Aralin 1 - Teorya ng Wika
Teoryang Yo He Ho
Ang tao ay bumabanggit ng mga salita kapag siya'y gumagamit ng pisikal na lakas. Halimbawa: pagluluwal ng sanggol, pagehersisyo
Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay
Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga RITWAL na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulad ng pagsasayaw, pagtatanim, atbp.
Teoryang Hocus Pocus
Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga MAHIKAL o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
Teoryang Eureka
Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga ARBITRATYONG TUNOG upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.
Teoryang Hey you!
Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng PAGKAKAKILANLAN (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
Teoryang Ta-ta
Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang PAALAM sapagkat kapag ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.
Teoryang Sing-song
Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay MAHABA at MUSIKAL, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
Teoryang Bow-wow
Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga HAYOP gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.
Teoryang Ding-dong
Itinutukoy nito ang mga sariling TUNOG ng lahat ng bagay sa KAPALIGIRAN tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.
Teoryang Biblikal
Ito ay mula sa BIBLIA sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita. Ex: tore ng babel - "teorya ng kalituhan"; gumawa ng tore para makaabot sa langit.
Teoryang hinggil sa kalituhan sa wika (hango sa kwento ng Torre ni Babel)
Pagpaparusa ng Panginoon dahil sa pagiging sakim sa kapangyarihan ng tao. Babel- "kalituhan"
Teoryang Mama
Tinutukoy ito sa UNANG SINABI ng SANGGOL, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.
Teoryang Pooh-Pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng EMOSYON tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.
Teoryang Coo coo
Tinutukoy nito sa mga tunog na NALILIKHA ng mga SANGGOL na ginagaya ng mga MATATANDA bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.
Teoryang Aramaic
Unang wika sa daigdig ng mga unang taong nanirahan sa Mesapotamia at Syria na galing sa angkan ng Afro-Asiatic sa TImog Africa.