AP 4TH PERIODICAL
Jus Sanguinis
Ang pagkamamamayan na naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.
Artikulo 3
Artikulo kung nasaan ang Bill of Rights
Artikulo 14
Artikulo kung nasaan ang Edukasyon, Syensya at Teknolohiya, mga Sining, Kultura, at Isports.
Artikulo 5
Artikulo kung nasaan ang Karapatan sa Halal.
Metropolis
Ay isang siyudad sa isang bansa na nagsisilbing kapital na lugar nito.
Pagkamamamayan
Ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas.
Commonwealth Act No.475
Ayon dito, ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.
Naturalisasyon
Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman.
Artikulo 4 Seksiyon 1
Ito ang Artikulo at Seksiyon ng Saligang Batas 1987 na pinapayagan ang mga dayuhang nagpapasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng Naturalisasyon.
Republic Act 9225
Ito ang nagsasabi na ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaari muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship).
Buwis
Ito ay ang presyong binabayaran para sa isang sibilisadong lipunan.
Saligang Batas
Ito ay pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.
Katutubong Mamamayan
Ito rin ay tinatawag na likas na mamamayan. Ito ay anak ng isang Pilipino na maaaring isa lamang sa kaniyang mga magulang o pareho ang Pilipino.
Republic Act 9369
Komputerisasyon ng Eleksyon o Amended Computerization Act of 2007
Naturalisadong Mamamayan
Mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.
Jus Soli
Pagkamamamayan na naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.
Agora
Pampublikong pamilihan
Acropolis
Pinakamataas na estado ng polis.
Seksiyon 4
Seksiyon ng Saligang Batas 1987 na nagsasabing ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapagasawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa.
Gloria Macapagal Arroyo
Siya ang naglagda ng Republic Act 9225 o Dual Citizenship noong Setyembre 17, 2003.
Politikal socialization
Tumutukoy sa mahabang proseso- mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda kung saan ang mga indibidwal sa iba't ibang kaparaanan ay nakikilahok sa mga aktibidad na pampolitika at sa gayon ay nagkakaroon ng kabatiran sa mga isyung pampolitika at nahuhubog ang kanilang mga paniniwala, opinyon, pag-uugali, at pagpapahalaga sa mga ito.
Pakikilahok sa mga Gawaing Pansibiko
Tumutukoy sa mga indibidwal at kolektibong aksyon na dinisenyo upang malaman ay matugunan ang mga isyu ukol sa kapakanang pampubliko.
Ang pakikilahok sa mga gawaing Politikal
Tumutukoy sa pakikiisa, pagsama, o pagsali ng mga mamamayan sa mga pampublikong gawaing inilunsad ng mga mamamayan.
Sibiko
Tumutukoy sa tiyuretikal at praktikal na pag-aaral ng mga aspeto ng pagkamamamayan.