Filipino Q2 Quiz 1
Inuulit
Ang pangngalang nasa kayariang ito ay may bahaging inuulit
Maylapi
Binubuo ito ng salitang-ugat at isa o higit pang panlaping makangalan
Payak
Ito ay mga pangngalang binubuo ng isang salitang-ugat lamang. Wala itong kasamang panlapi, at wala rin itong bahaging inuulit.
Pambalana
Ito ay pangkalahatang pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari at iba pang pangngalan
Tambalan
Ito ay pangngalang binubuo ng dalawang salitang-ugat
Pantangi
Ito ay tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari at iba pang pangngalan.
Panghalip na pananong
ang mga panghalip na panghalili sa ngalan ng tao, bagay, atbp., na ginagamit sa pagtatanong.
Panghalip na panaklaw
ang tawag sa mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng tinutukoy
Pangngalan
ay bahagi ng pananalita. Sa pansemantika at balarilang tradisyunal na pagpapakahulugan, ito'y tumutukoy sa ngalan ng tao, lugar, bagay, hayop, pangyayari, at iba pa.
Parilala
ay lipon o grupo ng mga salita na hindi nagsisimula sa malaking titik, walang bantas at hindi kumpleto ang diwa.
Sugnay
ay pangkat ng mga salita na may simuno at panaguri at maaato ay nagpapahayag ng kumpleto o hindi kumpletong kaisipan.
Pangungusap
ay salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.
Di-palansak
ay tumutukoy sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa.
Palansak
ay tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
Isahan
gumagamit ng panandang ang, ng, sa, si, ni, kay at pamilang na isa.
Maramihan
gumagamit ng panandang mga, sina, kina, nina, marami at ilan. Ginagamit din ang mga pamilang na higit sa dalawa at paggamit ng panlaping mag- na may pag-uulit sa unang pantig ng salita.
Dalawahan
gumagamit ng panlaping makangalan na mag- at pamilang na dalawa.
Pambabae
ito ang mga salita o pangngalang tumutukoy sa ngalan o titulong ikinakabit sa babae.
Panlalaki
ito ang mga salita o pangngalang tumutukoy sa ngalan o titulong ikinakabit sa lalaki.
Di-Tiyak
ito ang mga salitang walang katikayan sa kasarian.
Walang Kasarian
ito ay mga pangngalang tumutukoy sa mga bagay na walang buhay at maaring lugar o pangyayari.
Basal /Abstrakto
kapag hindi materyal na bagay ang tinutukoy tulad ng diwa, kaisipan o damdamin.
Tahas/Kongkreto/konkreto
kapag mga materyal na bagay ang tinutukoy. Ito'y nahahawakan at nakikita.
Adjectival
klase ng penomenal na binubuo ng mga pang-uri na maaaring may kasamang adverbial o pang-abay.
Verbal
klase ng penomenal na binubuo ng pandiwa na maaaring may adverbial o pang-abay.
Panawag
maaaring tawaging "vocative" o iisang salita o panawag.
Pambating Panlipunan
magagalang na pananalita o ekspresyon na mahalaga sa pakikipagkapwa-tao.
Pakiusap
nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap.
Ka-Pandiwa
nagsasaad ito ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit itong may kasunod na "lang" o "lamang".
Padamdam
nagsasaad ng matinding damdamin ng tao.
Eksistensyal
nagsasasaad ng "pagkamayroon" o "pagkawala".
Temporal
nagsasasaad ng kalagayan o panahong panandalian, karaniwan na itong pang-abay na pamanahon.
Modal
nangangahulugan ito ng gusto, pwede, maaari, dapat o kailangan.
Panghalip na pamatlig
panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na itinuturo o inihimaton.
Pangahlip na panao
panghalip na panghalili sa ngalan ng tao.
Penomenal
tumutukoy sa mga pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan o pangyayari sa kalikasan o pangkapaligiran.
Sugnay na di-nakapag-iisa
uri ng sugnay na nagtataglay din ng paksa o simuno at panaguri subalit hindi kumpleto ang kaisipang ipinapahayag.
Sugnay na nakapag-iisa
uri ng sugnay na nagtataglay ng paksa o simuno at panaguri at nagpapahayag ng kumpletong kaisipan.