Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas
Continental Drift Theory
Ang daigdig ay dating binubuo ng isang super kontinente, ang PANGAEA, na sa pagdaan ng panahon ay nagkawatak-watak dahil sa mga pwersang pangkalikasan ; lindol, pagputok ng bulkan, agos ng tubig sa ilalim ng dagat atbp.
Coral Reef Formation
Ang teoryang ito ay ang pagkamatay ng mga bahura sa ilalim ng tubig at kinatagalan ang lahat ng ito'y nagbubuklod-buklod,dumadami at nagiging isang pulo.
Tatlong Higanteng Nag-uumpukan
Ayon sa teoryang ito, ang malalaking bato at lupang bumagsak sa karagatang ito ang siyang pinagmulan ng kapuluan.
Divine Creation Theory
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang Pilipinas sa pagkalalang ng mundong kanyang kinabibilangan.
Teoryang Bulkanismo
Batay sa teoryang ito nabuo ang bansa dahil sa pagputok ng bulkang nakahanay sa Pacific Ocean noong panahon ng Tertiary.
Teorya ng Tulay na Lupa
Isinasaad ng teoryang ito na kabit-kabit dati ang mga lupain ng mundo at nagmukha lamang hiwa-hiwalay dahil natunaw ang mga bundok ng yelo.
Teoryang Diyastropismo
Ito ay ang pag-galaw ng ibabaw na lupa na nagsanhi ng pagkawala ng hugis ng mga bato.
Teoryang Tektonik
Ito ay ang paggalaw ng lupa sanhi ng pagkilos sa ilalim nito.
Sunda shelf
Ito ay isang malaking nakausling bahagi ng Asia sa pagtatapos ng panahon ng yelo.
Pangaea
Sa paglipas ng panahon, nahati ito sa pitong malalaking masa o plato na ang bawat isa ay binubuo naman ng maliliit na tektonikong plato.