Ekonomiks: Sektor ng Industriya
Department of Trade and Industry (DTI)
Gumagabay sa mga mangangalakal sa pagtatag ng negosyo.
Philippine Economic Zone Authority
Itinatag ito upang magbigay ng suporta sa mga mamumuhunan at umagapay sa pagluluwas ng mga produkto palabas ng bansa.
Department of Trade and Industry (DTI)
Ito ang ahensiya na nagkakaloob ng permit sa mga negosyo.
Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Ito ang ahensiya na nangangalaga sa kalikasan ng bansa. Ito rin ang nagkakaloob ng ECC o environment compliance certificate.
Philippine Board of Investment
Ito ay kaagapay ng DTI upang itaguyod ang pamumuhunan, gayundin ang pagbibigay ng fiscal incentive o deskuwento sa buwis sa mga nagnanais mamuhunan sa bansa.
Sektor ng Industriya
Ito ay nakatuon sa paggamit o pagproseso ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng mga bagay, produkto, at impraestruktura na mapakikinabangan ng mga tao.
Pagmamanupaktura
Ito ay tumutukoy sa paggamit o pagproseso ng hilaw na sangkap upang maging isang panibagong uri ng produkto.
Konstruksiyon
Ito ay tumutukoy sa pagpapatayo ng mga gusali, bahay, at impraestruktura tulad ng mga daan, tulay, dam, irigasyon, paliparan, piyer, tore ng koryente, at marami pang iba na napakikinabangan ng mga tao
Pagmimina
Ito ay tumutukoy sa proseso ng pangangalap o pagkuha ng mahahalagang uri ng metal at mineral mula sa ilalim ng lupa.
Financial Policy
Ito ay tumutukoy sa regulasyon at pangangasiwa sa sistema ng pananalapi sa bansa upang matamo ang kaunlaran at maisulong ang kapakanan ng mga negosyante, konsumer, at lahat ng mamamayan ng bansa.
Sektor ng Industriya
Karamihan sa mga gawang produkto na nakikita at nabibili sa mga pamilihan ay nagmumula rito.
Inadequate Investment
Kung may sapat na kakayahang pinansiyal, mas madali sa isang bansa na magbago ng negosyo at magpokus sa mga produktong may mataas na demand.
Bureau of Micro, Small and Medium Enterprises Development/Philippine Disaster Resilience Foundation
Layunin ng mga institusyong ito na tulungan ang mga micro, small, and medium enterprise (MSME) na maging sustenable sa paghahatid ng mga produkto at serbisyo kahit sa panahon ng kalamidad.
-Polusyon -Pagkaubos ng Likas na Yaman -Mababang enrollment sa kolehiyo
Masamang Epekto ng Industriyalisasyon:
Utilities
Mga kompanyang nagpo-proseso at nagbebenta ng mga serbisyo sa Tubig, Kuryente, Komunikasyon at Produktong Petrolyo.
Securities and Exchange Commission (SEC)
Nagtatala at nagrerehistro sa mga kompanya sa ating bansa.
-Pagmimina -Pagmamanupaktura -Konstruksyon -Utilities
Nahahati ang Sektor ng Industriya:
Mines and Geosciences Bureau (MGB)
Nasa ilalim ito ng DENR at siyang nangangalaga sa kalikasan at yamang mineral ng bansa.
Export Processing Zones
Nilikha upang dumami ang dayuhang namumuhunan sa bansa at kalaunan ay lumikha rin ng trabaho para sa mamamayan.
Pagmamanupaktura (Manufacturing)
Pagpoproseso at paghahanda ng mga hilaw na materyales upang maging isang yaring produkto.
Mines and Geosciences Bureau
responsable sa pangangasiwa at disposisyon ng mga lupa at yamang mineral; namamahala sa pananaliksik, pagmimina, at iba pang heolohikal na gawain sa bansa
Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) Development Plan 2017-2022
sektoral na plano o programa para sa paglago at pagsulong ng sektor ng MSME
Skills Gap
tumutukoy sa agwat sa pagitan ng kasanayang mayroon ang isang manggagawa sa kasanayang kailangan niya upang maisakatuparan nang maayos ang kaniyang trabaho
Physical Capital
tumutukoy sa mga bagay na gawa ng tao at binibili ng mga kompanya na nakatutulong sa proseso ng paglikha ng mga produkto; ilang halimbawa ay makinarya, pasilidad, gusali, sasakyan, kompyuter, at iba pa
RA No. 654 (National Building Code of the Philippines)
inemyendahan ng Presidential Decree (PD) No. 1096
RA No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Program)
isinulong ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng wastong pangangasiwa sa mga basura mula sa iba't ibang sektor ng ekonomiya kabilang na ang sektor ng industriya
Export Processing Zones
ito ay tinatawag ding free trade zone na bahagi naman ng special economic zone.
Favorable Balance of Trade
kalagayang pang-ekonomiya kung saan mas mataas ang antas ng eksportasyon kaysa importasyon; pabor ito sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng reserbang dolyar at pagtaas ng halaga ng piso
Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso
may layuning tulungan ang pinakamaliliit na negosyante sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang pautang
Large Scale Industry
may puhunan na hindi bababa sa 100 milyon; may 200 o higit pa na bilang ng manggagawa
Medium Industry
may puhunan na hindi bababa sa 15 milyon at maaaring umabot sa 100 milyon; may 100-199 na bilang ng manggagawa
Small Industry
may puhunan na hindi bababa sa tatlong milyon at maaaring umabot sa 15 milyon; may 10-99 na bilang ng manggagawa
Micro Industry
may puhunan na hindi lalampas sa tatlong milyon; may isa hanggang siyam na bilang ng manggagawa
Industriyalisasyon
nagkakaroon ng mabilis na pagbabago sa ekonomiya ng Pilipinas, mula sa pagiging lipunang agraryo patungo sa lipunang industriyal.
RA No. 7160 (Local Government Code; Seksiyon 16-17)
naglahad ng kaukulang tungkulin sa lokal na pamahalaan upang pangalagaan ang kalikasan, suportahan ang mga proyektong pang-industriya, at itaguyod ang mga serbisyong magpapabuti sa kalagayan ng mga komunidad
RA No. 7838 (Department of Energy Act of 1992)
nilikha ang __________________ na naatasang mangasiwa sa supply ng enerhiya sa bansa; layon nitong maging sustenable ang produksiyon ng enerhiya sa bansa sa paraang hindi nakasisira ng kalikasan
RA No. 654 (National Building Code of the Philippines)
nilikha upang magkaroon ng iisang polisiya sa konstruksiyon ng mga gusali nang sa gayon ay mabigyan ng proteksiyon ang buhay, kalusugan, at ari-arian; itinakda ang pagkuha ng kaukulang permit bago itayo ang isang proyekto
RA No. 7394 (Consumer Act of the Philippines of 1991)
pinagtibay upang bigyan ng proteksiyon ang mga konsumer sa bansa; nagtakda ng pamantayan ukol sa wastong pagpapatakbo ng negosyo at industriya
RA No. 7942 (Philippine Mining Act of 1995)
pinagtibay upang buhayin at patatagin ang industriya ng pagmimina; nagtakda ng mga pamantayan ukol sa wastong paggalugad ng mga yamang mineral na sakop ng hurisdiksiyon ng Pilipinas
Executive Order (EO) No. 226 (Omnibus Investments Code of 1987)
pinagtibay upang hikayatin ang mga Pilipino at dayuhang namumuhunan na magtayo ng negosyo sa bansa; nagtakda ng mga pamantayan, karapatan, at insentibo sa mga nais mamuhunan
RA No. 7103 (Iron and Steel Industry Act)
pinagtibay upang patatagin ang industriya ng bakal sa bansa na tutulong sa proseso ng industriyalisasyon
Pabrika
pook pang-industriya na binubuo ng mga gusali at makinarya; lugar kung saan nagmamanupaktura ang mga manggagawa o factory worker ng mga produkto
Policy Inconsistency
Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng industriya ang isa sa mga dahilan sa pagkawala at pag-iwas ng mga namumuhunan sa bansa.
Pagmimina (Mining)
Ang paghahanap at pagkuha at pagkuha ng mga mahahalagang metal, di-metal at enerhiyang panggatong at ang pagpoproseso nito upang maging yaring produkto.
Kontruksyon (Construction)
Ang pagtatayo ng mga gusali, at mga land improvements gaya ng kalsada, tulay, daungan at mga Paliparan.
Inadequate Investment
Ang pamumuhunan ay mahalaga upang malinang ang teknolohiya at mapalakas ang kasalukuyang industriya.
Sektor ng Industriya
Taga-proseso ng mga Hilaw na materyales upang makabuo ng mga bagong produkto
Board of Investments (BOI)
Tinutulungan nito ang mga nagsisimulang industriya at humihikayat sa mga dayuhang namumuhunan na magnegosyo sa bansa.
Deparment of Science and Technology (DOST)
Tumutulong ito sa mga MSME sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapaghusay ang pagpapatakbo ng negosyo at maging produktibo.
Philippine Economic Zone Authority (PEZA)
Tumutulong sa mga namumuhunan na maghanap ng maayos at tamang lugar upang pagtayuan ng negosyo.
Industriyalisasyon
ang Pilipinas ay nasa proseso ng
Sektor ng INdustriya
ang pangunahing destinasyon sa trabaho ng mga technocrat, skilled worker, engineer, architect, entrepreneur, at marami pang iba.
Utilidad
ay binubuo ng mga serbisyong mahalaga para sa tao tulad ng transportasyon, komunikasyon, elektrisidad, irigasyon, supply ng inuming tubig, sanitasyon, at iba pa.
Sektor ng Industriya
ay isang napakahalagang sektor ng ekonomiya.
Utility Service
ay maaaring pinamamahalaan ng mga pribadong kompanya o ng pamahalaan.
Pamumuhunan
ay mahalaga upang malinang ang teknolohiya at mapalakas ang kasalukuyang industriya.
Sektor ng Industriya
ay tinatawag ding sekundaryang sektor.