Impormal na Komunikasyon
Nilikha
Hal: Paeklat=maarte Espi=esposo Hanep=papuri
Binaligtad
A) gat-bi=bigat B) tom-guts=gutom C) astig=tigas
Balbal (slang)
Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na SLANG. Ang nga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Tinatawag ding SALITANG KANTO o SALITANG KALYE
Wikang Banyaga
Hal: A) Tisoy, Tisay(Espanyol:mestizo, mestiza) B) Tsimoy, Tsimay(Espanyol:muchacha, muchacho) C) Toma(Espanyol: tomar) inom
Salitang Katutubo
Hal: A) gurang (Bikol, Bisaya) B) utol (Bisaya) C) buang (Bisaya) D) pabarabarabay (Tagalog)
Iningles
Hal: Jinx=malas Weird=pambihira Bad trip = kawalang pag-asa
Kolokyal (Colloquial)
Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita
Dinaglat
KSP-Kulang Sa Pansin SMB-Style Mo Bulok
Pinaghalo-halo
Kadiri=Pag-ayaw Kilig to the bones=Paghanga In-na-in=naaayon
1)Hinango mula sa mga salitang katutubo 2)Hinango sa Wikang Banyaga 3)Binaligtad (Inverted or Reversed) 4) Nilikha (Coined Words) 5) Pinaghalo-halo (Mixed category) 6) Iningles (English Category) 7) Dinaglat (Abbreviated Category) 8) Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang Bagay
Mga Kategorisasyon ng Wikang Balbal
Lalawiganin (Provincialism )
Mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito
Banyaga
Mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang banyaga. Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong pangmatematika, o mga salitang banyagang WALANG SALIN sa wikang Filipino
Pagsasalarawan o pagsasakatangian
Yoyo- dahil ang relo ay hugis yoyo Lagay=dahil ang suhol ay inilalagay o isinisingit