TEORYA SA PAGBASA AT PAGSULAT
Teoryang Interaktibo
- David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at Robert Ruddell, Robert Speaker (1985). ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998). Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito'y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto. Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw.
Teoryang Itaas-Pababa(Top-Down)
- Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994). Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman at karanasan. Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas patungo sa ibaba na ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto. Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994). Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto. Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing "taya" kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part model (Goodman, 1985 at Smith 1994).
Teoryang Iskema
- Richard Anderson at David Pearson (1984). Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito'y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa. Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto. Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.
Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-Up)
- Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985). Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo. Nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan. Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula raza. Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto. Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na umaasa ang mambabasa sa mgaimpormasyong nasa teksto.
Mental na aktibiti
Enersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa tiyak na metodo ng debelopment at patern ng organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naaayon sa mga tuntunin ng wikang gamit
Pisikal na aktibiti
Ginagamit dito ang pisikal na kakayahan ng manunulat
Sabkonsyus
Lahat ng kaisipan at ideya ay nagmumula rito
Konsyus
Malayang pagsulat kung saan isang manunulat ay patuloy-tuloy na sumusulat nang walang pagtatangi sa spelling, grammar, o paksa ng kanyang isinusulat at hindi gumagawa ng pagwawasto. Ito isang paraan upang makaipon ng mga pangunahing ideya para sa isang paksa
Solitaring Gawain
Pagsusulat mag-isa
Kolaboratib na Gawain
Tumutukoy sa proyekto kung saan sa halip na paisa-isa ay sama-samang gumagawa ng likha ang mga manunulat
Iskemata (schemata)
ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson, 1984).