Filipino 12
Ang facts ay mga ebidensyang maaaring maberipika at mapatunayan sa pamamagitan ng
(a) scientific measurement; (b) kilos ng kalikasan; (c) pagmamasid; (d) estadistika.
Katangian ng Pagbabasa
- Kompleks na proseso -Two-way na proseso ang pagbabasa -prosesong biswal ang pagbabasa -aktibong proseso ang pagbasa -Kaalaman sa wika
skimming
- Mabilisang pagbasa -tinatawag ding pinaraanang pagbasa ay pagtingin sa isang teksto o kabanata nang mabilisan upang magkaroon ng pangkalahatang ideya sa nilalaman ng buong akda.
scanning
- Paghahanap ng tiyak na impormasyon -naman ay tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Sa uring ito, hindi mahalaga kung makuha mo ang kaisipan ng sumulat dahil ang mahalaga rito ay makita ang hinahanap mo sa mabilis na paraan.
masaklaw na pagbasa
- advance reading karaniwang itinatakda nang maaga at ginagawa sa labas ng isang silid-aralan. Maaari itong isang buong kuwento, nobela o dula na nakatuon ang pag-unawa sa mga tauhan at pangyayari sa halip na mga detalye.
Pagbasa
- isa sa limang makrong kasanayang pangwika na madalas na kinasasangkutan nating mga tao -isang gawaing nangangailangan ng sapat na kasanayan tulad ng ano mang gawain -pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo -isang proseso ng pag-unawa sa mga mensahe nais ipahayag ng manunulat
2. Mabuting pagpapasiya
- kritikal, lohikal
1. Mausisa
- matanong, mapagmasid
3. Ethics para sa Hanguang Praymarya
- may kredibilidad at eksperto sa kanyang larangan at walang nilalabag na anomang karapatan.
Rereading
- muling pagbasa -Ito ang pagbasa ng isang teksto nang higit sa isang pagkakataon. Hindi lamang basahin ang teksto, kinakailangang muling itong basahin (Nabokov, n.d.).
speed reading
- speed learning -Koleksyon ito ng mga paraan ng pagpapataas ng tulin sa pagbasa nang hindi nababawasan ang komprehensyon at retensyon. Mahigpit itong naiuugnay sa speed learning. Dito nakapaloob ang skimming at scanning.
7 Katangian ng Mahusay na Mambabasa
-Humuhugot mula sa kanilang dating kaalaman habang nagbabasa • Gumagawa ng mga paghuhula o paghihinuha habang nagbabasa • Nakabubuo ng mental na larawan ng mga pangyayari mula sa teksto habang nagbabasa • Kinikilala at tinatanggap na sa proseso ng pagbabasa, maaaring magkaroon ng kalituhan • Nakikilala ang estruktura ng isang tekto habang nagbabasa • Nakikilala ang layunin sa pagbabasa • Namomonitor ang kanilang layunin ng pagbabasa ng teksto
Dahilan ng pagbabasa
-Makakuha ng impormasyon o kaalaman -makahabol sa mabilis na takbo ng panahon -upang maaliw at malibang -magagawang hubugin ng pagbabasa ang mga katauhan ng isang mambabasa
Mabisang pagbasa
-Predicting -Visualizing -Connecting -Questioning -Clarifying -Evaluating
Katangian ng Tekstong Ekspositori
-Tono -Makatotohanan -Mula sa nkaalaman ng awtor at sa hanguang primarya at sekondarya -Nagl
masusing pagbasa
-analytical reading maingat at puspusang pag-unawa sa isang teksto. Maaaring ito ay bahagi ng maikling kuwento, tula, isang kabanata ng nobela at iba pang akda at nauukol sa mapanuring pag-aaral sa nilalaman at kayarian ng teksto.
tekstong impormatib o ekspositori
-ay naghahatid ng wastong kaalaman o impormasyon. -upang maragdagan ang kaalaman ng mambabasa, tulungan ang mambabasa na higit na maunawaan ang isang prosidyur o proseso o di kaya ay palawakin ang pang-unawa ng isang mambabasa kaugnay ng isang konsepto. -ay nagsisimula sa mga katotohanan at sinasagot ang mga katanungang bakit o paano.
Akademikong Pagbasa
-ay tumutukoy sa mga gawaing pagbabasang tumutugon sa mga pangangailangang
Tekstong Persweysib o Mapanghikayat na Teksto
-isang tekstong binuo na naglalayong pakilusin ang mambabasa. Ang mga tekstong mapanghikayat ay maaaring gumamit nang paulit- ulit ng ilang salita; isulat sa malalaking titik ang ilang salita; gumamit ng tandang padamdam sa mga pangungusap; gumamit ng retorikal na katanungan; maglagay ng argumentong may pagkiling sa iisang panig; at gumamit ng katatawanan (Persuasive texts, n.d.). -naglalayong himukin ang mambabasang sumang-ayon sa manunulat tungkol sa isang paksa o isyu.
Tekstong Prosidyural
-isang tekstong naglalayong ilahad ang mga hakbang kaugnay ng pagsasagawa ng isang bagay. -kalakip rin nito ang pagpapaliwanag kung paano gumagana ang mga bagay. -Ito ay kinapapalooban ng mga pahayag na malinaw na nagpapaliwanag ng isang proseso na isinaayos nang sunod-sunod at nararapat na sundin upang matiyak ang kawastuhan ng gawain.
Subvocalized reading:
-sight reading and internal sounding -Nagsasama ito ng sight reading at internal sounding ng mga salita tulad ng pagbigkas ng mga ito.
proofreading
-tipograpikal na kamalian -Uri ito ng pagbasa para sa layuning matukoy at maiwasto ang mga pagkakamaling tipograpikal. Nakapaloob din dito ang pagtiyak natin na ang ating naisulat ay kakikitaan ng lohika at maayos na daloy.
Mahalagang Konsepto sa Pagbasa
1. Ang pagbasa ay kakayahang maproseso sa isipan 2. Ang pagbasa ay isa ring gawaing pangkaisipan at hindi lamang basta gawaing pangmata. 3. Binubuo ng tatlong mahalagang hakbang ang pagbabasa: 1). Paghahanda at pagtatakda ng layunin sa gagawing pagbasa; 2). pagpoproseso ng impormasyon; at 3). Pagtugon o pagbibigay reaksyon sa binasa. 4. Ang mambabasa ay dapat lamang maging interaktibo upang maging mabisa ang kanyang ginawang pagbasa. 5. Nakasasagabal ang ilang kamalian sa pagkakasulat sa pag-unawa sa teksto. 6. Sensitibo sa kayariang pambalangkas ng tekstong binabasa ang isang mahusay na mambabasa. 7. Maituturing na bunga ng komprehensyon ang mabilis na pagbasa.
Ang apat na mahalagang sangkap ng isang tekstong prosidyural ay ang:
1. Goal o layunin ng paglalahad 2. Kagamitan o sangkap 3. Mga hakbang na ayon sa wastong pagkakasunod-sunod 4. Ebalwasyon o konklusyon
argumento. Inilahad ng PURDUE Online Writing Lab (2015) ang istrukturang bumubuo ng matibay na argumento:
1. Malinaw at maikling tesis na pangungusap na matatagpuan sa unang talata ng teksto. 2. Malinaw at lohikal na transisyon mula sa panimulang talata, tungo sa katawan ng teksto hanggang sa pangwakas na talata. 3. Ang bawat talata sa katawang bahagi ng teksto ay dapat na nagtataglay ng mga ebidensya. 4. Isang kongklusyon na di lamang muling ipinapahayag ang tesis bagkus inilalahad ang mahahalagang punto ng buong argumento.
Katangian ng isang Mabuting Pananaliksik
1. Mapagkakatiwalaan 2. Validity 3. Kawastuhan 4. Kredibilidad 5. Generalizability 6. Empirical 7. Sistematiko 8. Kontrolado
Katangian ng Isang Mabuting Mananaliksik
1. Mausisa 2. Mabuting pagpapasiya 3. Konstruktibong kritisimo 4. Katapatang intelektwal 5. Malikhaing kaisipan
Bakit ka nagbabasa?
1. Pagkatuto [dagdag kaalaman] 2. Pagkatao [pampasigla ng katawan, paghubog na asal] 3. SUSI ng daigdig 4. Teleskopyo, at Mikroskopyo
Mayroong 6 na estratehiya o pamamaraan na maaaring isagawa upang makabuo ng tekstong ekspositori
1. Paglalarawan at/o pagbibigay-depinisyon: 2. Proseso: 3. Paghahambing: 4. Sanhi at bunga: 5. Problema at solusyon: 6. Pag-uuri:
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
1. Pagpili ng Paksa - tungkol saan ang pag-aaral 2. Pagpapahayag ng Layunin - bakit isasagawa ang pag-aaral 3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya - hanguan ng datos upang mabuo ang pag-aaral 4. Paggawa ng Pansamantalang Balangkas [Balangkas ng paksa na maaaring sa anyong pangungusap o patalata] - daloy ng isasagawang pag-aaral.
Konsiderasyon sa Pagbuo ng Pananaliksik
1. Paksa 2. Abeylabiliti ng mga Datos 3. Ethics para sa Hanguang Praymarya 4. Ethics para sa Hanguang Sekondarya 5. Objectivity vs. Subjectivity 6. Oras at Panahon
Ang Mga Hakbang sa Pagbasa
1. Persepyon o pagkilala 2. Komprehensyon o Pag-unawa 3. Reaksyon 4. Asimilasyon o Integrasyon
Narito ang mga hakbang sa pagbuo ng isang matagumpay na tekstong argumentatibo:
1. Pumili ng panig kaugnay ng paksa: 2. Magbagyuhang-isip (brainstorm) ng mga dahilang susuporta sa iyong opinyon. 3. Isulat ang bawat paksang pangungusap. 4. Buuin ang tekstong argumantatibo
ilan sa mga mahahalagang katangian ng isang salaysay:
1. Tauhan 2.Banghay 3.Tunggalian 4.Tagpuan 5.Punto de bista
mahalagang gawain sa akademikong pagbasa:
1. Unawain ang kahulugan 2. Pag-unawa ng mga ugnayang nakasaad sa teksto 3. Pag-unawa ng makabuluhang punto ng teksto 4. Mabisang pagbabasa 5. Pagtatala
Ilang percento ang ginugugol ng tao sa pagbabasa
80%
Ang pagbasa ay isa ring gawaing pangkaisipan at hindi lamang basta gawaing pangmata.
Ang ating isipan ang nagpoproseso ng mga impormasyong nakikita ng ating mga mata. Masasabi nating isang mental na gawain ang pagbasa. Kahit pa may kakayahang kilalanin ang mga simbolong nakalimbag kung ang mga salitang nakalimbag naman ay hindi pamilyar sa mambabasa, malaki pa rin ang tsansa na hindi niya lubusang mauunawaan ang binabasa. Tulad na lamang ng mga nakikita nating pangyayari sa ating paligid. Kung hindi natin alam ang konteksto ng isang pangyayari, hindi tayo makatutugon nang naaayon. Ganoon din ang pagbasa. Ang ating mga dating kaalaman ay may kaugnayan sa pagproseso natin ng ating binabasa.
Ang mambabasa ay dapat lamang maging interaktibo upang maging mabisa ang kanyang ginawang pagbasa.
Ang mambabasa ay dapat na laging naghahanap ng mga maaaring ipakahulugan sa mga tekstong kanyang binabasa at kapag hindi ganoon ang kanyang pagkaunawa sa kanyang binabasa, gumagawa siya ng ibang hakbang upang maunawaan ang kahulugan nito. Ating natutunan ang estratehiya ng aktibong pagbasa na isang daan sa lalong pagpapalalim ng ating pag-unawa sa tekstong binasa.
Pagkatao [pampasigla ng katawan, paghubog na asal]
Ang pagbasa ay hindi lamang nagpapaunlad ng ating kakayahang mental ngunit nakapagpapasigla rin ito ng ating kalagayang sikolohikal. Sa pagbabasa, nagiging masaya tayo, nakahahanap tayo ng karamay dahil naiuugnay natin ang ating sarili sa mga tauhang ating nababasa. Alam naman nating ang kaisipang malusog ay nagbubunga ng pangangatawang malusog. Ang pagkakaroon ng masayang disposisyon ay nakatutulong sa paghubog ng magandang asal na naituturo rin ng mga akdang ating binabasa.
2. Malinaw at lohikal na transisyon mula sa panimulang talata, tungo sa katawan ng teksto hanggang sa pangwakas na talata.
Ang paggamit ng mga pang-ugnay at iba pang kasangkapang transisyunal ang siyang magbibigay ng kabuuan sa teksto dahil ito ang nag-uugnay ng bawat bahagi.
Pag-unawa ng makabuluhang punto ng teksto:
Ang pagkilala ng pangunahin at sumusuportang detalye ay nakatutulong upang makabuo ng matalinong paghuhusga sa teksto. Nagiging daan din ito upang maipag-iba ang mga valid at hindi valid na opinyon gayundin ang mapaghiwalay ang katotohanan sa pawang opinyon lamang ng manunulat upang makagawa ng kritikal na pagbasa at ebalwasyon ng teksto.
• Nakikilala ang estruktura ng isang teksto habang nagbabasa
Ang pagkilala sa estruktura ng tekstong binabasa ay nakatutulong sa mambabasa sa pag-unawa dahil mapaghahandaan niya kung papaano uunawain ang teksto ayon sa kahingian ng estruktura. Nararapat alalahanin na iba ang estruktura ng isang sanaysay sa isang kwento at ang paraan ng pagpapadaloy ng mga ideya ay maaaring maapektohan ayon sa estruktura.
3. Paghahambing:
Ang pamamaraang ito ay ginagamit upang ilahad kung sa papaanong paraan ang dalawa o higit pang sabjek o paksa ay magkatulad o magkaiba.
5. Problema at solusyon:
Ang pamamaraang ito ay naglalahad ng suliranin at inihaharap ang mga posibleng solusyon kalakip ang mga datos at ebidensya na magpapatibay nito at hindi lamang mga opinyon.
2. Proseso:
Ang pamamaraang ito ay nagpapahayag ng serye ng mga hakbang na kinakailangan upang matapos ang isang gawain o makalikha ng isang bagay. Ang recipe sa bahaging hulihan ng isang artikulo sa food magazine ay isang halimbawa.
Tekstong Deskriptibo o Paglalarawan
Ang tao ay likas na mapagmasid at ito ay mapatutunayan sa sandaling magtatanong ka sa mga taong kasama kaugnay ng kanilang mga napuntahang pook, nakitang tao o bagay o pangyayari, pagkaing natikman o di kaya ay musikang narinig. Sa bawat pagpapahayag, mapapansin ang kakayahan ng sinumang ibigay maging ang mumunting detalye kaugnay ng pinapaksa ng kanilang usapan. Ang ganitong diskurso ay tinatawag na deskriptibo o paglalarawan. Ito ay isang literary device na ginagamit ng manunulat upang magpinta ng isang larawan gamit ang mga salita (Sedillo, n.d.). Ginagamit din ng manunulat ang paglalarawan upang makalikha ng detalyeng sensori upang makalikha nang higit na kawili-wiling karanasan ng pagbabasa.
Isang two-way na proseso ang pagbasa
Bagama't hindi harapan, tila nag-uusap ang mambabasa at manunulat sa pamamagitan ng teksto at ang bumubuo ng kanyang sariling interpretasyon ng akda
Ang pagbasa ay kakayahang maproseso sa isipan ang mga bagay-bagay na kanyang nakikita sa araw-araw.
Bago pa man natin binasa ang tekstong nakalimbag, una na nating binabasa ang mga bagay sa ating paligid. Ang kakayahan nating mabigyan-interpretasyon ang mga bagay na nasa ating paligid ay tanda ng ating kakayahang umunawa ng tekstong nakalimbag.
Pumili ng panig kaugnay ng paksa:
Basahing mabuti ang paksa at unawain ito. Matapos ay pumili ng papanigan. Isulat ang iyong pinakadahilan ng pagpili ng panig. Ito ang magsisilbing paunang tesis na pangungusap.
Banghay
Bawat salaysay ay nararapat na may banghay ng mga pangyayari. Kung walang nangyayari, walang isasalaysay. Ang banghay ay tumutukoy sa mga serye ng pangyayari kung saan ang bawat isa ay may epekto sa bawat isa.
3. Ang bawat talata sa katawang bahagi ng teksto ay dapat na nagtataglay ng mga ebidensya.
Bawat talata sa katawang bahagi ay nararapat na tumatalakay sa iisang ideya lamang. Dapat na malinaw na maipaliwanag kung bakit at paano nauugnay ang ebidensya sa tesis. Makatutulong din sa pagpapatibay ng teksto ang pagtalakay ng sumasalungat na ideya upang mailahad kung bakit ito naiiba sa opinyon ng manunulat. Ebidensya ang bumubuhay sa tekstong argumentatibo at ang mga ebidensya ay dapat suportado ng pananaliksik upang matiyak ang kawastuhan ng mga detalye at ang pagiging bago ng mga ito.
Kaligirang impormasyon
Bigyan ng konteksto ang iyong argumento/paksa; gawing pamilyar sa mambabasa ang paksa ng panghihikayat.
Depinisyon
Bigyang linaw ang ilang konsepto na maaaring maging sanhi ng malabong pang-unawa.
Evaluating:
Bumubuo ng opinyon o paghuhusga tungkol sa binasa/binabasa. Ginagawa ito habang nagbabasa at matapos magbasa.
Pagtatala:
Dahil ang pagbasang akademiko ay sa layong matuto at maaaring bilang simulain ng gawaing pananaliksik, makatutulong ang pagtatala upang matiyak na ang mahahalagang impormasyong nakuha mula sa teksto ay mapananatili at ang wastong dokumentasyon ay maisasagawa. Maaari itong maisagawa sa pamamagitan ng pag- highlight gamit ang marker.
2. Kagamitan o sangkap
Dahil kinasasangkutan ito ng paggawa ng isang bagay, madalas, nangangailangan ng mga kagamitan o kasangkapan upang maisagawa ang isang bagay.
• Kinikilala at tinatanggap na sa proseso ng pagbabasa, maaaring magkaroon ng kalituhan
Gaano man kahusay sa wika at sa pagbabasa ang isang indibidwal, alam niyang hindi lahat ng kanyang babasahin ay madali. May mga pagkakataong makararanas siya ng kahirapan sa pag-unawa bunga ng iba't ibang salik, maaaring sa paksa, sa estruktura ng teksto o sa mga salitang ginamit ng manunulat. Ang pagkilala ng naturang kalagayan ay makatutulong sa kanya upang maging mahusay dahil gagawan naman niya ng paraan upang mabigyan ng solusyon ang kanyang kalituhan.
• Nakabubuo ng mental na larawan ng mga pangyayari mula sa teksto habang nagbabasa
Habang nagbabasa, tila dinadala rin niya ang sarili sa mismong lugar at panahon na pinangyarihan ng mga pangyayari sa kwento. Sa mga mahahalagang eksena o tagpo, tila isa siya sa mga saksi dahil bumubuo siya ng mental na larawan at maging ang mga hitsura ng tauhan ay kanyang binigyang-buhay sa isipan.
Isang aktibong proseso ang pagbasa
Hindi isang simpleng pagsubo, pagnguya at paglulon ng mga kaisipang nasa teksto ang pagbasa. Aktibong kasapi ang mambabasa dahil sa kanyang kakayahang magbigay-interpretasyon nakasalalay ang pagbibigay-buhay sa isang teksto.Ang dating kaalaman ng mambabasa, maging ang kanyang pagbuo ng mental na larawan ng tauhan, tagpuan ang ibang element ng akda ay sa kanya nakasalalay.
Kompleks na proseso
Hindi ito kinasasangkutan lamang na kakayahang maunawaan ang mga salitang nakapaloob sa teksto kundi maging ng kontekstong kinapapalooban ng teksto, ng manunulat at ng mismong nagbabasa
Sensitibo sa kayariang pambalangkas ng tekstong binabasa ang isang mahusay na mambabasa.
Hindi lamang nagtatapos sa pagkuha ng paksa at pangunahing kaisipan ang gawain sa pagbabasa, kailangan din niyang matutunan kung paano binuo ang teksto tulad ng pagbibigay ng sanhi o bunga, paghahambing, at iba pa.
Isang prosesong biswal ang pagbasa
Hindi maipagkakaila na kapag sinabing pagbasa, unang pumapasok sa isipan ay ang "pagtingin" sa isang teksto. Ang laki o liit ng aklat, kapal o nipis nito, maging ang laki o liit ng font size ay nakaaapekto sa ating pagbasa. Sangkot ang mata sa proseso ng pagbasa kung saan sa pamamagitan ng persepsyon ay nakabubuo tayo ng interpretasyon ng teksto.
Clarifying:
Huminto paminsan-minsan upang suriin ang pagkakaunawa at asahang ang pagkakaunawa ay maaaring magbago o mapaunlad habang pinagpapatuloy ang pagbabasa. Nangyayari rin ang pagbasang muli sa mga bahagi ng teksto sa higit na ikalilinaw nito.
Tesis na pahayag
Ilahad sa isang malinaw at maikling pangungusap ang iyong argumento. Ito ang magsisilbing direksyon ng kabuuan ng iyong teksto.
Balita
Impormasyong kaugnay ng mga pangyayaring kagaganap lamang na karaniwang nakapaloob sa mga dyaryo o sa balita sa telebisyon o radyo o sa Internet.
Connecting:
Iniuugnay ang sarili sa binasa/binabasang teksto o sulatin. Sinasalamin ang pagkakatulad ng mga deskripsyon sa seleksyon sa personal na karanasan o karanasan ng iba.
4. Sanhi at bunga:
Ipinaliliwanag ng pamamaraang ito kung papaano ang isang hakbang ay naging simulain ng isang partikular na resulta o bunga.
Tunggalian
Isa ito sa mahahalagang komponent ng isang salaysay. Lubhang nakababagot ang isang kwento kung walang pinagdadaanan ang mga tauhan. Madalas, nagaganap sa pagitan ng bida at kontrabida ang tunggalian. Ngunit maaari rin namang internal o sa kalooban ng tauhan ang tunggalian.
Talambuhay
Isang detalyadong pagsasalaysay tungkol sa buhay ng isang tao.
Dula
Isang kwentong naglalaman ng mga dayalogo at isinulat hindi upang basahin ngunit upang itanghal sa entablado.
Mito
Isang kwentong naglalayong ipaliwanag ang misteryo ng buhay o kalikasan.
Predicting:
Isang paghuhula o paghihinuha sa kung ano ang mangyayari at kung paano magtatapos ang seleksyon o teksto. Matapos ay inaalam kung gaano ka tumpak o wasto ang hula (predicting) at hinuha (inference).
Bawat argumento ay nararapat na may proposisyon.
Ito ang major premise ng argumento at karaniwang may tatlong pangunahing katwiran upang ito'y maipaglaban.
3. Mga hakbang na ayon sa wastong pagkakasunod-sunod
Ito ang pinakaubod ng tekstong prosidyural, ang paglalahad ng mga hakbang ng isang proseso. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng hakbang at ang maingat na pagpili ng mga angkop na salita ang magiging daan ng matagumpay na tekstong prosidyural.
Sariling Talambuhay
Ito ay isang detalyadong pagsasalaysay tungkol sa buhay ng mismong manunulat.
Parabula
Ito ay kwento ng mga aral ni Hesu Kristo.
4. Ebalwasyon o konklusyon
Ito ay tumutukoy kung paano masusukat ang tagumpay ng buong proseso.
Tagpuan
Ito ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng kwento gayundin ang panahon at oras nang maganap ang mga pangyayrai.
1. Goal o layunin ng paglalahad
Ito ay tumutukoy sa magiging kalalabasan ng isinagawang prosidyur, kung ito ba ay nagtuturo kung paano gawin ang isang bagay o kung ito ba'y nagpapaliwanag kung paano gumagana ang isang bagay.
Unawain ang kahulugan:
Kailangang mahinuha o makabuo ng matalinong hula ng kahulugan ng mga salitang di-pamilyar o pangkat ng mga salita, ugnayan ng mga pangungusap at ang implikasyon ng mga pahayag na nasa teksto, higit ang mga pahayag na gumagamit ng mga cohesive devices at yaong mayroong mga konseptwal na kahulugan tulad ng paghahambing, layunin, sanhi at bunga at marami pang iba.
Binubuo ng tatlong mahalagang hakbang ang pagbabasa: 1). Paghahanda at pagtatakda ng layunin sa gagawing pagbasa; 2). pagpoproseso ng impormasyon; at 3). Pagtugon o pagbibigay reaksyon sa binasa.
Kapag tayo ay magbabasa, isang mahalagang salik ng ating pagpili ng teksto at paraan ng pagbasa ay ang ating layunin. Kung tayo'y nagpapalipas lamang ng oras, mga magagaang babasahin tulad ng komiks o nobela ang ating binabasa. Kung para sa paaralan naman ay mga tekstong pang-akademiko. Ang ating kakayahang umunawa ay nasusukat sa ating pagbibigay-reaksyon sa ating binasa.
• Namomonitor ang kanilang layunin ng pagbabasa ng teksto
Kaugnay ng dahilan na ating pagbasa ng isang akda, tiyak na nais din nating makamit ito at upang ito'y maisakatuparan, nararapat na tiyaking nauunawaan ang teksto. Maisasagawa ito sa madalas na pagmonitor ng sarili kaugnay ng teksto.
Leyenda -
Kwentong nakabase sa mga totoong pangyayari ngunit nailahad sa pamamaraang eksaherado kaugnay ng isang bayani.
Nakasasagabal ang ilang kamalian sa pagkakasulat sa pag-unawa sa teksto.
Lagi nating sinasabi na walang perpekto. Maaaring nagkaroon ng kamalian sa paglimbag o di kaya ay maaaring iba ang pananaw natin bilang mambabasa sa manunulat. Maaari itong makaapekto sa ating pag-unawa ng teksto at sa puntong ito ay nararapat tayong magkaroon ng bukas na isipan.
Tauhan
Lahat ng kwento ay may tauhan. Iba-iba ang uri o katangian ng tauhan dahil ito ang kailangan upang umusad ang isang salaysay. Karaniwang may bida at kontrabida ang isang salaysay.
Mabisang pagbabasa:
Mabilis na nababasa ang teksto na may sapat na pang-unawa; mabilis na nahahanap ang mga makabuluhang impormasyon.
Isulat ang bawat paksang pangungusap.
Mag-isip ng mga ebidensyang susuporta sa bawat paksang pangungusap. Ilakip ang mga estadistika, halimbawa at mahahalagang detalye upang magkaroon ng matibay na suporta ang bawat dahilan.
Re-reading at redo:
Mahalagang muling balikan ang tekstong isinulat upang matiyak kung sapat na ba ang detalyeng inilagay o kailangan pang magdagdag. Ilagay ang sarili sa lugar ng mambabasa at tanungin ang sarili: Mauunawaan ko ba ang inilalarawan kahit na wala akong dating kaalaman tungkol sa paksa?
Pagpili ng pokus:
Mahalagang tukuyin muna kung ano ang iyong nais na talakayin nang sa gayon ay maiwasan ang paglilihis at higit sa lahat, madaling makapagsusulat dahil mayroon ng pokus, maisusunod na ang pagdaragdag ng mga detalye ng inilalarawan.
Pagbasa ay daan upang?
Makakpagbukas daan sa lahat ng katarungan at disiplina tulad ng agham pamlipunana, sisyensya, matematika, pilosopiya, kalusugan, sining at iba pa.
Pag-unawa ng mga ugnayang nakasaad sa teksto:
Makatutulong ang pagkilala ng estruktura ng isang teksto dahil makatutulong ito sa pag-unawa kung bakit sa ganoong paraan naisipang buuin ng manunulat ang teksto. Makatutulong ito sa pag-uugnay- ugnay ng mga pangungusap gamit ang mga leksikal at gramatikal na mga kagamitang pang-ugnay bilang mga pantukoy ng diskurso.
Maituturing na bunga ng komprehensyon ang mabilis na pagbasa.
Mapabibilis ang pagbasa ng isang tao kung mabilis din niyang nauunawaan ang kanyang binabasa. Hindi magiging makabuluhan ang pagbabasa nang mabilis kung hindi rin niya mauunawaan ang binabasa.
TAGAHANAP, TAGALIKOM, TAGASURI
Masasabing tatlo ang mahalagang gawain ng isang mananaliksik
3. Kawastuhan [precise, accurate]
May pagkakataong maituturing na wasto ang isang pagaaral sa isang partikular na sitwayson ngunit hindi naman sa iba, kung kaya't ang paglilinaw ng mga hangganan, ng sakop at ng saklaw ay dapat na naitalaga sa pagsisimula pa lamang. Sa pagsasagawa rin ng bawat hakbang ay kailangan na maingat upang matiyak ang kawastuhan
Kwentong bayan
Mga katutubong kwentong naglalarawan ng kultura ng isang pangkat.
Pantasya
Mga kwentong natutungkol sa mga tauhang hindi makatotohanan kaugnay ng mga bagay na hindi naman maaaring mangyari.
Pagkatuto [dagdag kaalaman]
Nagbabasa tayo dahil nais nating matuto, nais nating maragdagan ang ating kaalaman, nais nating masagot ang ating mga katanungan at higit sa lahat dahil bilang mga tao, mayroon tayong marubdob na pagnanais na mapaunlad ang ating sarili at alam nating ang pagbabasa ang isa sa mga pamamaraan.
Teleskopyo, at Mikroskopyo
Nagsisilbing teleskopyo ang mga akdang ating binabasa dahil tila napapalapit ang mga bagay na tila napakalayo at di tuwirang pansin. Sa kabilang banda naman, tila mikroskopyo dahil sa pamamagitan ng pagbasa, ang mga maliliit ay napapalaki kung kaya't tila nailalapit sa atin.
4. Isang kongklusyon na di lamang muling ipinapahayag ang tesis bagkus inilalahad ang mahahalagang punto ng buong argumento.
Nararapat ay mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa upang makapanghikayat.
Komprehensyon o Pag-unawa
Pag-unawa sa mga mensahe o kaisipang inihahatid ng mga simbolo. Dito nasusukat ang kakayahan ng isang mambabasa sa wika. Maaaring alam niya ang wika ngunit hindi niya lubusang maunawaan ang teksto dahil ang antas na wikang ginamit ay mataas para sa kanyang personal na antas. -pag-unawa sa mga binasang teksto
Asimilasyon o Integrasyon
Pag-uugnay ng mga bago at dati ng kaalaman at karanasan ng bumabasa. Marami man tayong akdang nabasa, ang katotohanan ay makalilimutan natin ang iba sa mga ito, ngunit mayroong mga akdang mag-iiwan ng malalim na tatak sa ating isipan at maaaring dumating ang panahong maisasabuhay natin ang mga aral na ating natutunan mula sa mga ito. -pagsasabuhat o aplikasyon sa binasanh teksto sa aktwal na sitwasyon ng buhay
Reaksyon
Paglalapat ng hatol at pagpapahalaga sa mga kaisipang inilahad ng awtor. Maaaring sabihin natin na naunawaan natin ang akdang binasa ngunit kung tatanungin tayo tungkol sa nilalaman nito ay wala naman tayong maisasagot, katumbas na rin ito ng pagsabing, hindi natin naunawaan nang lubusan ang teksto. Ang kakayahang umunawa ay naisasabuhay sa pagbibigay ng makabuluhang reaksyon kaugnay ng ating naunawaan sa tekstong binasa. -ang tugon o fidbak o reaksyon sa binasang teksto.
Visualizing:
Pagsasabuhay sa nilalaman (karakter, pangyayari, tagpuan atbp.) ng teksto o akda sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga imahe sa isipan.
Questioning:
Pagtatanong bago, habang at pagkatapos magbasa. Nakatutulong upang mas lalong mapalapit sa binabasa.
Reader interest:
Pukawin ang interes ng iyong mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng pang-uri kaugnay ng limang (5) pandama. Sa ganitong pamamaraan ay magkakaroon ng koneksyon ang mambabasa sa iyong inilalarawan.
Magbagyuhang-isip (brainstorm) ng mga dahilang susuporta sa iyong opinyon.
Pumili lamang ng 2-3 dahilan. Isulat ang mga dahilan bilang paksang pangungusap sa pamamagitan ng paglahad ng iyong opinyon at isang dahilan sa bawat opinyon.
SUSI ng daigdig
Sa ating pagbabasa, tila nakararating tayo sa iba't ibang panig ng mundo, nakakasalamuha ang iba't ibang tao. Sa paglawak ng ating kaalaman, tila isang bagong bahagi ng mundo ang naimumulat sa atin. Bagama't hindi tayo pisikal na nakararating sa ibang lugar nagagawa naman nating makita sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga tekstong may kalakip na larawan lalo pa't sa kasalukuyan ay mataas ang antas ng ating teknolohiya.
• Nakikilala ang layunin sa pagbabasa
Sa bawat gawaing ating sinusuong, lagi tayong may dahilan at ang dahilang ito ang isa sa salik kung bakit napili nating basahin ang isang akda. Ang paraan ng pagbasa natin sa teksto at kung paano natin ito pahahalagahan ay nakaangkla rin sa ating dahilan ng pagbasa.
• Humuhugot mula sa kanilang dating kaalaman habang nagbabasa:
Sa kanilang pagbabasa, pinupukaw ng mahusay na mambabasa ang kanyang dating kaalaman upang maging daan sa pag-unawa ng bagong kaalaman na nagmumula sa tekstong kasalukuyang binabasa. Hindi niya bastang tinatanggap lahat ng impormasyon mula sa teksto kundi iniuugnay niya ito sa dating kaalaman upang makabuo ng mapanuring desisyon kaugnay ng kahulugan ng teksto.
• Gumagawa ng mga paghuhula o paghihinuha habang nagbabasa
Sa kanyang pagbabasa, nagsasagawa siya ng mga paghuhula sa pagtangkang maunawaan ang teksto. At sa tuwing natutuklasan niya ang mismong pangyayari mula sa teksto, kanyang iniimbak ang kaalaman sa isipan upang maging daan sa pagbuo ng kahulugan sa katapusan ang kanyang pagbabasa.
6. Pag-uuri:
Sa pamamaraang ito ay hinihimay ang malawak na paksa sa mas maliliit na paksa sa pamamagitan ng pagpapangkat ng mga ito ayon sa uri o kategorya.
1. Paglalarawan at/o pagbibigay-depinisyon:
Sa pamamaraang ito, ang mga paksa ay binibigyang-depinisyon sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katangian nito at pagbibigay-halimbawa. Ang mga artikulong nakapaloob sa mga ensayklopidya ay halimbawa ng pamamaraang ito.
1. Malinaw at maikling tesis na pangungusap na matatagpuan sa unang talata ng teksto.
Sa unang talata pa lamang, dapat na ipahayag ng manunulat ang pangkalahatang paksa ng argumento kasunod ang paglahad kung bakit mahalaga ang naturang isyu. Matapos ay ilalahad ng manunulat ang tesis na pangungusap. Mahalagang ang tesis na pahayag ay maikli ngunit may katiyakan dahil ang tesis na maingat na binuo ay ang simulain ng epektibong argumentasyon.
Hook
Simulan ang teksto sa pamamagitan ng isang mapanghikayat na pangungusap. Kailangang mabingwit ang atensyon ng mambabasa.
Paraan ng pagbasa
Tahimik na pagbasa at pasalitang pagbasa
Maingat na pagpili ng mga salita:
Tandaang layunin ng paglalarawan ang makalikha ng imahe sa isipan ng iyong mambabasa. Kung gayon, kailangang gumamit ng salitang pupukaw sa guni-guni ng mambabasa. Sa halip na ipahayag nang tuwiran ang detalye, lagyan ito ng kulay, ng tekstura, ng lasa o di kaya ng tunog gamit ang mga pang-uri.
Punto de bista
Tinutukoy nito kung kaninong pananaw o punto isinasalaysay ang kwento. Kung ang mismong pangunahing tauhan ang nagsasalaysay, nasa unang panauhan. Maaari namang omniscient na punto de bista kung saan nakikita niya ang lahat ng nagaganap sa kwento. Karaniwang omniscient ang punto de bista ng mga nobela o mga pelikula.
3. Kongklusyon
a. Bigyan ng maayos na pagwawakas ang buong teksto. b. Bigyang diin ang kahalagahan at kabuluhan ng iyong argumento. c. Maaaring mag-iwan ng hamon sa mambabasa upang pag-isipan ang argumento.
1. Introduksyon:
a. Hook b. Kaligirang impormasyon c. Depinisyon d. Tesis na pahayag
2. Mga talata ng katawang bahagi
a. Isang paksang pangungusap sa bawat talata upang isang detalye ang talakayin sa bawat talata. b. Maglagay ng paksang pangungusap sa bawat talata. c. Lakipan ng ebidensya ang bawat talata. d. Ipakita kung paano sinusuportahan ng iyong ebidensya ang iyong argumento.
Ang epektibong paglalarawan ay kinapapalooban ng apat (4) na mahahalagang teknik na makatutulong sa pagpapabisa ng gawaing paglalarawan (Sedillo, n.d.):
a. Pagpili ng pokus: b. Maingat na pagpili ng mga salita: c. Reader interest: d. Re-reading at redo:
Ngunit mayroon pang ibang uri ng tekstong naratibo:
a. epiko b. Pabula c. Pantasya d. Kwentong bayan e. Leyenda f. Mito g. Dula h. Balita i. Talambuhay j. Sariling Talambuhay k. Parabula
6. Empirical [verifiable by observation or experience]
ang kredibilidad ng pag-aaral ay nakasalalay sa pagiging empirical nito, na maaaring maberipika di lamang ng mananaliksik kundi maging ng iba.
Layon ng tekstong impormatib
ang maglinang ng kaalaman, magpaliwanag ng proseso o di kaya ay talakayin nang malaliman ang isang konsepto.
7. Sistematiko [organized]
ang pagkakaroon ng kaayusan sa pagsasagawa ng bawat hakbang ay nakatutulong sa katiyakan ng kawastuhan ng pag-aaral.
Ang tesis na pahayag
ay isang pangungusap na naglalaman ng paksa ng argumento, panig na siyang pinaniniwalaan ng manunulat at ninanais na ipaglaban at ang pangkalahatang dahilan ng naturang pagkiling.
Ang mga opinyon
ay hindi tumutukoy sa personal na opinyon ng manunulat kundi tinutukoy nito ang opinyon ng mga eksperto sa larangang kinabibilangan ng paksa.
persuasion
ay isang literary device na ginagamit ng mga manunulat upang iharap ang kanilang mga ideya sa pamamagitan ng lohika at pangangatwiran upang makaimpluwesya ng mga mambabasa o tagapakinig.
Tekstong Argumentatibo o Pangangatwiran
ay isang makatwiran at lohikal na paraan ng paglalahad ng isang indibidwal ng kanyang panig, paniniwala at kongklusyon kaugnay ng isang isyu. Sa simula ay ilalahad ng naignanais makipagtalo ang kanyang pinaniniwalaan at kasunod nito ay ang paghahanay ng mga impormasyong magsisilbing ebidensya na mula sa mga mapagkakatiwalaang hanguan. Mahalagang mabigyang-linaw ng manunulat ang kanyang pinaniniwalaan at magharap ng ebidensya ukol dito gayundin ang pagharap ng matibay na argumento laban sa kabilang panig. Ito ay isang mahalagang uri ng teksto dahil kinakailangang magharap ang manunulat ng makatwiran at lohikal na katibayan para sa kanyang mga pinaniniwalaan. Ang layon ng argumentatibong pahayag ay upang baguhin ang takbo ng pag-iisip ng mambabasa at hikayatin silang kumilos ayon sa kanyang kagustuhan o tanggapin ang kanyang paliwanag tungkol sa isang suliranin o konsepto.
pananaliksik
ay isang sistematiko, kontrolado at kritikal na imbestigasyon ng mga natural na penomenang ginabayan ng teorya at haypotesis kaugnay ng mga pinaniniwalaang relasyon sa pagitan ng mga penomena. Sa simpleng pananalita, ito ay ang makaagham na pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa mga suliranin (Kerlinger, 1986; Fonollera, 1993)
Ano ba ang paksang debatable?
ay mga paksang maaaring makwestyon ang kredibilidad ng mga impormasyon at hindi yaong mga indisputable facts.
4. Kredibilidad [reliable]
dapat ay mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng datos o impormasyon.
May dalawang uri ng ebidensya:
facts/katotohanan at opinyon.
Buuin ang tekstong argumantatibo
gamit ang nabuong balangkas.
Tekstong Naratibo
isang diskurso na nagpapahayag ng mga pangyayari, karaniwang tapos na, at gumagamit ng mga salitang naglalahad ng pagkilos upang ilarawan ang mga aksyong magkakaugnay. Ang isang salaysay ay kinapapalooban ng mga aksyong magkakaugnay na naisaayos sa kronolohikal na order na madalas nasa una o ikatlong panauhan.
epiko
isang mahabang tulang nagsasalaysay ng mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng isang bayani.
Pabula
isang maikling kwentong naglalaman ng aral na karaniwang kinasasangkutan ng mga hayop bilang pangunahing tauhan na kumikilos na tulad ng mga tao.
pasalitang pagbasa (oral reading).
karaniwang ginagamit ng mga nag-aaral pa lamang bumasa samantalang ang tahimik na pagbasa ay higit na ginagamit sa pagpapaunlad ng kakayahang bumasa.
1. Paksa
kawili-wili at napapanahon; kapakipakinabang; may aveylabol na mga datos; angkop sa kahingian ng proyekto at sa kakayahan ng mananaliksik; may kasapatan ng oras at pinansyal na kakayahan ng mananaliksik.
4. Katapatang intelektwal
kinikilala ang hanguan, di binabago ang resulta
tahimik na pagbasa (silent reading)
mata lamang ang ginagamit at walang tunog o pagsasalitang ginagawa.
6. Oras at Panahon
matatapos ayon sa itinakdang panahon.
1. Mapagkakatiwalaan [trustworthy, honest]
mawawalan ng halaga ang ibang katangian ng mabuting pananaliksik kung siya ay hindi tapat sa kanyang gampanin bilang mananaliksik. Kung hindi siya mapagkakatiwalaan, paano pa pagkakatiwalan ang kanyang gawain, di ba?
2. Abeylabiliti ng mga Datos
may mapagkukunan ng datos
2. Validity [acceptable, logical]
may mga katotohanan na masasabi nating katanggaptanggap sa isang partikular na panahon at sitwayson, kung kaya't mahalagang kakitaan ng lohika ang pag-aaral upang ito ay tanggapin ng mga tao ano man ang sitwasyon o panahon. Kaya mahalaga ang pagtatalaga ng hangganan o saklaw ng pag-aaral
4. Ethics para sa Hanguang Sekondarya
may pagkilala sa pinaghanguan kung ito'y aklat, tesis, disertasyon, atbp.
5. Malikhaing kaisipan -
nakaiisip ng mga paraan upang maisagawa ang layunin nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng pag-aaral.
epektibong pagbasa
nakasalalay sa dating kaalaman ng mambabasa. Maaari nating masabi na kung mas maraming nakaimbak na kaalaman ang mambabasa kaugnay ng iba't ibang paksa, magiging mas malawak ang kanyang pananaw sa pag-unawa ng teksto at mas madali ang kumprehensyon.
5. Generalizability [can be considered for a bigger group; applicable to others]
nararapat ay maaaring ma-replicate ang pag-aaral na maiaangkop sa ibang pangkat
Persepyon o pagkilala
sa bahaging ito, kinikilala ang mga simbolong nakalimbag. Kailangang alam ng mambabasa ang wikang ginamit sa tekstong babashain na magsisimula sa pagkilala ng mga simbolong ginamit. Hindi porke't marunong magbasa ay magagawang basahin ang anomang teksto. -pagkilala ng mga nakalimbag na simbolo.
Ang persweysib na teksto ay nagsisimula
sa isang tesis na pahayag.
3. Konstruktibong kritisimo
tumatanggap ng mga kritisismo upang mas lalong mapabuti ang isinasagawang pag-aaral.
5. Objectivity vs. Subjectivity
walang pagkiling para maiwasan ang pagiging bias sa resulta