AP MT REVIEWER

अब Quizwiz के साथ अपने होमवर्क और परीक्षाओं को एस करें!

Mga kabutihan ng Kompetisyon? (3)

1. Mababa ang presyo o serbisyo 2. Patuloy na pagbabago at inobasyon ng mga produkto o serbisyo. 3. pagpapakilala ng mga bagong produkto at serbisyo

Ano ang dalawang mabuting epekto ng price cieling?

1. bumababa ang presyo 2. Kasiguruhan sa mga mamimili.

Ano ang tatlong di mabuting epekto ng price floor?

1. mas mataas presyo 2. mas mababa ang demand 3. Maaring maging dahilan ng kalabisan ng kalakal.

Ano ang dalawang mabuting epekto ng price floor?

1. mas mataas sahod 2. mas malaking tubo

Ano ang tatlong di mabuting epekto ng price cieling?

1. pagbaba ng suplay 2. nagiging dahilan ng shortage 3. nagiging dahilan ng black market

Sino ang ama ng ekonomiks?

Adam Smith

Sino gumawa ng Invisible Hand theory?

Adam Smith

Ito ang grapikong paglalarawan na binubuo ng dalawang aksis, isang patayo at isang pahalang

Demand curve

Kinokontrol ng pamahalaan ang presyo ng mga produkto at serbisyo upang mabigyang proteksyon ang mga nagbebenta at mamimili sa mga mapang abuso at iligal na gawain. Pinangungunahan ito ng ______ bilang pangunahing ahensiya na may tungkulin dito,

Department of Trade and Industry

ang porsyento ng pagbabago ng dami ng suplay (quantity supplied) ay mas mababa sa porsiyento ng pagbabago ng presyo hal. Dibuho, gusali (pabrika/condominuim), antique.

Di - elastiko

Di elastiko

E < 1

Perpektong di elastiko

E = 0

Yunitaryo o Unitary

E = 1

Perpektong Elastiko

E = ∞

Elastiko

E > 1

ang porsiyento ng pagbabago ng dami ng suplay (quantity supplied) ay higit na mas mataas sa porsiyento ng pagbabago ng presyo hal. bulaklak, damit, sapatos

Elastiko

Kapag bumaba ang demand at ang suplay ay hindi nagbago, anong mangyayari sa Ekilibriyong Presyo at Ekilibriyong Dami?

Ep = bababa Ed = bababa

Kapag tumaas ang suplay at ang demand ay hindi nagbago, anong mangyayari sa Ekilibriyong Presyo at Ekilibriyong Dami?

Ep = bababa Ed = tataas

Kapag magkasabay na tumaas ang suplay at bumaba ang demand, anong mangyayari sa Ekilibriyong Presyo at Ekilibriyong Dami?

Ep = bababa Ed = walang nagbabago

Kapag tumaas ang demand at ang suplay ay hindi nagbago, anong mangyayari sa Ekilibriyong Presyo at Ekilibriyong Dami?

Ep = tataas Ed = tataas

Kapag bumaba ang suplay at ang demand ay hindi nagbago, anong mangyayari sa Ekilibriyong Presyo at Ekilibriyong Dami?

Ep = tataas Ed = bababa

Kapag magkasabay na bumaba ang suplay at tumaas ang demand, anong mangyayari sa Ekilibriyong Presyo at Ekilibriyong Dami?

Ep = tataas Ed = walang nagbabago

Kapag parehas na bumaba ang suplay at demand, anong mangyayari sa Ekilibriyong Presyo at Ekilibriyong Dami?

Ep = walang nagbabago Ed = bababa

Kapag parehas na tumaas ang suplay at demand, anong mangyayari sa Ekilibriyong Presyo at Ekilibriyong Dami?

Ep = walang nagbabago Ed = tataas

matuturing na suplay pa rin ang isang produkto kahit na nasa imbakan pa lamang o hindi pa napapakita sa pamilihan.

False

nagsasaad na tumaas 'man o bumaba ang presyo ng isang produkto ay ganoon pa rin ang dami ng suplay ng produktong ito (gaya ng suplay ng demand) ex. luxury Goods, limited edition shoes, eskultura, mamahaling alahas, makasaysayang gusali

Ganap na di - elastiko

handang magsuplay ng kahit gaano karaming produkto o serbisyo ang bahay-kalakal (supplier/suplayer) kahit walang pagbabago sa presyo

Ganap na elastiko

Kung inaasahan ng tao na tataas ang kanilang kita sa hinaharap, sila ay hindi na magdalawang-isip na gumastos.

Inaasahang Kita ng Mamimili sa Hinaharap

Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang produkto sa hinaharap, maaakit silang bumili ngayon upangmaiwasan ang pagbili kapag mataas na ang presyo nito.

Inaasahang Presyo sa Hinaharap o Ispekulasyon sa Presyo

Mga produkto na dumadami ang demand kapag mababa ang kita.

Inferior goods

Hindi kailangan ng pamahalaan na magbantay kung nagagampanan ng mga nagbebenta ang kanyang responsibilidad.

Invisible Hand Theory

Sino gumawa ng Teorya ng Inobasyon?

Joseph Schumpeter

Mga produktong may magkatulad na gamit na humalili kapag wala ang isa.

Kapalit na produkto o substitute goods

kapag ang mga produktoay magkapalit, tuwing ang presyo ng isang produkto ay tumataas,ang demand sa kapalit na produkto ay tumataas.

Kapalit na produkto o substitute goods

Kung bumaba naman ang presyo ng isang produkto, ang demand sa kaugnay na produktonito ay tumataas

Kaugnay na produkto o complementary goods

Mga produktong may kaugnayan sa isa't isa

Kaugnay na produkto o complementary goods

isang taong may malaking kita ay makabibili ng higit na maraming produkto kaysa sa taong maliit lamang ang kita sa harapng parehong presyo ng bilihin. Kapag ang kita ng isang tao aylumaki, ang kakayahan niyang bumili (purchasing power) ay tumataas.

Kita ng mamimili

pakikipagsapalaran ng mga tao o kalahok upang makamit ang isang bagay, posisyon, o kalagayang inaasam.

Kompetisyon

Ito ang itinakdang pinakamababang sweldo o kompemsasyon na maaaring ibayad ng isang employer.

Minimum wage

Walang kompetensiya ang prodyuser o suplayer kaya maari siyang magdikta ng presyo at magpatayo ng malaking planta ex. pampublikong ahensya at kompanya

Monopolyo

May isang mamimili lamang ng mga produkto o serbisyo samantalang marami ang nagbebenta. ex. Pilipinas

Monopsonyo

Mga produkto na dumadami ang demand kapag mataas ang kita.

Normal goods

Estruktura ng pamilihan kung saan ang mga nagbebenta ng magkakatulad na produkto ay kakaunti kung ihahambing sa dami ng mamimili. ex. kompanya ng telepono/komunikasyon, langis, at semento.

Oligopolyo

malaki ang demand sa pagkain tuwing Pasko kung ihahambing sa mgaordinaryong araw ng taon

Panlasa at Kaugalian ng Mamimili

Ano ano ang mga uri ng elastisidad?

Perpektong di elastiko Di elastiko Yunitaryo o Unitary Elastiko Perpektong Elastiko

Ito ang pinakamababang halaga ng isang produkto o serbisyo na maaaring ipagbili ng mga nagbebenta.

Price Floor

Ito ang pinakamataas ng halaga ng isang produto na maaaring ipagbili ng mga nagbebenta. ex. bigas, kape, asukal

Price cieling

Ito ang pagbabawal ng pagtaas ng presyo sa pamilihan.

Prize Freeze

Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang pagkalugi o mabawasan ang kita at mapanatili ang mababang halaga ng produksyon upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Kabilang dito ang mga subsidy, tax exemption o tax deduction, discount at bonus.

Prize support

Ano ang formula ng demand function?

Qdsub2 - Qdsub1/Qdsub1 + Qdsub2/Psub2 - Psub1/Psub1 + Psub2

Ano ang formula ng supply function?

Qs = a + bP

Ang sitwasyon kung saan mas marami ang demand kaysa sa suplay

Shortage

Ito ang presyong itinakda ng pamahalaan para sa isang kalakal lalo na sa mga pangunahing pangangailangan upang mapanatili itong abot kaya para sa mga mamamayan.

Suggested Retail Price (SRP)

Dito makikita ang paggalaw ng suplay ayon sa presyo.

Supply curve

Ang sitwasyon kung saan mas mataas ang suplay kaysa demand sa pamilihan

Surplus

ang pag-unlad ng isang ekonomiya ay dulot ng mga pagbabago sa estruktura na gawa ng inobasyon

Teorya ng Inobasyon

walang pagbabago o pareho lamang ang antas ng pagtugon ng dami ng suplay sa presyo

Unitaryo

Ano ang intercept?

a

Ano ano ang mga Di - ganap na Kompetisyon?

a. Monopoly b. Monopsonyo c. Monopolistikong Kompetisyon d. Oligopolyo

Ang ekilibriyong presyo at ekilibriyong dami ay maaaring matukoy sa tatlong paraan:

a. graph ng demand at suplay, b. iskedyul ng demand at suplay, c. punisyon ng demand at suplay.

Ano-ano ang mga hindi presyong salik ng demand?

a. kita ng mamimili b. panlasa at kaugalian ng mamimili c. presyo ng kaugnay o kapalit ng produkto d. Inaasahang Presyo sa Hinaharap o Ispekulasyon sa Presyo e. Inaasahang Kita ng Mamimili sa Hinaharap f. Populasyon

Ano ano ang mga hindi sariling presyong salik ng supply?

a. pagbabago ng teknolohiya b. pagbabago sa salik ng produksyon c. presyo ng ibang produkto d. mga inaasahan sa pamilihan e. pagbabago ng bilang ng mga nagbebenta f. mga kalamidad o mga pangyayaring pangkalikasan

Ano ang slope?

b

Ito ang dami ng mga produkto o serbisyong kayang bilhin ng mga mamimili sa iba't ibang alternatibong presyo sa isang takdang panahon

demand

Punisyon ng demand. Ito ang matematikal na paglalarawan ng relasyon ng presyo at demand

demand function

Isang talahayang nagpapakita ng hindi tuwirang relasyon ng presyo at demand

demand schedule

ano ano ang tatlong uri ng paglalarawan sa demand?

demand schedule, demand function, demand curve,

ang tawag sa kalagayan ng pamilihan na wala sa ekilibriyo o ang mga mamimili at nagbebenta ay hindi nagkakasundo sa presyo atdami ng isang produkto o serbisyo.

desekilibriyo

isang kalagayan kung saan walang sinuman sa mamimili at nagbebenta ang gustong baguhin ang kasalukuyang sitwasyon sa pamilihan.

ekilibriyo

Ang bilang o dami ng produkto o serbisyong handang bilhin ng mga mamimili at handang ipagbili ng mga nagbebenta sa halagang napagkasunduan ay tinatawag na ______

ekilibriyong dami

Ang napagkasunduang presyo ay tinatawag na _______

ekilibriyong presyo

Ito ay ginagamit sa pagsusuri ng ugnayan ng demand at suplay sa presyo sa makroekonomiks.

elastisidad

Pagsukat ng antas ng pagtugon ng demand sa pagbabago ng presyo.

elastisidad ng demand

paraan na ginagamit sa pagsukat ng antas o pagtugon ng dami ng suplay sa pagbabago ng presyo ng produkto o serbisyo.

elastisidad ng suplay

isang pangyayari kung saan binibili o itinatago ang mga produkto upang magsanhi ng kakulangan sa pamilihan at ipagbili ito sa higit na mas mataas na presyo.

hoarding

Sa mga pagkakataon kung saan inaasahan ng mga negosyante na tataasang presyo ng produktong kanilang ipinagbibili, maaaring bawasan ng mga ito ang suplay ng produkto sa kasalukuyan at magparami ng panindasa panahon kung kailan mataas ang presyo nito.

inaasahan sa pamilihan

Ano ang batas ng supply?

kapag mababa ang presyo ng isang produkto, mababa rin ang supply ng produkto na iyon

Ano ang batas ng demand?

kapag mababa ang presyo ng isang produkto, mas maraming mamimili ang magkakaroon ng kakayahan o nais bilhin iyon

Pag-aaral ng ekonomiks sa maliit na yunit ng ating ekonomiya

maykroekonomiks

Naaapektuhan ng mga kalamidad o hindi inaasahang pangyayari ang kakayahan ng mga suplayer na gumawa ng mga produkto.

mga kalamidad o mga pangyayaring pangkalikasan

Maraming mamimili rito at maraming nagbebenta na nagtitinda ng magkakatulad na produktong ex. Hal. kompanyang nagbebenta ng sabon, shampoo, de latang produkto, at mga fast food chain.

monopolistikong kompetisyon

Kapag tumaas ang bilang ng mga nagbebenta ay mataas din ang suplay. Ngunit, kapag mababa ang bilang ng mga nagbebenta, mababa rin angsuplay.

pagbabago ng bilang ng mga nagbebenta

Ang paglipat ng kurba ng alin man sa suplay at demand o ang pagkakaroon ng pagbabago sa demand at suplay

pagbabago ng ekilibriyo

Ito ay maaaring magkaroon ngkinalaman sa pagbabago ng suplay dahil maaaring mapabilis ang produksyon ng produktong ipinagbibili ng suplayer.

pagbabago ng teknolohiya

may apat na salik na kinakailangan, ang mga ito ay: lupa,lakas paggawa, kapital at entrepreneur. Ang anumang pagbabago namangyayari sa mga ito ay nakakaapekto sa dami ng suplay

pagbabago sa salik ng produksyon

Ang kurba ng suplay ay lilipat ______ kung bumababa ang suplay ng mga produkto o serbisyo.

pakaliwa

Ang kurba ng suplay ay lilipat ______ kung tumataas ang suplay ng produkto o serbisyo.

pakanan

isang mekanismo ng transaksyon sa pagitan ng mamimili at nagbebenta na humahantong sa bentahan ng produkto o serbisyo.

pamilihan

isang pangyayari kung saan ang mga mamimili ay bumibili ng mga produktong higit sa dami ng kanilang pangangailangan buhat ng nagbabadyang kakulangan o pagtaas ng presyo.

panic buying

Kung ang populasyon ng isang lugar ay tumaas, ang demand dinay tataas. Kung ang populasyon ay bumaba, ang demand din ay bababa.

populasyon

Halimbawa, kung mas tumataas ang presyo ng bigas, ang may-ari ng lupa ay maaaring gawing taniman ng bigas ang kanilang taniman ng tubo.

presyo ng ibang produkto

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga negosyante sa pamilihan sa iba't ibang presyo sa takdang panahon.

supply

Ito ay nagsisilbing matematikal na paglalarawan ng presyo at dami ng suplay.

supply function

Ito ay isang talahanayan na nagpapakita ng dami ng suplay ng produkto o serbisyo na handang ipagbili ng mga suplayer ayon sa mga presyo nito sa nakatakdang panahon

supply schedule

Ang _____ ang simbolo ng ekilibriyo. Ipinapakita nito ang balanse.

weighing scale


संबंधित स्टडी सेट्स

Chapter 4: Unit 1 - National Ownership: Real Property Characteristics & Rights (Notes)

View Set

Modern Chemistry Ch. 3 Application

View Set

Marketing Chapter 14 Review Quiz

View Set

Chapter 41: Management of Patients With Musculoskeletal Disorders

View Set