Filipino Quarter 3
Plug
- Isa itong pagpapabatid sa publiko hinggil sa mga programa ng istasyon o ng isang organisasyon. Halimbawa nito ay anunsiyo sa mga bagong programa ng istasyon.
Vlogger
- Ito ay ang taong gumagawa ng pagrerekord gamit ang gumagalaw na larawan hinggil isang partikular na paksa. Ang isang vlogger ay maaaring kumita ng pera sa internet sa pamamagitan ng pag-eendorso ng produkto at iba pa.
Online Selling
- Ito ay isang paraan ng pagbebenta at pagpapakilala ng isang produkto gamit ang internet o website, applications o mga social networking sites.
Banyaga
- Kadalasan sa mga ito ay pangalang tiyak, teknikal, siyentipiko o mga salitang banyaga na walang salin sa Filipino.
Pahayagan
-Ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga balita, impormasyon at patalastas na kadalasang inilalathala bawat araw o linggo. -ay isang uri ng paglilimbag na nagbibigay sa mga tao ng balita hinggil sa iba't ibang kaganapan sa loob at labas ng bansa. Kahit marami na ang tumatangkilik sa pagbabasa ng balita sa internet, hindi pa rin magpapahuli ang print media.
HM
-how much -Ito ay kalimitang ipinapahayag sa comment section ng isang aytem na binebenta upang alamin kung magkano ang halaga nito
Pormal
. Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami. Ito ang wikang kalimitang ginagamit ng mga iskolar at nakapag-aral sa wika sa mga pormal na usapan o okasyon. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod na uri:
Uri ng karanasan
Ang dalawang bahagi nito ay ang pang-aestetiko at ang epekto nito sa tao na maaaring magtulak sa kaniya upang gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga nasa likod ng dokumentaryo sa mga makakapanood nito ay hindi magpokus sa mga artista kundi sa pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito sa paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng kamera na alamin ng manonood ang kanilang layunin. Maaari itong maging uri ng karanasang tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa
Katimbangan
Ang isang balita ay dapat na magtaglay ng mahahalagang impormasyong nakapupukaw sa interes ng mga mambabasa.
FHM (For Him Magazine)
Ang magasin na ito ay para sa mga kalalakihan na nakapaghahandog ng impormasyon sa mga ito tungkol sa mga usaping tulad ng buhay at pag-ibig.
Yes
Ang magasin na ito ay tungkol sa mga bagong balitang showbiz. Naglalaman ito ng mga larawan at detalye tungkol sa sikat na artistang tampok sa magasin.
T3
Ang magasing ito ay may kinalaman sa mga gadyet o teknolohiya. Naglalaman ito ng mga artikulong gumagabay sa mga mambabasa sa tamang paraan ng pag-aalaga ng gadyet at mga napapanahong balita tungkol sa teknolohiya.
Cosmopolitan
Ang magasing ito ay para sa mga kababaihan. Naglalaman ito ng mga artikulong nakatutulong sa mga ito na maliwanagan tungkol sa mga maiinit na usapin sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
Makatotohanan
Ang mga impormasyon ay nararapat na aktuwal na naganap, nagaganap at magaganap at hindi gawa-gawa lamang.
Travel Shows
Ang mga palabas na kabilang dito ay nagpapakita ng paglalakbay sa isang magagandang tanawin sa isang lugar. Ipinapakita rito ang mga destinasyon na dinarayo ng mga turista. Inilalahad din ang mga masasarap na pagkain at iba pa. Halimbawa nito ay ang Biyahe ni Drew, Lakbai, at iba pa.
Pambatang Palabas / Children's Show
Ang mga programang kabilang dito ay kadalasang ipinapalabas tuwing umaga o tanghali kung kailan gising ang mga kabataan. Maaari rin itong ipalabas sa gabi upang makapanood ang mga kabataaang galing sa paaralan. Ang mga palabas ay maaaring edukasyonal o mga kuwentong pambata na nakaaagaw ng kanilang pansin gaya ng Wansapanataym, Batibot at iba pa.
Pag-eeksperimento
Ang pamamaraang ito ay kadalasang ginagamit sa mga babasahing siyentipiko. Sa pamamaraang ito, sinusubukan muna ng manunulat ang isang paksa sa pamamagitan ng eksperimentasyon bago ang aktuwal na pagsulat.
Anyo
Anyo Ito ay ang paglalapat ng paliwanag o diskusyon at pagpili ng angkop na tanawin o tunog na kaakibat sa pagpapaliwanag na ginawa. Ang talakayan ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili nang mabuti kung akma o karapat-dapat ba ang mga ito. May mga pagkakataon na may sinusunod na iskrip samantalang ang
Silid-Aklatan
Ginagamit na hanguan ang mga babasahin, artikulo, pag-aaral mula sa mga bagay na matatagpuan sa silid-aklatan tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia, almanac, atlas at iba pa. Maaari ring basahin ang mga artikulo mula sa magasin, pahayagan at sa dyornal.
Sound Effects
Ginagamit upang mas mapagana ang imahinasyon ng tagapakinig ukol sa senaryo. Ito rin ay tumutukoy sa SFX. Sa pagsasagawa nito, nakatutulong din sa paglalahad ng mga cues o signal kung paano ito isasagawa o ilalapat ang sound effects.
entrepreneur
Ito ang magasin para sa mga may negosyo at nais magtayo ng negosyo. Nakatutulong ang mga artikulong nakapaloob dito upang magabayan ang mga mambabasa sa kanilang negosyo o sa balak na itayong negosyo.
Metro
Ito ang magasin tungkol sa pananamit o fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyung may kinalaman sa kagandahan.
Men's Health
Ito ang magasing gumagabay sa mga kalalakihan tungkol sa mga isyung pangkalusugan. Naglalaman ito ng mga artikulong nakatutulong sa pisikal at mental na kalusugan gaya ng paraan ng pagbabawas ng timbang, at iba pa.
Layon
Ito ang mga kaisipang nais sabihin ng manunulat sa mga mambabasa.
Variety Shows
Ito ang mga palabas na naglalayong mapasaya ang mga manonood sa kanilang mga pakulo tulad ng kompetisyon, nakakaaliw na mga patawa, at iba pa. Kabilang sa mga palabas na ito ang It's Showtime, Eat Bulaga, Wowowin, ASAP, Gandang Gabi Vice, at iba pa.
Programang Edukasyonal / Educational Show
Ito ang mga palabas na naglalayong turuan ang mga manonood ng mga makabuluhang impormasyon. Halimbawa nito ay ang Matanglawin, Sineskwela, Born to Be Wild at iba pa. Ito ay komprehensibong tumatalakay sa mga paksang may kinalaman sa mga bagay na nakapalibot sa mga mamamayan. Minsan, gumagawa ng mga eksperimento ang programa sa pagpapaliwanag ng napiling paksa.
Magazine Shows
Ito ang mga palabas na nagpapakilala sa mga personalidad gaya ng artista, politiko at maging ng mga ordinaryong mamamayan na may kinalaman sa paksang napili. Maaari rin itong magbahagi ng update tungkol sa negosyo, artista, isyu sa kalusugan at iba pa. Halimbawa nito ay ang Rated K at Kapuso Mo, Jessica Soho.
Netizens
Ito ang salitang tumutukoy sa mga taong aktibong nakikilahok sa iba't ibang usapin gamit ang internet bilang midyum ng pagpapahayag
Imersiyon
Ito ay ang aktuwal na pagdanas sa mga gawaing makatutulong sa paglinang ng paksa gaya ng aktwal na pakikisalamuha sa isang pangkat.
Paksa
Ito ay ang kabuuang ideya, kaisipan, nilalaman o pinag-uusapan ng isang teksto o talataan.
Good Housekeeping
Ito ay ang magasin para sa mga abalang ina. Nakatutulong ang mga artikulong nakasulat dito upang magabayan ang mga ito sa mga responsibilidad bilang isang maybahay at isang ina.
Candy
Ito ay ang magasin para sa mga kabataan. Gawa ito ng mga batang manunulat na nakaaalam sa mga suliranin o pinagdadaanan ng mga mambabasa.
Layunin
Ito ay ang mensaheng nais palutangin sa likod ng pagpili ng paksa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malinaw na layunin, nagkakaroon ng mahusay na pagpaplano kung paano mapalitaw ang nais sabihin sa mga manonood. Halimbawang layunin sa paksang kahirapan ay upang mamulat ang mga Pilipino hinggil sa tunay na kalagayan ng mga mamamayan dahil sa kahirapan.
Pangkomunidad na Radyo
Ito ay ang mga istasyong naglalahad ng kasalukuyang balita o mahahalagang pangyayari sa loob ng isang komunidad.
Social Media
Ito ay ang paggamit ng facebook, twitter, youtube at iba pang aplikasyon upang makasagap ng mga balita, makausap ang ibang tao at iba pa
Infomercial
Ito ay ang paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa pamamaraan ng komersyo upang makumbinsi ang mga tagapakinig na kumilos o makisangkot.
Walang Kinikilingan
Ito ay ang paglalahad ng mga datos nang walang kinikilingang alinmang panig.
Pagbuo ng pangungusap
Ito ay ang pagpili ng angkop na salitang gagamitin sa buong pangungusap. Sa paglalahad ng kuwento, maaaring gumamit ng mabulaklaking pananalita samantalang sa pagsulat ng balita ay kailangang simple at madaling maunawaan ng masa ang mga salitang gagamitin upang makuha ang kiliti ng mga mambabasa.
Hashtag
Ito ay ang pagsasagawa ng post sa facebook o twitter na sinisimulan sa simbolong # sa layuning mapagsama-sama sa iisang kategorya ang mga tweet o post at mas mapadali ang pagsaliksik ng mga ito.
Pakikipanayam
Ito ay ang pagtitipon ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa isang tao o awtoridad na mayroong sapat na kaalaman sa paksa.
Hinuha
Ito ay ang pahayag na nakabatay sa kondisyon o sitwasyong nakasaad. Sa pagpapahayag na ito, ipinapakita ng nagpapahayag ang inaakalang mangyayari o dahilan ng mga pangyayari batay sa obserbasyon, clues at sitwasyon.
flex
Ito ay ang pahayag ng pagpapakitang gilas o pagpapakilala sa mga nakamit na tagumpay, mga nagawa na at iba pa
Kolokyal
Ito ay ang pang-araw-araw na salita na maaaring may kagaspangan. Ito ay kalimitang binubuo ng pagpapaikli ng isa o higit pang titik sa salita. Halimbawa nito ang paggamit ng 'na'san' sa halip na banggitin ang pahayag na nasaan.
Pambansa
Ito ay ang wikang ginagamit sa mga aklat at pambalarila. Halimbawa nito ang salitang asawa, anak, tahanan, ama
Lalawiganin
Ito ay antas ng wika na ginagamit sa isang partikular na pook. Nagkakaroon ng antas na ito ng wika dahil sa heograpikong kadahilanan. Halimbawa nito ay ang salitang langgam sa Cebu ay nangangahulugang isang hayop na lumilipad samantalang ang langgam sa Manila at karatigpook ay nangangahulugang isang hayop na gumagapang o kilala sa Ingles na ant.
Impormal
Ito ay antas ng wika na karaniwan at palasak na ginagamit araw-araw sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kakilala. Ito ay mayroong uri:
Pampanitikan o panretorika
Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat tulad ng mga akdang pampanitikan. Ito ay kinabibilangan ng mga salitang mabulaklakin, makukulay at masining. Halimbawa nito ang 'hindi maliparang uwak' sa halip na sabihing malapad.
Bumper
Ito ay ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas. Ipinaaalam nito sa lahat ng tagapakinig na may break subalit mayroon pang kasunod na balita. Halimbawa, "Magbabalik ang ating programa makalipas ang ilang paalala".
Katotohanan
Ito ay isang factual na pahayag o kaisipan na tanggap ng lahat at hindi na maaaring pasubalian. Sa pagpapatunay ng katotohanan ng mga bagay, mayroong ginagamit na mga pahayag upang makatulong na maging kapani-paniwala ang mga nakasaad. Kadalasang dinudugtungan ang mga pahayag na ito ng mga patunay o ebidensiya. Kabilang sa mga salitang nagpapahayag ng katotohanan ay sang-ayon sa, ayon sa, batay sa, at iba pa.
Imbestigatibong Pamamahayag / Investigative Journalism
Ito ay isang pag-uulat o pagbabalita ng isang makatotohanang pangyayari mula sa isang masinsinang pag-iimbestiga o pagsisiyasat. Kabilang sa mga palabas na ito ay ang S.O.C.O, Imbestigador at iba pa.
Personal na Interpretasyon
Ito ay isang pahayag na nagmula sa sariling kaisipan o pananaw ng nagpapahayag.
Opinyon
Ito ay isang pahayag ukol sa isang paksa batay sa sariling paniniwala at prinsipyo ng nagpapahayag. Ito ay pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng iba. Ibig sabihin, sa pagpapahayag ng opinyon, maaaring ito ay hindi tanggapin ng lahat.
Obserbasyon
Ito ay isang paraan ng pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao, pangkat o pangyayari. Sa pamamagitan ng obserbasyon, nalalaman ang mga gawi, katangian at iba pang datos na may kinalaman sa paksa.
Brainstorming
Ito ay isang paraan ng pangangalap ng pananaw o opinyon ng iba kung saan ginagawa ang pakikipagtalakayan sa isang pangkat upang mapag-usapan ang isang paksa.
Sarbey
Ito ay isang paraan sa pangangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan na pasasagutan sa mga pili o random na mga respondente.
Radyong Pangkomersyo
Ito ay isang uri ng broadcasting na nakabatay sa pagsasahimpapawid ng mga bayad na patalastas upang hikayatin ang tagapakinig na bilhin ang produkto nito.
OBB
Ito ay kilala bilang Opening Billboard. Isa itong maiksing nirekord na klip ng tunog na nagpapakilala sa programa o segment ng programa. Halimbawa nito ay ang pahayag na, "Kayo ay nakikinig sa programang "Ikwento mo Kay Kuya Kit".
Radyong Pampubliko
Ito ay kinapapalooban ng mga istasyon na naghahatid ng purong pagbabalita. Ang mapakikinggan rito ay pawang mga mahahalagang impormasyon at walang patalastas na nag-aalok ng mga produkto sa mga konsyumer. Kadalasan itong ginagamit ng mga namumuno sa bansa upang maipabatid sa publiko ang mga impormasyon
Pagtatanong
Ito ay kinapapalooban ng mga tanong na 5Ws at 1H (What, When, Where, Who, Why at How) na nakatutulong sa pagpapalawak ng paksa.
Stinger
Ito ay maiksing klip ng musika o tunog na ginagamit upang pag-ugnayin ang mga bahagi ng programang panradyo. Kadalasan itong mga salita na kinabitan ng sound effects.
paraan ng pagkakasulat
Ito ay tumutukoy sa estilo ng pagsulat ng teksto gaya paggamit ng mga salita, pagbuo ng pahayag, hulwarang ginamit, estruktura ng teksto at iba pa.
Jejemon
Ito ay tumutukoy sa mga taong sadyang iniiba ang ispeling ng isang salita bilang paraan ng pakikipagtalastasan na minsa'y nakapagdudulot ng kalituhan. Halimbawa, "Hello po, musta na?" ay ginagawang "3ow ph0w, mUsZtAh nA?"
Trending
Ito ay tumutukoy sa mga usaping nauuso at tanyag na pinag-uusapan sa mundo ng internet.
Tono
Ito ay tumutukoy sa naghaharing damdamin ng teksto gaya ng masaya, malungkot, masay
Kawastuhan
Ito ay tumutukoy sa paglalahad ng impormasyong walang labis at walang kulang. Ang isang balita ay nararapat na magtaglay ng wastong detalye upang maging kapani-paniwala (credible) ang nilalaman.
Pagsaliksik sa iba't ibang hanguan
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagkalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang mapaghanguan ng impormasyon na nakatutulong sa paglinang ng paksang napili. Maaaring gamitin ang pagsaliksik ng mga datos sa mga sumusunod na hanguan
Netiquette
Ito ay tumutukoy sa tamang pamamaraan ng paggamit ng social media o internet.
Estilo at/o Teknik
Ito ay tumutukoy sa tanawin o pagkuha ng angkop na anggulo ng pagkuha ng kamera at sa panahon ng pag-eedit nito. Ang isa sa mahahalagang sangkap ay ang mga nonactors o ang mga 'totoong tao' sa paligid na walang ginagampanang anomang karakter. Ang lugar din ay aktwal na hindi gaya ng mga nasa pelikula na nasa loob ng studio.
CBB
Ito naman ay ang Closing Billboard. Ito ang pinatutugtog sa pagtatapos ng programa. Halimbawa, "Ikwento mo kay Kuya Kit, maririnig lingo-lingo sa araw ng Lunes, alas 3 ng hapon".
Radyong Pampaaralan
Ito naman ay ang broadcasting na eksklusibo para sa mga mag-aaral sapagkat ang tinatalakay rito ang mga pangyayari sa loob ng kampus at sa mahahalagang impormasyon mula sa pamunuan.
Teaser
Ito naman ay ginagamiit upang paganahain ang pag-iisip ng mga tagapakinig para hindi lilipat sa ibang istasyon at abangan ang buong istorya. Halimbawa, "Manila Bay, magiging singganda ng Boracay?"
Kaiklian
Kinakailangan diretsahan at hindi maligoy ang paglalahad ng balita. Ibig sabihin, dapat iwasan ang mabulaklaking mga pahayag upang madaling maunawaan
Elektroniko
Maaari ring makakuha at makapagpadala ng mga impormasyon hinggil sa isang paksa sa pamamagitan ng internet. Maraming website ang pwedeng bisitahin sa internet subalit, dapat suriing mabuti ang kredibilidad ng pinagmulan ng mga impormasyon dahil hindi lahat ng nakapaskil sa internet ay makatotohanan. Kinakailangan ang masinsinang pagbusisi bago gamitin ang mga datos upang masiguro ang kawastuhan ng mga impormasyong ibinabahagi sa mga mambabasa.
Bed
Musika na pinatutugtog sa ilalim ng diyalogo na maaaring ipatugtog sa simula o sa buong diyalogo.
Pagbuo ng Salita
Nararapat na maging angkop at nasa tamang baybay ang mga salitang gagamitin upang mapalutang ang mensaheng nais sabihin ng manunulat. Mahalagang maging malikhain sa pagbuo ng pahayag.
Balbal
Sa Ingles ito ay slang. Ito ay nasa mababang uri ng wika. Kalimitan itong ginagamit sa lansangan. Halimbawa nito ay ang 'ermat' sa halip na ina, 'yosi' sa halip na sigarilyo at iba pa. Atab sa halip na bata Lispu sa halip na pulis
Wika
ang ginagamit na kasangkapan upang maipahayag ang paksa ng anomang uri ng babasahin. Ito ang ginagamit bilang midyum ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na wika, nailalahad ng isang manunulat ang mga impormasyong nakalap sa isang malinaw na pamamaraan. Sa pagsulat ng mga babasahin tulad ng balita, kailangang maging maingat ang manunulat sa paggamit ng mga salita upang maiwasan ang maling interpretasyon.
iskrip
ay ang nakasulat na materyal na naglalaman ng mga salitang naglalarawan sa kilos at sasabihin ng mamamahayag na sangkot sa programa. Ito ay isang mahalagang manuskrito sapagkat ito ang gumagabay sa mga sangkot ng produksiyon tulad ng direktor, mamamahayag, editor, tagaayos ng musika, at iba pa.
Kontemporaryong Dagli
ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maiklingmaikling kuwento. Sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Ang dagli ay isang kwentong maaaring hango sa nangyayari sa buhay ng tao o batay sa obserbasyon sa paligid na hindi kadalasang nakikita. Kakaunting salita lamang ang ginagamit sa dagli at nakatuon lamang sa isa sa mga sumusunod: tauhan, banghay, tunggalian at tagpuan
komiks
ay isang grapikong midyum na gumagamit ng mga larawan at diyalogo upang makapaghatid ng isang kuwento. Ito ay itinuturing na popular na babasahin na nagbibigay-aliw sa mga mambabasa gamit ang mga kulay sa mga larawan at sa mga diyalogo nito.
Realidad na Palabas / Reality Show
ay isang palabas na nagpapakita ng mga pangyayari sa tunay na buhay. Ipinapakita sa palabas na ito ang aktwal na pakikisalamuha ng tao sa kaniyang kapwa. Halimbawa nito ay ang Pinoy Big Brother, The Amazing Race Philippines, StarStruck, Survivor, at iba pa.
balita
ay maaaring ibahagi sa pamamagitan ng pasulat at pasalitang pamamaraan. Pasulat ang pamamaraan kapag ang midyum na ginamit sa pagbabalita ay pahayagan at iba pang uri ng babasahin samantalang pasalita naman kapag ito ay isinahimpapawid sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.
magasin
ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng mga artikulo, kuwento, larawan, anunsyo at iba pa. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon at magbigay-aliw kaya ito ay tinatangkilik ng mga mambabasa. Maaaring itong maglaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso ng mga sikat na personalidad sa bansa.
radio broadcasting
ay tumutukoy sa pagsasahimpapawid ng mga mahahalagang impormasyong mayroong kaugnayan sa mga pangyayari sa lipunan sa loob at maging sa labas ng bansa.
komentaryo
ay tumutukoy sa pahayag o opinyon ng isang tao tungkol sa isang mahalagang usapin o isyu batay sa mga ebidensiya. Sa paglalahad ng komentaryo maging sa radyo, telebisyon o pahayagan, higit na kapani-paniwala kapag ang opinyon ay may katambal na mga patunay o ebidensiya. Ibig sabihin, malaking bahagi ng pagsulat ng balita o komentaryo ang pagiging totoo sa mga inilalahad na mga datos.
Music
bridge, sting, bed
broadsheet at tabloid
dalawang uri ng pahayagan
Establish
hayaang tumugtog nang kaunti ang tunog hanggang sa pagsisimula ng panibagong tunog.
Sting
isang musika o tunog na kagyat na tumataas upang bigyang-diin ang diyalogo.
broadsheet
ito ang pahayagan na nakalimbag sa mas malaking pormat o papel. Ito ay karaniwang nasa 22 pulgada o 560 millimeters.
tabloid
ito ay ang pahayagang nakalimbag sa mas maliit na espasyo. Ito ay tinaguriang pahayagang pangmasa na inilalako sa mga lansangan. Binibigyangdiin sa pahayagang ito ang tungkol sa karahasan kaya ito ay tinatawag ding sensationalized journalism.
Paksa
ito ay tumutukoy sa mga usaping napapanahon. Ang paksa ay ang nilalaman ng dokumentaryo gaya ng kahirapan, mga pinagdadaanan ng mga ordinaryong tao at mga paksang may kawilihan sa mga manonood. Itinuon din sa dokumentaryo ang pagtatalakay sa mga pamamaraan ng pamu
Pananaw
ito ay tumutukoy sa punto-de-vistang ginamit ng manunulat sa pagsulat ng isang teksto. Unang panauhan kung ang ginamit na panghalip ay ako, akin, ko kung saan maririnig na nagsasalita ay ang karakter ng kuwento o teksto. Nasa ikalawang panauhang pananaw kapag waring nakikiusap sa mga mambabasa at gumagamit ng ikaw, ka at iba pa. Ang ikatlong panauhang pananaw naman ay gumagamit ng sila, kanila. Naririnig sa pananaw na ito ang tagapagsalaysay.
Bridge
katumbas ito ng pagtaas o pagbaba ng pinilakang tabing. Ito ay pinatutugtog sa gitna ng senaryo na walang diyalogo.
pahayagan, komiks, magasin, kontemporaryong dagli
mga popular na basahin
programang panradyo
o ay nakatutulong upang malaman, makilatis at mabuksan ang isipan ng mga tagapakinig hinggil sa mga mahahalagang pangyayari o mga napapanahong isyu sa lipunang kinabibilangan. Isa ang radyo sa patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino sapagkat ito ay isa sa mga pinagkukunan ng pangunahing impormasyon o balita. Bilang karagdagan, ang radyo ay nakapagdudulot din ng kasiyahan sa mga tagapakinig sapagkat ito ay nakapaghahatid ng kwento/drama, musika at iba pang programa na nakatatanggal sa anomang bagot na nararamdaman.
Fade under
paghinto ng tunog sa pagsisimula ng nagsasalita
Under
patugtugin ang tunog sa ilalim ng panibagong tunog o diyalogo
Fade in
simulang ipatugtog ang tunog at unti-unting tumataas ang volume nito.
.
taas pani sya stop nlng ko huhuhu
Dokumentaryong Pantelebisyon
to ang programa sa telebisyon na naglalahad ng isang makatotohanang impormasyon hinggil sa isyu o problemang panlipunan. Layunin ng mga programang ito na maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. Dito nakilala ang mga batikang mamamahayag na sina Howie Severino, Atom Araullo, Jay Taruc, Kara David, Cheche Lazaro at iba pa. Sa dokumentaryong pantelebisyon, kailangan ang mga sumusunod na katangian na hinalaw mula sa: https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/dokyumentaryongpantelebisyon/
Fade out
unti-unting paghinto ng tunog