Pang-abay - Panang-ayon o Pananggi o Panggaano2
totoong
Ang karamdaman ni Lola Auring ay totoong naging malubha na.
talagang
Ang mga lasenggo ang talagang nagpasimuno ng kaguluhan dito.
hindi
Ang mga mag-aaral na hindi mag-eensayo ng sayaw ay mananatili sa silid-aralan.
Ayaw
Ayaw nilang masangkot sa katiwalian na ginagawa ng politiko.
hindi
Ayon kay Jeremy, hindi maaaring bigyan ng tsokolate ang isang aso
positibong
Ayon sa pamahalaan, positibong uunlad pa ang ekonomiya ng ating bansa ngayon taon.
nang dalawang litrong
Bumili nang dalawang litrong sopdrinks si Ben para sa mga bisita.
nang isang kilong
Bumili nang isang kilong baboy si Nanay upang iadobo.
Hinding-hindi
Hinding-hindi tayo pababayaan ng ating mga magulang
Huwag
Huwag natin hayaan na maubos ang ating mga likas na yaman.
Huwag
Huwag ninyong hawakan ang mga mahahalagang bagay sa museo
nang tatlumpung minuto
Lumabis nang tatlumpung minuto ang pagtatanghal nila.
nang limang pulgada
Mahaba nang limang pulgada ang biniling tubo ni Tatay.
nang tatlong gramo
Mas marami nang tatlong gramo ang kinuha kong mani kaysa kornik.
nang isang buwan
Nagbakasyon kami nang isang buwan sa Cebu.
nang dalawang araw
Nagkamping nang dalawang araw ang magkakaklase sa Maria Makiling.
nang isang kilometro
Naglakad kami nang isang kilometro mula sa bahay patungong sakayan.
nang ganap na ikatlong hapon
Nagsimula ang miting nang ganap na ikatlo ng hapon.
nang tatlong sentimetro
Nataasan ni Ronnie nang tatlong sentimetro si Rodel.
nang isang oras
Nauna ako nang isang oras sa tagpuan naming makakaibigan.
nang tatlong piso
Nawalan nang tatlong piso si Eric na pambili ng kendi.
Oo
Oo, tutulong kami sa paghanda ng entablado para sa pagtatapos.
nang apat na libra
Pumayat si Bob nang apat na libra (pounds) mula ng siya ay mag-ehersisyo.
Sadyang
Sadyang nilinlang nila ang matanda upang makuha ang kanyang salapi.
ayaw
Sinabi ko sa kanya na ayaw kong mawala ang tiwala ng aking mga magulang.
Tiyak
Tiyak na makikilahok kami sa gaganapin na paligsahan sa balagtasan.
Totoong
Totoong nakita ko sina Sam at Eric sa lakbay-aral natin sa museo.
nang dalawang milya
Tumakbo nang dalawang milya (miles) si Chris mula sa simbahan.
nang dalawampung piso
Tumubo (Earned) si Aling Mumay nang dalawampung piso sa tinda niyang tinapay.
Tunay
Tunay na ipinagtanggol ni Bonifacio ang kanyang mga kasama.