AP✨
Supply Function
Ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Disekwilibriyo
Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied sa isang takdang presyo.
Inelastic
Ang demand ay masasabing price inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo. ang produkto ay pangunahing pangangailangan. Halos walang pang substitute.
Elastic
Ang demand ay masassbing price elastic kapag mas malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Maraming pang substitute.
Downward Sloping Curve
Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.
Paglipat ng demand curve sa kaliwa
Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa.
Paglipat ng demand curve sa kanan
Ang pagtaas ng demanday makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan.
Demand Function
Ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Demand Schedule
Ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa ibat ibang presyo.
Ceteris paribus
Ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.
Qs = c +bP
Equation para sa pagpapakita ng Supply Function.
Qd = a - bP
Equation para sa pagpapakita ng demand function
Pamilihang may ganap ng kompetisyon
Estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaring makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo.
Pamilihang may hindi ganap na kompetisyon.
Estruktura ng pamilihan na wala ang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may ganap na kompetisyon.
Supply Curve
Grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Kita, Panlasa, Dami ng Mamimili, Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo,Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
Iba pang salik na nakakaapekto sa Demand maliban sa presyo
Substitution Effect
Ipinapahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura.
Supply Schedule
Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa ibat ibang presyo.
Price elasticity of demand
Ito ang pamaraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano kalaki ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may magbabago sa presyo nito.
Demand Curve
Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Income Effect
Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.
Complementary Goods
Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa demand para sa isang produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito.
Normal Goods
Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita.
Substitute Goods
Kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand ng isang produkto, masasabing ang mga produktong ito ay pamalit sa isat isa.
Trademark
Paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto na magsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay ari dito.
Surplus
Mas marami ang quantity supplied kaysa quantity demand.
Monopsonyo
Mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo.
Batas ng Supply
Mayroong direkta o positibongvugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.
Batas ng Demand
Mayroong inverse o magkasalungat ang ugnayan ng presyo sa quantity demanded ng isang produkto.
Shortage
Nararanasan naman kung ang dami ng demand ay mas malaki kaysa dami ng supply.
Collusion
Pagkontrol o sabwatan ng mga negosyante
Price Ceiling
Pinakamataas na presyona maaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto.
Inferior Goods
Tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.
Demand
Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa ibat ibang presyo sa isang takdang panahon.
Price Floor
Tumutukoy sa pinakamamabang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
Oligopolyo
Uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang ma prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo.
Monopolistic Competition
Uri ng estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer.
Monopolyo
Uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung kayat walang pamalit o kahalili.