Filipino
Mother Tongue-Based Multilingual Education
Ang kahulugan ng MTB-MLE
Ingles at Filipino
Ang mga ito ang dalawang opisyal na wika sa ating bansa ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1973.
Wikang Panturo
Ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
Creole
Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika ng ng batang isinilang sa komunidad.
Unang wika
Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang.
Homogenous
Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti.
Pidgin
Barayti ng wikang nangyayari kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang magkaibang unang wika at di nakakaalam sa wika ng isa't isa.
130
Bilang ng mga wika sa pilipinas
Idyolek
Ito ang barayti ng wika kung saan lumulutang ang personal na katangian at kakayahang natatangi ng taong nagsasalita.
Register
Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at kausap.
Dayalek
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
Etnolek
Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
19
Ito ang bilang ng mga wika at diyalektong pinangalanan ng DepEd upang gamitin sa pagtuturo ng mga mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 3 noong 2013.
1946
Ito ang taon kung saan ipinagkaloob tayo ng mga Amerikano ang ating kalayaan at ipinahayag din na Tagalog at Ingles ang mga wikang opisyal sa bansa sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.
1937
Ito ang taon kung saan iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wika Pambansa. 1940
1972
Ito ang taon kung saan muling nagkaroon ng pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyonal. Sa huli, kikilalaning Filipino na ang wikang pambansa. 1987
1987
Ito ang taon kung saan pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
1959
Ito ang taon kung saan pinalitang ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero.
Monolinggwalismo
Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa.
Tagalog
Ito ang wikang naging batayan ng wikang pambansa dahil ito ay tumugma sa mga pamantayang binuo ng sangay na nagsuri sa iba't ibang wika o diyalekto sa bansa.
Ikatlong wika
Ito ang wikang natutuhan kasunod ng unang wika. Ito kasi ang karaniwang wikang nagagamit sa kapaligiran ng sariling tahanan.
Pangalawang wika
Ito ang wikang natututuhan ng isang tao habang lumalawak ang kanyang ginagalawang mundo dahil ito'y isa ring wikang nagagamit sa maraming pagkakataon sa lipunan.
Wika
Ito ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon.
Mother Tongue
Ito ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man.
Bilingguwalismo
Ito ay paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.
Multilinggwalismo
Ito ay paggamit/kakayahan ng tao sa tatlo at higit pang wika
Lingua
Ito ay salitang latin na nangangahulugang "dila", "wika" o "lengguwahe."
Heterogenous
Katangian ng wikang nagpapakitang ito'y hindi maaaring puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng iba't ibang barayti dala na rin ng mga salik panlipunang nagiging dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga ito.
Jejemon
Paggamit ng mga simbolo o numero sa salita
coño
Paghalo ng ingles at filipino sa pananalita ( TAGLISH )
Sosyolek
Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Gay lingo
Salita na ginagamit ng mga bakla
Manuel L. Quezon
Siya ang pangulo ng bansang sumusog sa mungkahing ibatay ang wikang pambansa sa isa sa mga umiiral na wika o wikain sa ating bansa.
Wikang Opisyal
ito ay ang itinadhana ng batas ng maging opisyal na talastasan ng pamahalaan.
Jargon
nokabularyo ng partikular na pangkat na nagpapakilala sakanilang trabaho.
Ekolek
wikang ginagamit sa bahay
