AP 4.3 QUIZ
2 Prinsipyo Ng Pagkamamamayang Pilipino
1. Jus Sanguinis 2. Jus Soli
Dalawang Uri Ng Mamamayan
1. Likas o katutubo 2. Naturalisado
Pagtugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa aplikasyon para maging isang mamamayang Pilipino.
Aksyon ng kongreso
Ayon sa - - - ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: I 1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay, ng saligang-batas na ito; 2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; 3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at 4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Artikulo 4 Section 1 ng saligang batas 1987
yaong mga isinilang bago sumapit ang - - - na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang;
Enero 17, 1973
Kusang pagtalikod sa mamamayan
Expatriationo
Ito ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila. Ito ang prinsipyo na sinusunod sa Pilipinas. > Halimbawa, kung ang isang dayuhang Indian ay nanganak sa Pilipinas, ang pagkamamamayan ng kanyang anak ay Indian din katulad ng kanyang magulang kahit sa Pilipinas ito naipanganak.
Jus Sanguinis
Kung Saan Ipinanganak, naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang. Ito ang prinsipyo na sinusunod sa bansang Amerika. Halimbawa, ang isang Pilipino na ipinanganak sa Amerika ay magiging American Citizen ito kahit Pilipino ang kanyang mga magulang dahil sa bansang Amerika siya ipinanganak.
Jus Soli
Tinatayang sa panahon ng - - - nang umusbongang konsepto ng citizen. Ang - - - ay binubuo ng mga lungsod estado na tinatawag na polis.
Kabihasnang Griyego
Anak ng Pilipino, parehas ang mamayang magulang o isa lang.
Likas o Katutubo
Ayon kay - - - ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Murray Clark Havens (1981)
Dating dayuhan na naging Pilipino dahil sa naturalisasyon
Naturalisado
ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan.
Naturalisasyon
Paano Maibabalik Ang Pagka Pilipino?
Naturalisasyon Repatriation Aksyon ng Kongreso Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa sandatahang lakas ng bansa
Ang - - - ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas. Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito.
Pagkamamamayan
Ang konsepto ng - - - o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
Pagkamamamayan o citizenship
ang paraang ito ay kadalasang para sa mga sundalo na nagsilbi sa pamahalaan ngunit tumakas habang sila'y nasa tungkulin lalo na sa panahon ng digmaan kaya nabawi ang pagkamamamayang Pilipino mula sa kanila.
Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa Sandatahang Lakas ng bansa
Ang - - - ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilan lan at iisang mithiin. Ito ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
Polis
ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang. pinanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang kanilang pagkamamamayan. Kabaligtaran ng expatriationo
Repatriation
Batay naman sa - - - , ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship).
Republic Act 9225
Ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.
Saligang Batas 1987
Alinsunod - - ng Saligang Batas, ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay maaaring mawala ngunit ito ay maaaring maibalik
Seksyon 3
Ayon din sa - - - , ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa.
Seksyon 4 ng Saligang batas ng 1987
Sya ay nagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan
dual citizenship