Antas ng Wika
Kolokyal (Colloquial)
Bahagi pa rin ng antas na ito ang pagsasama ng dalawang wika tulad ng Tagalog at Ingles o Tag-lish o Tagalog-Espanyol.
Kolokyal (Colloquial)
Ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng papaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya'y mapagsama ang dalawang salita.
Pambansa
Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan na itinuturo sa mga paaralan.
Pampanitikan
Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.
Lalawiganin (Provincialism)
Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsya o kaya'y sa partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika. Kapansin-pansing ang mga lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito.
Mga Salitang Impormal o Di-Pormal
Mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan.
Mga Salitang Pormal
Salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat at sa iba pang usapan o sulating pang-intelektuwal. Kabilang din sa uring ito ang masisining na salitang tulad ng mga tayutay na lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika.
Balbal (Slang)
Salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya't madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. Karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat. Nabubuo sa pamamagitan ng iba't ibang paraan tulad ng pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng salitang Amerikano na naging Kano, pagbaliktad sa mga titik ng isang salita tulad ng tigas na naging astig, pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan tulad ng toxic na ang ibig sabihi'y sobrang busy o maraming trabaho, at pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan tulad ng Carmi Martin na ang kahulugan ay karma.