Araling Panlipunan
Tatlong Kategorya Ng Legal Rights
- Civil Rights - Political Rights - Economic Rights
Citizen Retention and Reacquisition Act of 2003 (RA 9225)
- batas na nagdedeklara na Ang mga natural - born citizen Ng Pilipinas na sumumpa Ng pagkamamamayan sa ibang bansa sa pamamagitan Ng naturalisasyon ay Hindi nawawala Ang kanilang pagkamamamayang part pilipino at maituturing muling maging mamamayang pilipino - Ang batas na ito at naging epektibo noong Sept. 17, 2003 at karaniwang tinatawag din na Dual Citizenship Act. -ayon in batas na ito ang pag|chmamamayang Pilipino ay mordning muling makamit in pamamagitan ng pagsasailalim sa oath of allegiance. Hindi ito nangangailangan ng pagpapa- walang bisa ng isang indibidwal ng kanyang panunumpa ng pagkamamamayan sa ibang bansa. Siya ay maaaring magkaroon ng dual citizenship.
Jus Solo ( Right of Soil )
- ito ay isang prinsipyong nagsasaad na ang pagkamamamayan ay maaaring nakabatay sa Iugar ng kanyang kapanganakan
Human Rights
- karapatang tinataglay ng isang tao batay sa kadahilanan at katotohanang siya ay tao - "pinakamataas na anyo ng karapatang moral"
Legal Rights
- man karapatang kinikilala at pinaiiral ng estado. Anuman. ang paglabag dito ay pinarusahan sa batas. - pantay na ibinabahagi sa lahat ng mamamayan ng estado
2 katayuan
- pinili by choice (batay sa proseso ng RA 9225) - batay sa kapanganakan o by birth (natural na ipinanganak na Pilipino (dahil sa kanyang myn magulang) at hindi na kailangan na sumailalim sa anumang proseso upang maging Pilipino)
Natural Rights
-Ang likas na karapatan ay bahagi ng pagiging likas Ng sangkatauhan - naniniwala ang ilan na may karapatang ibinigay ang Kalikasan sa sangkatauhan bago pa man sila maging bahagi Ng lipunan - Hindi ito nakabatay in pwersa ng batas bagkus ito ay produkto ng pagiging mabuting tao at pampublikong opinyon
Uri ng Karapatang Pantao
-karapatang sibil -karapatang politikal -karapatang Panlipunan -karapatang pangkabuhayan -karapatang kultural
Jus Sanguinis o "Right of Blood"
-legal na prinsipyong nagsa saad na sa kanyang kapangana- kan ay nakukuha ng isang indibidwal ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang o isa man sa kanila - ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas
citizenship
-tumutukoy sa pagiging kasapi o miyembro ng isang indibidwal sa isang estado o bansa. -ugnayan ng isang indibidwal at ng estado *Tinatawag na pilipino Ang mga mamamayan ng Pilipinas ngunit Hindi lahat ng nasa Pilipinas ay pilipino
Additional terminologists to remember
...
MGA PANGUNAHING KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO
...
Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
1. Ang isang indibidwal ay sumailalim sa proseso my naturalisasyon ng pagkamamamayan sa ibang bansa at ipinawalang - bisa ang kanyang pagkamamamayang Pilipino. 2. Sundalong tumakas sa hukbong sandatahan ng Pilipinas sa panahon ng digmaan. 3. Pagkawala ng bisa ng naturalisasyon ng pagka- mamamayang Pilipino.
~ Pagkamit ng Pagkamamamayan sa Pilipinas ~
1. Filipino by birth o yaong mga ipinanganak na Pilipino.
MGA PANGUNAHING ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
1. Genocide killing o pagpatay sa lahi 2. Rape o pananamantalang seksuwal 3. Force Sterilization 4. Sapilitang pagpapasailalim sa isang indibidwal na maging bahagi Ng eksperimento 5. Pag-aalipin, pagtotorture, human trafficking 6. honor killings 7. female infanticide o pagkitil sa buhay Ng sanggol 8. pananadyang panggugutom 9. pagdalip sa indibidwal o pangkat nang Hindi dumaraan sa Tama at legal na proseso 10. extrajudicial Killing
Dalawang Aspekto Ng Pagkamamamayan
1. Karapatang Nakabatay sa pagkamamamayan (citizenship rights) - sumasaklaw sa taglay na kalayaan ng isang indibidwal. gayundin ang kanyang karapatang politikal, sibil, panlipunan at pang-ekonomiko 2. aktibong pagkamamamayan - gawaing nauugnay sa pagkilos at pagganap ng isang indibidwal sa kanyang tungkulin bilang mamamayang nagtataglay. ng mga karapatan at kalayaan.
MGA URI ng KARAPATAN ayon sa UDHR
1. Natural Rights 2. Legal Rights
MGA PAMAMARAAN NG PAGKAMIT AT PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Ang Pagkamamamayan ay bahagi Ng pagkakakilanlan Ng indibidwal (Grolier's New Book of Knowledge)
universal
Ang karapatan ay likas na pangkalahatan at walang anumang pagtatanggi
irrevocable
Ang karapatang pantao ay hindi maaaring- ipagkait Ng isang puwersa o awtoridad dahil ang mga Karapatang ito ay nagmumula sa pagiging tao.
Limited
Ang karapatang pantao ay may limitasyon upang Hindi malabag Ang karapatang pantao Ng iba
1987 Philippine Constitution, Article IV, Section 1
Ang mga sumusunod ng maituturing na mamamayan ng Pilipinas: 1.Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang batas; 2. Yaong ang ama o ina ay mga mamamayan ng Pilipinas; 3. Yaong mga isinilang bago sumapit ang enero 17, 1973, may Pilipinong ina na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng kanilang karapatang gulang: at 4. Yaong mga naging mamamayan ng Pilipinas na sumailalim sa proseso Ng naturalisasyon
Humane
Ang pagturing sa kapwa nang may dignidad Anuman ang kanyang katayuan ay nangangahulugan Ng pagiging makatao at pagkilala sa dignidad
KAHULUGAN at mga URI ng KARAPATAN
Ayon sa Universal Declaration of Human Rights ( UDHR ), Ang karapatan ay Mahalagang salik na bumubuo sa buhay Panlipunan Ng bawat indibidwal
iba pang paraan sa pagkamit ng Pagkamamamayan sa Pilipinas
Filipino by Naturalization o yaong mga naging pilipino sa pamamagitan Ng naturalisasyon
karapatang politikal
Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan. (Mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sareferendum at plebisito.)
karapatang sibil
Karapatan ng tao na mamuhay ng malaya at mapayapa. Ilan sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang karapatang mabuhay, pumili ng lugar kung saan siya ay maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay.
karapatang pangkabuhayan
Karapatan ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
ECONOMIC RIGHTS
Karapatang nagbibigay ng pang-ekonomiyang seguridad sa mamamayan
Karapatang kultural
Mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
karapatang Panlipunan
Mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan.
naturalisasyon
ay isang hudisyal na paraan ng pagkuha Ng isang banyaga ng pagkamamamayang Pilipino at pagbibigay sa kanya Ng mga pribilehiyong katulad ng taglay ng isang likas na Pilipino.
Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
isang dokumenting nagsasaad ng pundamental na karapatang pantao na nararapat na kilalanin at pangalagaan Ng lahat ng mga bansa
Limits to State Power
itinatakda Ang karapatang pantao upang maiwasan Ang anumang pang-aabuso Ng estado sa kapangyarihan lalong-lalo na sa usapin Ng pagtataguyod ng Karapatan at kalayaan ng mamamayan
konsepto Ng Dual Citizenship
ito ay pagkakaroon ng isang indibidwal ng dalawang citizenship bilang resulta ng interaksiyon Ng mga batas sa pagitan ng dalawang bansa.
essential
kailangan ang karapatang pantao upang mapanatili ang moral, pisikal, sosyal at espiritwal na kabutihan ng bawat indibidwal
CIVIL RIGHTS
karapatang tumutukoy sa mga karapatang nagbibigay ng pagkakataon sa mamamayan na magkaroon Ng maayos na buhay sa lipunan.
Bill of Rights
listahan ng mga karapatan at kalayaan ng bawat Pilipino. Nakasasaad ito Artikulo III ng ating saligang batas
International Human Rights Law
naglalatag ng mga obligasyon Ng lahat ng pamahalaan sa pantataguyod, pagkilala at pangangalaga sa Karapatan at kalayaan ng lahat ng mamamayan
dynamic
patuloy na lumalawak at dumarami Ang karapatang pantao sa paglipas Ng panahon
inalienable
taglay ng isang indibidwal anuman ang Kanyang katayuan kalagayan at sektor ng lipunan. Taglay ito ng isang tao hanggang kamatayan.
POLITICAL RIGHTS
tumutukoy sa karapatan ng mamamayang makilahok at maging bahagi ng mga prosesong pampolitika...
Active citizenship
tumutukoy sa mga mamamayang nakikibahagi sa malawak na usapin at gawain na naglalayong maitaguyod at sumusuporta sa demokrasya - pagboboluntaryo, pagkakawanggawa - pagsunod sa batas - paghahain Ng mga adbokasiya - pakikibahagi sa mga usapin at gawaing politikal. * tumutukoy rin sa partisipasyong nakabatay in pagkilala at pagrespeto sa iba at mga pagkilos na naaayon sa prinsipyo ng demokrasya at nagtataguyod ng karapatang pantao.
karapatang pantao
► Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao. ► Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.