Ap 10
Artikulo IV seksyon 1
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang
Democracy Index
... isang panukat na binuo ng Economist Intelligence Unit na tumutukoy sa kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo
Artikulo IV SEKSIYON1 1
1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito; (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
Artikulo IV seksyon 1
4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
Artikulo IV seksyon 2
Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
Ligal na Pananaw
Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
Jus sanguinis
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
Jus soli o jus loci
Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
Murray Clark Havens (1981)
Ayon kanina "ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado".
polis
Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan
Jus sanguinis at Jus soli o jus loci
539 Bce
Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon.
Lumawak na Pananaw
Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ngbayan
Ayon kay Yeban (2004)
ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.
Polis
binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan
Ayon kay pericles
hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
Estado
isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng sumasakop sa isang tiyak na teritoryo, may panloob at panlabas na soberanya, at may matatag na pamahalaang namamahala sa mga mamamayan nito
Corruption Perception Index
isang panukat na naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa
Civil Society
isang sektor ng lipunang hiwalay sa Estado. Binubuo ito ng mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organization/ People's Organization
People's Organization (PO)
isang uri ng boluntaryong organisasyong naglalayong isulong ang interes o kapakanan ng sektor na kinabibilangan ng mga miyembro
Non-Governmental Organization (NGO
isang uri ng boluntaryong organisasyong naglalayong magbigay ng suporta sa mga programa ng mga People's Organization
Participatory Governance
isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan
Global Corruption Barometer
kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinyon ng mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa
CHR (Commission on Human Rights
komisyong itinadhana ng Saligang Batas na maging malaya sa tatlong sangay ng pamahalaan ng Pilipinas na may adhikaing kilalanin at pangalagaan ang mga karapatang pantao ng lahat ng indibiduwal sa bansa kabilang ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat
Ekspatrasiyon
kusang loob na pagtatakwil ng pagkamamamayan. Hindi maaaring gawin sa panahon ng digmaan
Mamamayan
pinakamahalagang elemento ng estado. Ang mga tao ang namamahala at nagsasagawa ng mga gawain ng estado. Kung walang mamamayan, hindi magkakaroon ng isang estado
Good Governance
proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-aabuso at korapsyon, at may pagpapahalaga sa rule of law
Participatory Budgeting
proseso kung saan magkasamang babalangkasin ng pamahalaan at ng mamamayan ang budget ng yunit ng pamahalaan
Polis
tawag sa mga lungsod-estado ng sinaunang Greece na binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan
Bill of Rights
tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo III ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas