Aktibong Pagkamamamayan
Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayan
1. Jus sanguinis. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas. 2. Jus soli. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika
Dalawang Uri ng Mamamayan
1. Likas o Katutubo- anak ng Pilipino, parehong mga magulang o alinman 2. Naturalisado- dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon
Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
1. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa; 2. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan; at 3. nawala na ang bisa ng naturalisasyon (kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa)
Republic Act No. 9225 o Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003
ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring maging mamamayang Pilipino muli
Legal na Pananaw
tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado. Tinitingnan natin ang pagkamamamayan bilang isang legal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon o estado.