Filipino
Ayon kay _____, ang salitang _____ ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito'y isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad.
Alejandro Abadilla, sanaysay
Ang akda ni Confucius at Lao-Tzu ay _____ at _____.
Analects, Tao Te Ching
Ayon kay _____, ang _____ ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay.
Francis Bacon, sanaysay
Ayon kay _____ sa pagsulat ng posisyong papel ay mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay at magandang paksa ngunit higit na mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu.
Grace Fleming
Ayon kay _____, ang _____ ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o posisyon.
Grace Fleming, posisyong papel
Ito'y naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kanyang kuro-kuro.
Impormal
Karaniwan itong may himig na parang nakikipag-usap.
Impormal
Tinatawag din itong pamilyar or personal, at nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may-akda.
Impormal
Ayon kay _____, ang _____ ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon.
Jocson, pangangatwiran
Ayon kay _____, sa Ingles, ang paglalahad ay tinatawag na expository writing.
Jode Arrogante
Sa pagsulat ng _____, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Maglagay sa bahaging ito ng mga obhetibong datos.
Katawan
Ayon kay _____, ang _____ ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
Kori Morgan, replektibong sanaysay
Ito ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at nadama.
Mga Katunayan (facts)
Hindi ito katunayan kundi pagsusuri o judgement ng katunayan.
Mga Opinyon
Ito naman ay tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi sa ipinalalagay lamang na totoo.
Mga Opinyon
Ang sanaysay ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni ______. Ang nagpayabong naman nito sa Asya ay sina _____ at _____.
Michael de Montaigne, Confucius, Lao-Tzu
Isa itong matibay na pahayag na naglalahad ng pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa na handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos o ebidensiya.
Pahayag ng tesis
Sa pamamagitan nito ay malalaman ng mga mambabasa kung tungkol saan ang posisyong papel.
Pahayag ng tesis
Ayon kina _____ at _____, ang _____ ay naglalahad ng pangunahin o sentrong ideya ng posisyong papel na iyong gagawin.
Pamela C. Constantino, Galileo S. Zafra, pahayag ng tesis
Sa pagsulat ng _____, tandaang ito ay dapat na makapukaw ng atensiyon ng mga mambabasa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay.
Panimula
Ayon kay _____, naglalahad ang _____ ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng kaisipan. Naglalahad din ito ng mga personal at pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa.
Paquito Badayos, sanaysay
Tinatawag din itong impersonal o siyentipiko. Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
Pormal
Ayon sa _____, ang _____ ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwang ng isang bagay, pook, o ideya.
UP Diksiyonaryong Piipino, paglalahad
Noon namang ika-14 na dantaon, nakilala si _____ ng Hapon na may katha ng "_____" o "_____."
Yushida Kenko, Tsurezuregusa, Mga Sanaysay sa Katamaran.
Ang _____ o ang pinakanilalaman ng akda ay kinakailangang maging mayaman sa kaisipan.
katawan
Ito ay hindi nagsasalaysay ng isang kuwento, Ito ay hindi rin naglalarawan ng isang bagay at hindi rin nagpapahayag ng isang paninindigan. Ito ay nagpapaliwanag lamang.
paglalahad
Ito ay isang pagpapaliwanag na obhetibo, walang pagkampi, at may sapat na detalye.
paglalahad
Madalas makita ang anyong ito sa pagtalakay sa karaniwan nating binabasa araw-araw gaya ng mga aklat, mga editorial sa diyaryo, mga artikulo sa magasin, at iba pa.
paglalahad
Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang katarungan ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa iba.
pangangatwiran
Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami.
pangangatwiran
Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan.
pangangatwiran
Sa pagsulat ng _____, tandaang ito dapat ay nakatatawag ng pansin o nakapupukaw ng damdamin ng mga mambabasa.
panimula/simula
Ang _____, kagaya ng isang debate, ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon.
posisyong papel
Ang layunin ng _____ ay mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan.
posisyong papel
Ang _____ ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
replektibong sanaysay
Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha.
replektibong sanaysay
Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
replektibong sanaysay
Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal at academic portfolio.
replektibong sanaysay
Ang _____, ayon kay _____, ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay.
replektibong sanaysay, Michael Stratford
Ang pangunahing katangian ng _____ ay ang pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling pananaw.
sanaysay
Ito ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang bagay o paksa.
sanaysay
Ang salitang _____ ay hango sa salitang Pranses na _____ na ang ibig sabihin ay "_____" o "_____."
sanaysay, essayer, sumubok, tangkilikin
Sa _____ ng sanaysay, karaniwang nababasa ang pangkalahatang impresyon ng may-akda. Maaaring ilahad sa bahaging ito ang buod o kongklusyon ng sumulat.
wakas
Sa pagsulat ng _____ o _____, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit.
wakas, kongklusyon