Araling Panlipunan 4th Quarter
Pamilyang Pilipino
- Close Family Ties - Ekstended - Karamihan ay Kristyano pero may mga Muslim din - Monogamy at Polygamy - Egalitarian
Pamilyang Hapones
- Kinikilalang may mahalagang papel na ginagampanan sa kanilang panlipunan, pangkabuhayan at pangkultural na aspeto ng pamumuhay sa lipunan - Nukleyar - Monogamy - Patriarchal
Pamilyang Indian
- Malaki ang impluwensya ng relihiyong Hinduismo - Ekstended - Monogamy - Patriarchal
Pamilyang Tsino
- Naimpluwensya sa turo ng pilosopong si Confucius - Ekstended - Monogamy - Patriarchal/Egalitarian
Malaysia, Thailand, Indonesia, Singapore, Pilipinas
Ang ASEAN ay itinatag noong Agosto 1967 ng _________, ___________, at ng mga republika ng ___________, ____________ at ___________.
Agosto 1967
Ang ASEAN ay itinatag noong __________ ng Malaysia, Thailand, at ng mga republika ng Indonesia, Singapore at Pilipinas.
Matadhanain
Ang Asyano ay matadhanain at naniniwala na ang indibidwal ay iniimpluwensyahan ng nakahihigit na mga pwersa. Ang kanyang kalayaan sa pagpili ay nalilimitahan ng pamilya, lipunan, kaugalian, kalikasan o relihiyon.
1984
Ang Brunei ay sumapi sa alyansa nang makuha nito ang kasarinlan mula sa Britanya noong _______.
1999
Ang Cambodia naman ay naging kasapi noong _______.
1973, 1992
Ang Ecuador na sumapi noong _________ ay lumisan noong _______.
1975, 1995
Ang Gabon na sumapi noong _____ ay tumigil sa pagiging miyembro noong ______.
1997
Ang Laos at Myanmar ay sumali noong _________.
Agosto 21, 1969
Ang OIC ay itinatag sa Rabat, Morocco noong Setyembre 25, 1969 bilang reaksyon sa panununog sa moske ng Al-Aqsa noong ______________.
Al-Aqsa
Ang OIC ay itinatag sa Rabat, Morocco noong Setyembre 25, 1969 bilang reaksyon sa panununog sa moske ng ___________ noong Agosto 21, 1969.
Setyembre 25, 1969
Ang OIC ay itinatag sa Rabat, Morocco noong ________________.
Rabat, Morocco
Ang OIC ay itinatag sa ______________ noong Setyembre 25, 1969.
1960
Ang OPEC ay naitatag noong ________.
kasal
Ang ______ ang nagpapatibay sa pagsasama ng mag-asawa at tinatanggap na pamamaraan sa pagbuo ng pamilya.
OIC
Ang ______ ay dedikado na pagsilbihan ang interes ng humigit-kumulang sa 1.4 na bilyong Muslim sa buong mundo.
Laos, Myanmar
Ang ________ at ___________ ay sumali noong 1997.
Brunei, Britanya
Ang _________ ay sumapi sa alyansa nang makuha nito ang kasarinlan mula sa __________ noong 1984.
Gabon
Ang _________ na sumapi noong 1975 ay tumigil sa pagiging miyembro noong 1995.
Emir
Ang ___________ ay titulong ipinagkaloob sa isang mataas na opisyal-militar at gobernador ng probinsya na may kapangyarihang administratibo at pinansyal. Karaniwang matatagpuan ang emirato sa mga Islamikong bansa.
Ecuador
Ang ____________ na sumapi noong 1973 ay lumisan noong 1992.
pagpapakasal
Ang _____________ ay isang mahalagang elemento ng pagpapamilya. Sa maraming lipunan sa mundo, itinuturing na ang ________________ ay pangunahing hakbang sa pagtatatag ng isang pamilya.
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
Ang ______________ ay isang alyansang rehiyonal ng sampung malalayang bansa na nagsusulong sa katatagan at pag-unlad ng ekonomiya sa Timog Silangang Asya. Ang organisasyon ay naghihikayat sa mga kasapi na magkaroon ng palitan ng kultura.
Cambodia
Ang ______________ naman ay naging kasapi noong 1999.
Organization of the Islamic Conference (OIC)
Ang ___________________ ay isang organisasyon ng mga bansa na may permanenteng delegasyon sa United Nations.
Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC)
Ang _______________________ ay isang internasyonal na organisasyon. na may pangunahing layunin na pangasiwaan ang mga polisiya hinggil sa krudo at langis ng mga kasaping estado.
Sheikh Hasina Wajed
Ang dating punong ministro ng Bangladesh na nakipaglaban upang makamtan ng Bangladesh ang demokrasya. Dahil dito ay maka ilang ulit siyang nabilanggo sa kanyang tahanan. Matapos niyang pamunuan ang kampanyang aktibİsmo ng ligang Awami at ang mga protesta laban kay punong ministro Khaleda Zia, nahalal siyang punong ministro ng Bangladesh nang magbitiw si Zia noong 1996. Ang pangunahing tagumpay niya ay nang magawa niyang maging sagana sa pagkain ang Bangladesh mula sa pagiging bansang kulang sa pagkain.
Mahathir bin Mohammad
Ang dating punong ministro ng Malaysia na naging aktibo sa pandaigdigang pulitika at sa mga porum ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Asia Pacific Economic Cooperation (APEC). Madalas siyang naninindigan at nagsasalita pabor sa non-alignment at pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga tipikal na mahihirap na bansa sa katimugan.
Lee Kuan Yew
Ang dating punong ministro ng Singapore na isa sa mga miyembro ng delegasyong naghikayat sa Britanya upang mabigyan ng kasarinlan ang Singapore. Sa kanyang pamumuno, umunlad ang Singapore at naging sentro ng pandaigdigang pangangalakal sa Asya.
Mabuting pagtanggap o kagandahang-loob sa mga bisita
Ang kagandahang-loob sa mga bisita ay ang pinakatampok at hinahangaang kaugalian ng mga Asyano. Kahit na anong aba ng kanilang mga kalagayan, ang mga Asyano ay naglilingkod at mapagpalayaw sa kanilang mga bisita.
Pagbabago sa kalagayang pangkabuhayan
Ang kalagayang pangkabuhayan ay may malaking impluwensya sa pagbabagong nagaganap sa pamilya. Bagama't may kaunlarang nagaganap sa daigdig, mistulang hindi pantay ang pag-unlad na ito kaya't maraming lipunan sa Asya ang nananatiling naghihikahos at nangangailangan ng pag-unlad. Ang kahirapan at nagbabagong anyo ng ekonorniya ay lubhang nakakaapekto sa pamilya.
Makiko Tanaka
Ang kauna-unahang babaing ministrong panlabas ng Japan. Ang kanyang determinasyon at pagkakaroon ng malayang kaisipan ang naglunsad sa kanya bilang pinakatanyag na pulitiko sa Japan. Inakusahan siya ng katiwalian subalit ito ay napawalang bisa. Noong Nobyembre 2003 ay tumakbo siya bilang independiente at nahalal sa House of Common ng Japan.
Monarkiyang Absolut
Ang lahat ng kapangyarihan ay nasa pinuno.
Ariel Sharon
Ang lider ng Likud Party ng Israel. Isa siyang sundalo na may matibay na paninindigan sa isyu ng Palestine-lsrael at sa anumang nakikitang banta sa seguridad ng Israel. Siya ang nag-utos na okupahin at tirhan ng mga Israelita ang West Bank at Gaza Strip. Siya rin ang nag-utos sa pag-atake sa Palestine Liberation Organization (PLO) sa Lebanon.
Pamilya
Ang maraming __________, Malaki man o maliit, ang bumubuo sa isang lipunan, kaya't sinasabing ang pamilya ang pinakamaliit na samahan o institusyong panlipunan. Ang ____________ rin ang itinuturing na pinakapangunahing payak na institusyong panlipunan. Kapag sinasabing institusyon, ito ay tumutukoy sa mga tinatanggap na Sistema o pamamaraan ng pagtugon sa isang payak na pangangailangan o suliranin sa lipunan. Institusyon ito kapag napatunayan na ang pamamaraang ito ay tunay na epektibo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng nakararaming tao sa mahabang panahon.
Pagbabago sa katayuan ng kababaihan
Ang mga babae sa kasalukuyan ay unti-unti nang nakakapantay ng kalalakihan sa pagtingin at sa pagkakataong ibinibigay upang umunlad. Sa kasalukuyan, pantay ang ibinibigay ng lipunan at pamilya na pagkakataon upang makapag-aral at makapagpaunlad ng sariling kalagayan ang mga babae at lalaki. Maraming gawain na dati-rati ay para sa mga lalaki lamang ang bukas na rin kababaihan. Kaya sa loob ng tahanan ay malaya nang nakikibahagi ang kababaihan sa mahahalagang pagpapasyang ginagawa.
Pamilyang Nukleyar at Pamilyang Ekstended
Ang pamilya ay may iba't ibang anyo batay sa mga kasapi na bumubuo rito. May dalawang anyo ito:
Wan Azizah Wan Ismail
Asawa ni Anwar Ibrahim, na ipinakulong ng punong ministrong Mahathir Mohammad sa akusasyong katiwalian at sodomiya na tinitingnan ng nakararaming Malay na isang paraan upang mawalan si Mahathir ng kalaban sa pulitika. Dahil dito, naglunsad si __________ ng malawakang kampanya upang ibalik ang katarungan at hustisya, at baguhin ang lipunan ng Malaysia. Sa maraming Malay, si _________ ay simbolo ng lakas ng kalooban, moralidad at katatagan
Pagbabago sa anyo ng pamilya
Bunga ng makabagong-pananaw sa pamumuhay at sa pagkakaroon ng mas matatag na pagkakakitaan at hanapbuhay, ang mga pamilyang Asyano ay nagbabagong anyo. Ang pamilyang nukleyar ang mas nagiging karaniwang anyo ng pamilya maging sa syudad o sa kanayunan. Ito ay dahilan din ng pagbabago ng pananaw ng mga batang kasapi ng pamilya. Kinikilala nila ang kahalagahan ng pagiging malaya sa impluwensya ng pamilya, lalong-lalo na ang mga nakapagtapos ng pag-aaral. Nakikita rin ito sa impluwensya ng mga pamilya sa mga bansang kanluranin. Bagama't sa gitna ng ganitong pagbabago ay nananatiling nagkakabuklod- buklod ang mga pamilyang Asyano bunga na rin ng kanilang paniniwala na dapat ay nagtutulungan ang mga kasapi ng pamilya sa ibang bagay.
Aung San Suu Kyi
Isang lider ng oposisyon at aktibista na nakikibaka sa gobyernong militar sa Myanmar at tumanggap ng Nobel Peace Prize noong 1991. Si _______ ay anak ng kinikilalang tagapagtatag ng Burma. Nangalap siya ng suporta sa pakikibaka ng kanyang bansa upang magkaroon ng demokrasya at paggalang sa karapatang pantao. Nanalo siya sa eleksyon noong Mayo 1990 kahit nakakulong. Subalit hindi kinilala ang resulta ng eleksyon ng rehimeng militar.
Vishwanath Pratap Singh
Isang pulitiko na nanindigan laban sa katiwalian sa India. Nang maging punong ministro ng India, sinubukan niyang magbalangkas ng pang-ekonomikong reporma at ayusin ang gusot at relasyon ng India sa Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh. Tumagal siya bilang punong ministro ng India sa Ioob lamang ng labing-isang buwan.
Parliyamentarya
Isang uri ng gobyerno na kung saan ang ehekutibo at lehislatibong kapangyarihan ay pinagsama. Ang mga mamamayan ay pumipili ng kanilang representante at ang mga representante ang pipili naman ng pinuno ng bansa. Hindi direktang hinahalal ng mga mamamayan ang pinuno ng bansa na kalimitang tinatawag na punong ministro. Wala ring takdang termino ang panunungkulan ng punong ministro. Maaari siyang palitan anumang oras na naisin ng mayoridad.
57
Ito ay binubuo ng ______ na karamihan ay Islamikong bansa sa gitnang silangan, hilaga at kanlurang Africa, Gitnang Asya, Timog Silangang Asya, at ang subkontinente ng India (maliban sa Albania, Guyana at Suriname).
Republika
Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nananahan sa mga taong may direkta o di-direktang karapatang pumili o bumoto ng mga representante na hahawak ng pamunuan sa limitadong panahon. Ang __________ ay maaaring isang demokrasya o hindi depende sa kwalipikasyon ng pagboto o antas at ang pagkakaroon ng alternatibong prosesong elektoral. Sa isang ____________, ang tao ang makapangyarihan. Ang mga namumuno sa pamahalaan ay itinuturing lamang na mga kinatawan ng mga taong naghalal sa kanila sa posisyon
Monarkiya
Ito ay pinamumunuan ng isang lider na nagmula sa lahi ng mga dugong bughaw. Ang sistemang pulitikal kung saan ang isang indibidwal ang may soberenva na kalimitan ay panghabangbuhay. Ito ang itinuturing na pinakamatandang uri ng pamamahala. Kaiba sa walang limitasyong kapangyarihan ng _____________, ang konstitusyonal na monarkiya ay sumusunod sa probisyon ng konstitusyon at sa panukala o kilos ng lehislatura.
Espiritwalidad, matadhanain, pagkamatiisin, mabuting pagtanggap o kagandahang-loob sa mga bisita, mabuting relasyong pampamilya
Karamihan ng Asyano ay ipinanganak at lumaki na may namumukod tanging ugaling Asyano na talagang naiiba sa Kanluraning pag-uugali. Sa pangkalahatan, ang natatanging mga ugaling Asyano ay ang mga sumusunod:
Espiritwalidad
Karamihan ng Asyano ay may malalim na espiritwalidad, at hindi materyalistiko o nababahala sa pisikal o pinansyal na mga bagay-bagay. Ang panloob o espiritwal na kalinisan ay higit na mahalaga sa Asyano kaysa paniabas na kalinisan o pag-aari.
Begum Khaleda Zia
Kilala si _________ bilang unang babaing punong ministro ng Bangladesh. Siya rin ang kasalukuyang punong ministro ng Bangladesh. Sa kanyang unang termino bilang punong ministro, isinapribado niya ang mga industriya at pinagbuti ang sistema ng edukasyon sa kanyang bansa. Pinalawak niya rin ang oportunidad pang-ekonomiya ng kababaihan. Matapos niyang manalo ng ikalawang termino noong 1996, bumaba siya sa pwesto pagkaraan lamang ng isang buwan. Noong 2001, nakabalik si __________ sa kapangyarihan at kasalukuyang nanunungkulan bilang punong ministro ng Bangladesh. Ipinangako niya na aalisin ang katiwalian sa gobyerno at lalabanan ang terorismo.
Indira Gandhi
Kilalang lider ng India na nanungkulan ng apat na termino bilang punong ministro. Sinuportahan niya ang pagkalas ng Silangang Bengal sa Pakistan. Nagpatupad din siya ng mga tanyag na polisiya tulad ng pagkontrol ng populasyon at malawakang sterilization sa India. Inutos nya ang pag-atake sa Golden Temple ng Amristar upang balaan ang mga Sikh sa kanilang planong pagkalas sa India. Dahil dito, gumanti ang mga Sikh at pinaslang siya sa kanyang hardin ng mga gwardiyang Sikh pagkaraan ng limang buwan.
Pagtaas ng pandarayuhan
Maraming miyembro ng pamilya ang napipilitang mandayuhan bunga na rin ng pangangailangan sa trabaho at mas malaking kita. Ang mga magulang o anak ay napipilitang magtrabaho sa iba pang lugar na nagiging dahilan ng paghihiwalay ng pamilya. Ang palipat-lipat na gawain ng pamilya ay nagdudulot ng mga suliranin lalong-lalo na sa mga pamilyang naiiwan ang isa lamang sa magulang upang mag-aruga sa mga anak.
dalawang
May _______________ bansang sumapi subalit kalauna'y tumiwalag din.
Patrilineyal
May anyo rin ng pamilya batay sa kung sino naman ang kinikilalang kamag-anak. Mayroong pamilya na ang kinikilala lamang na angkan o kamag-anakan ay iyong mga kaanak sa bahagi ng ama. Ito ay tinatawag na pamilyang ____________.
Pederal
May awtonomiya ang pamahalaang lokal mula sa pamahalaang pambansa/nasyonal.
Monarkiyang Absolut, Monarkiyang Konstitusyonal
May dalawang uri ng monarkiya:
Monarkiyang Konstitusyonal
May limitadong kapangyarihan ang pinuno.
Monogamy
May mga lipunan na naniniwala na dapat ay isa lamang ang asawa kaya't ang sistema ng kasal ay tinatawag na _____________.
Matrilineyal
Mayroon naman na ang kinikilalang kamag-anak lamang ay iyong mga kaanak ng ina, kaya't tinatawag naman itong _____________.
Polygamy
Mayroon namang mga lipunan na pinahihintulutan ang pag-aasawa nang mahigit sa isa, kaya't tinatawag itong ____________.
Pagbabago sa anyo ng pamilya, pagbabago sa katayuan ng kababaihan, pagbabago sa kalagayang pangkabuhayan, pagtaas ng pandarayuhan
Mga Pagbabago at Hamon sa Pamilyang Asyano:
Algeria, Indonesia, Iran, Iraq, Kuwait, Libya, Nigeria, Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Venezuela
Naitatag noong 1960, ang OPEC at ang 11 kasapi:
Pagkamatiisin
Panatag na tinatanggap ng mga Asyano ang kamatayan, hapdi, sakit at kasawian. Dahil sa pagkalantad sa maraming likas na mga kalamidad at panlipunang kaguluhan sa kasaysayan ng Asya, napasulong nila ang isang matiisin na saloobin sa buhay.
Sultan
Pinamumunuan ito ng isang ___________ o hari na kalimitan ay panghabangbuhay. Naipapamana rin ang kapangyarihan sa kaanak ng sultan. Kahalintulad nito ang monarkiya.
Matriarchal
Sa anyong _____________ naman, babae ang kinikilalang may kapangyarihang magpasya at mamuno sa tahanan. Ang ina o sinumang pinakamatandang babae ang may ganap na kapangyarihan sa tahanan.
Patriarchal
Sa anyong ______________, ang ama o pinakamatandang lalaki ang kinikilalang pinakamakapangyatihan o pinuno ng pamIlya. Mayroon siyang awtoridad na magpasunod ng mga kapasyahan sa loob ng pamIlya. Siya ang kinikilalang may pagpapasya sa mga bagay na nakakaapekto sa mga kasapi ng pamilya tulad ng may kinalaman sa pamumuhay, pag-aaral, pag-aasawa at pagtatakda ng mga ari-arian para sa mga anak. Sa mga pamilyang patriarchal ang balangkas ng pamilya, hindi nabibigyan ng kapangyarihan ang kababaihan na magpasya, kaya 't sumusunod lamang ito sa desisyon ng punong lalaki o asawa.
Bilateral
Sa ating lipunan, pareho nating kinikilala na kaanak ang mga kamag-anak sa ina at ama, kaya't tinatawag natin itong pamilyang _____________.
Patriarchal, matriarchal, egalitarian
Sa isang pamilya, ang kapangyarihan ay nakaatang sa iba't ibang kasapI. Batay rito, maaring uriin ang pamIlya na _________________, ______________ o ______________.
Diktadurya
Sa isang sistemang ______________, iisang tao ang namumuno. Karaniwang gumagamit ito ng dahas at pamimilit
Egalitarian
Sa kasalukuyan, ang karaniwang anyo ng pamilya ay _____________. Ito ay anyo ng pamIlya kung saan ang pamumuno at pagpapasya sa pamilya ay nakaatang sa kapwa lalaki at babae. Sa anyong Ito, ang mag-asawa ay magkahati sa kapangyarihan. Sa balangkas na ito, magkatuwang na gumagawa ng desisyon sa pamilya ang mag-asawa at pantay silang may kapangyarihan sa pamamahala at pagpapalakad ng pamilya. Kadalasan nagtutulungan sila maging sa paghahanapbuhay at pagtustos sa pangangailangan ng mga anak. Iginagalang at sinusunod ng mga anak ang kanilang nakatatandang kamag-anak at inaalagaan sa kanilang pagtanda. Ang mga kaibigan ay itinuturing na tila kapatid
Ang pamilya ay yunit ng reproduksyon
Sa pamilya lehitimong isinisilang ang isang bagong kasapi ng lipunan sa pamamagitan ng pagpapakasal o tinatanggap na paraan ng pagsasama ng dalawang (o higit pa sa iba ng lipunan) kasapi. Dahil ang bata ay nangangailangan ng pag-aaruga sa simula ng kanyang pagsilang, ito ay ginagampanan ng mga miyembro ng pamilya lalong-lalo na ng ina at ama.
Presidente
Sa republika, ang pinuno ng estado ay tinatawag na ______________ at ang kanyang pamumuno ay hindi namana o maipamamana sa kanyang mga kaanak
Sosyalismo
Sa sistemang ito, ang isa sa pundamental na layunin ng pamahalaan ay ang pagkontrol sa ekonomiya.
Sultanato
Sa sistemang ito, hawak ng sultan ang buong kapangyarihan. Isang uri ng gobyerno na karaniwang matatagpuan sa mga Islamikong bansa.
Komunismo
Sa sistemang ito, walang indibidwal ang may pag-aari; ang lahat ay pag-aari ng bansa. ito ay karaniwang kumikilos sa prinsipyong "From each according to his abilities, and to each according to his needs. " Isang uri ito ng gobyerno na pinamumunuan ng partidong komunista. Karaniwang ang estado ang nagmamay-ari ng industriya at ang partido ang pumipili ng lider ng bansa. Naglalayon ang gobyernong ito na maalis ang di-pagkapantay-pantay ng. mamamayan dahil sa pribadong pag-aari.
Unitaryo
Saklaw ng pamahalaang pambansa/nasyonal ang pamahalaang lokal.
1992
Samantalang ang Vietnam na kauna-unahang komunistang kasaping bansa ay tinanggap bilang miyembro noong _________.
Vietnam
Samantalang ang __________ na kauna-unahang komunistang kasaping bansa ay tinanggap bilang miyembro noong 1992.
nukleyar
Sinasabing _________ ang anyo ng pamilya kung ito ay binubuo lamang ng mga magulang (ina at ama) at mga anak.
Megawati Sukarnoputri
Siya ang dating pangulo ng Indonesia na anak ni Heneral Sukarno, ang kinikilalang tagapagtatag ng Indonesia. Nabigyan niya ng kaunting katatagan ang pulitika sa Indonesia, at nagkaroon ng limitadong tagumpay laban sa panloob na sigalot, problemang pang-ekonomiya at terorismo.
Sirimavo Bandaranaike
Siya ang kauna-unahang babaing naging punong ministro sa mundo. Nilimitahan ng kanyang gobyerno ang malayang pangangalakal, isinapubliko ang mga industriya, nagpatupad ng reporma sa lupa at naglatag ng bagong konstitusyon na nagproklama sa Ceylon bilang isang republika na pinangalanang Sri Lanka.
Ang pamilya ay yunit ng reproduksyon, ang pamilya ay yunit ng sosyalisasyon, ang pamilya ay yunit ng produksyon
Ang pamilya, bilang batayang yunit ng lipunan, ay isa sa pangunahing institusyong naitatag sa lipunan. Ang pamilya ay ang institusyong panlipunan na binubuo ng ama, ina, mga anak, at iba pang kasapi na magkakaugnay bunga ng seremonya ng kasal o ugnayang batay sa dugo o kamag-anakan. Sinasabing batayang yunit ito ng lipunan sapagkat ito ay kinabibilangan ng mga tao na bubuo sa isang lipunan. Ang pamilya ang kauna-unahang institusyong panlipunang naitatag. Sinasabing institusyon ang pamilya dahil sa mga tinatanggap na sistema at pamamaraan sa loob ng pamilya na sinusunod ng mga kasapi nito. Noong unang panahon at hanggang sa kasalukuyan, maraming pangangailangan sa lipunan na ang pamilya lamang ang nakatutugon. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod:
ekstended
Ang pamilyang _____________ naman ay ang anyp ng pamilya na binubuo hindi lamang ng ama, ina at anak kundi ng iba pang kaanak tulad ng lola, lolo, o mga kapatid ng mga magulang.
5, 505, 810
Ang pinagsamang GDP ng OIC ay umaabot sa __,____,_____ milyong dolyares.
Yasir Arafat
Ang pinuno ng Palestine Liberalion Organization (PLO) mula 1969 hanggang 2004. Si _________ ay namuno sa mga Palestinong isulong ang pagiging estado ng Palestine. Dahil sa kanyang paghahanap ng kapayapaan sa pagitan ng Palestine at Israel, ginawaran siya ng 1994 Nobel Peace Prize kasama ang mga lider ng Israel na sina Yitzhak Rabin at Shimon Peres.
Pangulo
Ang pinuno ng buong estado ay ang ___________ (Presidensyal)
Presidensyal
Ang pinuno ng buong estado ay ang pangulo.
Vienne, Austria
Ang punong tanggapan ng OPEC ay matatagpuan sa ____________.
Mabuting relasyong pampamilya
Ang relasyong pampamilya ay nangangahulugan ng matibay na pagbubuklod ng pag-ibig at kamag-anakan ng pamilyang Asyano. Hindi nakapagtataka na makakita ang maraming salinlahi na naninirahan nang sama-sama sa ilalim ng isang bubong. Ang mga kayamanan ay iniipon, at ang pagtulong sa mga dukhang kamag-anak ay tungkulin ng isang mariwasang Asyano. Malapit at mapagmahal na turingan ang umiiral sa pagitan ng mga magulang at anak. Iginagalang at sinusunod ng mga anak ang kanilang nakatatandang kamag-anak at inaalagaan sila sa kanilang pagtanda. Ang mga kaibigan ay itinuturing na tila kapatid.
Ang pamilya ay yunit ng produksyon
Ang salitang produksyon ay tumutukoy sa paraan ng paglikha ng mga bagay at serbisyo na kailangan ng mga tao sa lipunan upang mabuhay. Noong unang panahon, nang wala pang mga pabrika, sa pamilya nililikha ang mga produkto at ito rin ang namamahagi ng mga materyal sa pangangailangan ng mga tao. Sa kasalukuyan, ang tungkulin ng produksyon ay nasa kamay na ng ekonomiya. Subalit patuloy ang pamilya na gumaganap ng tungkuling pang-ekonomiya.
Jakarta, Indonesia
Ang sentrong tanggapan ng ASEAN na namamahala sa mga gawain ng organisasyon ay matatagpuan sa ________________.
Emirato
Ang sistemang ito ay pinamumunuan ng isang emir, prinsesa o prinsipe mula sa lahi ni Mohammad.
Ang pamilya ay yunit ng sosyalisasyon
Ang sosyalisasyon ay tumutukoy sa paraan ng pagtuturo sa kasapi ng lipunan ng mga wastong pagkilos at pag-uugali sa lipunan. Sa pamilya nahuhubog ang tamang asal ng isang bata hanggang sa siya ay lumaki at maging mabuting kasapi ng lipunan
Corazon Aquino
Ang unang babaing presidente ng Pilipinas na asawa ng pinaslang na lider ng oposisyon sa rehimeng Marcos. Matapos mapaslang ang kanyang asawa ay naging aktibo sa pulitika si _____---. Nilabanan niya si Marcos nang magpatawag ito ng snap elections noong 1986. Inakusahan niya ang gobyerno ng pandaraya sa eleksyon at namuno sa di-marahas na people power na nagpatalsik kay Marcos. Bilang pangulo, naging instrumental ang kanyang popularidad upang magkaroon ng suporta galing sa ibang bansa at makapagtatag ng bagong gobyerno. Ginawa rin ang 1987 Konstitusyon ng Pilipinas noong kanyang termino subalit nabigo siyang magsagawa ng mga pundamental na pagbabago sa ekonomiko at sosyal na larangan dahil sa maraming problema at kudeta na naganap noong kanyang pamunuan.