KOMPAN REVIEWER.
Masasabi natin na ang wika ay:
1. masistema 2. set ng simbolikong arbitrayo 3. pasalita ngunit biswal din 4. makahulugan 5. komunikasyon o gamit sa komunikasyon. 6. umiiral sa isnag speech community 7. natutunan ng tao sa parehong paraan, sa natural na paraan.
Ito ang wika ng isang PAMAYANAN na nabuo sa napagkasunduang termino ng mga taong gumagamit nito.
ARBITRARI
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Anong Artikulo ito sa Saligang Batas ng 1987?
Artikulo XIV Seksyon 6.
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Artikulo XIV ng Sekyon 7 ng Saligang Batas ng 1987.
Ang PINAKAMABABANG antas ng wika.
BALBAL
Tumutukoy sa maliit na groupo ng mga tao.
BARAYTI NG WIKA
Ano tawag sa pagkakaroon ng likas na gamit at pagkontrol ng DALAWANG MAGKAIBANG WIKA?
Bilingguwalismo
Likas na wika o UNANG WIKA na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin.
CREOLE
Ito ang PANGUNAHING WIKA sa ISANG PARTIKULAR NA LUGAR
DAYALEK
Ano ano ang mga BARAYTING PERMANENTE?
DAYALEK, IDYOLEK, ETNOLEK, EKOLEK.
Ito ay ang mga salitang ginagamit sa iba't ibang pamamaraan pero ang KAHULUGAN ay iisa lamang.
HETEROGENEOUS NA WIKA
Ayon kay "Ang wika ay MALIMIT NA BINIBIGYANG KAHULUGAN bilang sistema ng mga tunog. Arbitaryo na ginagamit sa komunikasyong panta"
HUTCH (1991)
Ito ang pagkakatulad ng mga salita, Ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas, Ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Homogenous na wika
Ito ang SARILING KAKANYAHAN SA PARAAN NG PAGSASALITA. (KABUBUANG KATANGIAN NA NAKAGAWIAN NA KAPAG NAGSASALITA)
IDYOLEK
Ito ang payak na salitang walang panlapi. Ang mga ito ay maaring PANGALAN, PANG URI, AT PANDIWA.
ISTEM/SALITANG UGAT.
Ang pahayag na "Wer na u kaibigan?" ay nasa antas na?
KOLOKYAL
Ito ang model ng komunikasyon na kung saan ang pinagmulan ng mensahe (SENDER) ay naghahatid ng mensahe tungo sa tagatanggap (RECEIVER)
KOMUNIKASYON BILANG AKSYON
Ito ang model ng komunikasyon na kung saan nagkakaroon ng PAGPAPALITAN NG IMPORMASYON SA DALAWANG TAO
KOMUNIKASYON BILANG INTERAKSYON
Ito ang tawag sa paggamit ng DALAWA O HIGIT PANG MAGKAIBANG WIKA sa magkakahiwalay na pagkakataon.
Multilingguwalismo
Ito ay isang pahayag na nagmumula sa iyo tungkol sa ISANG PAKSANG ibig mong bigyang patunay.
OPINYON
Tinatawag ito 'di malaya sapagkat nalalaman lamang ang kahulugan nito kapag nasama ito sa istem.
PANLAPI
Ito ay ang pag usbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na 'nobody's native language' o KATUTUBONG WIKANG 'di pag-aari ninuman. (BARAYTI NG WIKA NA WALANG PORMAL NA ESTRAKTURA.)
PIDGIN
Tumutukoy ito sa PANGKAT ng mga tao sa isang bansa na may pagkakapareho na kultura at paniniwala.
Pangkat-Etniko o Etnolingguwistikong Komunidad.
Ito ang tawag sa TUNOG NG WIKA
Ponema o Ponolohiya
Ayon kay ___ "Ang wika ay KALIPUNAN ng mga salitang ginagamit at naiitindihan ng isang maituturing na komunidad"
WEBSTER (1990)
Tawag ito sa pinagtibay ng PAMBANSANG PAMAHALAAN at ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga mamamayang kanyang sakop.
WIKANG PAMBANSA.
Ito ang KATUTUBONG WIKA na ginagamit sa BUONG PILIPINAS
Wikang Filipino
Nahahati ang barayti ng wika sa dalawa na:
permanente at pansamantala
Ano ano ang mga bumubuo sa wika?
Morpema, Sintask, Ponema.
Ang ___ ay isang BATAY SA TAONG GUMAGAMIT.
Dayalekto
Ito ang wika na kadalasan ginagamit sa BAHAY
EKOLEK
Barayti ng PAMAMARAAN NG PAKIKIPAG-UGNAYAN GAYA NG PORMAL AT DI-PORMAL.
ESTILO
Wika ng mga etnolinggeistikong o katutubong grupo
ETNOLEK
Ito ang tawag sa pananalita ang register
Estilo
Ano ang wikang pambansa ng Pilipinas?
FILIPINO
Sabi ni ___ "Ang wika ay isang istemang arbitraryo ng SIMBOLONG OASAKU na nagbibigay pahintulog sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang MAKIPAGTALASTASAN o MAKIPAGUGNAYAN.
Finnochiaro (1964)
Salik na nakakaapekto sa tao dahil sa paglipat-lipat ng tirahan na nagbubunsod sa pagkatutong higit sa isang wika.
Geographical Proximity
Mga kadahilanan kung bakit nagkaroon ng Bilinguwal
Geographical Proximity Historical Factors Migration Relihiyon Public/International Relations
Sabi ni ___ "Ang wika ay MASISTEMANG BALANGKAS na sinasalitang tunog na pinipili at isinaayos sa paraang arbitrayo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga TAONG NASA IISANG KULTURA.
Gleason (1961)
Ang mga salitang GINAGAMIT sa ISANG PARTIKULAR NA LUGAR.
LALAWIGANIN
Barayti kung paano MAIPAPARATING ANG UGNAYAN TULAD NG SA PAGSULAT O PASALITA.
MODE
Ito ang PINAKAMALIIT NA YUNIT NG WIKA na may KAHULUGAN. (TAGLAY SA SARILI)
MORPEMA
Ito ang BARASYON BATAY SA GAMIT.
REGISTER
Ito ay isang rehistrasyon ng paggamit ng mga salitang na ANGKOP SA PARTIKULAR NA LARANGAN.
REGISTER
Ano ano ang mga nakapabilang sa PANSAMANTALANG BARAYTI?
Register, Mode, At Estilo.
Isang pag-aaral na tumatalakay kung paano nagbibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.
SEMANTIKA
Mga pangkat o grupo na mayroong MAGKAKATULAD NA PARAAN NG PAGSASALITA.
SOSYOLEK
Ito ang AYOS, ANYO, AT ISTRUKTURA NG PANGUNGUSAP. (PAG AARAL NG ISTRUKTURA NG MGA PANGUNGUSAP)
Sintaks
Siya ang nag sabi na "Ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga TUNOG para sa komunikasyong pantao"
Sturtevant (1968)
Tukuyin ang antas ng wikang isinasaad ng TERMINONG ZOOLOGY
TEKNIKAL
Dalawang uri ng ponema
segmental at ang suprasegmental