Filipino
Bargo (2014)
- ang sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong ay hindi ipapaliwanag o bibigyang-interpretasyon ang mga napag-usapan kundi itatala at iuulat lamang ito - dapat obhetibo at organisado ang pagsasagawa nito
Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda
1. Magpadala ng memo sa papel o e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa. 2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo. 3. Gumawa ng balangkas ng mga paksa. 4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat
1. Obhetibo 2. Pormal 3. Maliwanag at Organisado 4. May Paninindigan 5. May Pananagutan
Elementong Kailangan sa Epektibong Pagpupulong
1. memorandum 2. adyenda 3. katitikan ng pulong
Bionote
URI NG LAGOM - ginagamit sa pagsulat ng personal profayl ng isang tao - tala sa buhay ng ng isang tao na naglalaan ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat at abstrak - ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume - makikita sa mga blog, kumperensiya
Alejo et. al (2005)
- ang akademikong pagsulat ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan - ang akademikong pagsulat ay may kumbensiyon na naglalayong maipakita ang resulta mula sa pagsisiyasat ukol sa ideyang nais pangatwiranan
Mabilin et al. (2012)
- ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat
Akademikong Filipino (Intelektuwalisasyon)
- iba sa wikang karaniwan o sa wikang nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw-araw na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino
Akademikong Pagsulat
- isang intelektwal na pagsulat - nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan - pinapahalagahan ang mga alintuntuning o prinsipyo sa paggamit ng Filipino
McKay (n.d)
- mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng pulong
Kahalagahan ng Akademikong Pagsulat
- maituturing na nakaangat ang isang taong marunong magsulat ng maayos sa paaralan at trabaho - ang pagsagot ng maayos sa mga pagsusulit ay nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag - kailangang matutong magsulat ng mga liham at resume sa pangaraw-araw na buhay
Lagom
- pinakasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin - makukuha ng bumabasa ang kabuuang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng akda
Pagkatapos ng Pulong
1. Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong habang sariwa pa sa isip ang mga tinalakay. 2. Itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng komite, uri ng pulong (lingguhan, buwanan, taunan, o espesyal na pulong), at layunin nito. 3. Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos. 4. Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. 5. Ilagay ang "Isinumite ni," kasunod ang iyong pangalan. 6. Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito. 7. Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna rito.
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
1. Heading - pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon - petsa, lokasyon, at ang oras ng pagsisimula ng pulong 2. Mga kalahok na dumating - sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong, mga dumalo, mga panauhin at liban 3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong - pinagtitibay ang nakaraang pagpupulong at sinasabi ang mga pagbabagong isinagawa 4. Action items - usaping napagkasunduan (kasama ang mga hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong) - mahahalagang tala hinggil sa tinalakay - mga taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at mga ang desisyong nabuo 5. Pabalita o patalastas - hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong - suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong 6. Iskedyul ng susunod na pulong - kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong 7. Pagtatapos - anong oras nagwakas ang pulong 8. Lagda - pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kailan ito naisumite
Mga Kinakailangan ng Magsusulat ng Katitikan ng Pulong
1. Hindi participant sa nasabing pulong. - dapat may sapat na atensiyon sa pakikinig upang maitala niya ang lahat ng mahahalagang impormasyon o desisyong mapag-uusapan 2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong. - mas madaling linawin sa tagapanguna ang ilang mga bagay na hindi niya lubos na nauunawaan 3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo. 4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong. - mahalagang maibahagi ito bago magsimula ang pulong kasama ang sipi ng katitikan ng nagdaang pulong upang maging organisado at sistematiko ang daloy ng pulong 5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda. - mahalagang mabantayan na ang lahat ng tinatalakay na paksa sa pulong ay yaon lamang sa nakasaad sa adyenda upang hindi masayang ang oras ng lahat 6. Tiyaking ang katitikan ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading. - kailangang malinaw na nakatala ang pangalan ng samahan o organisasyon, petsa, oras, at lugar ng pulong 7. Gumamit ng recorder kung kinakailcingan. - ito ay upang mabalikan ang mga puntos na hindi malinaw 8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos. - itala kung kanino nanggaling ang mosyon at maging ang mga taong sumang-ayon dito 9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan. 101 Isulat at isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong. - dapat na maisagawa agad upang hindi makaligtaan
Habang Isinasagawa ang Pulong
1. Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa. - madaling matututukoy kung sino ahg liban sa pulong at maging ang panauhin sa araw na iyon 2. Sikaping makilala kung sino ang bawat isa. - ito ay para madaling matukoy kung sino ang nagsasalita 3. Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos. 4. Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon at pangalan ng mga taong nagbanggit nito. 5. Itala at bigyang-pansin ang mga mosyong pagbobotohan at pagdedesisyunan sa susunod na pulong. 6. Itala kung anong oras natapos ang pulong.
Bago ang Pulong
1. Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin. - bolpen at papel laptop, tablet, computer o recorder 2. Tiyaking nasa maayos na kondisyon ang gagamitin sa pagtala. 3. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong. - ito ay makatutulong mabilis na pagtatala ng mga mapag-uusapan
Mga Benepisyong maaaring makuha sa Pagsusulat
1. Makapag-organisa ng kaisipan sa obhektibong pamamaraan 2. Magkaroon ng mapanuring pagbasa 3. Malinang ang pagsusuri sa mga datos 4. Mahikayat sa matalinong paggamit ng aklatan 5. Makapagdulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman tungo sa pag-ambag ng kaalaman sa lipunan 6. Mahubog ang pagpapahalaga sa pansariling gawa at akda 7. Malinang ang kakayahang magsaliksik mula sa iba't ibang batis ng kaalaman
Mga Dapat Tandaan sa Memorandum
1. Makikita sa letterhead ang logo, pangalan ng kompanya, adress at bilang ng numero nito. 2. Gamitin ang unang pangalan kung impormal at buong pangalan kung pormal sa bahaging, Para sa/Para Kay : (Pangalan) 3. Gamitin lamang ang unang pangalan ng sumulat ng memo sa Mula Kay : (Pangalan) 4. Iwasan ang paggamit ng numero sa petsa. 5. Ang paksa ay ilagay nang payak at malinaw . 6. Ang mensahe ay maikli lamang ngunit detalyado na siyang nagsasaad nang: - sitwasyon (layunin) - problema (suliraning tutugunin) - solusyon (inaasahang dapat gawin) - pasasalamat (wakas) 7. Ilagay ang lagda sa ibabaw ng pangalan ng sumulat sa bahaging Mula Kay : (Pangalan)
Mga Dapat Tandaan
1. Tiyakin na lahat ng dadalo ay nakatanggap ng sipi. 2. Talakayin sa unang bahagi ng pulo ang pinakamahalagang paksa. 3. Manatili sa iskedyul. 4. Magsimula at magtapos sa tamang oras. 5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento.
Uri ng Lagom
1. abstrak 2. sinopsis / buod 3. bionote
Iba't Ibang Uri ng Akademikong Sulatin
1. abstrak 2. sintesis / buod 3. bionote 4. adyenda 5. katitikan ng pulong 6. panukalang proyekto 7. talumpati 8. posisyong papel 9. replektibong sanaysay 10. pictorial-essay 11. lakbay-sanaysay
Kulay sa Memo ayon kay Dr. Bargo (2014)
1. puti - pangkalahatang kautusan, direktiba o impormasyon 2. pink o rosas - request or order galing sa purchasing department 3. dilaw o luntian - memo na nanggaling sa marketing at accounting department
7 Elemento ng Abstrak
7 Elemento: 1. introduksyon 2. mga layunin ng pag-aaral 3. saklaw at limitasyon 4. pamamaraan ng pananaliksik 5. buod ng natuklasan 6. kongklusyon 7. rekomendasyon
Adyenda
ELEMENTO SA EPEKTIBONG PAGPUPULONG - ayon kay Sudprasert (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong - nagsasaad ng iskedyul ng paksang tatalakayin, mga taong tatalakay at oras na itinakda sa bawat paksa - nagtatakda ng balangkas ng pagkakasunod-sunod ng mga paksa - nagsisilbing talaan o tseklist na titiyak na lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan upang magpokus lamang sa mga iyon
Memorandum (Memo)
ELEMENTO SA EPEKTIBONG PAGPUPULONG - ayon kay Sudprasert (2014), ito ay kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala - nakasaad dito ang pakay o paalala - nag-uutos sa isang gawain - maaaring maglahad ng isang mahalagang impormasyon o balita
Katitikan ng Pulong
ELEMENTO SA EPEKTIBONG PAGPUPULONG - opisyal na tala ng mga napag-usapan sa isang pulong - kalimitang pormal, obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng - matapos mapagtibayan sa susunod na pagpupulong ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan ng samahan o kompanya - maaaring magamit bilang primafacie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian
Maliwanag at Organisado
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT - ang kinakailangang mga talata kakitaan ay ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisahan
May Pananagutan
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT - ang pagsiguradong may nararapat na pagkilala mula sa mga pinagkuhanan ng impormasyon - ito ay makatutulong upang mapatibay ang kahusayan at katumpakan ng gawain
May Paninindigan
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT - hindi magandang magpapalit-palit ng paksa - maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para sa napiling paksa
Pormal
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT - iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal - ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din
Obhetibo
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT - kinakailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik - iwasan ang opinyon o sariling pananaw
Sinopsis o Buod
URI NG LAGOM - ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati - mahalagang maibuod sa sariling salita - nakatutulong sa madaling pag-unawa sa seleksiyon kung payak ang mga salitang gagamitin - mahalagang banggitin ang pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda - makakatulong upang maipaunawa sa babasa na ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa - iwasan magbigay ng sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda
Abstrak
URI NG LAGOM - karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel ex: tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, report - unahan ng pananaliksik pagkatapos ng pamagat ng papel - past tense - tinatalakay kung kailan, paano, at saan nagmula ang suliranin - ibinabahagi dito ang paksang binibigyang diin sa pananaliksik - maaaring patalata o pabalangkas
Uri ng Memorandum ayon kay Bargo (2014)
a. Memorandum para sa kahilingan b. Memorandum para sa kabatiran c. Memorandum para sa pagtugon
Tatlong Uri ng Estilo sa Katitikan ng Pulong
a. Ulat ng Katitikan - lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala - kasama ang pangalan ng mga taong tumalakay ng paksa at mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa b. Salaysay ng Katitikan - isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong - maituturing na isang legal na dokumento c. Resolusyon ng Katitikan - nakasaad lamang dito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan - hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon dito. hal: Napagkasunduan na. . . Napagtibay na. . .