Filipino lesson 7-8
Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos kaya mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga dokumentong mapagkakatiwalaan. Makatutulong din ang paggamit ng mga larawan, tsart o dayagram sa pagsasagawa ng ganitong uri ng talumpati
Kronolohikal na Hulwaran
Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. Maaaring isagawa ang paghahanay ng detalye mula sa unang nangyari hanggang sa panghuling pangyayari.
Topikal na Hulwaran
Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mas mainam na ito ang gamitin. Halimbawa: kung kultura ang paksa mas magiging mainam kung kanyang hahatiin ito sa mas espisipikong paksa tulad ng sosyolohiya. Antropolohiya, at maging ang uri ng heograpiyang kinalalagyan ng mga tao.
Manuskrito
Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. Kailangan dito ang mahabang panahon sa paghahanda sapagkat ito ay itinatala. Karaniwan ay nawawala ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalita sa kanyang tagapakinig dahil sa pagbabasa ng manuskritong ginawa.
Lorenzo et.al.
Ayon kay ------(2002) sa kanilang aklat na Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan, ang ilan sa dapat mabatid ng mananlumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang sumusunod:
Alcmitser P. Tumangan, Sr, et al
Ayon kay ----., may akda ng Retotika sa Kolehiyo ang isang talumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong bahagi.
Casanova at Rubin (2001)
Ayon kina ---- sa kanilang aklat na Retorikang Pangkolehiyo, upang higit na maging kawili-wili ang talumpati, dapat ang mananalumpati ay makitaan ng sapat na kaalaman hinggil sa isang paksa. Ang kaalaman niya ay dapat na nakahihigit sa kanyang mga tagapakinig at matatamo lamang niya ito kung siya ay may sapat na paghahanda, pagpaplano at pag-aaral ukol sa paksa. Narito nga ang mga hakbang na maaaring isagawa sa pagsulat ng talumpati.
Casanova at Rubin (2001)
Ayon kina ------ may tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati.
Mga Saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
Dapat ding mabatid ng mananalumpati kung gaano na kalawak ang kaalaman at karanasan ng tagapakinig tungkol sa paksa at kung may alam na ang mga tagapakinig sa paksa siguraduhin na sasangkapan ito ng bagong impormasyon upang hindi sila mabagot o mawalan ng interes.
Ang bilang ng mga makikinig
Importante ring malaman kung ilan ang mga taong makikinig sa talumpati. Kung maraming makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati.
Isinaulong Talumpati
Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay na pinag-arlan at hinabi nang maayos bago bigkasin. May oportunidad na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita. Ang isang kahinaan ng ganitong uri ng talumpati ay ang pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa.
Hulwarang Problema-Solusyon
Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang ito; ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa. Kalimitan ang ganitong hulwaran ay ginagamit sa talumpating nanghihikayat.
Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto
Kapag may tiyak nang tesis o paksa para sa talumpati, maaari nang alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing punto na magsisilbing batayan ng talumpati. Mahalaga nga na ang bawat punto ay kanyang mahimay lalo't higit ang mga detalye nito.
Talumpating Pampasigla
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Sa pagsulat nito, tiyaking ang nilalaman nito ay makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng tao. Higit na makakamit ang layuning ito kung ang magsasalita ay handang-handa sa pagsasagawa ng talumpati. Makatutulong ito upang maging focused at interasado ang mga nakikinig. Karaniwang isinasagawa ang ganitong talumpati sa: araw ng pagtatapos, pagdiriwang unibersaryo ng mga samahan o organisasyon, atbp.
Talumpating Panlibang
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya naman sa pagsulat nito kailangang lagyan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa paksang tinatalakay. Madalas ginagawa ang mga talumpating ito sa: mga salosalo, pagtitipong sosyal, at iba pa.
Talumpati ng Papuri
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao samahan. Talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, eulogy o pagkilala sa isang taong namatay, talumpati sa pagggawad ng medalya o sertipiko at iba pang kagaya nito.
Talumpati ng Pagbibigay-galang
Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. Ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin.
Kasarian
Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalkihan at kababaihan. Nagkakaroon din ng magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa.
Ang edad o gulang ng mga makikinig
Mahalagang alam ng mananalumpati ang edad ng kanyang tagapakinig sapagkat sa tulong nito maiaakma niya ang paksa maging wika kanyang gagamitin. At tiyak na madaling mapupukaw ng mananalumpati ang interes ng kanyang tagapakinig.
Edukasyon o Antas sa Lipunan
Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. Kung ang mga tagapakinig ay kabilang sa masang pangkat, mahalagang gumamit ng mga salita o halimbawa na akma sa kanila. Ngunit kung karamihan naman sa mga tagapakinig ay mga edukado o kabilang mataas na antas ng lipunan iba rin dapat ang pagtalakay na gagawin sa kanila.
Pagbuo ng Tesis
Matapos mangalap ng impormasyon o datos ang mananalumpati ang kasunod na hakbang na dapat niyang gawin ay ang makabuo ng tesis o pangunahing kaisipan sa paksang tatalakayin. Mahalagang matukoy niya ang tesis ng kanyang paksa sapagkat dito iikot ang mensaheng nais niyang ibahagi sa mga tagapakinig.
Talumpating Panghikayat
Panhunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay. sermong naririnig sa simbahan, kampanya ng mga politiko, talumpati sa Kongreso, at iba pa.
Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin
Sa tulong ng iba't ibang uri ng babasahin ay maaaring makakuha ng impormasyon ang isang mananalumpati na maaari niyang magamit sa kanyang susulating talumpati kailangan lamang siguraduhin nito na kasama niyang kukuhanin ang sanggunian na pinagmulan ng nasabi ng impormason. Maaari din na mag-interview ang mananalumpati ito ay upang higit na maging makatotohanan ang kanyang gagawing panulat.
kaakit-akit
Sikaping mapaniwala ang mga nakikinig sa mga katotohanang inilalahad ng talumpati
Katawan
dito binabanggit nang husto ang paksa at mga ideya at pananaw
Katapusan o Kongklusyon
dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati. Kalimitan din ito ay maikli ngunit malaman.
Pamagat
dito kinukuha ang atensyon ng mga tagapakinig; dito rin inilalahad ang layunin ng talumpati
Diskusyon o Katawan
dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Narito ang mga katangiang kailangang taglayin ng katawan ng talumpati.
Biglaang Talumpati (Impromptu)
ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. Ang susi ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangang maibahagi sa tagapakinig.
Introduksyon
ito ang pinakapanimula ng talumpati. Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang:
katapusan
ito ang pinakasukdol ng buod ng talumpati; dito rin isinasaad ang mga pinakamalakas na punto ng talumpati
Haba ng Talumpati
ito ay nakasalalay sa kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito.
Kalinawan
kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig. Mahalagang tandaan ang sumusunod: Gumamit ng angkop o tiyak na salita. Umiwas sa paggamit ng mga hugnayang pangungusap o yung mahahabang pahayag. Sikaping maging direkta sa pagsasalita at iwasan ang maging paligoy-ligoy. Gawing parang karaniwnag pagsasalita ang pakikipag-usap sa mga tagapakinig. Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag.
Maluwag (Extemporaneous)
nagbibigay ng ilang minute para sa pagbuo ng ipinahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag. Kaya madalas na outline lamang ang isinusulat ng mananalumpating gumagamit nito.
Kawastuhan
tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat ay totoo at maipaliliwanag nang mabisa ang lahat ng kailangang detalye upang maipaliwanag ang paksa.