LESSON 5:URI NG SULATING AKADEMIKO

¡Supera tus tareas y exámenes ahora con Quizwiz!

REPLEKTIBONG SANAYSAY

- Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa - Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. - Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari. - Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik - Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian

ABSTRAK

- Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel. Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak Binubuo ng 200-250 na salita. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel. Nauunawaan ng target na mambabasa.

BIONOTE

-Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at / o sa gig). -ay karaniwang dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang na naglalarawan sa taong paksa ng bionote. Ang bionote ay dapat na isang impormatibong talata na siyang nagpapaalam sa mga mambabasa o makikinig kung sino ang taong paksa ng bionote o ano-ano ang mga nagawa ng paksa bilang propesyunal. Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa paksa na may kaugnayan sa tatalakayin sa kaganapan. -ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang panauhin o bilang propesyunal.

SINTESIS

-Pagsasama ng dalawa o higit pang buod. -Paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin . -Pagsasamang iba't ibang akda upang makabuo ng isang akda nakapag-ugnay. Mga Hakbang sa pagbuo nito: Linawin ang layunin Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito. Buuin ang tesis na sulatin Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatain Isulat ang unang burador Ilista ang mga sanggunian Rebisahin ang sintesis Isulat ang pinal na tesis

Akademikong sulatin

-ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalamansa iba't ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.

POSISYONG PAPEL

-ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.

LAKBAY SANAYSAY

-ay mga uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan, gabay, o damdamin sa paglalakbay. Maaring maging replektibo o impormatibo ang pagsulat ng isang __________________. Kadalasang ginagamit ang mga lakbay sanaysay sa mga travel blogs upang manghikayat sa mga taong maglakbay sa isang partikular na lugar.

PANUKALANG PROYEKTO

Detalyadong deskripsyon ng isa basahin ng serye ng mga aktibidad na naglalayong malunasan ang isang suliranin.

PHOTO ESSAY

Isa itong koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkasund-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.

TALUMPATI

Pormal - ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig. Pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na layunin. Opinyon - Ito ay isa ring buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagbigkas. Manghihikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon, at maglahd ng isang paniniwala. Masining - Isang masining na pag papahayag tungkol sa isang mahalaga at napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Karaniwang binibigkas bagaman madalas itong nagsisimula sa nakasulat na anyo.

KATITIKAN NG PULONG

ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. So, para mas ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong "minutes of meeting". Hindi kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na "katitikan ng pulong" dahil nasanay tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay.

AGENDA

ay layunin o gabay ng isang pagpaplano na dapat ay matupad ngunit ang planong ito ay pinananatiling sikreto. Ang paggawa ng agenda ay maaaring sinasabi lamang sa bawat miyembro ng grupo o pwede rin namang gumawa ng balangkas

MEMORANDUM

ito ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin o utos


Conjuntos de estudio relacionados

NCLEX A+ Fluid, acid, burn, misc.

View Set

Pol. Science - Political Parties and Elections

View Set

04.08 Segment One Exam Part B U.S. History

View Set