Filipino Chapter Test - 2nd Trimester

Lakukan tugas rumah & ujian kamu dengan baik sekarang menggunakan Quizwiz!

Katawan ng Aklat o Teksto

- bahaging makikita ang impormasyon o talakayan ng paksa

Pahina ng Pamagat

- kinapapalooban ng buong pamagat ng aklat at ang pangalan ng may akda - unang pahina ng aklat

Talasanggunian (Bibliyograpi)

- matatgpuan sa huling bahagi ng aklat -nakapaloob ang talaan ng mga aklat at iba pang kagamitang ginamit na sanggunian sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa paksang tinatalakay sa aklat -ito ay nakaayos ng paalpabeto

Pahina ng Karapatang Sipi

- pahina sa likod ng pahina ng pamagat - dito nakasulat ang taon ng pagkakalimbag, ang naglimbag at ang lugar ng pinaglimbagan

Dedikasyon

- pahinang pinagkakalooban ng pangngalan ng taong pinaghahandugan ng may akda na nagsilbing inspirasyon o katulong nya sa pagbuo ng aklat

Kasingkalhulugan

- salitang may iisang kahulugan

Talaan ng Nilalaman

- talaan ng mga paksa o pamagat ng nilalaman at ng pahina kung saan ito matatagpuan -makakatulong upang madaling makita ang paksang hinahanap

Pronominal

-Pamalit sa pangalang ayaw ng ulitin pa. Hal : Ire , ito, nere, nito, nyan noon, dine dito

DENOTASYON

-ang salita ay nagbibigay ng isang tiyak na kahulugan o buhat sa diksyonaryo

KONOTASYON

-nagbibigay ng iba pang kahulugan kaysa sa karaniwang kahulugan ng salita

Pabalat

-takip ng aklat. -Yari sa matigas na papel o kardboard upang hindi agad masira - pinakaproteksyon ng aklat - mababasa rin dito ang pamagat ng aklat at kung sino ang sumulat

Talahulugan (Glosari)

-talaan ng batayang terminolohiya at mahihirap na katawagan sa aklat na may kasamang katuturan o paliwanag

ASPEKTO NG PANDIWA

1. Aspekto ng Pangnagdaan o Perpektibo 2. Aspekto ng Pangkasalukuyan o Imperpektibo 3. Aspekto ng Panghinaharap o Kontemplatibo

PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN

1. DENOTASYON 2. KONOTASYON

Kailanan ng Panghalip Panao

1. Isahan - panghalip na tumutukoy lamang sa isang bilang ng tao Hal : ako, akin, ko, ikaw, ka, iyo, Siya, kanya 2. Dalawahan- panghalip na tumutukoy lamang sa dalawang bilang ng tao Hal: KITA , kata, atin, amin, nila, sila, kayo, nyo 3. Maramihan- tumutukoy sa tatlo o higit pang bilang Hal: kami, namin, atin, tayo, natin

Kaantasan ng Pang-Uri

1. Lantay 2. Paghahambing 3. Pasukdol

Mga Bahagi Ng Aklat

1. Pabalat 2. Pahina ng Pamagat 3. Pahina ng Karapatang Sipi 4. Dedikasyon 5. Paunang Salita 6. Panimula 7. Talaan ng mga Nilalaman 8. Katawan ng Aklat o Teksto 9 Talasanggunian (Biblyograpi) 10. Talahulugan ( Glosari) 11. Talatuntunan (Indeks)

Kaukulan at Gamit ng Pangngalan

1. Palagyo 2. Palayon 3. Paari

Uri ng Pandiwa

1. Palipat - kapag ito ay tuwirang layon na tumanggap ng kilos. Ito ay mga pariralang pangukol na pinangugunahan ng ng o ng mag, sa, sa mga, kay, kina 2. Katawanin- kapag walang tuwirang layong tumatanggap ng kilos. Ang pandiwa ay nakakatayong mag isa at maaring: a. naglalahad lamang ng kilos b. pandiwang walang simuno

Apat na Uri ng Panghalip

1. Panao - Inihahalili sa pangalan ng tao Hal: ako,ko, ikaw,mo, iyo,siya, kanya, tayo, kayo, akin, kami, namin 2. Panghalip Pamatlig/Demonstratibo- panghalip sa pangngalang tinuturo Hal: dito, rito, ayan, ayun, ganito, ganiyan, narito, naroon 3. Panghalip Panaklaw - panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng tinutukoy Hal: isa, iba, lahat, tanan, madla, pawa, anuman, alinman, sinuman, ilanman, saanman , gaanu pa man 4. Panghalip Pananong - ito ay panghalip na humahalili sa pangngalan na ginagamit sa pagtatanong. Hal: sino, ano,kanino,sino-sino, Ilan, kani-kanino

2 Pangkalahatang Uri ng Pangalan

1. Pangalan ayon sa Katangian 2. Pangalan ayon sa Tungkulin

URI NG PANG -URI

1. Panlarawan 2. Pamilang a. Patakaran b. Panunuran c. Pamahagi d. Palansak e. Pahalaga f. patakda

Pangalan ayon sa Katangian

1. Pantangi - pangalang tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, lugar, gawain, hayop o pangyayari. Nagsisimula sa malaking titik Hal. Toyota, Anna, Pasko, Alaska 2. Pambalana- pangkaraniwang ngalan ng mga bagay , tao, pook, hayop at pangyayari. Ang pangalang ito ay pangkalahatan walang tinutukoy na tiyak o tangi hal. hayop, bata, matanda, kotse

2 Uri ng Paghahambing

1. Patulad- paghahambing ng dalawang magkatulad na katangian. Gumagamit ng panlaping sing, Kasing, magsing at salitang pareho , kapwa hal: magsing-laki, katulad ng araw, parehong maliit 2. Pasahol o Palamang- paghahambing ng dalawang katangian na ang isa ay nakahihigit o nakalalamang sa isa Hal: higit na mabuti

IBA PANG POKUS NG PANDIWA

1. Pokus sa Ganapan o Lokatibo- ang paksa o simuno ay lugar o ganapan ng kilos 2. Pokus sa Tagatanggap o Benepaktibo- paksa ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos

POKUS NG PANDIWA

1. Pokus sa Tagaganao o Aktor 2. Pokus sa Layon o Gol

Uri ng Panghalip na Pamatlig

1. Pronominal 2. Pahimaton o panawag pansin 3. Patulad 4. Panlunan

Gamit ng Malaking Titik

1. Simula ng Unang salita 2.sa buong panglan, palayaw, alyas at inisyal ng isang tao , sa mga apelyidong me kakabit na pang ukol gaya ng de del delos. las la at iba pa..... ... buklatin ang PLUMA pahina 210

Pangalan Ayon sa Tungkulin

1. Tahas o kongkreto- mga pangkaraniwang pangalan na nakikita at nahahawakan 2. Basal o Di Kongkreto- tinatawag din itong abtrakto. Ito ay mga pangalang di nakikita o nahahawakan pero nadarama , naiisip, nagugunita, o napapangarap 3. Lansakan- Mga pangkaraniwang pangngalan na nagsasaad ng kaisahan sa kabila ng dami o bilang.

Mga Panauhan ng Panghalip Pamatlig

1. Unang Panauhan- Panghalip na ipinapalit sa pangngalang itinuturo malapit sa nagsasalita tulad ng ito,iri,, niri, dito, dini, ganto, ganire , heto 2. Ikalawang Panauhan- Panghalip na ipinapalit sa pangngalang itinuturo malapit sa kausap mo gaya ng, iyan , nyan, diyan, ganyan, hayan 3. Ikatlong Panauhan- panghalip na ipinapalit sa pangngalang itinuturo malayo sa naguusap tulad ng doon, ganyan, ganoon, ayun, hayun

Panauhan ng Panghalip Panao

1. Unang Panauhan- humahalili sa taong nagsasalita Hal: Ako, ko, Kami, Tayo 2. Ikalawang Panauhan- panghalip na humahalili sa taong kinakausap Hal: ikaw, kaw, ka, iyo , mo 3. Ikatlong Panauhan- humahalili sa taong pinag uusapan Hal: Siya, Sila, Sina, kanya niya

Talatuntunan (Indeks)

Paalpabetong listahan ng mahahalagang pangngalan, lughar at paksang ginamit sa aklat Makikita sa huling bahagi ng aklat

Pokus sa Tagaganap o Aktor

ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na sinasaad sa pandiwa

POKUS SA LAYON O GOL

ang paksa o binibigyang diin sa pangungusap

Paari

ang pangngalan ay nasa kaukulang paari kung may dalawang pangalang magkasunod at ang pangngalawa ay nagsasaad ng pagmamay ari Hal: Ang kotse ni mama ay lagi naming sinasakyan

Palayon

ang pangngalan ay nasa kaukulang palayon kung ito ay ginagamit na: a. Layon ng Pandiwa - ang pangngalan ay ginagamit na layon ng salitang kilos sa pangungusap Hal: Nagluto ako ng masustansyang pagkain sina JC at Jamie b. Layon ng Pang-ukol- ang pangngalan ay ginagamit na layon ng pangukol sa pangungusap Hal: Gumawa ng matamis na lehiya sina Chezka para kay nany Luning

Panghalip Pamatlig

ang tawag sa mga panghalip na humahalili sa ngalan ng tao at iba pang itinuturo o inihimaton

Patakaran

batayang bilang sa pagbilang Hal: isa, dalawa, tatlo

Paunang Salita

dito nakapaloob ang mensahe ng may akda sa mga mambabasa

Panghalip Panao

humahalili sa pangalan ng taong ayaw ng ulit ulitin pa ito

Pahimaton o Panawag Pansin

humahalili sa pangalan ngna itinuturo o tinatawag ng pansin. HAL: ETO, HETO , AYAN, HAYAN, AYUN

Palagyo

ito ay kaukulan ng pangalan kung ang pangalan ay ginagamit na: a. Simuno -Ang pangngalang pinag uusapan sa pangungusap Hal: Ang aking lolo at lola ay masasayahin b. Pantawag - pangngalang pantawag o sinasambit sa pangungusap Hal: Manong, magkano po ang tinda nyong mangga? c. Pamuno - simuno o isa pang pangalang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang Hal: Si Voltz, ang aking aso na ubod ng bait. d. Kaganapang Pansimuno- ang simuno at ang isa pang pangalang nasa paguring tinutukoy rito ay iisa lamang. Hal: Si Mateo ay tatay ko na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Kasalungat

kabaligtaran ng ibig sabihin ng salita

PATULAD

kung ang hinahalilinn ay nagpapahayag ng pagtutulad sa mga tinutukoy Ex: ganito, ganyan

Paghahambing

naghahambing ng katangian ng 2 pangngalan o panghalip

Panlarawan

naglalarawa ng hugis o anyo, lasa, amoy, kulay, at laki ng mga bagay. Naglalarawan din ito ng mga katangian at ugali ng isang tao o hayop, layo o lawak at iaba pang katangian ng lugar

Lantay

naglalarawan ng isa lamang pangngalan o panghalip hal: maganda, malambing

Pasukdol

nagpapakita ng kasukdulan ng paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip. Gumagamit ng panlaping pinaka o napaka , pagka . Maari din ikabit ang salitang ubod, hari , sakdal Hal: ubod ng tamis, pagka lakas, napakahaba, hari ng tayog

Pahalaga

nagsasaad ng halaga ng mga bagay na nabili Hal; sampumpiso, dalawampiso, sandaan

Pamahagi

nagsasaad ng isang bahagi o parte ng kabuuan Hal: kalahati, kapat,tigatlo

Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo

nagsasaad ng kilos na di pa nauumpisahan o nagagawa

Aspektong Pangnagdaan o Perpektibo

nagsasaad ng kilos na natapos na

Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo

nagsasaad ng kilos na naumpisahan ngunit patuloy na ginagawa at hindi pa tapos

Palansak

nagsasaad ng pangkatan, minasanan o maramihan ng mga pangngalan Hal; isahan, dalawahan, limahan

Panunuran

nagsasabi ng mga pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan hal: una, ikalawa, ikatlo

Panimula

pahina na tumatalakay sa munting kasaysayan at dahilan ng pagkakalikha ng aklat

Panlunan

panhalip lamang sa pook o lugar Hal; DITO, DINE NANDYAN, NANDOON

Panghalip

salita o katagang panghalili sa pangngalan

Pang -Uri

salitang naglalarawan sa pangalan at panghalip. Ito ay nagsasabi ng uri, katangian, sukat, anyo, hugis, bilang at dami ng salitang inilalarawan

Pandiwa

salitang nagpapahayag ng kilos o galaw

Pamilang

salitang nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan.

Pangalan

salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook at mga pangyayari

Pokus

tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Nagpapakita ito sa pammagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

Patakda

tinitiyak nito na ang bilang ay hindi mababawasan o madadagdagan Hal: iisa, dadalwa, tatatlo


Set pelajaran terkait

Triangle Congruence by ASA and AAS Practice

View Set

MPW Chapter 10: Designing Organization Structure

View Set

Staffing Organizations Chapters 1 - 3

View Set

Hygiene, Skin Integrity, Wound Care, and Activity

View Set

Praxis Practice Test English 5038

View Set