Teoryang Pampanitikan

Ace your homework & exams now with Quizwiz!

Naturalismo

Ang akda ay nagsisikap na ilarawan ang kalikasan nang buong katapatan. Nais na bigyan ng diin ang siyantipikong paglalarawan ng mga tauhang pinagagalaw sa mga puwersang impersonal

Moralismo

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa morilidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Ipinalalagay sa teoryang ito na may kapangyarihan maglahad ang akda, di lamang ng mga literal na katotohanan kundi ng mga panghabambuhay at unibersal na katotohan at mga di mapapawing pagpapahalaga.

Sosyolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunang ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Ang akda ay nagpapakita na ang lipunan at ang likhang sining ay may kaugnayan sa isa't isa. Naipapakita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na suliranin.

Historikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Realismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Layunin nitong ilarawan ang buhay at katotohanan nito at walang halong idealismo mula sa mga tauhan, pangyayari, tagpuan at panahon. Inilalarawan ito sa paraang siyentipiko at hindi mamimili my mga bagay na nadarama at nagpagxuukulan ng pagmamasid. Paksa: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng karunungan atbp.

Humanismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatunton ng pag-aaral na kumikilala sa kultura.

Formalistiko

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao sa iasng tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagtbabago o nagkakaroon ng panibagong pag-uugali dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Biyograpikal

Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ito ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamarirap, pinakamalungkot at lahat ng mga "pinaka" na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Pormalismo

Ang layunin ng panitikan ay na matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda).

Marxismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at mahina, mayaman at mahirap at kapangyarihan at naaapi. Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahanrna umamhat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa buhay at nagsilbing modelo para sa mga mambabasa.

Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Masusuri ang teoryang ito day mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig, mga awit at korido na ang pinakapaksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at principe. Tumatalakay din ito sa mga katutubong buhay sa malalayong nayon. Lagi itong nagbibigay ng aral at itinatanim sa isipan na ang nagkasala at masama ay parurusahan.

Eksistensiyalismo

Ang luyunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). As teoryang ito, inahahanap ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad, kapangyarihan at kapasyahan ng tao laban sa katuwiran. Pinagtutuunan dito ang kapangyarihan ng tao na magpasya sa sarili.

Ang 16 Teoryang Pampanitikan

Biyograpikal, Historikal, Humanismo, Romantisismo, Realismo, Pormalismo, Moralismo, Feminismo, Marxismo, Eksistensiyalismo, Sosyolohikal, Klassisismo, Formalistiko, Naturalismo, Simbolismo at Ekspreyunismo

Klassisismo

Hnagad ng panitikan na mailahad ang mga pangyayari nang payak. Ipinakita sa teoryang ito na ang mga tauhan sa ganitong uri ng akda ay nakaaangat sa karaniwang buhay. Pinananaig din ang isipan kaysa damdamin sa mga akdang pinangingibabawan ng teoryang Klasisismo. Kadalasan, ito ay tumatalakay sa mga akdang may kinalaman sa pulitika, moralidad, kabuhayan, at relihiyong matutuklasan. Isang sa mga halimbawa ng akdang maaaring surrin gamit ang teoryang Klasisismo ay ang "Florante at Laura."

Teoryang Pampanitikan

Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang sa layunin ng may-akada sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binbasa.

Simbolismo

Ito ay pananalig na nagsasaad ng mga bagay, damdamin, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag.

Feminismo

Maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda. Layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan. Ang layuin mg panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahan pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

Ekspreyunismo

Sa pananalig na ito ay walang pagkabahalang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang kaisipan at nadarama. Ang paghahanay ng mga salita ay naiiba kaysa karaniwan.


Related study sets

Age of Enlightenment - Jean Jacques Rousseau

View Set

Combo with "History Quiz 2 Unit 7" and 17 others

View Set

Inmuno HY Mehlman - Info and Questions

View Set

Chapter 6: Attitudes, Behavior, and Rationalization

View Set

Common problems with wireless connections

View Set

chapter 5: Genetic and Congenital disorders

View Set