MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN

Réussis tes devoirs et examens dès maintenant avec Quizwiz!

Ang sumusunod ay ang mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligangbatas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa. A. mamamayan ng Pilipinas B. nakatapos ng hayskul C. labingwalong taong gulang pataas D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan

B. Nakatapos ng hayskul

Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangansa pamahalaan. A. Civil Society B. Grassroots Organizations C. Non-Governmental Organizations D. People's Organization

A. Civil society

Si Patrick ay nagdiwang ng kaniyang ikalabingwalong taong kaarawan. Bilang regalo sa kaniyang sarili, nagtungo siya sa tanggapan ng COMELEC (Commission on Elections) sa kanilang siyudad upang magpatala at makilahok sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa kanilang lugar. Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang kaniyang ginampanan? A. Magparehistro at bumoto B. Pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas C. Pakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan D. Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain

A. Magparehistro at bumoto

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong pagtatanggol sa karapatan pantaong patungkol sa isyung pang-ekonomiya? A. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng unyon upang mapangalagaan ang kanilang kondisyon sa trabaho. B. Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang makamit ang promosyon. C.Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng pagiging ligal ang paraan ng pagkuha ng trabaho. D.Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan

A. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng unyon upang mapangalagaan ang kanilang kondisyon sa trabaho.

Sino sa mga sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987? A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation. B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon. C. Si Edward na ang kaniyang mga magulang ay parehong mga Pilipino. D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.

A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.

Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan? A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad. B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay. C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi. D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.

B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.

Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad? A. Nabibigyan nang higit na kapangyarihan ang mamamayan upang tuwirang mangasiwa. B. Nagiging katuwang ng pamahalaan ang mamamayan upang makabuo ng mga karampatang solusyon sa hamon ng lipunan. C. Binibigyang-diin nito ang "elitist democracy" kung saan nagmumula ang pasya sa mga opisyal ng pamahalaan. D. Magkasamang binabalangkas ng pamahalaan at ng mamamayan ang badyet ng komunidad.

B. Nagiging katuwang ng pamahalaan ang mamamayan upang makabuo ng mga karampatang solusyon sa hamon ng lipunan.

Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal maliban sa isa. A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon. B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon. C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa. D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan.

B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng "kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan"? A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol B. Pag-anib sa mga people's organization tulad ng samahang Gabriela C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan

B. Pag-anib sa mga people's organization tulad ng samahang Gabriela

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan? A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan. B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan. D. Si Michael ay lumahok sa isang nongovernmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.

B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.

Ito ay uri ng boluntaryong organisasyon ng civil society na ang layunin ay tumulong sa mga programa ng mga grassroots organization. A. civil society B. non-governmental organization C. people's organization D. trade union

B. non-governmental organization

Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. 1.Magna Carta 2.First Geneva Convention 3.Cyrus' Cylinder 4.Universal Declaration of Human Rights A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234

C. 3214

Basahin ang sumusunod na mensahe: "Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country." Ano ang mensaheng nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy? A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin. B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan. C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pagunlad ng isang bansa. D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.

C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pagunlad ng isang bansa

Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bills of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987? A. Karapatan ng taumbayan bayan ang kalayaan sa pananampalataya. B. Karapatang ng taumbayan ang magtatag ng union o mga kapisanan. C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula. D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya

C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.

Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid? A. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa. B. Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng Saligang Batas. C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan. D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa

C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan.

Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa? A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin

Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang-Batas ng 1987 ng Pilipinas? A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mama-mayan ng Pilipinas C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino,

C. Yaong mga mamamaya n ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang SaligangBatas na ito

Batay sa Facilitator's Manual on Human Rights Education (2003), ano ang pinakamataas na antas ng kamalayan sa pagunawa at pagsakatuparan ng mga karapatang pantao ng mga mamamayan? A. kawalan ng pagkilos B. limitadong pagkukusa C. militance at pagkukusa D. pagpapaubaya at pagkakaila

C. militance at pagkukusa

Ano ang taglay ng isang bansang may mamamayang aktibo at malayang nagtatanggol sa kanilang karapatang pantao? A. Taglay ng bansang ito ang mamamayang may karahasan sa lipunan dahil sa pagiging aktibo sa lipunan. B. Taglay ng bansang ito ang mamamayang may hangaring kontrolin ang pamahalaan. C.Taglay ng bansang ito ang mamamayang may mataas na pagpapahalaga sa sarili at katarungang panlahat. D.Taglay ng bansang ito ang mamamayang patuloy na naghahangad na mahigitan ang karapatan ng pamaha-laang mangasiwa sa bansa.

C.Taglay ng bansang ito ang mamamayang may mataas na pagpapahalaga sa sarili at katarungang panlahat.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan? A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran. B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang mga isyung pangkapaligiran. C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutuhan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran. D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.

D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.

Anong Artikulo sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas nakapaloob ang mga batayan ng pagiging isang mamamayang Pilipino? A. Artikulo I B. Artikulo II C. Artikulo III D. Artikulo IV

D. Artikulo IV

Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto? A. Maaaring mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto. B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon. C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba't ibang kagamitan. D. Ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang ating mga interes.

D. Ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang ating mga interes.

Gaano kahalaga ang accountability at transparency sa pamamahala? A. Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito. B. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang element upang magkaroon ng isang participatory governance. C.Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang mabuting pamahalaan. D. Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang transparency at accountability.

D. Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang transparency at accountability.

6. Sino sa sumusunod ang maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas? A. Si James na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon. B. Si Samantha na ang kaniyang mga magulang ay parehong mga Pilipino. C. Si Ramon na ipinanganak noong Pebrero 2, 1969 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino. D. Lahat ng nabanggit.

D. Lahat ng nabanggit.

Ang sumusunod ay mga mabuting dulot ng paglahok sa civil society MALIBAN sa isa. A. Mas nagiging mulat ang mamamayan sa kalagayan ng lipunan. B. Naipararating natin ang ating mga hinaing at pangangailangan sa pamahalaan. C.Nabibigyang pansin ang kapakanan ng iba't ibang pangkat sa ating lipunan. D. Maaaring palitan ng civil society ang ating pamahalaan kung ang huli ay naging mapangabuso

D. Maaaring palitan ng civil society ang ating pamahalaan kung ang huli ay naging mapangabuso

Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag ng karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin? A. Magpapatupad ng mga mabibigat na parusa upang mapasunod ang nasasakupan. B. Hihikayatin ang mga mamamayan na maging maging produktibo at makiisa sa mga produktibong gawain. C.Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa lugar. D.Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan upang may mapagkakitaan ang mga mamamayan.

D. Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan upang may mapagkakitaan ang mga mamamayan.

Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance? A. Mas maraming sasali sa civil society. B. Mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan. C. Maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan. D. Mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan kung aktibong kasangkot ang mamamayan sa pagplano at pagpapatupad ng mga ito.

D. Mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan kung aktibong kasangkot ang mamamayan sa pagplano at pagpapatupad ng mga ito.

Si Celestina ay isang magaaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan? A. Funding-Agency NGOs B. Grassroot Support Organizations C. Non-Governmental Organizations D. People's Organizations

D. People's Organizations

Itinuring na "International Magna Carta for All Mankind" ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibidwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas. A. Bill of Rights ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen C. Magna Carta ng 1215 D. Universal Declaration of Human Rights

D. Universal Declaration of Human Rights


Ensembles d'études connexes

Ultrasound Physics Ch. 13,16,18,19, ?

View Set

module exam dry wall installation

View Set

Chapter 43: Assessment of Digestive and Gastrointestinal Function

View Set

apII; respiratory quiz (10 questions)

View Set

JSRCC NSG-170, PrepU 2. Perfusion

View Set

Pp1-5 Professional Boundaries (respect for persons)

View Set