Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Dr. Jose P. Rizal
Ang pambansang bayani ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Isa siyang doktor sa mata, may maraming alam at nagsasalita ng 22 lenggwahe. Nagtapos ng pag-aaral sa Universidad ng Central Madrid. May 2 nobela, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Dahil sa 2 nobelang ito, nahatulan (sentenced) siya ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad dahil napagbintangang traydor sa Espanya. Hinimok daw niya ang mga Pilipino na labanan ang bansang Espanya. Kinasuhan siya ng rebelyon at sedisyon. Binaril siya sa Bagumbayan, ngayon ay Luneta o Rizal Park noong Disyembre 30, 1896.
Filipino
Pambansang wika. Ang opisyal na lenggwahe sa Pilipinas ay 2, ang Filipino na gamit na wikang panturo sa mga ilang sabjek at kasama ang Ingles na ginagamit ding wikang panturo sa Math, Science, English, at iba pang sabjek. Ang Ingles ay wika sa mga korte at ng pamahalaan.
Ang watawat ng Pilipinas
Simbolo ng bansa. May 3 bituin na kumakatawan sa 3 malalaking pulo (islands) sa Pilipinas, Luzon, Visayas at Mindanao. Ang araw (sun) na may 8 sinag (rays) ay kumakatawan sa 8 probinsiyang lumaban sa bansang Espanya. May 3 rin itong kulay: ang asul na sumisimbolo ng kapayapaan (peace), pula ay katapangan (bravery), at puti ay kalinisan (purity).
Lupang Hinirang
pambansang awit na sinulat ni Julian Felipe. Unang inawit ito sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 noong idineklara ang kalayaan (independence) ng PIlipinas mula sa bansang Espanya.
bahay-kubo
pambansang bahay
Sampaguita
pambansang bulaklak
Anahaw
pambansang dahon
kalabaw
pambansang hayop
Agila
pambansang ibon
bangus
pambansang isda
Narra
pambansang kahoy
Baro at saya
pambansang kasuotan ng mga babae
Barong Tagalog
pambansang kasuotan ng mga lalaki
Arnis/Eskrima/Kali
pambansang martial art isport
litson
pambansang pagkain
mangga
pambansang prutas
Bakya
pambansang sapin sa paa
Kalesa
pambansang sasakyan
Carinosa
pambansang sayaw
Sipa/Sepak takraw
pambansang tradisyunal na laro