Mga Batayang Konseptong Pangwika
unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, at laguhan
Ang Filipino ay mayroong limang paglalapi:
Monolinggwalismo
Ang ________ ay isang kaparaanan at pagbabagong penomenang pangwika na puspusang tinatalakay ng mga sosyolinggwistiks, sa madaling sabi, layunin nito na ipatupad ang iisang wika sa isang bansa katulad ng mahigpit na paggamit ng Pransya ng Wikang French.
Prefix at Suffix
Ang ingles ay mayroon lamang dalawang paglalapi:
Jargon
Ang mga salitang gamit ng isang tiyak na grupo para sa pag-unawa ng mga katawagan.
Language Acquisition Device (LAD)
Ang nasabing instrument ay isang aparato sa isip na taglay ng isang bata. Ito ay tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika.
Homogenous
Ang wika ay maituturing na ______ kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunag tao mula sa mga ritwal sa lahat ng kanilang Gawain tulad ng pagkakasal, pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, panggagamot, pagluluto, at iba pa.
UP Diksiyonaryong Filipino (2001)
Ayon dito, ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.
Diksiyonaryong Adarna (2015)
Ayon dito, ano mang set o sistema ng mga gayong simbolo na ginagamit sa katulad na pamamaraan ng isang partikular na pangkat upang magkaintindihan.
Pinnel at Page (1979)
Ayon naman sa kanila, ang teoryang Cognitive at Innative ay halos magkatulad.
Pangulong Benigno Aquino III
Ayon naman sa kanya, "We should become trilingual as a country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and connect to your heritage."
Pangalawang Wika
Ayon sa dalubwika, alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika ay itinuturing na _________.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7
Ayon sa itinatadhana ng ating _______, mababasa ang sumusunod: "Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadha ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilibing pantulong na mga wikang panturo roon."
Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)
Ayon sa kanila, ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
Constantino et al (2008)
Ayon sa kanya, ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolingguwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika.
Henry Gleason (1999)
Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Sa katuturang ibinigay niya ay nakapaloob ang ilan sa mga pangunahin at pandaigdigang katangian ng wika: masisistemang balangkas, sinasalitang tunog, pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo, ginagamit sa komunikasyon, pantao, at nakaugnay sa kultura.
Bernales et al. (2002)
Ayon sa kanya, ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
Mangahis et al. (2005)
Ayon sa kanya, may mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Burrhus Frederic Skinner (1968),
Ayon sa kanya, pangunahing tagapagsulong ng teoryang behaviorist, higit na pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ang "pag-aalaga" kaysa sa pag-unlad ng interlektwal.
Bienvenido Lumbera (2007)
Ayon sa kanya, parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
Alfonso O. Santiago (2003)
Ayon sa kanya, wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
Teoryang Behaviorist
Batay sa teoryang ito, ang bata ay ipinanganak na may sapat na lakas at kakayahan sa pagkatuto.
Heograpiko at Sosyo Ekonomiko
Dalawang Dimensyon ng Barasyon
Teoryang Siyentipiko
Dito sa teoryang ito, huling bahagi ng ikalabindalawang siglo nang simulang mag-usisa ng mga iskolar sa pagkakaroon ng iba't ibang wika sa mundo at maghanap ng mga sagot sa katanungang.
Filipino
Gagamitin ang ______ bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan.
Ingles
Gagamitin naman ang ______ bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba't ibang bansa sa daigdig.
Idyolek
Ginagamit ang salitang ito para sa dayalektong personal o indibidwal ng isang wika. Iba pang kahulugan nito ay may pekulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal, ang barayting wika sa personal na kakanyahan ng tagapagsalita, ang barayting ginagamit ng indibidwal, at madaling magbago depende sa lenggwahe na ginagamit sa bahay.
Euphemism
Ginagamit bilang pamalit sa mga salitang may dalang masakit at sensitibong kahulugan.
Teoryang Biblikal
Ipinahahayag sa teoryang ito na batay sa Bibliya, ang wika at kaloob ng Diyos sa tao na siyang instrument upang pangalagaan ang iba pang nilikha Niya. Hango ito sa mga pangyayaring nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos upang magkaroon ng kaayusan sa mundo at maipalaganap ang mabuting balita.
Multilinggwalismo
Isang linggwistikong realidad ang pagkakaroon ng maraming wika. Kahit na sabihing may pambansang wika, nananatili pa rin ang barayti at baryasyon na humuhubog sa mga kasalong wika.
Wikang Opisyal
Ito ang wikang ginagamit pang mass media.
Wikang Panturo
Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.
Dayalek
Ito ang wikang magkakaiba-iba ng wikang panrehiyon: ibang klase o magkapareho ng wika (tulad ng Ingles) ang ginagamit sa parehong bansa. Ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na komunidad. Tinatawag din itong panrehiyunal o wikain.
Billinggwalismo
Ito ay isang penomenong pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ito rin ay tinataya na kakayahan ng isang lipunan sa paggamit ng dalawang wika.Sa simpleng depinisyon ni Bloomfield, ito ay ang pagkakaroon ng magkasintulad na gamit at kontrol ng dalawang magkaibang wika na ginagamit ng isang indibiduwal. Samantala, ayon naman kay Diebold, inilarawa niyang ito bilang pangunahing mga yugto ng pagkakaroon ng kontak ng dalawang wika.
Teoryang Yo-He-Ho
Ito ay nabuo ni Noire, isang iskolar noong ika-19 na dantaon. Naniniwala siya na ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang sa kanilang pagtatrabaho gaya ng pagbubuwal ng kahoy o pag-aangat ng malaking bato. Ibig sabihin, ang teoryang ito ay nakatuon sa pwersang pisikal ng tao. Subukin mong bumuhat ng dalawang malaking container na may lamang tubig.
Heograpikong Dayalekto
Ito ay yaong baryasyon ng wika batay sa katangian nito (hal. Punto o accent) na karaniwang ginagamit ng mga tao sa isang rehiyon o pook.
Wika
Kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at mga simbolong isinusulat
1. Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento nito sa komunikasyon. 2. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. 3. Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya. 4. Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman. 5. Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba't ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. 6. Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Kahalagahan ng Wika
Morpema
Kapag ang mga ponema ay pinagsama-sama, makabubuo ng maliit na yunit ng salita na tinatawag na ______.
Maternal Instinct
Kapag may lawin naming namang namataan ang inahing manok na may balak silain ang kanyang mga inakay, lalabas ang kanyang ______.
Diskurso
Kapag nagkaroon ng malayang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay makabubuo na ng isang ______.
Creole
Kapag napaunlad ang Pidgin lagpas sa tungkulin nito bilang wika ng pangangalakal at naging unang wika ng isang pamayanang panlipunan, inilalarawan ito bilang ______.
Ang Wika ay may Masistemang Balangkas
Kapag sinabing masistema, ang ibig ipakahulugan nito ay may kaayusan o order. Bawat wika, kung ganoon ay may kaayusan o order ang istruktura.
1. Malikhain 2. Nanghihiram ang Lahat ng Wika
Karagdagang Katangian ng Wika
1. Ang Wika ay may Masistemang Balangkas 2. Sinasalitang tunog 3. Pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo- Ang kahulugan ng arbitraryo ay napagkasunduan 4. Ginagamit sa Komunikasyon 5. Pantao 6. Kabuhol ng kultura 7. Natatangi 8. Nagbabago
Katangian ng Wika
Teoryang Ding-dong
Kilala rin ito sa tawag na teoryang natibistiko na ayon sa mga haka-haka ay may misteryosong ugnayan ang mga tunog at ang katuturan ng isang wika. Kung ang teoryang Bow-wow ay nakabatay sa kalaikasan, ito naman ay hango sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay sa paligid.
Tore ng Babel
Kilala rin sa tawag na Teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na nagsasabing noon ay may iisang wika lamang na ginagamit ang mg tao, iyon ang wikang Aramaic naging madali ang pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga tao dahil sa isang wika na dumadaloy sa kanilang talastasan. Ito'y nagbunsod sa kanila upang makaisip ng magtayo ng Tore na aabot sa langit upang maging tanyag sa daigdig. Mabilis nilang nasimulan ang pagtatayo ng Tore dahil madali silang nagkakaunawaan. Subalit Nakita ng Diyos ang kapangahasan ng tao na sadyang makasarili kaya pinag-iba-iba Niya ang wika ng mga ito. Hindi natapos pagtatayo ng Tore at nagsama-sama ang mga taong nagkakaintindihan at naglakbay sa iba't iibang dako ng daigdig.
Auxiliary Language
Maging sa ating Konstitusyon, matatagpuan ang pagtatalaga sa Filipino bilang Wikang Pambansa habang ang Ingles bilang katulong o _______.
Geographical Proximity, Historical Factors, Migration, Religion, Public or International Relations
Marami na ang nagbigay ng kuru-kuro at paliwanag kung bakit nagkakaroon ng mga lipunang bilinggwal. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
Ang balangkas ng mga tunog at Ang balangkas ng mga kahulugan
May dalawang masistemang balangkas ang wika:
Frozen o Static, Pormal, Consultative, Casual, Intimate
May limang pangkalahatang rehistro o istilo ng paggamit ng wika.
Mother Tongue-Based-Multilingual Education
Meaning of MTB-MLE
Field, Tenor, Mode
Naglatag si Halliday (1964) ng mga baryabol n maaaring tumukoy sa rehistro ng wika. Ito ay ang:
Diyalekto
Nangangahulugang varayti ng isang wika.
Teoryang Bow-wow
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na nagmula ang wika sa panggagaya ng mga tao sa tunog ng kalikasan.
Teoryang Ta-ta
Pinaniniwalaan sa teroyang ito na sa kumpas ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon ay sinusundan ng paggalawa ng dila at naging sanhi upang matutong makabuo ng salita ang tao. Pansinin na tuwing tayo ay magpapaalam tiyak na magkasabay ang pagsambit ng salita at kumpas ng kamay.
Etnolek
Puwedeng magkaroon ng mga pagkakaiba ng pananalita sa loob ng isang lipunan dahil sa magkaibang etnikong kapaligiran. Sa pagpapaunlad ng barayti ng wika, maaaring maging malaki ang kontribusyon, halimbawa na lamang ng mga bagong lipat na tao sa isang lugar.
Heograpiko
Sa dimensyong ito o pagkakahiwa-hiwalay ng lugar, nagkakaroon ng baryasyon ng wikang ginagamit ng mga tao.
Sosyo-ekonomiko
Sa dimensyong ito, nabubuo ang mga sosyolek dahi sa pagkakaiba ng katayuan sa buhay ng tao sa lipunan. May barayti ng wika ang mga nakatataas, masa, tambay, babae, lalaki at iba pa.
Jessie Grace Rubrico
Sa ilang pag-aaral tulad ng kay _______, ang barayti ng wika ay maihahalintulad sa tinatalakay niyang baryasyon ng wika. Ipinangkat niya ang baryasyon ng wika sa tatlo—Diyalekto/Dayalekto, Sosoyolek, at Rehistro ng wika.
Celedonio Salvador
Sa isang sirkular noong ika-3 ng Mayo 1940, iniatas niya ng Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa Ikaapat na Taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang Pambansa bílang wikang panturo.
Lev Vygotsky (Zone of Proximal Development)
Sa konsepto naman niya, Malaki ang papel na ginagampanan ng kamalayan ng bata sa kanyang kapaligiran, na siya namang nagtatakda ng kanyang pagkatao
Noam Chomsky
Sa paliwanag niya, ang kakayahan sa pagkatuto sa wika ay kasama na mula pagkasilang na umuunlad sa pakikipag-interaksyon ng mga bata sa kanyang kapaligiran kung saan nabibigyang-hugis ang kanyang kakayahang sosyo-kultural. Binigyang-linaw rin niya ang "language acquisition device" (LAD).
Benjamin Lee Whorf
Sa pamosong haypotesis niya (1956, sinasabi na:... the categories and relations that we use to understand the world come from our particular language, so that speakers of different languages conceptualize the world in different ways. Language acquisition, then would be learning to think, not just learning to talk.
Ducher at Tucker, 1977
Sa pananaliksik nila, napatunayan nila ang bias ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral.
Argot o sikretong lingo
Sagrado sa isang tiyak na lipunan tulad ng mga gay lingo para sa layuning ang mga kapangkat lamang ang magkaunawaan.
Communis
Salitang Latin na ang ibig sabihin ay to work publicly with
Survival Instinct
Subukan mong maghagis ng isang buto sa dalawang aso at siguradong mag-aaway ang mga iyon kung kanino dapat mapunta ang nasabing buto. _______ naman ang tawag dito.
Thomas Bertram Reid
Unang gumamit ng register noong 1956
biblikal, siyentipiko, sikolohikal
Upang higit na maunawaan ang mga teorya, mabuting hatiin natin ang mga TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA sa tatlo.
Jargon, Argot o sikretong lingo, Euphemism
Uri ng Sosyolek
Sintaksis
______ ang tawag dito kapag ang mga salita ay pinag-ugnay at makabubuo na tayo ng pangungusap. Makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap.
3.6 milyong sambahayan
ang bilang ng Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano ayon sa CPH noong 2000
1.1 milyong sambahayan
ang bilang ng HIligaynon/Ilonggo ayon sa CPH noong 2000
1.4 milyong sambahayan
ang bilang ng Ilocano ayon sa CPH
5.4 milyong sambahayan
ang bilang ng Tagalog ayon sa CPH noong 2000
Intimate
ang gamit ng wika ay pampribado. Ginagamit ito ng mga magkarelasyon, magkakapatid, sa pagitan ng mga anak at magulang.
Arbitraryo
ang kahulugan ng napagkasunduan
Unang Wika
ang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika o mother tongue language. Ito ang pinakamahusay kaya naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.
Sikolohikal na teorya
ang mga sumusunod na teoryang malaking impluwensya sa proseso ng pagkatuto
Geographical Proximity
ang pagkakaroon ng dalawang magkalapit na komunidad na may magkaibang wika ay maaaring magdulot ng isang bilinggwal na lipunan. Ito ay dahil sa palipat-lipat ng mga taong naninirahan dito, kung magkagayon, bitbit din nila ang kani-kanilang wikang sinasalita.
Teoryang Cognitive
ang pagkatuto ng wika ay nagaganap matapos maunawaan ang isang bagay o pangyayari. Kailangan mauunawaan ng tao ang mga impormasyon o kabatirang natanggap upang makabuo ng isang orihinal na pangungusap (sentence). Sa teoryang ito, ang kamalian sa paggamit ng wika ay karaniwan at kadalasang nangyayari. Ayon pa rin sa mga ito, ang pagkakamali ay palatandaan (sign) ng pagkatuto.
Migration
ang palipat-lipat na tirahan ay nagbubunsod din ng pagkatuto ng ibang wika. Nagsisilbi itong survival para sa kanila.
Bernakular
ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika tulad ng diyalekto na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakalan. Tinatawag din itong wikang panrehiyon.
Heterogenous
ang wika ay _______, kung ito ay magkakaiba-iba ng wika at hindi kailanman magkakatulad o uniformidad ng anumang wika.
Castillo et al (2008)
ayon sa kanya, ang sikolohikal na teorya ay mga sumusunod na teoryang malaking impluwensya sa proseso ng pagkatuto
Register ng Wika
barayting may kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Ang baryasyong ito ay ang paggamit ng ispiker ng wika hindi lang batay sa lokasyong heograpikal kundi batay sa kanyang katayuan sa lipunan o sa grupong kanyang kinabibilangan.
10 hanggang 17 milyong katao
bilang ng gumagamit ng mga nanggaling sa Pidgin na Creole.
6 hanggang 12 milyong katao
bilang ng nagsasalita ng wikang Pidgin
180
bilang ng wika na mayroon sa Pilipinas
35
bilang ng wikain o diyalektong nanganganib nang makalimutan ng kasalukuyang henerasyon dahil sa hindi paggamit nito.
5000
bilang ng wikang sinasalita sa buong mundo
Casual
gamit ng wika sa pagitan ng mga magkakilala, magkakaibigan. Maaaring pabalbal, slang o kolokyal ang gamit ng salita dahil ito ay wika ng pangkat o "group language".
Pidgin
isang barayti ng isang wika (halimbawa Ingles) na napaunlad sa mga kadahilanang praktikal, tulad ng pangangalakal, sa mga pangkat ng mga taong hindi alam ang wika ng iba pa. Sinasabing nanggaling ang salitang ito sa isang bersiyon ng _____ Chinese ng salitang Ingles na "business".
Diglossia
isang uri ng wika na umiiral sa isang lipunan, kung saan, ang wikang gamit ng pangkat ay may dalawang barayti
Consultative
ito ang istandard na anyo ng komunikasyon na ginagamit sa usapan. May tanggap na istruktura at anyo ang mga gumagamit nito katulad sa isang propesyunal na diskurso, halimbawa ay pag-uusap ng pasyente at ng kanyang doktor, abogado at kliyente, guro at estudyante at iba pa.
Teoryang Innative
ito ang teoryang nagsasabi na ang pagkatuto ng wika ng bata ay batay sa kanyang angking likas na kakayahan. Nagsisimula ang ganap na pagkatuto ng wika ng isang bata sa gulang na lima o anim na taon.
Pentecostes
ito ay hango sa Bagong Tipan na nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo, natuto ang mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman. Nilukob sila ng maladilang apoy na nagpasigla sa kanila hanggang sa magsalita ng Diyos sa iba't ibang lupalop ng daigdig.
Religion
ito ay nagtataglay rin ng malaking salik tungo sa pagkatuto ng ibang wika. May mga _____ kasi gaya ng Islam na mahigpit na pinananatili ang gamit ng wikang kung saan nasusulat ang kanilang iskriptyur.
Historical Factors
ito naman ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao partikular na sa gamit ng impormasyon o mga gawaing pampananaliksik. Ito ay dahil sa kagustuhan ng tao na makakuha ng mga impormasyon, napipilitan silang pag-aralan ang ibang wika.
Public/International Relations
ito naman ay tumutukoy sa mga ugnayang-panlabas ng isang bansa tungo sa ekonomikong pag-unlad nito. Dahil dito, nagkakaroon ng tiyak na pangangailangan ang isang bansa na malaman ang iba't ibang konsepto ng ibang bansa na nasusulat sa wikang banyaga.
DO 16, s. 2012
kilala rin bilang Guidelines on the Implementation of MTB-MLE
Ponema
makahulugang tunog ng isang wika
Census of Population and Housing
meaning ng CPH
Teoryang Pooh-pooh
mula sa masidhing damdamin nakabubulalas tayo ng tunog at iyon ang pinupuntong teoryang ito. Natuto raw tayo mangusap dahil sa damdaming ating nais ipahayag tulad ng galit, tuwa, lungkot, takot, pagkabigla, at iba pa.
Pormal
nakabatay sa isang angkop na pormat ang wikang ginagamit dito tulad ng mga talumpati, sermon, anawnsment at mga retorikal na tanong.
Formal o Static
rehistro na hindi nagbabago ( Dasal, school creed, mga batas)
Ta-ta
salitang pranses na nangangahulugang goodbye o paalam.
1960
taon kung kailan lumawak ang paggamit ng ilang linggwista
Ponolohiya
tawag sa pag-aaral ng makahulugang tunog
Field (ANO)
tumutukoy sa disiplina o erya ng paksang pinag-uusapan.
Tenor (SINO)
tumutukoy sa mga partisipant at ang kanilang mga ugnayan
Mode (PAANO)
tumutukoy sa paraan ng pag-uusap
Sosyolek
wikang ginagamit ayon sa lipunang ginagalawan ng tao.