Aralin 4

अब Quizwiz के साथ अपने होमवर्क और परीक्षाओं को एस करें!

Efren Abueg

"Ang pagkakaisa nating mga pilipino sa pagtuturo ng pambansang panitikan nang walang pagbubukod at diskriminasyon ang isa pang katangian ng sambayanang nagkakaisa sa gitna ng magkakaibang wika at kultura"

Pedro Bucaneg

Ama ng Literaturang Ilocano" • Nagsasalin ng mga relihiyosong mga akda na nasa wikang Espanyol, Latin, at Ilokano • Awtor ng mga epikong patula

Cebuano

Ang Cebuano ay katutubong wika ng isla ng Cebu sa Pilipinas, ito ang siyang itinuturing na lingua franca o pangunahing wika ng Katimugang Pilipinas at sanhi nito ay tinatawag ito minsan bilang Visayan, Visaya o Bisaya

Rehiyunal na materyal

Ang mga Rehiyunal na Materyal ay ang mga Kagamitang Panturo sa bisa ng mga akdang pampanitikang matagumpay na naisalin mula sa iba't ibang wika ng bansa. Ibinabahagi ito sa mga mag-aaral sa iba't ibang rehiyon upang maipamalas ang ganda at nakamamanghang kultura sa ibang bahagi ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga materyal na ito, napagtitibay ang winika ni Abueg na pagkakaisa sa gitna ng magkakaibang wika at kultura.

Kaalamang Bayan

Ang mga kaalamang bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng tao. Itinuturing ito sa pinakamatandang sining ang kaalamang bayan at ang kahalagahan nito ay ang mismong pinagmulan kung saan at paano umunlad at sumulong ang sibilisasyon at panitikan sa isang bansa.

Palaisipan

Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pasiglahin at pukawin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.

Pampango/ Kapampangan

Ang salitang Kapampangan ay nagsimula sa salitang ugat na Pampang. Ito ang kaunaunahang lalawigang Kastila sa Pilipinas. Ang wikang Kapampangan ay isa sa mga walong pangunahing wika na ginagamit sa buong lalawigan ng Pampanga at Timugang Tarlac, sa timugang bahagi ng kalagitnaang kapatagan ng Luzon, karamihan nito ay sumasailalim sa pangkatetnikong Kapampangan. Sinasalita rin ang Kapampangan sa hilagang-silangang Bataan, pati na rin sa mga munisipalidad ng Bulacan, Nueva Ecija, at Zambales na pumapaligid sa Pampanga.

Bicolano

Ang wikang Bikolano ang ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na matatagpuan sa tangway ng Bikol at nagsisilbi bilang Lingua France o pangunahing wika ng rehiyon. Ang Bikol ay binubuo ng mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate

Bugtong

Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito ng patula at kalimitang maiksi lamang.

Tula/ Awiting Panudyo

Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasang ang layunin ay manlibak, manukso o mang uyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na pabirong tula.

Waray

Ito ay isang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas. Ang mga pangkat ng wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon. Bisakol naman ang tawag sa mga wikang Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga wikang Bisaya at Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo.

Tugmaang de Gulong

Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Nakakatulong rin ito sa mga dryber upang mapadali ang trabaho.

Pangasinense

Ito ay nasasailalim sa sangay Malayo-Polynesian ng pamilya ng mga wikang Austronesian. Sinasalita ang Pangasinan ng higit pa sa dalawang milyong tao sa lalawigan ng Pangasinan, ng iba pang mga pamayanang Pangasinan sa Pilipinas, at ng kapansin-pansing bilang ng mga Amerikanong may kanununuang Pangasinan.

Epikong Ifugao "Hudhud ni Aliguyon" Ni Pedro Bucaneg

Sa lipunang Ifugaw, ang Hudhúd ay isang mahabang salaysay na patula na karaniwang inaawit sa panahon ng tag-ani, o kapag inaayos ang mga payyo o dinadamuhan ang mga palayan. Inaawit din ito kapag may lamay sa patay at ang yumao ay isang táong tinitingala dahil sa kaniyang yaman o prestihiyo. Sinasalamin ng Hudhud ang mga paniniwala't kaugalian ng sinaunang lipunan ng mga Ifugaw. Matatagpuan sa Hudhud ang paglalarawan sa mga konsepto na kinababatayan ng mga ugnayang pampamilya, at ng mga ugnayan ng iba't ibang grupo sa loob at labas ng ili o nayon. Makikita rito ang paniniwala ng mga Ifugaw tungkol sa mga diyos at espiritu, at kung paano sila dapat makipag-ugnayan sa mga ito

Epikong Ilocano: "Biag ni Lam-ang" ni Pedro Bucaneg

Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lamang ay nagmula sa Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union. Nag-iisa itong Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba nitó ang paggamit ng mga pangalang naimpluwensiyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang nagtalâ ng epikong-bayan noong 1889 at si Canuto Medina na nagtalâ noong 1906. Sinundan ito ng bersiyon na nailathala sa La Lucha, ang bersiyon ni Parayno noong 1927 at pinagsáma niya ang unang dalawang bersiyon at ang bersiyon ni Leopoldo Yabes noong 1935.

Mga Kaalamang Bayan

Tula, Awiting Panudyo, Tugmaang De gulong, Bugtong, Palaisipan.

Hiligaynon

Wikang Ilonggo, ito ay nabibilang sa grupo ng mga wika sa Austronesian at Ethnolingguwistika na tumutukoy sa mga mamamayan ng Iloilo at gayundin sa kulturang hiligaynon. Ginagamit din ito upang ilarawan ang wika at kultura ng mga Ilonggo. Kabilang ito sa pamilya ng wikang Bisaya

Katutubong wika

g katutubong wika (kilala rin bilang inang wika, unang wika, arteryal na wika, o L1) ay isang uri ng wika na natutunan ng isang tao mula nang kanyang kapanganakan. Batayan para sa pagkakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika ng isang tao. Ang 2019 ay idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang International Year of the Indigenous Languages (IYIL). Kaya naman, "Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino" ang temang itinakda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong nabanggit, bilang pagpapahalaga sa mga katutubong wika sa Pilipinas. Ang tema ng Buwan ng Wika ay sumusuporta sa Artikulo 15, Seksyon 7 ng Saligang Batas, na nagsasabing dapat ituring na auxiliary official languages ang mga katutubong wika sa bansa. Alinsunod sa nasabing batas, inilunsad ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) upang tuluy-tuloy na hasain ang mga estudyante sa paggamit sa kanilang kinamulatang wika bago turuan ng Filipino at English sa mas mataas na antas ng edukasyon

Epikong Bisaya: "Epiko ni Labaw Donggon" Ni Pedro Bucaneg

sa sa mga dalawang magkaugnay na epikong kilala galing sa Panay Island, na parehong isinalin ni F. Landa Jocano. Ito ay may habang 2,325 na linya sa p r i n t e d nitong bersyon kumpara sa pangalawa, "Epiko ni Humadapnan" na may 53, 000 linya

Felipe Landa Jocano

• Kilalang bantog na antropologo, manunulat, at propesor. • Tuon ng saliksik: mga katutubong alamat at epiko, sinaunang panggagamot, at kasaysayan at pamumuhay ng iba't ibang pangkating etniko • pagsasalin sa Ingles ng Hinilawod noong 1959. • Nagsusulat ng mga epikong patula.


संबंधित स्टडी सेट्स

Med Serg: Ch 14-Neurologic Disorder study guide

View Set

Drive Home Safe Driving School - Chapter 12 (Review For Final)

View Set

Chapter 4: Consolidated Financial Statements and Outside Ownership

View Set

Chapter 6. Etruscan and Roman Art

View Set

Spanish Exam Practice (Preguntas)

View Set

CG2d Describe ho state government is funded and how spending decisions are made.

View Set

Mental health study questions: Townsend

View Set

Music 12 Unit 10: Rhythm and Blues 1946-1954

View Set

2204 Schizophrenia and Other Psychotic Disorders

View Set