ap reviewer
inalienable
- Ang karapatang pantao ay tinataglay ng isang indibidwal mula sa batayan ng kanyang pagiging tao anuman ang kanyang katayuan, kalagayan, at kinabibilangang sektor sa lipunan. Tinataglay ito ng isang indibidwal hanggang sa kanyang kamatayan.
limits to state power
- Itinatakda ang karapatang pantao upang maiwasan ang anumang pang-aabuso ng estado sa kapangyarihan lalong-lalo na sa usapin ng pagtataguyod ng karapatan at kalayaan ng mamamayan.
essential
- Kinakailangan ang karapatang pantao upang mapanatili ang moral, pisikal, sosyal, at espiritwal na kabutihan ng bawat indibidwal. Mahalaga rin ang karapatang pantao sapagkat nagbibigay ito ng maayos at makatarungang kondisyon para sa materyal at moral na kaunlaran ng tao.
dynamic
- Patuloy na lumalawak at dumarami ang karapatang pantao sa paglipas ng panahon batay sa politikal, sosyal, at pang-ekonomikong pagbabago at kaunlaran ng estado.
irrevocable
-Ang karapatang pantao ay hindi maaaring ipagkait ng isang puwersa o awtoridad dahil ang mga karapatang ito ay nagmumula sa pagiging tao ng isang indibidwal na kabilang sa lipunan.
Humane
-Ang pagturing sa kapuwa nang may dignidad anuman ang kanyang katayuan, kalagayan, at kinabibilangang sektor sa lipunan ay nangangahulugan ng pagiging makatao at pagtataguyod at pagkilala sa dignidad ng kapuwa bilang tao na nagtataglay ng karapatang pantao.
Consensus oriented
Ang isang mabuting pamahalaan ay nararapat na maging tagapamagitan sa magkakaibang interes na ito upang makabuo ng pagpapasiyang nakabubuti para sa lahat
Equity and Inclusiveness
Ang kabutihan ng pamumuhay sa isang lipunan ay nakabatay sa pagsisiguro na ang lahat ng miyembro nito ay may kaisipan at damdaming kabilang sila sa lipunan at mayroon silang mahalagang tungkulin para sa pagpapatuloy at kaunlaran nito. Nangangahulugan ito na mahihinang sektor ay may pantay at malawak na oportunidad
universal
Ang karapatang pantao ay hindi dominasyon ng sinumang indibidwal o pangkat ng tao. ito ay likas na pangkalahatan at walang anumang pagtatangi. Ang mga pagpapahalaga tulad ng dignidad at pagkapantay-pantay na batayan ng pagkakabuo ng karapatang ito ay taglay ng bawat tao.
limited
Ang karapatang pantao ay may limitasyon upang hindi malabag ang karapatang pantao ng iba. Itinatakda ng batas ang mga limitasyong ito.
accountability
Ang katangiang ito ay itinuturing na pangunahing taglay ng isang mabuting pamahalaan. Ang mapanagutang pamamahala ay hindi lamang Inaasahan sa mga institusyon ng pamahalaan bagkus ito ay inaasahan din sa mga pribadong sektor at mga organisasyong pansibiko sa kanilang paglilingkod sa mamamayan.
Responsiveness
Ang mabuting pamahalaan ay naglilingkod ng walang kinikilingan at tumutugon ng mabilis sa sapat na oras at panahon
effectiveness & efficiency
Ang mabuting pamahalaan ay nangangahulugan na ang mga proseso at institusyong panlipunan ay nakatutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng mga resources nito.
Participatory
Ang malayang pakikilahok ng lahat ng mamamayan sa usapin at gawaing pampulitika ay isa sa mga pangunahing katangian ng mabuting pamahalaan
participatory
Ang malayang pakikilahok ng lahat ng mamamayan sa usapin at gawaing panlipunan at pampolitika ay isa sa mga pangunahing katangian ng mabuting pamahalaan. Ang partisipasyong ito ay maaaring tuwiran o sa pamamagitan ng lehitimong institusyon o kinatawan.
Accountability
Ang mapanagutang pamamahala ay hindi lamang inaasahan sa mga institusyon ng pamahalaan bagkus ito ay inaasahan din sa mga pribadong sektor at mga organisasyong pansibiko
Civic
Ang pag-donate sa isang foundation.
Equity & Inclusiveness
Ang pagbibigay ng pantay na oportunidad maging sino ka man
Political voice
Ang pagboto sa darating na halalan
Effectiveness & efficiency
Ang paggamit ng wasto sa mga likas na yaman na ikabubuti ng lahat
Electoral
Ang paghihikayat na makaboto ang mga taong may karamdaman, dahil ang kanilang boto ay mahalaga
Civic
Ang pagiging mapanuri sa kung nagagawa ba ng maayos ng gma ahensiya ng
Political voice
Ang pagkampanya sa isang kandidato sa halalan.
1987 Philippine Constitution article 4 section 1
Batay sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, isinasaad sa Artikulo IV, Seksiyon 1 nito na ang sumusunod ay itinuturing na mamamayan ng Pilipinas: 1. Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas; 2. Yaong ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas; 3. Yaong mga isinilang bago ang Enero 17, 1973, may Pilipinong ina, na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng kanilang karampatang gulang; at 4. Yaong mga naging mamamayan ng Pilipinas na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon
natural rights
Ito ay bahagi ng pagiging likas ng sangkatauhan. Naniniwala ang ilang mga iskolar na may mga karapatang ibinigay ang kalikasan sa sangkatauhan bago pa man sila maging bahagi ng lipunan o ng estado. - Ilan sa mga pangunahing halimbawa nito ay ang karapatang mabuhay, karapatang maging malaya, at karapatang magkaroon ng ari-arian.
legal rights
Ito ay mga karapatang kinikilala at pinaiiral ng estado. Ano man ang paglabag nito ay pinarurusahan ayon sa batas. - Ang mga hukuman at institusyon ng estado ang nagpapatupad ng batas at mga kaparusahang nauukol dito. -Civil Rights, Political Rights, Economic Rights
economic rights
Ito ay mga karapatang nagbibigay ng pang- ekonomiyang seguridad sa mamamayan. - Ilan sa mga pangunahing halimbawa nito ay ang karapatang maghanapbuhay, mabigyan ng tama at makatarungang sahod, karapatang magkaroon ng sapat pahinga, at karapatang magkaroon ng seguridad at kaligtasan sa trabaho.
transparency
Ito ay nangangahulugan na ang lahat ng desisyon at ang pagpapairal ng mga ito ay dapat nasa paraang nakabatay at sumusunod sa batas at regulasyon. Dito rin, lahat ng impormasyon ay malaya at tuwirang nailalatag at nauunawaan ng mga mamamayan lalong- lalo na ang mga tuwirang maaapektuhan ng mga pagpapasiyang ito.
citizen retention and reacquisition act of 2003
Ito ay tinatawag din na Republic Act No. 9225. Ito ay isang batas na nagdedeklara na ang mga natural-born citizen ng Pilipinas na sumumpa ng pagkamamamayan sa ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay hindi nawawala ang kanilang pagkamamamayang Pilipino at maaaring muling maging mamamayang Pilipino.
political rights
Ito ay tumutukoy sa karapatan ng mamamayang makilahok at maging bahagi ng mga proseso, usapin, at gawaing pampolitika. -Ilan sa mga halimbawa nito ay ang karapatang bumoto, mahalal, maging pampublikong opisyal, at karapatang pumuna sa pamahalaan. Karaniwang ganap at malawak ang karapatang pampolitika ng mamamayang may demokratikong uri ng pamahalaan.
civil rights
Ito ay tumutukoy sa mga karapatang nagbibigay ng pagkakataon sa mamamayan ng estado na magkaroon ng maayos na buhay sa lipunang kinabibilangan at matugunan ang mga pangangailangan. -Ang pangunahing halimbawa nito ay ang karapatang mabuhay, maging malaya, at pagkapantay-pantay. Pinoprotektahan ng estado ang mga karapatang sibil.
civic engagement
Ito ay tumutukoy sa tuwirang pakikilahok o pakikibahagi ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa lipunang kinabibilangan. ⚫Nakaugat ang konseptong ito sa pagnanais ng isang indibidwal na mapabuti angkalidad ng buhay sa isang pamayanan sa pamamagitan ng political at non-political na proseso. • Ang isang mamamayang may malalim na moral at pansibikong tungkulin sakinabibilangang pamayanan ay may pagturing sa kanyang sarili bilang kabahagi ng mas malawak na lipunan.
consensus oriented
Karaniwan ang pagkakaroon ng iba't ibang aktor, opinyon, at kaisipan sa isang partikular na lipunan. Ang isang mabuting pamahalaan ay nararapat na maging tagapamagitan sa magkakaibang interes na ito upang makabuo ng pagpapasiyang nakabubuti para sa lahat.
Transparency
Lahat ng impormasyon ay malaya at tuwirang nailalatag at nauunawaan ng mga mamamayan
kategoryang electoral
Mapanuri at matalinong pagboto sa halalan. Pakikibahagi sa mga layunin ng malinis at mapayapang proseso ng halalan sa pamayanan. • Malayang pagpili ng kandidatong iboboto. • Paghahain ng kandidatura o pagtakbo sa isang posisyon sa pamahalaang lokal at pambansa.
responsiveness
Nangangahulugan ang mabuting pamahalaan ng paglilingkod ng lahat ng institusyon at proseso ng CS Canoe pamahalaan sa lahat ng mamamayan nito nang walang kinikilingan at pagtugon sa mabilis na oras at panahon
Civic
Pagbibigay tulong sa simbahan
civic
Paglunsad ng outreach program.
Rule of law
Pagpapairal ng patas at legal na patakaran at sistema ng lipunan
rule of law
Pagpapairal ng patas at legal na patakaran at sistema. Dito, tinataguyod ang ganap na proteksiyon ng karapatang pantao partikular na ang mga minoridad. Ang walang kinikilingang pagpapairal ng batas ay dapat hiwalay at walang impluwensiya ninuman gayundin ang pantay at walang bahid ng katiwaliang police force
Transparency
Pagpapubliko ng dokumento na may kinalaman sa transaksyon ng pamahalaan
Participatory
Pagsulong sa karapatang pantao
Electoral
Pagtakbo sa halalan sa barangay bilang SK Chairman
Civic
Pakikilahok ng kabataan sa PNP patungkol sa usapin ng cyberbullying.
Civic
Pakikilahok ng kabataan sa barangay laban sa pagpigil sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot
active citizenship
aktibong pagkamamamayan ay tumutukoy sa mga mamamayang nakikibahagi sa malawak na usapin at gawain naglalayong maitaguyod at sumusuporta sa demokrasya. Ang mga pagkilos na ito ay maaaring mga gawaing pansibiko tulad ng pakikibahagi sa mga gawain sa komunidad tulad ng pagboboluntaryo, pagkakawanggawa. Kasama rin dito ang paghahain ng adbokasya at pagsunod sa batas at pakikiisa sa pag-unlad ng bansa gayundin ang pakikibahagi sa mga usapin at gawaing politikal tulad ng pagboto, pagtakbo sa isang posisyon, at pangangampanya para sa eleksiyon.
dual citizenship
ng pagkakaroon ng isang indibidwal ng dalawang pagkamamamayan o citizenship bilang resulta ng interaksiyon ng mga batas sa pagitan ng dalawang bansa. Ang katayuan ng dual citizenship ay maaaring pinili (by choice) ng isang indibidwal o batay sa kanyang kapangananakan (by birth). Maaaring ituring ang isang indibidwal na Philippine dual citizen by choice batay sa proseso RA 9225. Samantala, maaaring maituring ang isang indibidwal na Philippine dual citizen by birth dahil siya ay natural na ipinanganak bilang Pilipino (dahil sa kanyang mga magulang o isa sa kanyang magulang ay Pilipino) at hindi niya kinakailangang sumailalim at magsagawa ng proseso upang makuha ang kanyang pagkamamamayang Pilipino.
filipino by birth
o yaong mga ipinanganak na Pilipino. Kinikilala ng Pilipinas ang prinsipyo ng jus sanguinis (right of blood). Ito ay isang legal na prinsipyong nagsasaad na sa kanyang kapanganakan ay nakukuha ng isang indibidwal ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang o isa man sa kanila. Samantala, sa ibang mga bansa, ang pagkamamamayan ay maaaring nakabatay sa prinsipyo ng jus soli (right of soil). Ito ay isang legal na prinsipyong nagsasaad na ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa lugar ng kanyang kapanganakan.
filipino by naturalization
o yaong mga naging Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon. Ang pagkamamamayang Pilipino sa pamamamagitan ng naturalisasyon ay isang hudisyal na paraan ng pagkuha ng isang banyaga ng pagkamamamayang Pilipino at pagbibigay sa kanya ng mga pribilehiyong katulad ng taglay ng isang likas na ipinanganak na Pilipino.
mamamayan at mabuting pamahalaan
• Ayon sa artikulong inilathala ng Governance Today (2020), nakabatay ang mabuting pamahalaan sa kakayahan nitong pairalin ang kanyang kapangyarihan at pagbuo ng mabuting desisyon sa lahat ng oras sa iba't ibang usaping pang-ekonomiya, pampolitika, panlipunan, pangkapaligiran, at iba pang larangan. • Nangangahulugan din ang mabuting pamahalaan ng kawalan ng katiwalian sa pamamahala, pagbibigay- pansin sa boses at pangangailangan ng mga mamamayan higit ang mahihinang sektor ng lipunan, at pagbuo at pagpapairal ng mga desisyong nakabatay sa pangangailangan at kabuting panlahat. • Ang isang mamamayang may malalim na moral at pansibikong tungkulin sakinabibilangang pamayanan ay may pagturing sa kanyang sarili bilang kabahagi ng mas malawak na lipunan.
kategoryang political voice
• Pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa mga opisyal at institusyon ng pamahalaan. ⚫ Paglalahad ng kaisipan at pananaw tungkol sa isang isyung panlipunan sa print at broadcast media. ⚫Paghahain ng adbokasiya tungkol sa isang gawain o pagkilos na maaaring magdulot ng kabutihan at pag- unlad ng komunidad.
kategoryang civic
•Aktibong pakikibahagi sa mga gawain, proyekto, at programang naglalayong matugunan ang suliranin ng pamayanan. • Pakikilahok at boluntaryong pakikiisa sa mga organisasyong non-electoral o mga samahang hindi tuwirang nauukol sa usapin at prosesong panghalalan ngunit may layuning mapaunlad at maisaayos ang kalidad ng buhay sa pamayanan. • Pakikiisa sa mga gawain na may adhikaing makatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagkakawanggawa at paglilingkod nang walang anumang kapalit at pansariling interes.