Fil Endterm Exam

Pataasin ang iyong marka sa homework at exams ngayon gamit ang Quizwiz!

Para sa pangkabuuhan, ang Pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.

(Alejo et al.,2008)

A. pag papaliwanag ng nasabing pananaliksik: Ang pananaliksik ay Cyberkultura ng mga abataan sa kamaynilaan ay tungkol sap ag unawa sa phenomenon ng internet na tumatalakay sa demograpiya ng gumagamit nito.

Abstrak

ang pananaliksik ay maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aralan. Ang mananaliksik ay nagsimulang magbasa at magsuri ng mga datos bilang paghahanda sa pagsulat ng pananaliksik

Aguino (1974),

Ang mananaliksik ay may tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa gagawing pananaliksik. Kailangang din niyang magtaglay ng mga katangiang makatutulong para maging maayos at organisado ang gagawing pananaliksik

Alejo, et al., 2008

Napakaraming impormasyong makukuha sa gagawing pananaliksik subalit kailangang pagtiyagin at pagsikapang makuha ang mga aklat, dyornal, magasin, tesis at disertasyong makatutulong sa paksang pag-aaralan. Maliban dito, mahalaga at nakatutulong din ang iba't ibang institusyon, media at mga taong may kaalaman sa paksang pag-aaralan. Kung hindi masigasig ang isang mananaliksik sa paghahanap ng tamang impormasyon, maaaring mahilaw ang pagtalakay sa gawaing pananaliksik. Samakatuwid, ang pagpupunyagi sa pagkuha ng mga datos ay malaking bagay tungo sa ikatatagumpay ng gagawing pananaliksik.

Ang isang manaliksik ay masigasig

Ito'y sumusunod sa maayos at makabuluhang prosesong nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anumang naglalayong matuklasan ang bagay na hinahanapan ng kasagutan

Ang pananaliksik ay sistematiko

ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspektong kultura at lipunan.

Atienza at iba pa (1996) ng Unibersidad ng Pilipinas

Nagsasaad ang bahaging ito ng dahilan kung bakit ang mananaliksik ay humahanap ng mga bagong datos sa susuriin,ipaliliwanag at lalagumin. Nagbibigay rin ang bahaging ito ng balangkas na nagsasaad ng teorya ng mga awtor na pinagbabatayan ng pag-aaral upang maipakita ang kaugnayan ng mga variable sap ag-aaral.

Balangkas Teoritikal

Ang bahaging ito ay nagsasaad ng konsepto ng mananaliksik o mga ideya niya hinggil sap ag-aaral na isinasagawa. Dapat magkaroon ng paradigm ng pananaliksik na kinabibilangan ng pinagbabatayan (input), proseso (process) at kinalabasan (output). Ang paradigm ay kinakailangang ipaliwanag ng mananaliksik.

Balangkas ng Konseptuwal at Paradigma ng Pag-aaral

Nahahati ang bahaging ito ng pananaliksik sa mga sumusunod

Banyagang Pag-aaral, Banyagang Literatura, Lokal na Pag-aaral at Lokal na Literatura

Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na ang teoretikal o konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto, teorya, kahulugan at proposisyong nagpapakita sa sistematikong pananaw ng penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.

Batayang Konseptwal /Teoretikal (Conceptual /Theoretical Framework)

kung ito ay pinaikling bersiyon ng isang mahabnang teksto.

Buod

masusing mapag-aralan ang isang tiyak na indibidwal o grupo. Sa pagsasagawa nito, kailangang pagtutuunan ng pansin ng mananaliksik ang mga katangian o kilos ng indibidwal o grupo ng pag-aaralan.

Case Study

Ginagamit ang cluster sampling kung lubhang Malaki at marami ang bahagi ng populasyon. Halimbawang pag-aaral ay ang Antas ng stress ng mga doctor sa Pilipinas.

Cluster Sampling

Kilala rin bilang accidental sampling dahil ito ang pinakamadaling pagkuha ng sample. Halimbawa, sa pananaliksik ang pagtukoy ng mga salik na nakaiimpluwensiya sa pagbili ng isang produkto, ang unang sampung mamimili na Makita ng mananaliksik ang kanyang magiging tagapagsagot

Convenience Sampling

ay sumasagot sa mga katanungang bakit at paano. Sa pamamagitan na ito ang may kaugnayan sa suliranin ay hindi nakikita bilang tunay na sanhi ng suliranin subalit mga salik na may kaugnayan o nakaambag sa pagkakaroon ng suliranin. Ito ay nag-iimbistiga ng kaugnayan ng mga salik o "variables".

Correlation Research

Sinusuri ng mananaliksik kung may kaugnayan baa ng dalawang baryabol o salik sap ag-aaral na ito na may parehong uri ng populasyon.

Correlational Study

ay naghahanap ng kasagutan sa mga katanungang, sino, ano, saan at paano. Ang pananaliksik na ito ay naglalarawan ng sitwasyon o itinakdang kalagayan ng tiyak na aspeto o salik.

Descriptive Research

Ito ay isang pag-aaral na idinisenyo upang ilarawan ang mga kalahok sa isang tumpak na paraan.

Disenyong Deskriptibo (Descriptive Design)

Batid ng mananaliksik ang dapat tingnan at suriin sa lugar at mga taong naroon tulad ng kanilang pamumuhay.

Estruktura (Structured)

1. Paggalang sa karapatan ng iba 2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential 3. Pagiging matapat sa lahat ng pahayag 4. Pagiging objektibo at walang kinikilingan

Etika ng Pananaliksik

Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at pag-ingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa ng iba. Kailangan na maging matapat sa kanyang isinusulat at may paninindigan sa anumang produktong ginawa. Bagama't bukas din ang mga sanggunian o sources dahil na rin sa teknolohiya. Kailangan pa rin ng isang mananaliksik na ipakilala at ipabatid sa kanyang mambabasa ang pinagmulan ng sanggunian ng anumang datos na isinama sa kanyang ginawang pananaliksik. Ito ay ang pagsasaalang-alang ng batas sa Intellectual Property Rights

Etika ng Pananaliksik

nagtataya ng epekto o kinalabasan ng particular na intervention o treatment. Ito ay nag-aaral ng sanhi at epekto na kaugnayan sa pagitan ng mga salik sa isang penomenong under controlled conditions.

Experimental o Intervention Research

unagtataya ng epekto o kinalabasan ng particular na intervention o treatment. Ito ay nag-aaral ng sanhi at epekto na kaugnayan sa pagitan ng mga salik sa isang penomenong under controlled conditions.

Experimental o Intervention Research

kailangan tiyakin ng mananaliksik na nauunawaan at hindi malilito ang tagapagsagot sa uri ng panukat na ibinigay.

FACE VALIDITY

Kailangang paramihin ang mga nakatalang libro sa sanggunian upang magmukhang malalim ang pananaliksik

False

Makabubuti kung magbigay ng token bilang pasasalamat sa mga kalahok ng pananaliksik.

False

sinusuri ng mananaliksik ang posibilidad na maging maunlad ang isang negosyo o kompanya batay sa pagsisiyasat ng mga salik na may kaugnayan dito

Feasibility Study

Ayon kay _____________, ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral.

Gay (1976)

· kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkahawig sa orihinal.

Hawig

Ito ay pangungusap na naglalahad ng estadistikang paghahambing o naglalayong matiyak ang kaugnayan sa pagitan ng mga variables.

Hypotesis

•isang halimbawa ng pagpipiliang sagot sa isang talatanungan.

Iskalang Likert (Likert Scale)

Makatuklas ng bagong datos o impormasyon at kaalaman Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya Maglinaw sa isang isyu Manghamon sa katotohanan ng isang tanggap o pinapalagay na makatotohanang pahayag. Magpatunay na balido ang isang konsepto, idea, paniniwala, palagay, pananaw at pahayag. Mapapaunlad ang sariling kamalayan

Kahalagahan at Layunin ng Pananaliksik

Dito ay iniisa-isa ng mananaliksik ang magiging kahalagahan ng pag-aaral sa kanyang target audience.

Kahalagahan ng Pag-aaral

May mga salita o konseptong ginamit sa pag-aaral na kailangang isa-isahin at ipaliwanag ang katuturan upang maunawaan ng mambabasa kung paano ginamit ang salita, terminolohiya o konsepto sa paksang pag-aaralan.

Katuturan ng mga Katawagan (Definition of Terms)

Nabibilang sa bahaging ito ang mga pananaliksik na karaniwang hindi nalathalang material o unpublished material katulad ng mga manuskrito, pamanahong papel, tesis, disertasyon na naunang naisagawa at may kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral. Maaari itong uriin bilang lokal, kung ang pag-aaral ay isinagawa sa loob ng bansa at internasyonal kung ang pag-aaral ay isinagawa sa labas ng bansa.

Kaugnay na Pag-aaral

Batay sa katuturang ibinigay ni _______, ang mananaliksik ay kailangang bumuo ng sariling balangkas o modelo ng isasagawang pag-aaral para maipakita ang kaugnayan ng mga konsepto at teorya sa paksang pag-aaralan. Maihahambing natin ito sa paggawa ng plano ng isang bagay na sinusundan ng inhinyero sa pagbuo ng bahay

Kerlinger

Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinagyayarihan at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.

Kuwalitatibo

Ito ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.

Kuwalitatibo

masasabing subhetibo ito

Kuwalitatibo

sinsuri nito ang datos galing sa obserbasyon o panayam

Kuwalitatibo

•Layunin nitong magpakita ng malinaw at detalyadong salaysay ng karanasan ng tao.

Kuwalitatibo

Ito ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal at mga teknik na pamamaraan na ginagamitan ng kompyutasyon.

Kuwantitatibo

Kadalasang tiyak, mapanlahat at deskriptibo ang kongklusyon ng mga pananaliksik

Kuwantitatibo

Nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon at pagsusuring estadistika.

Kuwantitatibo

gingamitan ng estadistika sa pagsusuri ng datos

Kuwantitatibo

masasabing obhetibo ito

Kuwantitatibo

sumasaklaw ito sa mga masusukat na mga katangian katulad ng bigat, haba, sukat atbp.

Kuwantitatibo

Kapaki-pakinabang ang __________panananliksik sa mga mananaliksik na nais mag-aral at mag-imbestiga ng mga malakihan at pangkalahatang padron ng pagkilos at pag-uugali ng tao.

Kuwantitatibong

Sa pananaliksik na ito, inilalarawan ang ugnayan ng mga datos na nakalap mula sa mga panayam o obserbasyon ng mananaliksik sa kanyang kapaligiran kung saan mahahanap ang impormasyong kailangan.

Kwalitatibong Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito ay gumagamit ng estadistika upang suriin ang datos na nakalap at malaman ang tiyak na resulta nang sa gayon ay makapagbigay ng mahalagang impormasyon para sa suliraning hinaharap. Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik kung may mga pag-aaral na ibig paghambingin o kung nais na ipakita ang ugnayan ng sanhi at bunga.

Kwantitatibong Pananaliksik

Tinalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung sino at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensiya. Binabanggit din kung sino ang makikinabang at ang posibleng implikasyon ng pag-aaral na gagawin sa mga taong tinutukoy na makikinabang.

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral (Obejectives and Importance of the Study)

Ano ang mga salik sa pagpili ng populasyon?

Lokasyon, Oras o Panahon, Edad, Komunikasyon

Ipinaliliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo o metodolohiya sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan o descriptive, historikal, o kaya'y eksperimental. Ipinakikita rin dito ang paraan ng pagkuha ng datos gaya ng pagbuo ng talatanungan (questionnaire), pagsasagawa ng sarbey, pagmamasid o case study.

METODOLOHIYA

Nakapaloob sa bahaging ito kung sino ang target na populasyon at ang mga gagamiting tagatugon sa paksang sinisiyasat gayundin ang uri ng estadistika na sangkap sa paksa

METODOLOHIYA

Aktwal na kinukuha ang mga impormasyon

Makaagham o Siyentipiko

Kinakailangan ang hipotesis at masinsinang magtrabaho at gumawa ng eksperimento upang mapatunayan ang mga kaalaman

Makaagham o Siyentipiko

ang pananaliksik ay ang maingat, masinop at pangkalawakang imbestigasyon ng isang tiyak na paksa at may layuning sumulong ang kaalaman ng sangkatauhan.

Manheim (1977)

isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon para, malutas ang isang partikular o tiyak na suliranin sa isang siyentipikong paraan.

Manuel at Medel (1976)

Ano ang mga pweding makakamit kapag mailatag nang maayos ng isang mananaliksik ang sistema at disenyo ng pananaliksik

Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangangatwiranan ang pagkakapili nito., Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa at suliranin ng ginagawang pananaliksik, Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga hypotesis na pinakasentral sa pag-aaral;Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na kailangan sa pagsubok ng mga hypotesis at maipaliliwanag kung paanong makakalap ang mga datos na ito at Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang alamin kung tama o mali ang mga hypotesis.

1. sistemetiko 2. kontrolado 3. empirikal 4. pagsusuri 5. obhetibo, walang kinikilingan at lohikal 6. ginagamitan ng hipotesis

Mga Katangian ng Pananaliksik

Inilahad sa kabanatang ito ang pangkalahatang larawan ng paksang pampananaliksik

Mga Kaugnay na Literatura

Layunin dito na ipakita ang mga nagawa o hindi pa nagagawang pananaliksik ukol sa suliranin at bigyang linaw ang rasyonaleng teoritikal ng problema.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang pangangalap ng kaugnay na literatura ay kinakailangang komprehensibo kung maari - isang payak na dulog upang malinaw na mai-ugnay ang isang pag-aaral sa iba pang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

kinakailangang komprehensibo kung maari - isang payak na dulog upang malinaw na mai-ugnay ang isang pag-aaral sa iba pang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

mahalaga sa pagdedetermina ng pangkalahatang kredibilidad ng pananaliksik sapagkat nagpapakita ito ng mga nakaraang mga pananaliksik at mga literatura na nagbibigay gabay sa pangunahing tunguhin ng isinasagawang pananaliksik.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ihain ang pagtalakay ng mga nabanggit na layunin, pamamaraan ng pag-aaral, mga pangunahing natuklasan, at kongklusyon sa anyo ng maikling kritikal na pag-aanalisa.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

naaayon sa mga pag-aaral na kinabibilangan ng layunin, metodo, o mga natuklasan ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

1. Descriptive Research 2. Correlation o Associaton research 3. Experimental o intervention research

Mga Paraan ng Pananaliksik (Ayon kina Fraenkel at Wallen, 1996)

1. Makaagham o Siyentipiko 2. Pampanitikan o Literari

Mga Uri ng Pananaliksik (ayon kay Ressurecion, 2005)

1. Panahon 2. Gulang 3. Kasarian 4. Pangkat na kinabibilangan 5. Anyo o Uri 6. Perspektibo 7. Lugar

Mga batayan sa paksa

1. Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik. May batas na pinapatong sa tuwing mangopya ng impormasyon na hindi kinikilala ang tunay na sumulat nito. Tinatawag nito na plagiarism. 2. Humungi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik.

Mga dapat isaalang-alang ng mananaliksik

1. Pagpili ng Paksa 2. Pagbuo ng Konseptong papel 3. Pagbuo ng Balangkas 4. Paggamit ng ibat ibang dokumentasyon 5. Pagkkuha, paggamit at pagsasaayos ng mga 6. Pagsulat ng Burador 7. Pagsulat ng Sipi

Mga hakbang at kasanayan sa Pananaliksik

® Ano ang layunin ko sa pannaliksik na ito? ® Sino ang aking mambabasa? ® Anu-anong kagamitan ang kakailanganin ko?

Mga tanong na maaaring magbigay ng direksyon sap agbuo ng pahayag sa tesis:

® Interesado ba ako sa paksang ito? ® Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang pakdang ito? ® Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? ® Kaya ko bang tapusin ang paksang ito? ® Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon?

Mga tanong sa sarili bago tuluyang magpasiya sa paksang susulatin:

· Tuwaring Sinpi, · Buod · Hawig

Mga uri ng Tala

Paraan ng sampling na pinipili batay sa pansariling pagsusuri at pagsisiyasat ng mananaliksik. Dito, hindi tuwirang natutukoy kung mapipili ba o makakasama ang lahat ng yunit o bahagi ng populasyon sap ag-aaral. Samakatuwid, hindi proposyunal ang sample na kinukuha sa kabuuang populasyon.

NONPROBABILITY SAMPLING

Ang Pagtangkilik ng Kabataan sa Kultura ng Korean Pop

Naglalarawan

pananaliksik na nakatutok upang ipakita ang pangyayari o nangyayari: kung paano, kailan, at bakit nagsimula. Inuusisa nito ang pinagmulan o kasaysayan ng isang bagay, pangyayari o kaganapan sa pamamagitan ng masusi at mabusising pangngangalap ng datos o impormasyon. Inilalarawan nito nang buo ang kwento, diskurso, phenomenon ayon sa pananaw at karanasan ng mga kalahok sa pananaliksik.

Naglalarawan (Descriptive)

ng Relasyon ng Kakayahang Bumili at ang Pagtaas ng Sahod ng Empleyado

Nagpapaliwanag

layunin ng pananaliksik na ito na ipaliwanag ang sanhi at bunga o mga salik na sangkot sa pagsusuri ng isang phenomenon. Hindi lamang ito simpleng paglalahad ng datos kundi pagpapaliwanag o pagsusuri.

Nagpapaliwanag o (Explanatory)

Ebalwasyon sa Pagtuturo ng Unang Wika sa Colegio San Agustin-Bacolod

Nagtatasa

ang pananaliksik na ito ay ginawa upang matukoy kung ang isang pananaliksik, proyekto, programa o polisiya ay nagging mabisa o matagumpay sa pagsasakatuparan nito. Tinatawag din itong impact study lalo na kung ang pananaliksik ay may direktang pakinabang sa mamamayan. Nakasalalay sa bunga ang ganitong pananaliksik kung itutuloy pa o hindi ang isang proyekto o programa.

Nagtatasa (Evaluative)

Nakukuha ng mananaliksik ang impormasyon sa pammagitan ng pagmamasid sa mga taong tagatugon ng pag-aaral. Mabisa ang obserbasyon sa mga pananaliksik na may kinalaman sa agham panlipunan kung saan kailangang suriin ng mananaliksik ang kilos o reaksyon ng mga tao sa komunidad o paligid. Sa obserbasyon, tinitingnan ng mananaliksik kung paano nakaapekto ang paligid sa mga taong namamalagi dito.

Obserbasyon

Ang mananaliksik ay nasa lugar at itinatala lamang kung ano ang nakikita o anumang nakapupukaw ng kanyang interes na may kinalaman sa pag-aaral.

Obserbasyong Walang Estruktura

Natutukoy din nito ang mga taong hihingan ng im[pormasyon o pag-aralan batay sa layunin at saklaw ng pananaliksik.

POPULASYON

tumutukoy sa tiyak na bilang at uri ng mga tao o bagay na pagkukunan ng impormasyon o datos na kakailanganin

POPULASYON

Aayusin ng mananaliksik ang mga nakalap na datos ayon sa uri ng paglalahad o batayang gagamitin sa ulat.

Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas

Paglalathala ng pananaliksik sa isang publikasyon

Pagbabahagi ng Pananaliksik

Ito ang pahayag na magsasaad bg posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bbuong pananaliksik.

Pagbuo ng Pahayag ng Tesis

Pagbuo ng instrumento sa pananaliksik

Pagdidisenyo ng Pananaliksik

Pagtatakda ng disenyo at pamamaraan ng Pananaliksik

Pagdidisenyo ng Pananaliksik

Dito na susuriing Mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin.

Paghahanda ng Iniwastong balangkas

Dito ay inihahanda ang estruktura ng buong organisasyon ng gagawing pananaliksik

Paghahanda ng balangkas

Dito ay masusing isinasagawa ng mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng aklat, magasin, journal at iba pang mga mapagkukunan ng datos para sa gagawing pananaliksik.

Paghahanda ng bibliyograpiya

Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba't ibang sanggunian. Maaaring bumisita sa mga aklatan o makakuha ng impormasyon sa internet upang mangalap ng inyong sanggunian.

Paghanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

Ipinaliwanag sa bahagi ng panimula ang kahalagahan ng paksang pag-aaralan at ang kaligirang pangkasaysayan nito kaya sa bahagi ng paglalahad ng suliranin ay makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag-aaralan. Bukod dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungang kailangang masagot sa sulating pananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin (Statement of the Problem)

nagsasaad ng direksyon upang masagot ang mga tiyak na katanungan. Nahahati ito sa pangkalahatang suliranin at sa mga kaugnay na tiyak na suliraning maaaring ipahayag nang patanong o pasalaysay.

Paglalahad ng sulirani

Sa bahaging ito, bibigyan ng katuturang operasyonal (operational definition) o konseptwal (conceptual definition) ang mga salitang gagamitin sa pananaliksik.

Pagpapakahulugan sa mga terminolohiya

Halos katulad ng pakikipanayam, ngunit sa halip na kinakausap ng mananaliksik ang taong kabilang sa pag-aaral, binibigyan ito ng talatanungan kung saan maaaring isulat ang sagot sa panayam. Mas mainam ang ito dahil nakatala ito at mas masusuri itong mabuti ng mananaliksik.

Pagpapasagot sa Talatanungan

Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang sulating pananaliksik. Nararaapat na ang paksa ay pinag-isipang Mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na makabuo ng isang makabuluhang sulatin.

Pagpili ng mabuting Paksa

Dito ay isinasaalang-alang ang interes ng mananaliksik. Sinusuri kung ang paksang napili ay napapanahon, makabuluhan at kailangan ng mananaliksik nito o ng higit na malaking kliyente - ang lipunan o ang bansa sa kabuuan. Gayundin, kailangan niyang mabatid kung paano lilimitahan o gagawing tiyak ang isang napakalawak na paksa.

Pagpili ng tamang paksa

Dumaraan ang unang draft ng isinulat sa masusing editing ipang matiyak na may kawastuhan sa paggamit ng wika at estilo.

Pagrereserba ng papel

Ang iyong gagawing borador ay dapat magkaroon ng INTRODUKSIYON na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang KATAWAN na kababasahan ng nalamnan nang bahagi ng iyong balangkas, at ang iyong KONKLUSYON na syang magsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

Pagsulat ng Borador o Rough Draft

Maayos na isinasagawa ang pasulat na ulat batay sa mga naunang ginawang preparasyon ng mananaliksik. Kadalasan, ito ay inaabot ng isa o higit pang lingo depende sa uri ng pananaliksik na isinasagawa.

Pagsulat ng Pananaliksik

Matapos isagawa nang mabuti ang mga naunang walong hakbang, ngayon ay natitiyak ka na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.

Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananliksik

Sa kabuuan, narito ang karaniwang balangkas ng isang ulat pananaliksik / pamanahong papel.

Pagsulat ng pinal na papel

Sinusukat nito ang gusto o nais ng isang tao na may kinalaman sa antas ng kanyang interes sa isang propesyon o bokasyon.

Pagsusulit ukol sa Interes (Interest Test)

Sinusukat nito ang katangian, pag-uugali o personalidad ng isang tao, tulad ng Myers Briggs Type Indicator (MBTI) at Sixteen Personality Factors Questionnaire (16PF).

Pagsusulit ukol sa Personalidad (Personality Test)

Sinusukat nito ang antas ng kakayahan o abilidad ng isang tao upang makita kung gaano siya kahusay o kabihasa rito.

Pagsusulit ukol sa kakayahan (Aptitude Test)

Sinusukat nito ang antas ng katalinuhan o Intelligence Quotient (I.Q) ng isang tao batay sa kanyang kapasidad na maproseso ang mga tanong na may kinalaman sa bilang (numerical reasoning), salita (verbal reasoning, simbolo (logical o abstract reasoning) at analohiya.

Pagsusulit ukol sa katalinuhan (Intelligence Test)

Presentasyon at interpretasyon ng datos

Pagsusuri ng Datos

I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong borador. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, baybay, bantas, wastong gamit, pamaraan ng pagsusulit, at angkop na talababa o footnote.

Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador

Naghahanda ang mananaliksik ng tiyak na mga tanong para sa mga taong makapagbibigay sa kanya ng wastong impormasyon. Maaaring ang mga taong kakapanayamin ay mga dalubhasang eksperto sa kanilang larangan. Makakatulong sa pagsusuri ng mananaliksik ang saloobin o pananaw ng kakapanayamin upang magkakaroon ng mayamang pagtatalakay ang pananaliksik

Pakikipanayam o Interview

Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay ipinipresenta ayon sa ?

Paksa

Ang palagay o hinuha ay bahagi ng pananaliksik na kailangang patunayan o suriin. Ang palagay ay tinatanggap bilang katotohanan batay sa obserbasyon o batay sa umiiral na mga konsepto na batay sa mga naunang pag-aaral.

Palagay / Hinuha

Pagbabasa ng mga kaugnayan na pag-aaral at Literatura

Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

Pagbuo ng katanungan sa isasagawang Pananaliksik

Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

Paglalatag ng mga hypotesis ng pag-aaral

Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

Paglilimita ng Paksa

Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

Hindi kailangang mag-eksperimento sapagkat ang mga gagamiting materyales ay nasaliksik na ng iba.

Pampanitikan o Literari

Ang Pananaliksik ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad mg ating komunidad, kalakalan, edukasyon, pulitika at iba pa. Nangangailangan ito ng mahabang panahon at paghahanda sa pagsulat. May proseso / hakbang na dapat sundin upang maging maayos at maganda ang kahinatnan ng gawaing pananaliksik. (Alejo,et al.2008)

Pananaliksik

ang pananaliksik na ito ay ginagamit ng mga siyentipiko upang kontrolin o manipulahin ang isa o maraming salik (variable) at upang maipaliwanag ang kahihinatnan, sanhi-bunga o phenomenon batay sa mga salik na nakalatag sa disenyo ng pananaliksik.

Pang- eksperimento (Experimental)

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkatuto ng Bata ng Kaniyang Unang Wika

Pang-eksperimento

Ito ay mga lathalaing kinasusulatan ng mga paglalarawan ng mga may-akda sa resulta ng pananaliksik ng ibang awtor. Ang mga karaniwang pangalawang sanggunian sa pananaliksik sa edukasyon, halimbawa ay mga teksbuk. Ang mga iba pang halimbawa ay encyclopedia, rebyu ng pananaliksik at taunang aklat o yearbook.

Pangalawang sanggunian (Secondary Sources)

Ito ang nagbibigay direksyon sa pagsasaayos ng ideya at pagtukoy kung ano-anong material pa ang kailangang hanapin.

Pangangalap ng Datos

Paglulunsad ng sarbey

Pangangalap ng Datos

Balikan ang inihandang bibliyograpiya at tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang kakailanganin sa iyong sulatin.

Pangangalap ng Tala

Dito ay binabasa ang nilalaman ng mga aklat, magaasin at journal na binabanggit sa itaas. Pinagpapasiyahan ng mananaliksik kung aling mga datos ditto ang mahalagang makuha at maisama sa gagawin niyang ulat.

Pangangalap ng mga kinakailangang datos at material

Ito ang mga sangguniang pangunahing kailangan ng isang mananaliksik. Ito ay nakatutulong para magbigay ng ideya sa iba't ibang sanggunian - artikulo, monograp, aklat at ibang dokumento- na direktang may kaugnayan sa suliranin ng pananaliksik. Ang mga pangkalahatang sanggunian ay karaniwang index kung saan nakasulat ang awtor, pamagat at lugar ng pinaglimbangan ng artikulo o ibang material o abstrak.

Pangkalahatang Sanggunian (General References)

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay magpaliwanag. Ito ay binubuo ng mga teorya o paliwanag tungkol sa isang phenomenon (pangyayari).

Pangunahing Pananaliksik (basic research)

Ito ay ang lathalaing kinasusulatan ng mga ulat ng mga mananaliksik tungkol sa kanilang isinagawang pag-aaral. Direktang ibinahagi rito ng mga awtor ang kanilang mga natuklasan sa pag-aaral sa kanilang mga mambabasa.

Pangunahing Sanggunian (Primary Sources)

Nagpapaliwanag ang bahaging ito ng malawakang paglalarawan ng pag-aaral at bumabanggit ng mga sitwasyon o pahayag ng mga awtoridad upang ipaliwanag kung bakit isinasagawa ang pananaliksik

Panimula

Mababasa sa panimula ang presentasyon o paglalahad ng suliranin. Kabahagi ng presentasyon ang kaligirang pangkasaysayan ng paksang napili. Nalilinaw rin ang sanhi ng pagpili ng paksa at ang kahalagahan nito. Binabanggit din sa bahaging ito ang saklaw ng pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng mga pag-aaral.

Panimula o Introduksyon

nagbigay ng katuturan ng pananaliksik bilang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik.

Parel Sanchez (1980)

Ano ang mga uri ng probability sampling ?

Payak na Random Sampling (Simple Random Sampling), Sistematikong Sampling, Stratified Sampling, Cluster Sampling

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ideya kung paano kokontrolin ang suliranin. Sa madaling salita ito ay may layunin na solusyunanan ang mga suliranin ng tao at mga suliraning umiiral sa kanyang kapaligiran.

Praktikal na pananaliksik (applied research)

Kailangang magkatumbas ang bilang ng mga bahagi ng popuilasyon ang kukunin. Halimbawa sa pananaliksik sa uri ng programang pantelebisyon na pinanonood ayon sa edad,kailangang pareho ang bilang ng tagapagsagot na kabataan at matatanda

Quota Sampling

Ang bawat kilos o anumang gawain ay may kaakibat na obligasyon at responsibilidad.

Responsibilidad ng isang Mananaliksik

Tawag sa piling taong bahagi ng kabuuang populasyon ng pagkukuhanan ng sagot. Ang sample na ito ang magsisilbing representasyon ng tinukoy o target na populasyon na magiging tagapagsagot o respondent.

SAMPLE

Isang pamamaraan upang matukoy kung sapat ang bilang ng mga taong isasama sa pag-aaral at naipaliliwanag kung bakit ito ang uri ng sampling na gagamitin batay sa layunin. Sa usaping populasyon, tumutukoy ang sampling sa tiyak na bilang ng mga tao na saklaw ng pag-aaral.

SAMPLING

Inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at kailan ito gagawin. Ipinaliliwanag din ng mananaliksik ang limitasyon at hangganan ng kanyang pag-aaral. Nakatutulong ang paglalagay ng limitasyon at hangganan ng pag-aaral para maging kapani-paniwala ito sa mga mambabasa.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral (Scope and Limitation of the Study)

Inihahanay ng mananaliksik sa bahaging ito ang limitasyon ng kanyang pag-aaral. Binabanggit kung ilan ang kanyang respondents at kung ano lamang ang saklaw ng paksang pag-aaralan.

Saklaw ng Delimitasyon ng Pag-aaral

Makapagbibigay ng ideya na naging dahilan upang isagawa ang pag-aaral ang bahaging ito. Binabanggit din ditto ang impormasyon hinggil sa lugar tulad lokasyong heograpikal, kultural at demograpikong katangian, political, ekonomiya at iba pa depende sa ginagawang pag-aaral.

Sanligan ng Pag-aaral

Nasusuri ng mananaliksik ang pangkalahatang kalagayan ng paksang pinag-aaralan sa pamamagitan ng pagkuha ng makabuluhang impormasyon sa mga tagapagsagot ayon sa antas ng kalagayang panlipunan, opinyon at kaalaman ukol sa isyung sasaliksikin.

Sarbey (Survey)

Mga panukat na hindi unibersal at kailangan sumailalim pa sa pagsusuri ng mga dalubhasa upang matiyak ang validad at realidad nito.

Self-Made o Teacher-Made Test

Ipinaliliwanag nina ________ na ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto ng pagsisiyasat na makaimpluwensya sa resulta ng pag-aaral sa maaaring makasama subalit hindi na ito kontrolado ng mananaliksik.

Sevilla at iba pa (1992)

Ano ang mga uri ng standardized test?

Sikolohikal na pagsusulit (Psychological Test) at Sinusukat nito ang abilidad o personalidad ng isang tao.

Ang bahagi namang ito ay nagsasaad ng pagkakatulad o pagkakapareho ng kasalukuyang pag-aaral sa mga nauna na. Binabanggit din dito ang pagkakaiba ng kasalukuyang pag-aaral sa mga inilahad na kaugnay na pag-aaral.

Sintesis

Mahalagang bahagi ito sapagkat ipinakikita ang pagkakaugnay ng kasalukuyang pag-aaral sa mga pag-aaral na binabalikan. Binibigyang buod at diin nito ang mga kahalagahan ng kasalukuyang pag-aaral.

Sintesis

Sa uri ng sampling na ito, ang kabuuang bilang ng yunit ng populasyon ay hinahati sa balak na laki ng sample

Sistematikong Sampling

a. Abstrak b. Kaligiran nito c. Paglalahad ng problema

Sulating pananaliksik

ito ay paghahanap ng teorya, pag subok sa teorya, o pag lutas sa isang suliranin.

Sulating pananaliksik

Kailangang tiyakin na ang kabuuang disenyo ay lohikal na sasagot sa mahahalagang tanong ng pananaliksik. (Tama o Mali)

Tama

Madalas na nagiging pagkakamali ng m,ga mananaliksik ang agad na paglusong sa imbestigasyon at pangangalap ng datos, bago pa man kritikal na pag-iisipan kung anong mga tiyak na impormasyon ang kailangan upang tugunan ang suliranin ng pananaliksik. (Tama o Mali)

Tama

Sa talatanungan, Upang mas madaling sagutan at maayos ang pagtally ng bawat sagot, mainam na lagyan ng pagpipilian. Sakaling maraming maaaring pagpipilian, ilagay ang "ibang sagot" at lagyan din ng patlang kung saan maaaring isulat ang ibang sagot na wala sa pagpipilian. Tiyakin din ang malinaw ang panuto upang alam ng tagapagsagot kung ano ang gagawin (Tama o Mali)

Tama

nagbigay ng puna na ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin. Ito ay tinitipong mga datos sa kontroladong sitwasyon para sa pagpapaliwanag at pagbibigay ng prediksyon.

Treece at Treece (1977),

Makabubuti kung ibabalik at ipaaalam sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral.

True

Ang Pagkaluho ng Kabataan sa Teknolohiya

Tumutuklas

pagtatangkang usisain ang mga pangyayari o kaganapan. Kasalukuyan ang lunan at panahon ng pananaliksik. Nakikilahok ang mananaliksik upang sa kanyang direktang karanasan at pag-aaral ay nauunawaan niya ang paksa ng kaniyang pinag-aaralan. Ang pananaliksik na naglalarawan ay maaaring magbigay-daan sa isang pananaliksik na tumutuklas para sa pananaliksik na naglalarawan.

Tumutuklas (Exploratory)

kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian.

Tuwaring Sinpi

1. Pangunahing Pananaliksik (basic research) 2. Praktikal na pananaliksik (applied research)

Uri ng Pananaliksik batay sa pakay

1. Naglalarawan (Descriptive) 2. Tumutuklas (Exploratory) 3. Nagpapaliwanag o (Explanatory), 4. Pang- eksperimento (Experimental) 5. Nagtatasa (Evaluative)

Uri ng Pananaliksik batay sa proseso

Tumutukoy ang validad sa pagiging tumpak at makatotohanan ng datos na nakuha batay sa paraan at uri ng pagsukat ng ginamit.

Validad

Mainam na gamitin ang pakikipanayam sa mga pananaliksik tungkol sa

agham panlipunan o kasaysayan.

Sa loob ng teksto, isulat lamang ang

ang huling pangalan ng may -akda

mahalagang salik sa pagpapakita at paglalahad ng mga makabagong impormasyon.

ang mga impormasyon na nakukuha sa internet

Ang paggamit sa mga ito ay nangangahulugang ang pag-aaral ay may direkta o hindi direktang implikasyon sa mga tunguhin ng pamahalaan.

batas at direktiba

ginagamit mo sa pananaliksik bilang mga legal na basehan para sa paradigm ng pag-aaral

batas at direktiba

Ano ang dalawang uri ng sarbey?

census at sample survey

kailangang tiyakin ng mananaliksik kung anong mga teorya o pag-aaral ang naging batayan sa uri ng panukat na ginamit. Dapat may mga teorya o pag-aaral ba makasusuporta sa panukat na ginawa upang makatiyak na maaayos ang pagkakabuo ng panukat.

construct validity

kailangang tiyakin ng mananaliksik ang saklaw ng nilalaman ng panukat at kung sapat na ito. Dapat na ipakita ng mananaliksik ang ginawang panukat sa mga dalubhasa upang masuri ito. Mabuti rin na sumangguni sa ibang mga halimbawa ng panukat bilang gabay.

content validity

Ito ang detalyadong balangkas kung paano isasagawa ang imbestigasyon.

disenyo ng pananaliksik

•Kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan mangangalap ng datos ang mananaliksik, ano at paano gagamitin ang napiling instrument, at ng mga pamamaraan kung paanong susuriin ang datos.

disenyo ng pananaliksik

Nahahati ang iba't ibang paraan at kategorya ang disenyo ng pananaliksik batay na rin kung anong ________ ito nakalinya. Ang pangkalahatang distinksyon ng disenyo ang pagiging kuwantitatibo (quantitative) o kuwalitatibo (qualitative) ng pananaliksik.

disiplina

Ito ang mga nakapaglalaan ng higit na makabagong impormasyon kumpara sa ilang mga batayang aklat. Ang mga kagamitang ito ay nakapagdaragdag ng iskolastikong halaga ng pananaliksik.

dyornal, mga magasin at pahayagan

Nagbigay si Kerlinger ng katumbas na salita sa depinisyon ito na tinatawag niyang _______________. Pumapasok sa bahaging ito ang mga konseptong ginamit sa pag-aaral para masisiyasat at masukat ang epekto o katotohanan nito sa isinasagawang pag-aaral. Samakatuwid, ipinaliliwanag o binibigyang ng katuturan o depinisyon ang salita batay sa pagkakagamit nito sa paksang pinag-aralan.

eksperimental at nasusukat.

Ipinapakita rito na kapag ang lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hipotesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat. Ang mga empirikal na datos na ito ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng kongklusyon.

empirikal

ang pananaliksik ay isang aktibo, matiyaga at sistematikong prosesong pagsisiyasat para makatuklas, makapagbibigay ng interpretasyon o baguhin ang katotohanan, pangyayari,asal at teorya.

ensayklopidya

Hindi na kailangang ipagpaalam sa mga kalahok kung isasapubliko ang resulta ng pananaliksik

false

Kung ang pamamaraan ay sarbey, hindi na kailangang ipaliwanag sa tagasagot ang layunin ng pag-aaral.

false

ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral.

ginagamitan ng hipotesis

matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na depinisyon ng salita o grupo ng mga salita na mauunawaan ng maraming tao.

konseptwal na depinisyon

ang sinusundan ng mananaliksik sa pagbuo ng sulating pananaliksik. Makikita rito ang disenyo o bagong modelo na gagamitin ng mananaliksik sa pagpapatunay /pagpapatotoo sa binuong hipotesis o pagsagot sa mga tanong na binuo sa panimula ng sulating pananaliksik.

konseptwal o teoretikal na balangkas

Pinaplano itong mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta ng pag-aaral na isinasagawa. Ang napiling suliranin ay binibigyan ng pagpapaliwanag.

kontrolado

tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuru-kuro o interpretasyon. Dito makikita ang kritikal na pagsusuri sa mga dokumentong nakuha na magiging batayan sa pagbibigay na kongklusyon. Ang mga datos na sinusuri sa isang pananaliksik ay karaniwang hanyo sa talatanungan, pakikipanayam, sorbey at iba pa.

kwalitatibo

kapag ang pagsusuri ay nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na ginamit

kwantitatibo

anumang nakalimbag na material, impormasyon o artikulo na mababasa sa mga aklat, magasin, peryodikal, encyclopedia, journal, pahayagan at iba pang lathalain, talumpati, sulat, talaarawan, bulletin at mga ulat na tumutugon sa mga kinakailangang ekspresyon ay maituturing na ?

literatura

lahat ng mga naisulat ng isang bansa o isang panahon o isang aklat na tumatalakay sa isang mahalagang paksa bilang sining katulad ng drama, piksiyon, sanaysay, tula, talambuhay at iba pa

literatura

Ang literatura ay maaring i-klasipika bilang?

literaturang internasyunal o lokal na publikasyon.

Ang mga impormasyong nakuha ay tinitimbang na mabuti kung narapat o di-nararapat isama. Sinusuring mabuti ang interpretasyon ng mga datos kung may kaugnayan o may kabuluhan sa paksang pinag-aralan.

magaling magsiyasat

. Kailangang magbigay ka bilang mananaliksik ng __________ ng iyong mga nasaliksik na literatura na may kaugnayan sa iyong pag-aaral.

maikling buod

Gawing _________________ ang pagkakaugnayan ng mga pag-aaral na dumaan sa rebyu. Hangga't maaari, ipakita ang mga punto ng kahinaan at kalakasan ng bawat pag-aaral. Ipakita rin kung paano ang mga nirerebyung pag-aaral ay naugnay sa kasalukuyang pag-aaral.

malinaw

Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik. Kung hindi niya mahanap ang impormasyon, kailangang gumawa siya ng paraan para makita o makuha ito.Sa bahaging ito,mapatutunayan ang pagiging mapamaraan ng isang mananaliksik.Dapat handa at marunong gumawa ng paraan ang mananaliksik upang malutas ang mga problemang dumarating habang isinasagawa ang pananaliksik.

mapamaraan

Pagkatapos na makuha ang lahat ng impormasyong kailangan sa gagawing pananaliksik, sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon. Pag-ingatan ang mga talang ito, para hindi maaksaya ang panahon sa muling paghahanap kung sakaling mawala ang mga dokumentong kailangan.

masinop

Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng gagawin niya sa pananaliksik.May talatakdaan siya kung kailan ang pagkuha ng mga datos,pakikipanayam sa taong napili na makapagbibigay ng impormasyon,pagsusuri ng mga datos,pagsulat ng unang burador ng sulating pananaliksik at iba pa. Kung walang sistema ang mananaliksik, malabong matapos niya ito sa itinakdang panahon.Maraming manunulat ng tesis at disertasyon ang walang sistema sa pag-oorganisa ng pananaliksik kaya hindi nakatatapos.

masistema

Ang ma awtoridad o eksperto at ang mga manunulat na ginamit sa pananaliksik ay dapat kinikilala.

may pananagutan

Lagumin ang rebyu at maglaan ng magandang pagkakasunod mula sa nakalipas na pag-aaral tungo sa isinasagawang pananaliksikDito makikita kung paano ______________

nabuo o naugnay ang ginawang riserts mula sa mga nakaraan.

Ipinapakita sa pahayag na ito na ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan ay hindi nakasalig sa sariling opinyon ng mananaliksik. Isa pa, ang mananaliksik ay dapat na walang pinapanigan o kinakampihan at dapat itala ang anumang maging resulta ng pag-aaral. Isang krimeng matatawag ang pagmamanipula sa resulta ng anumang pag-aaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na maging obhetibo.

obhetibo, walang kinikilingan at lohikal

Tinatawag na namang _______ depinisyon ang ikalawang pagbibigay ng depinisyon.

operasyonal (operational)

Ito'y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.

pagsusuri

Ito ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng suliranin at nangangailangan ng bigyan ng kalutasan

pananaliksik

Ito ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.

pananaliksik

tutugon sa suliranin ng pananaliksik ay nangangailangan ng pagtitiyak ng uri ng ebidensya at impormasyon upang subukin ang mga teorya, tahasin ang Programa o kaya'y ilarawan ang ugnayan ng mga kalahok sa pananaliksik.

pangangalap ng impormasyon

Karaniwang nahahati sa dalawang bahagi ang talatanungan. Matutunghayan sa unang bahagi ang________ kung saan hinihingi ang mga personal na impormasyon na mahalaga sa pananaliksik at kasama sa susuriin.

personal na impormasyon o demographic profile (edad, kasarian, Antas ng pinag-aralan, Kursong kinuha sa kolehiyo, Ranggo sa klase batay sa Marka, Kinikita ng magulang sa loob ng isang taon, Relihiyon)

maipapakita nito kung lagi bang pareho at matibay ang resulta ng datos na nakukuha mula sa mga tagapagsagot. Maaaring walang realibilidad ang isang panukat kung pabago-bago ang resultang nakuha mula sa parehong uri ng tagapagsagot

realibilidad

Ang mga pangunahing pinanggagalingan ng kaugnay na babasahin ay mga batas at mga direktiba ng mga departamento katulad ng

sirkular, memorandum, order

kung mailatag nang maayos ng isang mananaliksik ang_______, tiyak na makakamit nito ang Matutukoy nang malinaw ang suliranin, Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis, at Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga hypotesis

sistema at disenyo ng pananaliksik

May iba't ibang uri ang talatanungan na maaaring mahati sa dalawa, ano ang mga ito?

standardized test at nonstandardized test (sariling gawa o self made test)

nagtatakda sa uri ng disenyong gagamitin ng mananaliksik

suliranin ng pananaliksik

Ano ang dalawang uri ng sampling?

•PROBABILITY SAMPLING, NONPROBABILITY SAMPLING


Kaugnay na mga set ng pag-aaral

Langenscheidt Grund- und Aufbauwortschatz Englisch

View Set

Med. Terminology Week 11 Chapter 14/15 Questions

View Set