Sagisag Kultura ng Filipinas 5

Pataasin ang iyong marka sa homework at exams ngayon gamit ang Quizwiz!

singkaban

"labores en las cañas." Isang sining ito ng pagkayas at pagpapalamuti sa kawayan upang maging isang arko na ipinahihiyas sa pintuan ng bakuran o tahanan bilang pambatì sa panauhin. May palatandaan na isang sinaunang kaugalian ang paggawa ng singkaban kapag may pagdiriwang.

sonat

"tuli" sa sinaunang Tagalog

sultan

Ang orihinal na kahulugan nitó bilang pangngalan sa wikang Arabe ay "lakas," "kapangyarihan," "pamamahala," at "diktadura." Ginagamit ito noon upang tumukoy sa makapangyarihang gobernador sa ilalim ng kalípa o sa ganap na kapangyarihan ng isang pinunò bagaman hindi umaangat sa pangkalahatang kapangyarihan ng kalípa.

Tapayang Manunggul

Ginamit sa pangalawang paglilibing. Ang sekundaryong paglilibing ay ginagawa sa pamamagitan ng paglilipat ng labí ng namatay mula sa orihinal na kinalalagyan nitó patungo sa bago. Ito ang dahilan kung bakit noong natagpuan ang tapayan noong 1962 sa kuweba sa Lipuun Point, Palawan ay mga buto ng yumao ang laman nitó.

Lucio D. San Pedro

Ginawaran ng Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1991. Isa siyáng mahusay na kompositor, konduktor, at guro.

Paciano Rizal

Heneral ng rebolusyonaryong hukbong Filipino

Honorata de la Rama

Hinirang bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro/Musika noong 1987. Napatanyag siyá bilang "Reyna ng Sarsuwela at Kundiman."

Rolando S. Tinio

Iginawad nang postumo ang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro at Panitikan noong 1997. Isa siyáng mahusay na direktor sa entablado, makata, manunulat, tagasalin, at aktor. Bilang direktor sa teatro, pinayaman niyá ang estetika ng dulaan sa pagpapasiglang muli sa mga tradisyonal na anyong pandulaan gaya ng sarsuwela, gayundin sa pagpapakilala sa kanluraning teatro sa pamamagitan ng kaniyang pagsasalin ng mga klasikong dulang Griyego, Shakespeare, at iba pang modernong dula. Kabílang sa mga ito ang Kiri (1974); Tito Vanya (1976); Hamlet (1979); Pangarap sa Isang Gabi ng Gitnang Tag- araw (1980); Caligula (1981); Romeo at Julieta (1981); Ang Halaga ng Pagiging Masigasig (1982); Sopranong Kalbo (1987), at Medea (1988). Sumulat din siyá ng sariling dula, gaya ng May Katwiran ang Katwiran, at mga panunuring pampanitikan. Bilang makata, kasáma ang matalik na kaibigan at Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Bienvenido Lumbera, ipinakilala nila ang Modernistang pagtula na makikita sa kaniyang mga librong Sitsit sa Kuliglig (1972), Dunung-Dunungan (1975), at Kristal na Uniberso (1989). Nakapaglabas din siyá ng kalipunan ng mga tula sa Ingles, ang Trick of Mirrors (1993).

kugit

Ilokano ng "tuli"

Samaon Sulaiman

Ipinagkaloob, gayundin sa mga Kutyapi Artist ng Maganoy, Maguindanao, ang Gawad Manlilikha ng Bayan noong 1993 para sa kaniyang natatanging kasiningan at dedikasyong patuloy na tugtugin ang kutyapi sa panahong hindi na ito ginagamit sa maraming bahagi ng Mindanao

Datu Uto

Isa sa kinikilálang makapangyarihang pinunòng Muslim at matapang na mandirigma. Anak siyá ni Sultan "Bangon" Marajanun ng Buayan at Tuan Bai Sa Buayan, na kapatid na babae ni Sultan "Untung" Quadratullah ng Magindianaw.

Arturo V. Rotor

Isa sa pangunahing kuwentista sa Ingles. Ngunit isa rin siyáng doktor, siyentista, at musikero. Kilala siyáng espesyalista ng mga allergy at isa sa mga nakatuklas sa isang sakít sa atay na pinangalanang Rotor Syndrome, kayâ siyá ang nag-iisang Filipinong nababanggit sa mga aklat pangmedisina. Hábang nagbabakasyon naman sa kabundukan ng Caraballo, nadeskubre niya ang isang species ng orkidya na ipinangalan sa kanya, ang vanda merrillii, var. Rotorii.

Walang Sugat

Isang bantog na sarsuwelang may tatlong yugto (1902) na isinulat ni Severino Reyes (1861-1942). Unang itinanghal ang dulang ito sa Teatro Libertad sa Maynila noong 14 Hunyo 1902 sa ilalim ng direksiyon ni Reyes. Si Fulgencio Tolentino ang gumawa ng musika at gumanap ang mga aktor na sina Hilaria Alvarez, Adriana Nicolas, at Jose Constantino. Naganap ang dula sa panahon ng Himagsikang 1896, at tampok ang kabayanihan ng mga Katipunero laban sa abuso ng mga fraile.

Sakdal

Isang kilusan ng mga magsasaka ng Katagalugan na itinatag ni Benigno Ramos noong 1930. Bagama't nag-umpisa ito bilang pahayagan na kumikiling sa interes ng mga "mahina, mahirap, at inaapi," ang mabilisang pagdami ng mga kasapi nitó, na tinatawag na Sakdalista, ang nag-udyok kay Ramos na gawin itong isang partidong pampolitika noong 1933.

retablo

Isang malaking eskultura na karaniwang nakapahiyas sa likod ng altar ng mga lumang simbahang Katoliko. Mistula itong malapad na dingding, karaniwang yari sa kahoy, nahahati sa mga nitso na kinalalagyan ng mga imaheng relihiyoso, o mga palamuting relyebe.

Carlos P. Romulo

Isang manunulat, peryodista, propesor, sundalo, embahador, at burukrata. Ginawaran siyá ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1982.

salambaw

Isang uri ng estrukturang pangisda na maaaring nakapirme sa may baybaying-dagat. Isang lambat ito na nakasakay sa isang balsang kawayan. Ang dáting tawag dito ay panság. Maaaring ibabâ o itaas ang salambaw sa pamamagitan ng kamay o motor.

Lucresia Faustino Reyes-Urtula

Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw noong 1988. Kinikilala siyáng koreograpo at direktor sa teatro at telebisyon. Siyá rin ang tagapagtatag ng The Bayanihan Dance Company of the Philippines. Ang Singkil ang pinakilalang obra sa koreograpiya niya.

San Miguel Beer

Itinatag noong 1890 ang La Fabrica de Cerveza de San Miguel, ang kauna- unahang pagawaan ng serbesa sa buong Timog-silangang Asia. Sa loob ng ilang dekada, naging paborito ng mga manginginom ng serbesa sa buong Filipinas. Noong 1914, ang San Miguel Beer ay ipinagbibili na sa Shanghai, Hong Kong, at Guam. Noong 1948, may pabrika na ang San Miguel sa Hong Kong.

Alonzo Saclag

Kalinga ang Gawad Manlilikha ng Bayan noong taóng 2000. Para sa kaniyang natatanging kaalaman sa sayaw at itinatanghal na sining ng mga Kalinga gayundin sa kaniyang sigasig upang tumaas ang kamalayan at pagpapahalaga dito ng kaniyang kapuwa Kalinga at maging ng mga ibang Filipino.

Lydia de Vega-Mercado

Kilala bilang "Sprint Queen," ang pinakamabilis tumakbong babae sa buong Asia noong dekada 80. Kinilala ang kaniyang bilis sa distansiyang 100 at 200 metro.

Teodulo M. Topacio Jr.

Kinikilála sa kaniyang mahahalagang pananaliksik sa sakit na leptospirosis. Dahil sa kaniyang pag-aaral, nakumpirma ng mga dalubhasa ang pagkakaroon ng bakteryang leptospira sa Filipinas at kung paano ito naisasalin mula sa mga alagang hayop tungo sa mga tao. Dahil sa kaniyang pagsisikap na masupil ang leptospirosis at mapaunlad ang industriya ng paghahayupan sa bansa, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 30 Abril 2009.

Eduardo A. Quisumbing

Kinikilála siya na pinakamahusay na botaniko at taksonomista ng Filipinas. Siyá ang nagsulat ng librong Medicinal Plants of the Philippines na naging batayang sanggunian sa pag-aaral at pananaliksik ng mga halamang gamot sa bansa. Siyá ang tinaguriang ama ng pag-aaral ng mga orkidya at natatanging Filipinong dalubhasa sa orkidolohiya.

Jose Garcia Villa

Kinilalang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1973. Isa siyang makata, mangangatha, kritiko, at kabílang sa unang henerasyon ng mga Filipinong manunulat sa wikang Ingles. Kilala sa sagisag panulat na Doveglion, nagpakilala siya ng mga bagong pamamaraan sa pagtula.

Ramon Valera

Kinilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Disenyong Pangmoda noong 2006. Tinagurian siyang "Dekano ng Moda sa Filipinas." Ang paggawa ng kasuotan ay iniangat ni Valera sa antas ng sining na nagbigay ng inspirasyon sa ilang henerasyon ng manlilikha at nag-ambag sa pagkakaroon ng natatanging disenyo at moda ng mga Filipino.

Fabian de la Rosa

Mahusay na pintor at unang direktor na Filipino ng UP School of Fine Arts (1927-1928). Nakalikha siyá ng mahigit sa 1,000 obra sa buong buhay niyá bilang pintor. Kabílang sa mga kilaláng obra niyá ang Transplanting Rice, Marikina Road, at Fishermen's Hut.

sarimanok

Mitikong ibon ng mga Maranaw at kilaláng likha at simbolo ng kanilang sining. May makulay na mga pakpak, balahibo at mahabàng buntot, at nása mga tuka o kuko ang kagat o saklot na pigura ng isang isda. Madalas na idisenyo bilang pigura sa maadornong ókir, sinasabing simbolo ng suwerte.

Fidel V. Ramos

Mula sa pagiging heneral at kalihim ng tanggulang bansa, nagwagi noong 1992 upang maging pangulo ng Republika ng Filipinas. Naupô siyá kasabay ng matinding krisis pangkabuhayan sa buong mundo. Sinagot niyá ito sa pamamagitan ng "Philippines 2000" o isang bisyon para sa hinaharap at nagtatanghal sa kaniyang katangian bilang isang mahusay na tagabalangkas ng malawakang programa.

sakada

Naging tampok na balita ang kaawaawang búhay noong dekada 70. Ito ang tawag sa mga nandarayuhang manggagawa sa mga asyendang tubuhan sa Negros Occidental. Mula ito sa Espanyol na sacar na "kunin" o "tanggalin" ang ibig sabihin. Tinatáya noon na may 25,000 sakáda sa Negros Occidental at karamihan sa kanila'y mula sa mga kalapit lalawigan ng Antique, Negros Oriental, Cebu, Capiz, at Iloilo. Dahil malubhang kahirapan, dumadayo silá sa mga pataniman ng tubó at nagtitiis sa napakaliit na bayad samantalang mistulang alipin sa pagtatrabaho at busabos na tirahan.

sungka

Nilalaro ito ng dalawang tao na nakaharap sa kahoy na parihabâ na may pitong butas o ang pitong bahay sa bawat hilera ng manlalaro.

Virgenes cristianas expuestas al populacho

Obrang oleo sa kambas ni Felix Resurreccion Hidalgo (Mga Birheng Kristiyanong Inilantad sa Madla) at ginawaran ng medalyang pilak sa Exposicion General de Bellas Artes ng Madrid noong 1884. May taas itong 45 pulgada at lapad na 62 pulgada. Nakatanghal sa larawang ito ang dalawang dalagang Kristiyanong halos lastag na hinahamak ng isang pangkat ng kalalakihang Romano.

Juan Crisostomo Soto

Pangunahing mandudula, peryodista, at makata sa Kapampangan," isang aknonim na kinuha sa mga unang pantig ng kaniyang mga apelyido. Nagsimula siyá bilang manunulat para sa mga progresibong pahayagang tulad ng La Independencia, El Liberal at La Publicidad. Mula 1906 hanggang 1917, pinamatnugutan naman niyá ang ilang publikasyong Kapampangan tulad ng Ing Balen na siyá ang nagtatag, at Ing Alipatpat na nagtampok ng kaniyang salin ng Noli me tangere ni Rizal sa wikang Kapampangan. Bilang isang makata, nagwagi ang kaniyang "Lira, Dalit at Sinta" ng unang gantimpala sa pagdiriwang ng araw ni Rizal sa San Fernando noong 1917. Ang nag-iisa niyáng nobela, ang Lidia (1907), ay unang nalimbag na serye sa pahayagang Ing Imangabiran na kaniya ring pinamatnugutan.

Sierra Madre

Pinakamahabàng hanay ng kabundukan sa buong Filipinas

Elpidio R. Quirino

Pumalit na pangulo ng Republika ng Filipinas siya noong 17 Abril 1948 nang biglang mamatay si Pangulong Manuel A. Roxas. Ipinagpatuloy niya ang mga sinimulang gawaing pambansa ni Roxas, bukod sa inasikaso ang mga industriya. Tinagurian siyáng "Ama ng Industriyalisasyong Pambansa" dahil sa mga ipinatayô niyang planta, gaya ng NASSCo drydock, planta ng abono, Iligan Steel, hydro-electric sa Lanao at sa Ambuklao, Benguet, pabrika ng semento sa Bacnotan, La Union, at marami pa.

Iñigo Ed. Regalado

Sa mga unang taon ng 1900, sumulat sa mga pahayagan tulad ng Ang Mithi, Pagkakaisa, Watawat, at Pliegong Tagalog. Naging patnugot dn siyá ng mga magasing Ilang-ilang at Liwayway. Naging konsehal din siyá ng Maynila nang ilang termino. Labingwalong taóng gulang lámang siya nang sulatin niyá ang kaniyang unang nobela, ang Madaling-araw, na nasundan ng marami pa. Nakapaglabas din siyá ng mga koleksiyon ng mga tula tulad ng Damdamin at Bulalakaw ng Paggiliw, at maikling kuwento gaya ng "Sa Laot ng Kapalaran." Nakapagsulat din siyá ng libretto, tulad ng Hinilawod (1970) at mga isahing-yugtong dula gaya ng Isang Panyo Lamang, Mahiwagang Tao at Sa Bundok.

Dolores A. Ramirez

Tanyag na biochemical geneticist at isa sa pinakamahusay na plant breeder ng Filipinas, itinaguyod niya ang pagpapaunlad sa teorya at praktika ng henetika sa pamamagitan ng pagtuturo, aktibong pananaliksik, at pagsisikap na mapabuti ang mga patakaran sa agham at teknolohiya. Dahil sa kaniyang ambag sa pagpapaunlad ng siyensiyang pang-agrikultura, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong Marso 1997.

talisay

Terminalia catappa at kabílang ito sa pamilya ng mga halaman na Combretaceae. Ito ay isang malaking punongkahoy na may malalaking dahon. Karaniwan itong umaabot ng 35 metro ang taas. Ang prutas nitó ay may katamtamang laki, magaan na parang cork.

Vicente Sotto

Tinagurian siyáng "Ama ng Wika at Panitikang Sebwano." Naging makulay ang karera niyá bilang peryodista't politiko dahil sa kaniyang paninindigan para sa Himagsikang Filipino at laban sa pananakop ng mga Amerikano. Nang makapasá siyá sa bar noong 1907 ay naharap na siyá sa maraming usaping politikal.

Pancho Villa

Unang boksingerong Filipino na naging kampeong pandaigdig, Francisco Guilledo ang tunay niyang pangalan. Inampon siyá ng isang Amerikanong promoter sa boksing.

Ullalim

ang epikong-bayan ng mga Kalinga sa Cordillera. Isang bantog na bayani sa naturang epikong-bayan si Banna ng Dulawon.

Wenceslao Q. Vinzons

ang isa sa mga unang Filipinong nag-organisa ng paglaban sa mga mananakop na Hapon, lider ng mga gerilya sa Bikol, at isa sa mga namumukod na kabataang politiko bago magkadigma. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtayô siya ng kilusang gerilya sa Bicol at pansamantalang napalaya ang Daet at iba pang bayan sa mga Hapones.

Francisca Reyes-Aquino

ang pinakaunang Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw nang igawad sa kaniya ang karangalang ito noong 1973. Kinilala ang kaniyang natatanging pagpapahalaga sa katutubong sayaw na Filipino.

Dioscoro L. Umali

ang tinaguriang "Ama ng Siyensiya sa Pagpapalahi ng Halaman sa Filipinas." Pinangunahan niya ang pinakamahahalagang pananaliksik sa plant breeding upang makalikha ng mas mahusay na uri ng palay, mais, gulay, abaka, niyog, iba't ibang butil, at palamuting halamang komersiyal. Isa rin siyáng batikang edukador, administrador, lingkod bayan, at itinuturing na kampeon ng maliliit na magsasaka at mangingisda. Dahil dito, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 11 Hulyo 1986.

Anthony Villanueva

ang unang boksingerong Filipino na nagkamit ng medalyang pilak sa Olympics, pinakamataas na karangalang nakamit ng bansa hanggang sa kasalukuyan sa palarong ito.

Manuel Tinio

ay pinakabatàng heneral ng Rebolusyonaryong Hukbong Filipino at namunò sa pagpapalaya sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon sa kamay ng mga Espanyol.

Trinidad Tecson

babaeng bayani ng Himagsikang Filipino at kilala bilang "Ina ng Biyak-na-Bato." Isa siyá sa iilang kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban kasáma ng mga kalalakihan sa rebolusyon. Binansagan din siyáng ina ng Red Cross sa Filipinas para sa kaniyang paglilingkod sa mga kasámang Katipunero.

tarsila

di- maiiwasan at pinagtitiwalaang dokumento sa pag-aaral at pag-ugat sa pinagmulan ng mga sultan at pamilyang maharlika sa mga pangkating Muslim sa Filipinas. Iniingatan itong tila pamánang hiyas ng mga pamilyang maharlika dahil siyáng kinokonsulta kapag may suliranin sa tagapagmana. Sang-ayon kay Cesar Adib Majul (1973), isa itong nakasulat na kronolohiya ng kasaysayan ng pamilya, mula sa tagapagtatag, asawa, mga anak, mga anak ng mga anak, at hanggang sa wakas na kasalukuyan ng salaysay.

Isabelo Tampinco

dinadakila sa paggamit ng katutubong imahen sa kaniyang mga obra sa kahoy. Itinaguyod niyá ang katutubong estilong Filipino sa sining pandekorasyon. Gumamit siyá sa kaniyang mga disenyo ng anyo ng bunga (palmera) para sa mga haligi, dahon ng anahaw at saging sa mga detalye, at salá-salá (banig) para sa mga arko at patsada. Ginamit din itong mga disenyo sa paglikha ng kuwadro, bintana, arko, at muwebles.

Eddie Sinco Romero

direktor ng pelikula, manunulat ng iskrip, at prodyuser. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa pelikula noong 2003.

sarsuwela

dula na may isa hanggang limang yugto, hinggil sa mga kuwento ng pag- ibig at suliraning pampamilya, at tinatampukan ng mga awit at sayaw. Tinatawag din itong dulàng hinoníhan, dulàng inawítan, dráma-liríko, at operéta.

tibag

dulàng panrelihiyon na hinggil sa paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Hesus. Maituturing itong isang sanga ng komédya bagaman nakaukol lámang sa naturang istorya. Nakabatay ito sa maalamat na paghahanap ni Reyna Elena, ina ni Emperador Constantino, sa mahimalang krus ni Hesukristo. Inuuntol ang dula ng pakikipaglaban sa mga humaharang na hukbong Muslim at ng pagsunod sa mga malîng impormasyon kung nasaan ang krus.

tanaga

isa sa mga halimbawa ng maikling katutubong tula sa Filipinas. Ayon sa Vocabulario de la lengua tagala (1754) nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar, ito ay itinuturing na mataas na uri ng tula dahil hitik sa talinghaga.

Edith L. Tiempo

isa sa pinakamahusay na makata, mangangatha, kritiko, at guro ng panitikan sa wikang Ingles. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1999. Noong 1962, itinatag niyá kasáma ang asawa ang Silliman Writers Workshop ng Unibersidad ng Silliman sa Lungsod Dumaguete at magkatuwang nila itong pinamahalaan. Ang palihang Silliman para sa mga manunulat ay ang una sa Filipinas at sa buong Asia.

Yungib Callao

isa sa pinakapopular na pook sa lalawigan ng Cagayan, matatagpuan ito sa mga barangay Parabba at Quibal sa bayan ng Peñablanca, sa itaas ng Ilog Pinacanauan, kalahating oras mula sa Lungsod Tuguegarao. Ipinangalan ito sa ibong kalaw na sinasabing marami dito noon. May tila katedral na pormasyon ng bato ang isang silid ng yungib. May kapilyang itinayô sa bahaging ito.

singkil

isa sa pinakapopular na sayaw na nagmula sa katimugan ng Filipinas. Ang pangalan ay galing sa kadenang suot sa bukong- bukong ng mga taga-Mindanao na may gayon ding katawagan.

timawa

isa sa tatlong saray panlipunan ng mga katutubong Filipino bago dumating ang mga mananakop na Espanyol. Sila ang kumakatawan sa panggitnang uri sa lipunan, nása pagitan ng datu at maharlika at ng mga alipin. Sila ang nakararaming miyembro ng mga barangay.

Tamblot

isang babaylan na naging lider ng pag-aalsa sa Bohol laban sa mga Espanyol noong 1621. Inibig niya na bumalik sa dáting pananampalataya ang mga kababayan. Napaniwala naman niyá ang maraming Boholano, lalo sa bayan ng Malabago, na sa tulong ng mga sinaunang anito at diwata ay magtatagumpay ang kanilang pag-aalsa. Sinasabing umabot sa 2,000 ang sumáma sa kaniya. Nilusob nilá at sinunog ang mga simbahan bukod sa pinatay ang nahuling mga misyonerong Espanyol.

tandikan

isang ibon na may katamtamang laki, may sukat na 50 sentimetro ang habà. Kilalá ito sa tawag na Palawan Peacock Pheasant sa wikang Ingles. Sa Palawan lámang matatagpuan ang ibong ito. Mahirap makita ang ibong ito sa loob ng kagubatan. Maingat at mabilis itong lumalayò kapag nakaramdam ng kaaway. Ang pagkain nitó ay prutas, mga buto ng halaman, insekto, at iba pang maliliit na hayop.

Carlos Quirino

isang iskolar at historyador. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikang Pangkasaysayan noong 1997. Ang panitikang pangkasaysayan ay idinagdag na larangan sa parangal na Pambansang Alagad ng Sining noong 1997 sa ilalim ng Pangulong Fidel Ramos at si Quirino ang unang ginawaran ng naturang pagkilala.

UP Church of the Holy Sacrifice

isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod Quezon. Mahalaga ito dahil sa disenyong arkitektural nitó, ang kapilya ang kauna-unahang pabilog na simbahan na may altar sa gitna sa buong bansa, at kauna-unahan ring magtaglay ng bubong na manipis na kongkretong kupola.

vakul

isang kasuotang tumatakip sa ulo at likurang bahagi ng katawan upang makanlungan laban sa matinding init ng araw. Isinusuot ito ng kababaihang Ivatan kapag nagtatrabaho sa mga halamanan sa mabatong burol ng Batanes. Tradisyonal itong ginagawa ng kababaihan sa barangay Chavayan, isla ng Sabtang. Mula ito sa pinatuyong dahon ng palmang vuyavoy at maninipis na himaymay ng abaka. Inihahalayhay at itinahi ang mga vuyavoy sa abaka. Kapag suot, nása ilalim nitó ang isang sisidlang backpack na may patigas na yantok at tinatawag na yuvuk. Nása yuvuk ang mga gamit sa paghahalaman.

yoyo

isang laruang ikiran na binubuo ng pinagsaklob na dalawang bilog na kahoy, plastik, o metal, pinag-uugpong sa gitna ng isang maliit na piraso ng kahoy o metal, at pinaiikot sa pamamagitan ng pisi.

saynete

isang maikling dula na kadalasang ginagawang intermisyon ng mahahabàng dula, gaya ng komedya. Dahil sa naturang tungkulin, tinatawag din itong entremes o intermedio. Malimit din itong masayá at mapagpatawa. Maaari itong ikompara sa mga tinatawag na iskít (mula sa Ingles na skit) na nakatatawa at isinisingit sa mga programang pang-estudyante.

Claro M. Recto Jr.

isang makabansang estadista, manunulat sa Espanyol at Ingles, at itinuturing na "Ama ng Konstitusyong 1935." Siyá rin ang hulíng mahistrado ng Korte Suprema na hinirang ng presidente ng Estados Unidos.

Severino Reyes

isang mandudula, direktor, at mangangatha. Kinikilala siyá bilang "Ama ng Sarsuwelang Tagalog." Unang dula na isinulat niya ay ang R.I.P. (1902). Naging mapanuri ito sa komedya, ang anyong pandula na popular noon. Kasunod nitó, isinulat at idinirihe niyá ang Walang Sugat, isang naging bantog na sarsuwela.

Deogracias Rosario

isang mangangatha, mamamahayag, at makata. Kinikilala siyá bilang "Ama ng Makabagong Maikling Kuwentong Tagalog." Unang naging aktibo sa larangan ng pamamahayag. Naging bahagi siyá ng pahayagang Ang Demokrasya noong 1912 at ng satirikong magasing Buntot Pagi noong 1914. Noong 1917, naging reporter siyá ng Taliba at pagkaraa'y naging katuwang na editor nitó. Sumulat din siyá sa Pagkakaisa ng Bayan at ng Photo-News (ngayo'y Liwayway).

Alejandro R. Roces

isang manunulat ng maikling kuwento at sanaysay, peryodista, at opisyal ng gobyerno. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2003.

Tiwi Hot Spring

isang napakaaktibong pook ng mainit na mga bukal sa bayan ng Tiwi, sa lalawigan ng Albay. Ang bumubula at amoy asupreng tubig sa bukal ay ginagamit sa mga paliguan at languyan. Dinarayo ito hindi lámang dahil sa paliligo kundi dahil din sa magandang epekto sa kalusugan ng mainit na tubig.

Sandiganbayan

isang natatanging hukuman na lilitis sa mga kriminal at sibil na kaso ng katiwalian na ginawa ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan at opisyal ng mga korporasyong pag-aari at pinamamahalaan ng gobyerno ng Filipinas. Itinatag ito noong 11 Hunyo 1978 sa bisà ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 1486 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Isabelo de los Reyes

isang peryodista, lider obrero, politiko, at kinikilalang "Ama ng Unyonismo sa Filipinas." Dahil sa kaniyang mga isinulat at aktibismong pang-obrero, itinuturing din siyáng "Ama ng Sosyalismong Filipino." Isa siyá sa mga nagtatag ng kauna-unahang malayang simbahang Filipino, ang Iglesia Filipina Independiente o Simbahang Aglipay.

sablay

isang piraso ng damit na ipinapatong sa isang balikat at tumatawid sa dibdib hanggang baywang

sandugo

isang ritwal ng mga sinaunang Filipino na tanda ng kapatiran at pagkakaibigan. Karaniwan itong ginagawa ng mga pinunò ng dalawang pangkat na nagkakasundo. Ang magkabilang panig sa nasabing seremoniya, ang magkasandugo, ay umiinom ng ilang patak ng dugo ng isa't isa na nakahalo sa alak.

Gregorio Y. Zara

isang tanyag na Filipinong imbentor, inhenyero, at dalubhasa sa pisikang nuklear. Ibinahagi niya sa mga Filipino ang mga pinakaabanteng kaalaman sa siyensiya at inhenyeriya sa pamamagitan ng kaniyang mga pananaliksik, siyentipikong sulatin, at pagsasanay sa mga nakababatàng siyentista. Subalit mas kilala dahil sa mga naimbento niyang aparato at makabagong kagamitan. Nakakuha siya ng 30 internasyonal na patent para sa mga ito. Dahil dito, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong Hulyo 1978.

sinarapan

isang uri ng biyâ na kilalá sa buong mundo bilang pinakamaliit na komersiyal na isda. Nabibilang ito sa pamilya Gobiidae. Sa Filipinas lámang ito natatagpuan at katutubo sa rehiyon ng Bikol. Kadalasang matatagpuan sa probinsiya ng Camarines Sur, lalo na mga lawa ng Buhi, Bato, Katugday, at Manapao.

yantok

isang uri ng halaman na may sukat mula 250 hanggang 650 metro ang habà ng katawan. Karaniwang makikita ang halamang ito sa Aprika, India, at Timog silangang Asia.

yakal

isang uri ng matigas na punungkahoy sa pamilyang Dipterocarpaceae. Ito ay endemiko o matatagpuan lámang sa Filipinas, lalo na sa Luzon (Quezon at Camarines), Samar, Mindanao (Zamboanga, Agusan at Davao). Namumulaklak sa buwan ng Mayo. Kulay dilaw at mabango ang mga bulaklak nitó. Ang habitat ng punòng ito ay ang mga pangunahing gubat sa mababàng lugar o malapit sa kapatagan. Nanganganib na maubos ang punongkahoy na ito dahil sa walang tigil na pagputol sa mga punò at dahil sa pagkakaingin.

subli

isang uri ng panata ng pasasalamat para sa Mahal na Poong Santa Krus na, ayon sa isang banggit noong bandang 1595, ay sinasabing naghimala sa bayan ng Alitagtag, Batangas. Ang kahoy na ginamit sa pagbuo ng poon ay pinaniniwalaan ding nagmula sa isang mahimalang punongkahoy na may hugis krus.

trambiya

isang uri ng sasakyan na gumagamit ng riles o daambakal na kadalasan ay nása gitna ng mga lansangan ng lungsod.

tinálak

isang uri ng telang gawa sa himaymay ng abaka. Ito ay ekslusibong hinahabi ng mga Tiboli sa Timog Cotabato at Mindanao at isa sa maituturing na tampok na habing gumagamit ng abaka sa buong mundo.

vinta

isang uri ng tradisyonal na bangka na ginagawa ng mga Badjaw at matatagpuan sa bahaging timog ng Mindanao. Mayroon itong makukulay na layag na nakaayos nang patayô at mga katig sa magkabilâng gilid. Noong sinaunang panahon, gamit ito sa pakikipagkalakalan at paglalakbay. Dahil ito ay lubhang maliit at mabuway, ginagamit ito sa malapitang paglalakbay lámang at kapag kalmado ang dagat.

Casimiro V. del Rosario

itinuturing na "Dekano ng Pisika sa Filipinas." Kilalá ang kaniyang kadalubhasaan sa larangan ng pisika, meteorolohiya, at astronomiya hindi lámang sa Filipinas kundi sa iba't ibang panig ng daigdig. Isa rin siyá sa mga pilìng siyentista ng daigdig na unang nagpakadalubhasa sa pisikang nuklear. Malaki rin ang naitulong niya sa pagpapaunlad at modernisasyon ng Phillipine Weather Bureau. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong Mayo 1982.

trumpo

karaniwang nilalaro ng mga batàng lalaki. Ang katawan nitó ay yari sa kahoy at maaaring biluhaba, bilóg, o kono, at may nakausling pakò na siyáng nagpapaikot dito.

engkomiyenda

karapatan at tungkulin na ipagkaloob ng hari ng Espanya sa sinumang Espanyol o katutubo na nakatulong sa pmamayapa ng Pilipinas

Perla Dizon Santos-Ocampo

kilala sa kaniyang mahahalagang kontribusyon sa pagsusulong ng kapakanan ng pedyatriyang Filipino, pagpapaunlad ng edukasyong medikal, at pagtataguyod na mapabuti ang kalusugan ng mamamayan at mga batà. Ang kaniyang pananaliksik sa sakit na pagtatae ay nagbigay daan sa paglikha ng Super Oral Rehydration Solution (ORS). Sinuri ni Ocampo ang epekto ng malnutrisyon at tumulong siyá sa pagbalangkas ng mga wastong paraan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga batà. Dahil sa makabuluhang ambag niyá sa pagpapaunlad ng siyensiyang pangkalusugan sa bansa, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 30 Marso 2011.

Jose R. Velasco

kilalá sa kaniyang husay sa larangan ng pisyolohiya ng halaman. Ang walang pagod niyang paghahanap ng lunas upang malipol ang sakit na pumapatay sa punò ng niyog ang isa sa pinakamahalagang ambag niya sa siyensiyang pang-agrikultura at botaniya. Malaki ang naging kontribusyon niya sa paglinang ng siyensiya at teknolohiya sa pamamagitan ng kaniyang mga pananaliksik at bilang edukador at administrador. Kayâ noong 24 Marso 1998, iginawad ang Pambansang Alagad ng Agham

Carmen C. Velasquez

kilalá sa kaniyang mga natatanging pananaliksik hinggil sa parasitolohiya ng mga isdang tropikal sa Filipinas. Natuklasan niya ang 32 bagong species at isang genus ng digenetic trematodes na matatagpuan sa 13 uri ng isdang katutubo sa bansa. Pinag-aralan rin niya ang paraan ng pamumuhay ng mga parasito at paano nakaaapekto ang mga ito sa buhay ng isdang tabang. Iginawad sa kaniya noong 1983 ang Pambansang Alagad ng Agham bilang pagkilalá sa kaniyang natatanging ambag sa larangan ng siyensiya ng parasitolohiya.

Francisco O. Santos

kilalá sa kaniyang natatanging pananaliksik hinggil sa kalagayan ng nutrisyong Filipino at pag-aaral sa pang-agrikulturang kemistri. Sinuri niyá ang mga sangkap kemikal ng karaniwang pagkain sa Filipinas at sinukat ang taglay nitóng bitamina at mineral. Itinaguyod niyá ang pagtatanim ng gulay at prutas sa bakuran ng mga tahanan upang may pagkunan ang pamilyang Filipino ng malulusog na pagkain. Dahil sa kaniyang kahanga-hangang dedikasyon na mapaunlad ang kalidad ng pagkaing Filipino, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham (posthumous) noong 1983.

Raha Sulayman

kinikilalang unang bayani ng Maynila para sa pagtatanggol niyá ng kaniyang kaharian laban sa mga mananakop na Espanyol.

Ildefonso P. Santos Jr.

kinilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura noong 2006. Tinagurian siyáng "Ama ng Modernong Arkitekturang Landscape sa Filipinas."

Guillermo E. Tolentino

kinilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Eskultura noong 1973. Siyá ay isa sa mga nangungunang Filipinong eskultor at itinuturing na kampeon ng klasisismo sa sining Filipino. Unang umani ng pambansang pagkilala ang husay niya bilang eskultor sa kaniyang likhang Bantayog ni Bonifacio na matatagpuan sa gitna ng rotonda sa Lungsod Caloocan na ngayon ay mas kilala bilang Monumento. Tampok sa bantayog na ito ang tableau ng mga pigurang yari sa tanso na nagsasadula ng pinakamaiigting na yugto at hulagway ng Himagsikang 1896.

Macario L. Sakay

lider- Katipunero at pangulo ng Republikang Tagalog, isang pamahalaang rebolusyonaryo na itinatag niyá upang ipagpatuloy ang pakikibáka laban sa mga Amerikano.

Manuel A. Roxas

maituturing na hulíng pangulo ng Komonwelt dahil nagwagi siyá sa halalan ng 23 Abril 1946 at unang pangulo ng kasalukuyang Republika ng Filipinas pagkatapos igawad ng Estados Unidos ang kasarinlan sa Filipinas noong 4 Hulyo 1946. Gayunman, maikli ang kaniyang panunungkulan dahil noong 15 Abril 1948 ay namatay siyá sa atake sa puso pagkatapos magtalumpati sa Clark Field, Pampanga.

Ramadan

malaking panahon ng pangingilin ng mga Muslim tuwing ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islam. Sa buong panahon ng pangingilin ay kailangang mag-ayuno sa pamamagitan ng pag-iwas kumain at uminom mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw.. Ang pag-aayuno ay ginagawa para maturuan ang isang tao na magsakripisyo, magpakakumbabâ, at maging mapaghintay.

tubaw

malaking panyo mula sa tradisyonal na habi sa Katimugan ng Filipinas. May iba't iba itong disenyo, at kumakatawan ng pagkakaiba-iba ng mga pangkating gumagamit. Tila modernong bandana ang gamit nitó.

Thomasites

mga gurong Amerikano na dumating sa Filipinas mula 1901. Bunga ito ng pangyayaring nakasakay sa bapor US Army Transport Thomas ang pinakamalaking bilang ng gurong Amerikano—509 gurong (368 lalaki at 141 babae)— na dumating sa Maynila noong 23 Agosto 1901.

siyokoy

nababalot ng kaliskis ang buong katawan, may lamad sa pagitan ng mga daliri sa kamay at paa, may mga palikpik sa iba't ibang bahagi ng katawan at mga biyas, at may hasang na gamit na panghinga sa tubig.

sunduk

palatandaang panlibingan ng mga Badjaw. Isang piraso itong pabilóg na kahoy na itinitirik sa ibabaw ng puntod ngunit ang kahoy ay may ukit at disenyo na nagtatanghal sa katutubong sining ng mga eskultor na Badjaw.

Tuwaang

pamagat ng epikong-bayan ng mga Manobo, mga táong nakatira sa hanggahan ng Cotabato, Bukidnon, at Davao, at tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang bayani

sulibaw

pangalan ng pangkat pangmusika ng Ibaloi. Ito rin ang pangalan ng pangunahing tambol sa pangkat.

Urbana at Feliza

pangunahing halimbawa ng epistolaryo, isang uri ng panitikan na nása anyo ng pagpapalitan ng liham. Isinulat ito ni Padre Modesto de Castro, isang kura-rektor ng Katedral ng Maynila at kilala sa kaniyang husay sa pagsulat ng mga sermon.

Lope K. Santos

pangunahing manunulat at makata, lingguwista, at lider manggagawa. Noong 1900, nagsimula bilang peryodista sa iba't ibang diyaryo hanggang maging editor ng Muling Pagsilang, Lipang Kalabaw, at iba pa. Nakapagsulat ng sampung tomo ng mga tula. Kasáma sa mga itinuturing na mahahalagang koleksiyon niyá ang Puso at Diwa (1908), Mga Hamak na Dakila (1945), Ang Diwa ng mga Salawikain (1953), at ang tulang pasalaysay na Ang Pangginggera (1912). Sa anim na nobela niyá, tampok ang Banaag at Sikat (1906), na may diwaing sosyalista.

Uwang Ahadas

pinagkalooban ng Gawad Manlililkha ng Bayan noong 2000 para sa kaniyang kahusayan sa pagtugtog ng mga instrumentong Yakan at malalim na kaalaman sa masining na posibilidad at panlipunang konteksto ng mga ito.

raja

pinakamakapangyarihang datu ng isang bayan na binubuo ng mula apat hanggang sampung barangay. Ang salitang ito ay nanggaling sa India at nakarating sa Filipinas mula sa Indonesia at Malaysia.

torogan

pinakamalaki sa mga bahay na matatagpuan sa teritoryo ng isang sultanato sa ilalim ng datu, palatandaan ng rangya, dangal, at pagiging pinunò. Wala itong dibisyon at sáma-sámang naninirahan dito ang mga kasapi ng pamilya ng datu.

taklobo

pinakamalaking uri ng kabibe na nabibilang sa pamilya Tridacnidae. Namamalagi ito sa ilalim ng dagat. Likás na matatagpuan ito sa Filipinas, Australia, Indonesia, Japan, Thailand, Palau, Papua New Guinea, at Micronesia.

Union Obrero Democratica

pinakaunang pederasyon ng mga unyon ng manggagawa sa Filipinas. Itinatag ito noong 2 Pebrero 1902 sa Teatro Variedades sa may Sampaloc, Maynila.

tiyanak

pinaniniwalaang nagmula sa mga sanggol na namatay nang hindi pa nabibinyagan.

Juan Ponce Sumuroy

pinunò ng pag-aalsa sa Samar laban sa mga Espanyol noong kalagitnaan ng ika-17 siglo. Walang gaanong ulat tungkol sa buhay liban sa anak siyá ng isang babaylan sa Ibabaw (ngayo'y Palapag) sa hilagang-silangan ng Samar. Ipinalalagay na lumaki siyá sa tabing-dagat kayâ mahusay sa paglalayag. Bilang bangkero ay maganda ang kaniyang kabuhayan bukod sa hindi siyá pinagbabayad ng buwis ng mga Espanyol.

Norberto Romualdez Sr.

sang abogado, mambabatas, hukom, at naging Mahistrado ng Korte Suprema. Subalit higit siyáng kinikilala ngayon dahil sa mga nagawa niyá sa pagtataguyod ng isang wikang pambansa.

Andrea Veneracion

sang propesor ng musika, master at konduktor ng koro, ang kinikilalang internasyonal na awtoridad sa pag-awit na koro. Bumuo at namunò sa UP Madrigal Singers, na ngayon ay ang tanyag na Philippine Madrigal Singers (PMS) at premyado sa buong mundo sa larangan ng pag-awit na koro. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika (1999).

Unang Sigaw

simbolikong unang pagtatagpo ng mga Katipunero upang ipahayag ang Himagsikang 1896 laban sa Espanya. Maitutulad ito sa El Grito ng himagsikan sa Mexico.

taka

sining ng paglikha ng mga pigurin mula sa dinurog na papel. Tinatawag ding ganito ang mga likhang tila manyika at anyo ng dalagang Filipina, kalabaw, manok, at iba pa. Nagsisimula ang paglikha sa paggawa ng isang moldeng ukit sa kahoy ng pigurin.

Aurelio V. Tolentino

sumulat ng Kahapon, Ngayon at Bukas (1903), isang drama simbolika at pinakasikat sa mga dulang sedisyoso noong panahon ng Amerikano. Isa siyáng Kapampangan ngunit sumulat sa mga wikang Kapampangan, Tagalog, at Espanyol. Aktibo siyáng Katipunero at kasáma ni Bonifacio sa kuweba ng Pamitinan noong 10 Abril 1895 sa isang lakaran para sa kalayaan.

Benito S. Vergara

tanyag na dalubhasa sa pisyolohiya ng halaman at kilala sa kaniyang malawak na pananaliksik sa pagpapaunlad ng palay. Nagsilbi siyang siyentista, mananaliksik, at administrador ng International Rice Research Institute (IRRI) mula 1961 hanggang 1995. Pinalaganap ni Vergara ang makabagong siyensiya ng pagtatanim at wastong pag-aalaga ng palay sa pamamagitan ng kaniyang popular na librong A Farmer's Primer on Growing Rice. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 2001.

Tapayang Maitum

tawag sa natuklasang 29 tapayan noong 1991 na may mga takip na hugis at mukhang tao at natagpuan sa yungib ng Ayub sa Pinol, Saranggani

bati/balis

tawag sa usog sa Bikolano

Gregorio T. Velasquez

tinaguriang "Ama ng Pag-aaral ng Phycology sa Filipinas." Siya ang kauna-unahang dalubhasang Filipino na nagsagawa ng komprehensibong pananaliksik sa katangian at gamit ng katutubong Myxophyceae. Nilinaw niya na ang lumot ay maaaring gamiting abono sa mga sakahan at makatutulong nang malaki sa pagpapataba ng lupa. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 1982 bilang pagkilala sa kaniyang natatanging kontribusyon sa paglilinang ng siyensiya ng Phycology sa bansa.

Alfredo C. Santos

tinaguriang "Ama ng Pananaliksik sa Natural na mga Produkto sa Filipinas." Naghanap siyá ng mga alternatibong pamalit sa mga inaangkat na alkaloid upang maging mas múra ang produksiyon ng gamot sa bansa. Nagsagawa siyá ng mga siyentipikong pag-aaral sa katangian at estruktura ng phaeanthine at phaeantharine, mga alkaloid mula sa katas ng katutubong halamang gamot sa Filipinas. Siyá ang may-akda ng Philippine Plants and Their Contained Natural Products: Biological and Pharmacological Literature Survey. Dahil sa kaniyang pagsisikap, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 10 Hulyo 1978.

Reporma sa Lupa

tumutukoy sa legal na pagbili ng pamahalaan sa malalawak na lupaing sakahan upang ipamahagi sa mga magsasaka. Isinasagawa ito sa tulong ng mga batas sa repormang agraryo.

Republikang Malolos

umutukoy sa pamahalaan na lehitimong itinatag pagkaraang mapagtibay ng Kongreso ng Malolos ang Konstitusyon noong 29 Nobyembre 1898. Pinasinayaan ito sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan noong 23 Enero 1899.

Gabriela Silang

unang Filipinang namunò ng isang paghihimagsik noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Nagpatuloy ng pag-aalsa ng mga Ilokano nang mamatay ang asawa.

San Lorenzo Ruiz

unang Filipino na martir at sinasambang santo sa Simbahang Katoliko Romano. Ang simbahan sa Binondo ang kaniyang pangunahing dambana. Nagkaroon siyá ng beatipikasyon sa Maynila noong 18 Pebrero 1981 at ng kanonisasyon sa Roma noong 18 Oktubre 1987, kapuwa sa pangunguna ng Papa John Paul II. Siyá ang kauna- unahang beatiko sa labas ng Roma, dahil isinagawa ito ng Papa John Paul II nang dumalaw sa Filipinas.

Eugene Torre

unang chess grandmaster sa Asia. Itinuturing siyáng pinakamahusay na manlalaro ng chess o ahedres ng Filipinas noong dekada 1980 kasunod ng mga unang kampeon sa chess na sina NM Ramon Lontoc, IM Renato Naranja, IM Rodolfo Tan Cardoso, at ang yumaong GM Rosendo Balinas, Jr.

Manuel Luis Quezon

unang pangulo ng pamahalaang Komonwelt at itinuturing na "Ama ng Wikang Pambansa" dahil sa pagpapahayag niya sa Tagalog bílang batayan ng Wikang Pambansa. Siyá ang unang pangulong Filipino na nagtira sa Malacañang at nanungkulan hábang nása Estados Unidos dahil sa Pananakop ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

rami

uri ng tela na mula sa himaymay ng halamang may gayon ding pangalan. Ang halaman ay tinatawag ding amíray (Boehmeria nivea), isang namumulaklak na halaman sa pamilyang Urticaceae at katutubo sa silangang Asia.


Kaugnay na mga set ng pag-aaral

Chapter 16: Disorders of Brain Function

View Set

Unit 2.2 VARIABLE insurance products

View Set

AP European History Chapters 12 and 13 Test

View Set

CHAPTER 11 text book question, mcgrawhill

View Set

Química Unidad 9 - UTN FRRE ISI

View Set