Araling Panlipunan (Ang Konsepto ng Demand)
Substitution at income effect
2 konseptong nagpapaliwanag sa magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded
Kurbang pababa o downward sloping curve
Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.
Intercept (a)
Bilang ng Qd kung ang presyo ay zero
Quantity demanded (Qd)
Dependent variable
Inferior goods
Dumadami ang demand sa mga produktong ito kapag bumaba ang kita ng isang tao.
Normal goods
Dumadami ang demand sa mga produktong ito kapag tumaas ang kita ng isang tao.
Kita, panlasa, dami ng mamimili, presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo, inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
Iba pang salik na nakaaapekto sa demand maliban sa presyo
Presyo (P)
Independent variable
Substitution effect
Ipinahahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura.
Qd = a - bP
Isang paraan ng pagpapakita ng demand function ay ss equation na __________.
Demand schedule
Isang talaan na nagpapakita sa dami ng kaya at gustong bilhin ng mamimili sa iba't-ibang presyo.
Batas ng demand
Isinasaad na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo at quantity demanded ng isang produkto.
Demand curve
Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Produktong pamalit
Ito ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo. Kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand ng isang produkto, masasabing ang mga produktong ito ay pamalit sa isa't-isa.
Produktong komplementaryo
Ito ay mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang complement nito.
Income effect
Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.
Panlasa
Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito.
Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang particular na produkto sa susunod na araw o lingo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito.
Dami ng mamimili
Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat kang bumili. Kapag ang isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na nagdudulot ng pagtaas ng demand.
Paglipat ng demand curve sa kaliwa
Mangyayari ito kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba ng demand.
Paglipat ng demand curve sa kanan
Mangyayari ito kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng demand.
Paggalaw ng demand curve
Mangyayari ito kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto.
Demand function
Matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Ceteris paribus
Nangangahulugang ipinapagpalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nakaaapekto rito.
Slope (b)
Pagbabago sa Qd sa bawat pisong pagbabago sa P
Kita
Sa pagtaas ng salik na ito, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto. Gayundin naman, sa pagbaba, ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan.
Demand schedule, demand curve, demand function
Tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand
Demand
Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba't-ibang presyo sa isang takdang panahon.
Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo
· Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa isa't-isa.