakapag-aambag sa mga katangiang nagpapakilala sa pananalita ng indibidwal , pero marami sa mga panlipunang salik na nailalarawan ng ang nagdedetermina ng idyolek ng bawat tao. Mula sa pananaw ng panlipunang pag-aaral ng wika, tunay ngang kung ano ang salita mo, 'yun ka. Ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon na wika. May mga taong kilometrik at mabulaklakkung magpahayag. May mga ilan ding nakagawiang magsalita nang malakas o di kaya ay mahina. Mayroon ding mga tao na may isang salitang nakasanayan nang banggitin nang paulit-ulit sa bawat linya ng kanilang pangungusap.

Euphemism

Ginagamit bilang pamalit sa mga salitang may dalang masakit at sensitibong kahulugan. Halimbawa: Imbis na gamitin ay Pokpok ang gagamitin ay Magdalena o Kalapating mababa ang lipad.

180

Hindi kukulangin ----sa wika ang mayroon ang Pilipinas.

Teoryang Siyentipiko

Huling bahagi ng ikalabindalawang siglo nang simulang mag-usisa ng mga iskolar sa pagkakaroon ng iba't ibang wika sa mundo at maghanap ng mga sagot sa katanungang, paano nagkaroon ng wika?

Teoryang Biblikal

Ipinahahayag sa teoryang ito na batay sa Bibliya, ang wika at kaloob ng Diyos sa tao na siyang instrument upang pangalagaan ang iba pang nilikha Niya. Hango ito sa mga pangyayaring nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos upang magkaroon ng kaayusan sa mundo at maipalaganap ang mabuting balita.

Multilinggwalismo

Isang linggwistikong realidad ang pagkakaroon ng maraming wika. Kahit na sabihing may pambansang wika, nananatili pa rin ang barayti at baryasyon na humuhubog sa mga kasalong wika. g tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa at katutubong wika bilang pangunahing daan sa pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat. Samakatuwid layunin ng multilinggwalismo na ang unang pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo o dayalekto o wika ng tahanan bilang pangunahing wika ng pagkatuto at pagtuturo mula sa unang baitang hanggang ika'tlo, susundan ito ng Filipino o ng wikang pambansa bago ibababad sa Wikang Ingles. Kailangang matamo muna na ang isang mag-aaral ay bihasa na sa unang wika a susundan ng pangalawa at pangatlo.

Dayalek

Ito ang wikang magkakaiba-iba ng wikang panrehiyon: ibang klase o magkapareho ng wika (tulad ng Ingles) ang ginagamit sa parehong bansa. Ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na komunidad. Tinatawag din itong panrehiyunal o wikain.

Teoryang Yo-He-Ho

Ito ay nabuo ni Noire, isang iskolar noong ika-19 na dantaon. Naniniwala siya na ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang sa kanilang pagtatrabaho gaya ng pagbubuwal ng kahoy o pag-aangat ng malaking bato. Ibig sabihin, ang teoryang ito ay nakatuon sa pwersang pisikal ng tao. Subukin mong bumuhat ng dalawang malaking containerna may lamang tubig. Hindi ba't tila may nauusal kang tunog na dulot ng paglalaan ng pisikal na lakas sa pagbubuhat?

morpema.

Kapag ang mga ponema ay pinagsama-sama, makabubuo ng maliit na yunit ng salita na tinatawag na

Ang Wika ay may Masistemang Balangkas

Kapag sinabing masistema, ang ibig ipakahulugan nito ay may kaayusan o order. Bawat wika, kung ganoon ay may kaayusan o order ang istruktura. May dalawang masistemang balangkas ang wika: (1) ang balangkas ng mga tunog at (2) ang balangkas ng mga kahulugan. Ang wika ay may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsasama-sama sa isang sistematikong paraan upang makabuo ng mga makahulugang yunit tulad ng mga salita. Gayundin, ang mga salita ay mapagsasama-sama upang makabuo ng mga parirala at sugnay/pangungusap.

Teoryang Ding-dong

Kilala rin ito sa tawag na teoryang natibistiko na ayonsa mga haka-haka ay may misteryosong ugnayan ang mga tunog at ang katuturan ng isang wika. Kung ang teoryang Bow-wow ay nakabatay sa kalaikasan, ito naman ay hango sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay sa paligid.Basehan nito ang instinktibong kakayahan ng tao batay sa mga impresyon mula sa paligid, tumutugon ang tao sa tunog na maririnig. Halimbawa nito ay ang tunog ng kampana, tiktak ng orasan, langitngit ng kawayan, talbog ng bola at iba pa.

Tore ng Babel

Kilala rin sa tawag na Teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na nagsasabing noon ay may iisang wika lamang na ginagamit ang mg tao, iyon ang wikang Aramaic naging madali ang pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga tao dahil sa isang wika na dumadaloy sa kanilang talastasan. Ito'y nagbunsod sa kanila upang makaisip ng magtayo ng Tore na aabot sa langit upang maging tanyag sa daigdig. Mabilis nilang nasimulan ang pagtatayo ng Tore dahil madali silang nagkakaunawaan. Subalit Nakita ng Diyos ang kapangahasan ng tao na sadyang makasarili kaya pinag-iba-iba Niya ang wika ng mga ito. Hindi natapos pagtatayo ng Tore at nagsama-sama ang mga taong nagkakaintindihan at naglakbay sa iba't iibang dako ng daigdig.

Pantao

Malinaw ang sinasabi ni Gleason na ang wika ay pantaolamang. Ibig bang sabihin nito naang sangkainsektuhan at sangkahayupan ay hindi nakikipagkomunikasyon? Mali. Ang mga insekto at hayop ay nagpapahayag din ng kanilang mga nararamdaman. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang pandama at instinct.Nahihiwatigan nating bubuhos angmalakas na ulan kapag Nakita nating naglilipana sa himpapawid ang maraming ibon, paruparo, tutubi o naglalabasan sa bahay ang mga ipis gayong hindi ka naman nag-sprayng pamuksa sa mga ito. Ang paglabas daw ng mga ahas sa kagubatan ay hudyat na may napipintong paglindol sa lupa. Mas sensitibo kasi ang mga insekto at hayop kaysa sa mga tao lalo na ang kanilang pang-amoy at pandinig. Kapag may lawin naming namang namataan ang inahing manok na may balak silain ang kanyang mga inakay, lalabas ang kanyang maternal instinct. Agad nitong ibubuka ang kanyang mga pakpak para itago ang kanyang mga sisiw. Subukan mong maghagis ng isang buto sa dalawang aso at siguradong mag-aaway ang mga iyon kung kanino dapat mapunta ang nasabing buto. Survival instinct naman ang tawag dito.

Sinasalitang tunog

Maraming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hinid lahat ay maituturing na wika. Ilan sa mga halimbawa ay ang alarma ng orasan, kulog sa kalangitan, wang-wang ng patrol ng pulis, lagaslas ng tubig sagitsit ng prinipritong isda at napakarami pang iba na may kahulugan. Subalit ang mga ito ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananalita kaya hindi matatawag na wika. Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng iba't ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng dila, labi, babagtingang tinig, ngalangala, at iba pa.

5,000

May mahigit sa ----wika ang sinasalita sa buong mundo.

MARSO 26, 1954

Naglabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 -Abril 4 na ang pinakatampok na petsa ay ang kapanganakan ng Dakilang Makatang si Francisco "Balagtas" Baltazar (Abril 2).Ngunit nang sumunod na taon, siya rin mismo ang nagbago ng petsa ng Linggo ng Wika. Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186, inilipat niya ang pagdiriwang sa Agosto 13-19 na ang tampok namang petsa ay ang Agosto 19 na kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa, ang Pangulong ManuelLuis M. Quezon.

TAGALOG IMPERIALISM

Nakondisyon na ang mga tao sa Tagalog kung kaya't kahit nabago na ang tawag sa Wikang Pambansa (Pilipino, Filipino), Tagalog pa rin ang itinatawag dito ng mga Pilipino at mga dayuhan. Ang pagkokondisyong ito rin ang nagdulot ng negatibong reaksyon mula sa mga di-Tagalog. Nainsantabi ang mga wikang malawak din ang gamit gaya ng Cebuano, Hiligaynon at Ilokano. Ito naman ang naging dahilan ng pagpapalit sa Wikang Pambansa mula Pilipino (Tagalog) tungo sa Filipino sa Konstitusyon ng 1973 at 1987.

tagalog

Nasangkot ang ---- sa pambansang arena nang ideklara ni Presidente Manuel L. Quezon ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937 (Executive Order No. 134). Mula noong 1940, itinuro ito sa lahat ngpaaralang publiko at pribado.

NOBYEMBRE 22, 1995

Nilagdaan ng Tagapangulo Ponciano B.P. Pineda et al. ang Kapasyahan Blg. 1-95, kapasyahang humihiling sa Technical Panel on Humanities, Social Sciences and Communication Education ng CHED, na muling isaalang-alang, at rebisahin ang itinakdang academic units para sa Wikang Filipino sa General Education Curriculum.

PANAHON NG KASTILA

Pagdating ng mga Kastila sa ating bansa, maraming pagbabago ang naganap. Isa na rito ang sistema ng ating pagsulat. Ang dating baybayin noon ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila. Hindi naging mabilis ang pananakop na ginawa sapagkat nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon. Kaya ang Hari ng Espanya ay nagtatag ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino upang maging mabilis ang pagtuturo ng Kristiyanismo. Hindi naganap ang planong ito dahil sa paglabag na ginawa ng mga prayle. Mas ninais nilaang maging mangmang ang mga Pilipino upang mas lalong madaling masakop.Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas. Ayon sa kanila, may magandang epekto ito sa kanila. Una, mas madaling matutuhan ng isang misyonero ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat o kahit ilan lamang sa taong bayan ang Espanyol. Ikalawa, higit na magiging kapani-oaniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika. Dahil sa kagustuhan ng mga prayle na matutuhan ang mga wikang katutubo, sila'y nagsulat ng mga diksyonaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga kumpensyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng mga nabanggit nawika. Naging usapin din sa panahong ito ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino. May mga Kastilang naniniwalang mas mabisang gamitin ang mga wikang katutubo at mayroon din namang nagsasabing mas mainam din kung ito ay sa wikang Kastila.Ang Hari, sa kanyang unang atas sa mga kleriko ay ipinagagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya upang madaling mahikayat ang mga Pilipino sa Kristiyanismo. Subalit hindi naman ito nasunod.

PANAHON NG REBOLUSYON

Pagkaraan ng mahabang panahon ng pananakop ng mga Kastila, namulat ang mga Pilipino at nagising sa katotohanan. Isa sa mga tanda ng pagkamulat nila ay ang pagkakaroon ng kilusang propagandista noong 1872 na naging panimula upang maghimagsik. Itinatag ang Katipunan nina Supremo Andres Bonifacio at wikang Tagalog ang ginamit na pangunahing wika ng mga katipunero. Pinagtibay rin ang Saligang Batas ng Biak na Bato noong 1899 at wikang Tagalog ang ginawang opisyal na wika bagaman walang isinaad na ito ang magiging wikang pambansa ng Republika (Constantino et al., 1990:4). Bahagi ng mayamang paggamit ng wika sa panahong ito ay ang pagkilos ng samahan gamit ang wikang Tagalog. Sa panahon ding ito ang pag-aalsa at paghingi ng pagbabago ay ang paggaamit ng Tagalog sa larangan ng pagsulat ng iba't ibang mgaakda na nagpapahayag ng pagiging makabayan ng mga Pilipino. Ilan sa mga isinulat sa panahong ito ay ang mga tula, sanaysay, maikling kuwento, nobela, dula, at iba pa na gigising sa kamalayang makabayan ng mga Pilipino. Naging mabisa ang panulat sa panahonng paghihimagsik ng mga Pilipino. Naging masidhi ang diwa ng nasyonalismo sa panahong ito. Ang paggamit ng wikang Tagalog sa panahong ito bilang wikang midyum sa pagpapahayag ng pagtakwil at pagtuligsa sa mga Kastila sa panahong ito ay naging mabisang anyo ng komunikasyon at pagtuligsa. Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan. Ilan sa kanila ay kasapi ng Kilusang Propaganda tulad nina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar at marami pang iba

NOBYEMBRE 13, 1936

Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa. Mula sa batas na ito, hinirang ni Pangulong Quezon ang mga sumusunod na kinatawan ng iba't ibang pangunahing wika sa bansa upang bumuo sa Surian ng Wikang Pambansa:

Teoryang Bow-wow

Pinaniniwalaan sa teoryang ito na nagmula ang wika sa panggagaya ng mga tao sa tunog ng kalikasan. Sa kadahilanang ang mga primitibong tao noon ay salat sa bokabolaryong ginagamit kaya sa pamamagitan ng tunog na nalikha, nabigyan nila ito ng taguri o kahulugan. Halimbawa, ang ngiyaw ng pusa, tilaok ng manok, lagaslas ng tubog sa ilog at iba pa ay patunay na ang likas na tunog sa paligid ay may malaking kinalaman sa pagbuo ng salita o wika.

Etnolek

Puwedeng magkaroon ng mga pagkakaiba ng pananalita sa loob ng isang lipunan dahil sa magkaibang etnikong kapaligiran. Sa pagpapaunlad ng barayti ng wika, maaaring maging malaki ang kontribusyon, halimbawa na lamang ng mga bagong lipat na tao sa isang lugar. Dahil sa pagkakaroon ng magkaibang etnikong karanasan, nagkaroon din ng pagsasama ng magkaibang wika.

ABRIL 1, 1940

Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ipinahintulot ng Pangulo ngPilipinas ang pagpapalimbag ngA Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa. Sinimulan din ituro sa mga paaralang publiko at pribado ang wikang pambansa

Heograpiko

Sa dimensyong heograpiko o pagkakahiwa-hiwalay ng lugar, nagkakaroon ng baryasyon ng wikang ginagamit ng mga tao. Ang heograpikong dayalekto (geographic dialect) ay yaong baryasyon ng wika batay sa katangian nito (hal. Punto o accent) na karaniwang ginagamit ng mga tao sa isang rehiyon o pook.

Sosyo-ekonomiko

Sa dimensyong sosyo-ekonomiko,nabubuo ang mga sosyolek dahi sa pagkakaiba ngkatayuan sa buhay ng tao sa lipunan.May barayti ng wika ang mga nakatataas,masa,tambay,babae,lalaki at iba pa.

PANAHON NG AMERIKANO

Sa pagdating ng mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewyay nagsimula na naman ang pakikipaglaban ng mga Pilipino. Ginamit nilang instrument ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at pamumuhay na demokratiko. Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon. Dahil wikang Ingles lamang ang alam nilang salitain, nagkaroon muli ng suliranin sa komunikasyon lalo na sa pagtuturo ng mga aralin sa mga mag-aaral. Kaya naman ayon kay William Cameron Forbes, na naniniwala ang mga kawal Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at mga Amerikano kung saan ginamit ang wikang ito sa mga aralin na kanilang itinuturo. Gayon din, itinuro rin nila ang kanilang kasaysayan, mga pilosopiya at mga aralin sa pagpapahalaga gamit ang wikang Ingles. Upang malaman ang kalagayan ng bansang sinakop, nagtatag ng lupon si Mc Kinley na pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino. At dito natuklasan na isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino. Tungkol naman sa wikang panturong gagamitin ay mas pinili ng mga lider-Pilipino ang Ingles, na gamitin bilang wikang panturo sa mga paaralang pampubliko. Agad namang sinimulan ang pagtuturo nito sa mga paaralang primary ayon sa pagrerekomenda ng komisyong ito.

HUNYO 7, 1940

Sa pamamagitan naman ng Batas Komonwelt Blg. 570, ipinahayag ng pagiging isa sa mga wikang opisyal ng wikang pambansa simula Hulyo 4, 1946. Sinimulan ding ituro mula sa unang baiting sa elementarya hanggang sa ikaapat na taon sa sekundarya ang wikang pambansa.

Argot o sikretong lingo

Sagrado sa isang tiyak na lipunan tulad ng mga gay lingo para sa layuning ang mga kapangkat lamang ang magkaunawaan.Halimbawa:Sa Gaylingo ang shupetbaleray kapitbahaySa Jejemon imbis na Hello ay e0zhzzz phozzz.

Nanghihiram ang Lahat ng Wika

Walang wikang puro. Karaniwan na sa lahat ng wika ang panghihiram kagaya ng wikang Filipino. Nangangahulugan lamang ito na ang panghihiram ay bahagi ng paglinang sa isang wika para sa epektibong pagpapahayag at sa mahusay na pakikipagtalastasan sa kapwatao o/at sa lipunan.

Malikhain

aglay ng wika ang tuntunin na makabubuo ng salita, parirala, sugnay, at pangungusap.Ang katutubong nagsasalita ng wika ay may kakayahang lumikha ng mga bagong salita, parirala, sugnay, at pangungusap na maaaring hindi pa niya kailanman nasasabi, nababasa, o naririnig. Tapsilog, jologs, erpat, amboy, syota, bagets, yosi, dyahi, na-1-2-3, bakal boys, astig, KSP ay ilan lamang sa mga nalikhang salita na madalas ngayong gamitin ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan.

pilipino

ang Wikang ---- ay ang Filipino National Language (noong 1943) na batay sa Tagalog mula noong 1959, nang ipasa ang Department order No. 7ng noo'y Sec. Jose Romero, ng Department of Education.

Intimate

ang gamitng wika ay pampribado. Ginagamit ito ng mga magkarelasyon, magkakapatid, sa pagitan ng mga anak at magulang.

Lalawiganin

ang ginagamit na wika sa mga tiyak at partikular na pook at lalawigan. Makikita ito sa pagkakaiba ng mga punto o tono sa pagsasalita. Ito ay diyalekto/dayalekto ng isang wika, may tanging pamamaraan kung paano binibigkas ang mga salita ngunit ito'y nauunawaan ng mga nag-uusap na kabilang sa isang lugar o lalawigan.

Geographical Proximity

ang pagkakaroon ng dalawang magkalapit na komunidad na may magkaibang wika ay maaaring magdulot ng isang bilinggwal na lipunan. Ito ay dahil sa palipat-lipat ng mga taong naninirahan dito, kung magkagayon, bitbit din nila ang kani-kanilang wikang sinasalita.

Migration

ang palipat-lipat na tirahan ay nagbubunsod din ng pagkatuto ng ibang wika. Nagsisilbi itong survival para sa kanila.

KAUTUSAN BLG. 52 (1987)

ang patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987

Sintaksis

ang tawag dito o makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap.

Ponolohiya

ang tawag sa pag-aaral ng makahulugang tunog (ponema).

Bernakular

ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika tulad ng diyalekto na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakalan. Tinatawag din itong wikang panrehiyon.Halimbawa,Kapampangan, Cabuano at Bikolano.

Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra

ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at abg mfa pamamaraan ng pagsasama sama ng mga ito para magkaunawaan o makapagusap ang isang grupo ng mga tao

Henry Gleason

ang wika ay masisitemang balangkas ng sinasalitang tunog ba pinipili at isibasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura

Bernales

ang wika ay prosesi ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagirab ng simbolikong cues na maaring berbal o di-berbal

WIKANG TAGALOG

ang wika sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang parte ng Nueva Ecija, Puerto Princesa at pati na rin Metro Manila. Ito kung gayon, ay isang wikang natural, may sariling mga katutubong tagapagsalita. Isang partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa ang mga Tagalog. Pagdating pa man nina Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 sa Maynila ay napuna na nilang sinasalita ito ng maraming Pilipino.

KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 81 (AGOSTO 6, 1987)

ay ipinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisimbing ang utos ukol sa "Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino", kalakip ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 s. 1987.

Diglossia

ay isang uri ng wika na umiiral sa isang lipunan, kung saan, ang wikang gamit ng pangkat ay may dalawang barayti. Halimbawa, sa atingbansa, may dalawang umiiral na pangunahing wika, ang Filipino at ang Ingles. Maging sa ating Konstitusyon, matatagpuan ang pagtatalaga sa Filipino bilang Wikang Pambansa habang ang Ingles bilang katulong o auxiliary language.Dahil sa pangyayaring ito, nagkakaroon ngayon ng mga pagkukumpara sa nasabing wika, alin ba ang mataas o kaya nama'y alin ba ang mababa, alin ba ang seryoso, o alin ba ang pormal? Alin ba sa wikang umiiral ang gagamitin sa karaniwang pag-uusap o impormal o aling wika ang gagamitin sa propesyunal na pag-uusap partikular na sa edukasyon?Hindi lamang ito nangyayari sa Filipino,maging sa Arabik. May itinuturing na mababa uri ng Arabik na gamit lamang sa impormal na pag-uusap at may klasikong Arabikna ginagamit sa mga lektyur at pagpupulong. Saanman, umiiral talaga ang diglossia, kaya marahil doon nagsisimula ang diskriminasyon sa wika, at sa oras na nadiskrimina na ang wika, kasama na rito ang diskriminasyon sa pangkat na gumagamit nito.

wika

ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at mga simbolong isinusulat.

Religion

ay nagtataglay rin ng malaking salik tungo sa pagkatuto ng ibang wika. May mga relihiyon kasigaya ng Islam na mahigpit na pinananatili ang gamit ng wikang kung saan nasusulat ang kanilang iskriptyur.

Diyalekto

ay nangangahulugang varayti ng isang wika. Nagkakaiba-iba sa pagbigkas, gamit ng panlapi at ayos ng pangungusap.

arbitraryo

ay napagkasunduan

Pampanitikan

dito nakasalalay at nakikita ang kagandahan, yaman kariktan at retorika ng wika. Masining, mabisa,at maingat ang paggamit dito ng mga salita. Hindi literal ang kahulugan ng mga salita dahil nakatali sa hiwaga at sining ang pagpapahayag nito. Nasasalamin sa paggamit nito ang husay ng gumagamit tulad ng pagsulat ng obrang pampanitikan, talumpati at maging sa mga talakayan.

Frozen o Static

ehistro na hindi nagbabago ( Dasal, school creed, mga batas)

komunikasyon

galing sa salitang Latin na communis na ang ibig sabihin ay to work publiclywith ay naggbibigkis sa mga tao para magkaisa. Ito ay nagsisilbing pandikit para ang mga mamamayan ay magsama-sama tungo sa pagkakaisa. Makikita ito sa pag-oorganisa ng mga manggagawa sa kanilang hanay, sa mga debate at mga pagpapasya sa mga mainit at komplikadong isyu, at sa panghihimok sa mga tao na buguhin ang kanilang mga nakagaiwian at panuntunan. Sa praktikal na kadahilanan, ang pasalitang komunikasyon ay higit na pinahahalagahan sapagkat ito ay direkta at mas may katumpakan. Ang mga pinuno ay nagtatalumpati at nagpapahayag sa iba't ibang uri ng mga tao na may iba't ibang paniniwala, pagpapahalaga, kamalayan, pinanggagalingan. At sa lahat ng mga ito ano ang pangunahing kasangkapan nilang ginagamit?

Casual

gamit ng wika sa pagitan ng mga magkakilala, magkakaibigan. Maaaring pabalbal, slang o kolokyal ang gamit ng salita dahil ito ay wika ng pangkat o "group language".

MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 172 (MARSO 227, 1968)

ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag-utos na ang mga letter heads ngmga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino, kalakip ang kanilang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang mga pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gawin.

KAUTUSANG PANGMINISTRI BLG. 22 (HULYO 21, 1978)

isinasaad na kailangan ituro ang 6 na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso sa antas ng tersyarya maliban sa kurikulum ng edukasyon na ang 12 yunit ng Pilipino ay pananatilihin.

Consultative

ito ang istandard na anyo ng komunikasyon na ginagamit sa usapan. May tanggap na istruktura at anyo ang mga gumagamit nito katulad sa isang propesyunal na diskurso, halimbawa ay pag-uusap ng pasyente at ng kanyang doktor, abogado at kliyente, guro at estudyante at iba pa.

Pambansa

ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasalang-alang sa paggamit ng gramatika. Ginagamit din itong wikang panturo sa mga paaralan at wikang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan. Nagiging pambansa ang isang wika kung ito ay opisyal na naisabatas para gamitin sa buong bansa.

Teoryang Innative

ito ang teoryang nagsasabi na ang pagkatuto ng wika ng bata ay batay sa kanyang angking likas na kakayahan. Nagsisimula ang ganap na pagkatuto ng wika ng isang bata sa gulang na lima o anim na taon. Sa paliwag ni Noam Chomsky, ang kakayahan sa pagkatuto sa wika ay kasama na mula pagkasilang na umuunlad sa pakikipag-interaksyon ng mga bata sa kanyang kapaligiran kung saan nabibigyang-hugis ang kanyang kakayahang sosyo-kultural. Binigyang-linaw rin ni Chomsky ang "language acquisition device" (LAD). Ang nasabing instrument ay isang aparato sa isip na taglay ng isang bata. Ito ay tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang ito ay siyang gamit sa pagsusuri at batayan ng bata saa pabuo ng tuntunin habang nakikinig. Inilalapat naman nya ang tuntunin habang nakikipag-usap na siyang nagiging pagpapahalaga ng bata hanggang sa marating niya ang kaganapan ng kanyang edad.

Kolokyal

ito ay mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal, na karaniwan sa pakikipag-usap sa tahanan, kaibigan at paaralan. Ayon sa mga lingguwista, may mga kagaspangan man ang mga salita sa antas na ito, hindi pa rin maikakaila na isa pa rin itong penomenong pangwika na nagpapakita ng pagiging malikhain upang mapadulas o mapabilis ang daloy ng komunikasyon. Mapapnsin sa mga salita o pangungusap na kolokyal ang pagbabago ng anyo nito mula sa pormal patungo sa impormal.

Historical Factors

ito naman ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao partikular na sa gamit ng impormasyon o mga gawaing pampananaliksik. Ito ay dahil sa kagustuhan ng tao na makakuha ng mga impormasyon, napipilitan silang pag-aralan ang ibang wika.

Public/International Relations

ito naman ay tumutukoy sa mga ugnayang-panlabas ng isang bansa tungo sa ekonomikong pag-unlad nito. Dahil dito, nagkakaroon ng tiyak na pangangailangan ang isang bansa na malaman ang iba't ibang konsepto ng ibang bansa na nasusulat sa wikang banyaga.

diskurso.

kapag nagkaroon ng malayang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay makabubuo na ng isang

Balbal

ltinuturing ito na pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa Ingles. Nalilikha ito ng mga grupo ng tao upang upang magsilbing koda sa kanilang pag-uusap. Karaniwan nang maihahanay rito ang mga salita ng mga bakla o gay lingoat salita ng mgatambay. Bagaman itinuturing na impormal, kung ating susuriin, mayroon din itong sariling Sistema ng pangwika. Patunay rin ito ng pagkamalikhain ng tao at pagiging buhay ng wika.

Kabuhol ng kultura

madali nating makikilala ang isang tao sa pamamagitan ng wikang kanyang ginagamit. Sumasalamin sa salitang ginagamit ang kultura ng tao sapagkat malaki ang ugnayan ng dalawang ito. Yumayabong at nababago ang wika dahil sa taong gumagamit nito na kabilang sa isang lipunang may umiiral na kultura. Gayundin, ang kultura ay nabubuo at napepreserba dahil sa wikang gamit ng tao. Halimbawa, bakit limitado sa yelo at nyebe ang panumbas natin sa salitang ice?Samantalang ang rice ay hitik sa panumbas na salita tulad ng palay, bigas, kanin, bahaw, at iba pa. Ito at nagpapatunay lamang naang dalawang wika, Ingles at Filipino ay bahagi ng magkaibang kultura. Limitado ang kasingkahulugan ng salitang ice sa atin sapagkat tropikal na bansa ang Pilipinas at hindi naman bahagi ng ating kultura ng glacier, iceberg, frost, hailstorm at iba pa. Gayundi, limitado ang salitang rice sa Ingles sapagkat hindi naman sila angrikultural na bansa at hindi bahagi ng kanilang kultura sa pagkain ang rice.

Mangahis

may mahalaganf papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasab. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtatanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 96

mula kay Pangulong Marcos na nagtatadhana sa pagsasa-Pilipinong mga pangalan ng gusali, edipisyo at opisina ng gobyerno.

Teoryang Pooh-pooh

mula sa masidhing damdamin nakabubulalas tayo ng tunog at iyon ang pinupuntong teoryang ito. Natuto raw tayo mangusap dahil sa damidaming ating nais ipahayag tulad ng galit, tuwa, lungkot, takot, pagkabigla, at iba pa. Pansinin ang isangPilipinong napabulalas ang sakit. Hindi ba't napapa-aray! Siya? Samantalang kapag Amerikano naman ay napapa-ouch.

ATAS NG PANGULOBLG. 73 (1972)

nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang teksto ng Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng 50,000 mamamayan alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas Art. XV, Sek. 3.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 335 (AGOSTO 25, 1988)

nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensya, instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang para sa layuning magamit ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya. Nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

Pormal

nakabatay sa isang angkop na pormat ang wikang ginagamit dito tulad ng mga talumpati, sermon, anawnsment at mga retorikal na tanong.

KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 104 S. 2009

nilagdaan ng Kalihim Jesli A. Lapuz ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalaman ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.

KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 45 S. 2001

nilagdaan ng dating Pangalawang Kahilim Isagani Cruz ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports ng mas kilala sa tawag na Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 24 (NOVYEMBRE 14, 1962)

nilagdaan ni Kalihim Jose Romero at nag-uutos na simula sa taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalimbag sa Wikang Pilipino.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 60 (DISYEMBRE 19, 1963)

nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 187 (AGOSTO 6, 1968)

nilagdaan ni Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga't maaari sa Lingo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 304 (MARSO 16, 1971)

nilagdaan ni Pangulong Marcos na nagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 343 (HUNYO 12, 1996)

nilagdaan ni Pangulong Ramos na nagpapatibay sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat bilang opsiyal panata ng katapatan para sa lahat ng Pilipno.

BATAS REPUBLIKA BLG. 7104 (AGOSTO 14, 1991)

nilagdaan ni pangulong Corazon Aquino na lumilikha ng Komisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito, at para sa iba pang layunin.

KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 22 (MARSO 12, 1987)

paggamit ng katawagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. Nilagdaan ni kalihim Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.

Bienvenido Lumbera

parang hininga ang wika. Gumagamut tayo ng wika upang kamtim ang bawat panganfailangan natin

DISYEMBRE 30, 1937

pinahayag ni Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagrerekomenda na tagalog ang gawing saligan ng Wikang Pambansa

PROKLAMASYON BLG. 1041 (HULYO 15, 1997)

sa bisa ng lagda ni Pangulong Ramosat Kalihim Tagapagpaganap Ruben D. Torresinilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa halip na linggo, ginawang isang buong buwan ng Agosto ang pagdiriwang ng Wikang Pambansa.

Teoryang Ta-ta

salitang pranses na nangangahulugang goodbyeo paalam. Pinaniniwalaan sa teroyang ito na sa kumpas ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon ay sinusundan ng paggalawa ng dila at naging sanhi upang matutong makabuo ng salita ang tao. Pansinin na tuwing tayo ay magpapaalam tiyak na magkasabay ang pagsambit ng salita at kumpas ng kamay.

Pentecostes

to ay hango sa Bagong Tipan na nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo, natuto ang mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman. Nilukob sila ng maladilang apoy na nagpasigla sa kanila hanggang sa magsalita ng Diyos sa iba't ibang lupalop ng daigdig. Malinaw sa dalawang teoryang biblikal na ito, na sadyang makapangyarihan ang Lumikha na naghatid ng biyaya sa atin na makapagpahayag ng ating saloobin at makapagpalaganap ng Kanyang mga aral sa pamamagitan ng wika.

Alfonso O. Santiago

wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalamab at karunungan , moralidad, paniniwala at sa mga kaugalian ng tao sa lipunan

Sosyolek

wikang ginagamit ayon sa lipunang ginagalawan ng tao. Halimbawa:"Wow pare, ang tindi ng tama ko!""Girl, bukas na lang tayo gumawa ng homework. Mag-malling na lang muna tayo.""Malilintikan ang batang 'yan sa 'kin!"

lingua franca

yon kay Consuelo Paz, ang wikang Filipino ang ---- sa bansa


Conjuntos de estudio relacionados

personal finance multiple choice

View Set

MYT: Jason and the Golden Fleece

View Set

Financial Accounting - Chapter 11: Liabilities: Bonds Payable

View Set

Gerontology Module 7 - Balance and Falls

View Set

NUTR 202 Exam 3 Review Questions

View Set