Uri ng Implasyon at ang Pagsukat sa Implasyon
Demand-Pull Inflation
- Ang pagtaas ng demand habang walang pagbabago sa suplay ay maaring magpataas sa antas na presyo. - Tataas ang presyo kung ang paggasta ng iba't ibang sektor, tulad ng samabahayan at pamahalaan, ay higit sa kakayahan ng bahay-kalakal na makapagbenta ng mga produkto at serbisyo.
Kakayahang Makabili ng Salapi (PPP)
- Matutukoy ang tunay na halaga ng salapi sa isang bansa. - Kapag tumaas ang CPI at ang antas ng implasyon, bababa ang PPP ng isang bansa.
Cost-Push Inflation
- Tumataas ang gastusin ng bahay-kalakal sa produksyon. Maraming dahilan kung bakit tumataas ang gastusing: • Pagtaas ng halaga ng hilaw na sangkap • Tumaas ang sahod ng mga manggagawa na hindi katumbas sa pagtaas ng produksyon • Pagtaas ng palitan ng salapi Lalo na kung nag-aangkat ang bahay-kalakal ng hilaw na sangkap sa ibang bansa (Nadadagdagan ang babayaran nila).
Inflation Rate
Ang taunang panukat ng pagbabago sa CPI ng isang bansa.
Quantity Theory of Inflation
Ang pagdami ng salapi sa sirkulasyon ang nagdudulot ng implasyon. Kapag ang bangko sentral ng isang bansa ay nag-imprenta ng maraming salapi nang higit sa kakayahan nitong magpataw ng halaga sa mga ito, inaasahang tataas ang antas ng presyo.
Implasyon
Ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang ekonomiya.
Market Basket
Binubuo ng mga produkto tulad ng pagkain, pabahay, damit, transportasyon, at edukasyon etc.
Batayang Taon
Ginagamit ito para magkaroon ng batayan sa pagataas ng presyo
Structural Inflation
Kapag ang estruktura at mga patakaran sa ekonomiya ay nagbago, kadalasang nagdudulot ito ng pagtaas sa antas na presyo. Hal. Kung gumawa ng bagong patakaran kung saan tumaas ang pagbubuwis o ang pagbabago sa sistema ng palitan ng piso sa dolyar, inaasahang tataas ang presyo dulot ng mga pagbabagong ito.
Implicit Price Index
Pagbabago sa presyo batay sa pambansang kita sa isang ekonomiya.
Total Weighted Price
Presyo na binibilhan ng konsumers
Consumer Price Index
Sukatan ng pagbabago sa presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyong binibili ng karaniwang mamimili, lalo na ng mga tagalungsod.