PID
Mga Katangian ng Tagasalin
1. May sapat na kaalaman sa gramatika at sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. 2. May sapat na kaalaman sa paksang isasalin. 3. Nag-aangkin ng kaalaman sa kultura ng dalawang wikang kasangkot. 4. Masigasig at mapanuri 5. Pagiging Etikal
Saligang Batas 1987 ng Konstitusyon ng Pilipinas
Ang Filipino ay dapat paunlarin at pagyamanin sa kapuluan ng Pilipinas. May mga probisyong pangwika na itinatadhana ang batas upang lalo pang mapataas ang wika bilang isang istandard at itelektuwalisadong wika sa buong kapuluan.
Paimbabaw na asimilasyon ng taguri at konseptong hiram
Ang mga salitang ito ay ginagamit natin sa ating pang-araw-araw na komunikasyon bagamat malayo o nalalayo sa karanasan ng mga Pilipino.
Mga konseptong bunga ng pagtatakda ng kahulugan
Ang mga salitang ito ay maaaring nagkakapare-pareho ng kahulugan ngunit dahil sa akademya, nagkakaroon ng teknikal na hangganan ang kanilang kahulugan (Enriquez, 1992).
Mga katutubong konsepto
Ang mga salitang ito ay taal na nagpapakita ng kulturang Pilipino dahil nagtataglay ang mga ito ng mga kahulugang kultural (Enriquez, 1992).
Unang Yugto
Ang unang eksistens ng pagsasaling-wika ay umiral sa panahon ng Kastila na nakaugat sa dalawang magkaugnay na layunin ng bansang España ang Kristiyanismo at Hispanisasyon ng bansang Pilipinas.
Lingua Franca
Ang wikang komon sa pagitan ng mga tao o komunidad na nagsasalita ng magkaibang wika. Ito ang wikang ginagamit para magtulay sa kanilang komunikasyon. Ang linggwa frangka ay maaring rehiyonal, nasyonal, o internasyonal.
Artikulo 15, Seksyon 2 at 3 ng 1973 Konstitusyon ng Pilipinas
Artikulo at Seksiyon sa 1973 Constitution palalaganapin na nagsasabi na ang isang wikang pambansa at magiging mga wikang opisyal ng Pilipinas ang Ingles at Pilipino
Idyolek (Idiolect)
Barayti ng wika ng isang tao na lumilikha ng kanyang sariling pagkakilanlan. Maiuugnay ito sa kalidad at uri ng tinig, aksent, paraan ng pagbibitiw ng salita at iba pang estilong katangi-tangi sa isang indibidwal.
Batas Republika 7104, Seksiyon 6.
Batas na naging dahilan ng pagkakaroon ng Dibisyon sa Pagsasalin sa Komisyon sa Wikang Filipino na. mangunguna sa pagtataguyod ng mga proyekto ng pagsasalin sa wikang Filipino at iba pang wikang katutubo sa bansa.
CAN
C-clear (malinaw) A-accurate (wasto) N- natural (natural ang daloy)
Kapasiyahan ng Kapulunan ng mga Komisyoner bilang 16 - 13 Serye 2016
Hinimok din ng KWF ang Korte Suprema na magpalabas ng kautusang nagtatakda sa pagsasalin sa wikang Filipino ng mga dokumentong pambatas.
Code switching
Isang penomenong pangwika na nangyayari sa pamamagitan ng pagpapalitan ng paggamit ng dalawang wika sa pagitan ng mga pahayag. Kaiba ito sa code mixing na naghahalo ang wika sa iisang pahayag.
Dayalek (Dialect)
Ito ang heograpikong barayti ng isang wika. Bagong anyo ito ng isang wika na nabubuo batay sa paraan ng paggamit nito sa isang lugar. Maaaring ang mga katangian ng barayting ito ay ang katangi-tanging punto, pagbabago ng kahulugan ng mga salita, ibang katawagan o maging pagbaybay.
Ponolohiya (Phonology)
Ito ang pag-aaral sa mga tunog sa isang wika.
Pambansa (National language)
Ito ang wikang nauunawaan at nagagamit sa lahat ng dako ng bansa. Nagsisilbi itong pambansang linggwa frangka.
Mga ligaw at banyagang konsepto
Ito ay mga salita ng mga dayuhan na walang katumbas sa wikang Filipino dahil malayo ito sa kultura ng mga Pilipino.
Pragmatiks (Pragmatics)
Ito ay pag-aaral kung paano impluwensiyahan ng konteksto ang paraan ng paghahatid ng impormasyon ng mga pangungusap o ang pag-aaral ng mga aktwal na pagsasalita sa iba't ibang konteksto.
Sintaks (Syntax)
Ito ay pag-aaral sa kung paano nabubuo ang mga pangungusap.
Semantika (Semantics)
Ito ay siyentipikong paraan ng pagpapakahulugan o kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.
Yamang-isip o Intellectual property
Ito ay tumutukoy sa mga likhang isip tulad ng imbensyon, likhang pampanitikan, sining, disenyo, simbolo, pangalan, at imahen ng ginagamit sa komersiyo o kalakalan.
Kolokyal (Colloquial)
Kadalasang wika sa loob ng tahanan. Ito ang anyo ng wika na hindi nangangailangan ng istriktong pagtupad sa mga kahingian ng pormal na komunikasyon.
Balbal (Slang)
Kalimitang nabubuo ang mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga lansangan o sa mga grupong madalas nananahan sa mga lugar na katulad nito.
Kapasiyahan ng Kapulunan ng mga Komisyoner bilang 16 - 12 Serye 2016
Kapasyahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang humihikayat sa Korte Suprema na idagdag ang kursong Pagsasalin sa Kurikulum ng Edukasyon sa batas upang higit na mapaunlad ang Filipino bilang wika ng batas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988)
Kautusan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang nagtatakda sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang Filipino bilang opisyal na wika ng mga transaksiyon, komunikasyon korespondensiya.
Saligang Batas 1987 ng Konstitusyon ng Pilipinas, Seksyon 6
Kinakailangan na magbalangkas ng mga patakaran, plano at plataporma ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) upang matiyak na pauunlarin, pagyayamanin, palalaganapin at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas.
Morpolohiya (Morphology)
Makabuluhang yunit ng mga salita.
Pampanitikan (Literary words and expressions)
Malalim at malikhain ang anyong ito ng wika. Natutunghayan ang ganitong paggamit sa wika sa mga malikhaing akda gaya ng mga tula, nobela, maikling kwento, mga epiko at iba pang akdang pampanitikan.
Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27, 1968)
Memorandum Sirkular noong 1968 ang nagsasabi na dapat manumpa sa tungkulin ang mga opisyal ng pamahalaan gamit ang wikang Pilipino.
Memorandum Sirkular Blg. 384 (Agosto 17, 1970)
Memorandum sirkular na nagtatakda sa lahat ng tanggapan ng gobyerno na magtalaga ng kawani 0 empleyado na siyang mangangasiwa sa mga opisyal na korespondensiya na nakasulat sa wikang Pilipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Oktubre 24, 1967)
Nag-aatas na pangalanan sa wikang Pilipino (ngayon ay wikang Filipino na ang tawag) ang lahat ng tanggapan at gusali ng pamahalaan.
Pilipino
Nagmula sa pinagsamang salita, na "pili", lipi" at "pino" na kung isasalin sa wikang Ingles ay "chosen" "origin" at "refined". Makahulugan ang salitang ito na kung iisipin ang isang Pilipino ay may lahing pinagmulan mula sa pagiging malinis, disente at pinong- pino sa isip, sa salita at sa gawa
Ikalawang Yugto
Nagpatuloy ang pag-iral ng pagsasalin sa panahon ng Amerikano na kung saan kaalinsabay ng patuloy na pagsasalin ng mga akdang nasusulat sa Kastila ay mayroon na ring mangilan-ilang pagtatangka ng pagsasalin sa wikang Pambansa ng mga nasulat sa Ingles.
Ikaapat na Yugto
Pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog na naging mainam na hakbang sa pagbuo ng tunay na panitikang pambansa at puputol sa ironiya ng pagiging ignorante ng maraming Pilipino sa sariling panitikan samantalang maalam na maalam sa mga akdang banyaga.
Ikatlong Yugto
Pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa Ingles tulad ng mga aklat, sanggunian, gramatika at iba pabilang pagsunod sa pagpapatupad ng patakarang bilingguwal sa ating sistema ng edukasyon at alinsunod sa rekomendasyon ng Educational Commission (Ed.Com.) na Filipino ang dapat na wikang panturo sa elementarya at sekundarya sa taong 2000.
Code mixing
Pinagsasama ang dalawang wika sa loob ng isang pahayag. Sa pamamagitan ng paghahalo ng dalawang wika na nalalaman at nauunawaan ng isang tao ay mas madali niyang naipaparating ang mga mensahe at ideya papunta sa tagatanggap nito.
Pagbibinyag o paggamit ng katutubong salita para sa pandaigdigan o banyagang konsepto
Tumutukoy ito hindi lamang sa mga ritwal na mayroon tayo kundi sa paggamit ng mga salitang katutubo.
Jargon
Tumutukoy sa mga espesyal na salita o ekspresyon na ginagamit ng isang partikular ng grupo ng mga taong propesyunal at mga espesyalista.
Sosyolek (Sociolect/Social Dialect)
Wika ng isang partikular na grupong panlipunan. Sa barayting ito malikhaing nakabubuo ng ibang anyo ng wika na tila eksklusibo sa mga kabilang sa isang partikular na pangkat. Ang sosyolek o social dialect ay nabubuo dahil sa mga panlipunang salik tulad ng sekswal na oryentasyon, edukasyon, edad, katayuang ekonomiko, interes, propesyon at iba pa.
Mga salitang hiram
mga salita na kailangang hiramin nang buo dahil sa wala ring itong katumbas sa wikang Filipino.
Pag-aandukha o paglilipat ng katutubong kahulugan sa ideya at salita.
mga salitang hiram sa wikang banyaga na nabibigyan ng ibang kahulugan batay sa mga katutubong salita
Ikalimang Yugto
pagbaling ng mga manunulat na mahilig magsaling-wika sa panitikang AfroAsian na unti-unti na ngayong nagkakaanyo bagamat karamihan ay naisalin pa lamang sa wikang Ingles.
Fair Use in the Philippines
the use of a copyrighted work for purposes of criticizing, commenting, news reporting, teaching, creating researches, and other similar purposes (nonprofit) is not an infringement of copyright.
Karapatang Moral
tumutukoy sa mga karapatang di-ekonomiko ng mga manlilikha na tumitiyak sa ugnayan ng manlilikha sa kaniyang mga gawa at integridad ng gawa. Kabilang dito ang pagkilala sa manlilikha bilang gumawa ng likha at pagtutol sa pagbabagong maaaring magbunga ng kahihiyan at pagkasira ng kaniyang pangalan. Hindi maaaring ipasa ang karapatang moral sa iba.
Karapatang-sipi o Copyright
tumutukoy sa mga karapatang ekonomiko at karapatang moral ng mga manlilikha. Ang walang pahintulot na reproduksiyon, distribusyon o pamamahagi, pagganap o pagsasadula, at publikong displey sa mga yamang-isip na may karapatang-sipi ay may karampatang parusa na sang- ayon sa batas.
Karapatang ekonomiko
tumutukoy sa pansariling karapatan ng may-ari ng karapatang-sipi na payagan o pagbawalan ang ilang gawaing may kinalaman sa likhang siya ang may karapatang-sipi katulad ng pagpaparami o paggawa ng mga hinangong likha. Ang karapatang ito ay maaaring ipasa ng manlilikha sa ibang tao.
Kultura
• Ang kabuuan ng mga kaugalian, paniniwala, gawi, at tradisyon ng isang grupo ng mga tao. • Nabubuo sa pamamagitan ng iba't ibang salik (pananamit, pagkain, sining, musika. at iba pa.) Isa sa mga ito ay ang "wika"
Wika
• Isang mahalagang bahagi ng kultura. Ito ang nag-uugnay sa mga tao at nagpapahayag ng kanilang kaisipan, paniniwala, at kasaysayan.