reviewer qtr 3
ARALIN 6: EDUKASYONG PANGKATAWAN
Ang ating kilos ay nakikilala minsan sa pamamagitan ng ating mga naririnig o nararamdaman. Ginagawa natin ang kilos habang sumasabay tayo sa tiyempo ng musika na maaaring iugnay sa pagkilos ng hayop na may mabagal at mabilis na galaw na posibleng pumunta saan mang direksiyon.
ARALIN 7: EDUKASYONG PANGKALUSUGAN
Ang ating pamilya, kakayahang pinansiyal, media, at mga kaibigan ay nakaiimpluwensiya sa pagpili natin ng mga produkto at serbisyong pangkalusugan. Maraming bagay na nakaapekto sa mamimili ng mga produkto at serbisyo. Pinipili natin ang mga ito batay sa mga napapanood na patalastas o sariling kagustuhan.
ARALIN 8: Pagtukoy sa Layunin ng Manunulat sa Pagsulat ng Isang Teksto o Babasahin
Ang bawat manunulat ay may nais na ipahayag o iparating sa pagsulat ng isang teksto o babasahin. Ang mga sumusunod ang maaaring layunin ng may-akda o manunulat; magbigay ng impormasyon. manghikayat manlibang
ARALIN 2: Kalugod-lugod Ang Pagsunod
Ang mabuting kaugalian ng mga Pilipino tulad ng pagsunod sa tamang tagubilin o paalaala ng mga nakatatanda ay hindi natin dapat kalimutan. Atin itong isabuhay at pahalagahan. Isa sa maipagmamalaki natin bilang Pilipino ay ang pagiging masunurin. Ang pagsunod natin sa kanila ay tanda ng paggalang sa mga nakatatanda. Subalit may mga pagkakataong labag sa atin ang pagsunod o ayaw nating sundin ang kanilang utos. Ngunit hindi tayo dapat magdabog sa halip sabihin natin ang tamang dahilan nang maayos.
ARALIN 8: EDUKASYONG PANGKALUSUGAN
Ang matalinong mamimili ay nagpaplano ng mga bibilhin. Maging mahusay na mamimili. Piliing mabuti ang mga produkto at serbisyong pangkalusugan. Mahalaga ang pamimiling pangkalusugan. Kailangan natin magdesisyon nang tama sa mga uri ng pagkain at bagay na ating bibilhin dahil maaring makaapekto ang mga ito sa ating kalusugan.
ARALIN 5: Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran sa Pamayanan
Ang mga tuntunin o batas ay mga utos o mga patakaran ng ating pamayanan na pinag-isipan at pinagkasunduan ng mga namamahala sa ating pamayanan. Layunin nilang mapaunlad at maisaayos ang ating pamayanan. Makatutulong tayo sa pamayanan kung susunod tayo sa mga tuntunin na kanilang ipinatutupad para sa kabutihan ng lahat.
ARALIN 1: Pagsulat ng Reaksiyon at mga Pansariling Opinyon Tungkol sa mga Balita at mga Isyu.
Ang pagbibigay ng reaksiyon ay isang madamdamin at pangkaisipang pagpapahayag ayon sa isang isyu o usapin. Ito ay naaayon sa iyong personal na isipan, damdamin at karanasan.
ARALIN 7: Ako'y Laging Handa
Ang pagiging handa sa panahon ng sakuna o kalamidad ay makatutulong upang tayo'y maging ligtas. Isa rin itong paraan ng pagtulong sa sarili, sa pamahalaan at sa bansa. Ang pagtuturo sa komunidad kung paano ang dapat gawin sa panahon ng sakuna ay makatutulong nang malaki para sa ligtas na pamumuhay. Ang pagiging kalmado sa oras ng sakuna ay makakatulong din upang alam natin kung saan tayo tutungo sa panahon ng kalamidad. Laging handa, iyan ang dapat nating isaisip, isapuso at isagawa upang hindi tayo mapahamak.
ARALIN 3: Ugaling Pilipino Ang Pagsunod sa Tuntunin
Ang pamilya ay ang pinakamaliit na yunit sa lipunan. Ang pagsunod sa mga tuntunin at itinakda sa tahanan ay pagpapakita ng respeto sa pamilya. Kailangan ng pagkakaisa. Ang mga tuntunin o pamantayan ay mga tagubilin na ipinatutupad sa loob ng tahanan ay dapat alam ng bawat kasapi ng pamilya. Naipakikita ito sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga gawain na may kasiyahan. Masasabing ang mga kasapi ay may pagbubuklodbuklod kapag ang bawat miyembro ay ginagampanan ang iniatang na gawain. Mahalaga ang pagtutulungan, pagkakaisa at pagkakaunawaan upang masunod ang itinakdang tuntunin sa loob ng tahanan.
kapirasong tela na ginagamit pang-ibaba
Bahag
pang-itaas na may mahabang manggas
Baro
Sa bahaging ito ipinahahayag ang magalang na pamamaalam ng sumulat. Nagtatapos ito sa kuwit at kadalasang makikita sa bahaging kanan ng liham sa ibabang bahagi bago ang lagda.
Bating Pangwakas
Ang tawag sa maikling panimula patungo sa katawan ng liham. Dito binabati ng may akda ang tatanggap ng liham
Bating Panimula
Ang mga lungsod na malapit sa dagat tulad ng _______________ (CAMANAVA) Taguig, Bayan ng Pateros, at iba pa ay pangingisda ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Kapag masama ang panahon o maulan naaapektuhan ang kanilang panghuhuli ng isda.
Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela
ay isang tanyag na piyanista.Binasagan siyang "piyanista ng isang piyanista" ng The New Yorker,ang kanyang kasiningan ay pinaghalong likas na musikero at mahusay na pagsasanay.Kilala siya sa Musikang Klasikal
Cecile Licad
Ito ay simbolo ng pagbibigay-pugay sa mga Mandalenyo, kilala man o hindi, na naging bayani para sa kalayaan ng Mandaluyong.
DAMBANA NG MGA ALA-ALA
Matatagpuan sa Kalye ng General Kalentong. Ito ay dating tinatawag na "San Carlos Seminary" Ito ay nagsilbing headquarter ng mga sundalong Hapon noong World War II.
DON BOSCO TECHNICAL COLLEGE:
Ito ay matatagpuan sa sangandaan ng EDSA at Ortigas Avenue. Itinayo bilang pagkilala sa isang "Bloodless Revolution" na gawa ng mga Pilipino laban sa isang diktador. Ito ay sentro ng mapayapang pag-aaklas upang ibalik ang demokrasya at karapatan ng bawat Pilipino. Ang nasabing Rebolusyon ay naganap noong Pebrero 22-25, 1986.
EDSA Shrine:
dito nababasa ang mga opinyon, pananaw at kuro-kuro ng patnugot hinggil sa napapanahong isyu.
Editoryal o Pangulong Tudling
ay isang makabagong eskultor na lumililok sa metal.Siya ay ipinanganak sa Santa Ana,Maynila.Siya ay isang Cultural Heritage Awardee.Isa ring artist at designer ng alahas.Ginawa niya ang malaking estatwa ni Kristo kasama ang kaniyang mga apostol sa Huling Hapunan sa Loyola Memorial Park sa Lungsod ng Marikina
Eduardo Castrillo
Kulturang di-Materyal
Edukasyon Natutong sumulat at bumasa ang ating mga ninuno bunga ng kanilang karanasan at pagmamasid sa kalikasan. Sa tahanan, ang mga babae ay tinuturuan ng mga ina ng gawaing pantahanan tulad ng pagluluto, paglalaba, at pag-aalaga ng bata. Ang mga lalaki naman ay tinuturuan ng kanilang ama sa mga gawaing kailangan sa pang- araw-araw na pamumuhay tulad ng pangangaso at pangingisda. Ang kalalakihan at kababaihan ay nagtutulungan sa pagbubungkal ng lupa, pagtatanim, at pag-aani sa mga lupang sakahan.
higit nakilala bilang si Ka Freddie Aguilar.Siya ay tinatawag na makabansang mang-aawit.Kilala siya sa pag-awit ng "Bayan Ko" na naging awit ng Rehimeng Marcos noong Rebolusyon ng EDSA noong 1986.Iniwan ni Freddie Aguilar ang kanyang mga magulang at ang kanyang pag-aaral noong siya ay 18 na taong gulang.Dahil dito nilikha niya ang kantang "Anak".
Ferdinand Pascual Aguilar
ang pinakamahalagang alagad ng sining sa ating bansa. Siya ay ipinanganak sa Paco, Maynila. Siya ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Dahil sa mga gawa at gawain ng kaniyang malikhaing mga kamay, sa tulong ng lapis at pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa pagpipinta. Siya ay kinilala na "Ang Maestro" at Grand Old Man".
Fernando Amorsolo
ang tawag sa pag-aaral tungkol sa kinalalagyan o kinaroroonan ng isang lugar maging ang pamumuhay ng mga tao at iba pang katangian nito.
Heograpiya
ay isang manunulat at arkitekto "Father of Philippine Landscape" na isinilang sa Baritan, Malabon. Siya ay kilalalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng mga Amerikano. Kahanga-hanga ang kanyang mga tula dahil sa mga pananalita na ginamit niya. Ang kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puno ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula ay ang sumusunod Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda.
Ildefonso P. Santos Jr.
Ito ay nakalilikha ng tunog na gaya ng huni ng umaawit na ibon at iba pang himig mula sa trumpeta, baritone at iba pang kasangkapang pang-musika. Ang taunang International Bamboo Festival ay ipinagdiriwang sa Lungsod ng Las Piñas.
International Bamboo Festival
Ako at Ikaw, Saan nga ba Nagkaiba?
Ipinagpatuloy ni Gng. Funtinilla ang pagtalakay sa Rehiyon V bilang bahagi ng kanilang aralin. Ang mga Bicolano ay magalang, matatag, at masipag tulad ng mga Tagalog sa Pambansang Punong Rehiyon na maka-Diyos, at matulungin. Mayroon din silang pagbabayanihan, pakikisama, pagtanaw ng utang na loob. at mabuting pagtanggap sa mga bisita. Masayahin din sila tulad ng mga Tagalog. Kung kaya't nahahawig ang kaugalian dito. Maging sa paniniwala at tradisyon ay nagkakapareho sila. Naniniwala rin ang mga Bicolano sa pamahiin at mga kasabihan. Ilan sa mga tradisyon na mayroon sila ang Pasko, Piyesta, at Bagong Taon. Ang "pagmamano o mano" at paggamit ng "po at opo" ay pagpapakita ng paggalang sa nakatatanda. Pagkatapos ng talakayan ay nag-iwan ng pangkatang gawain si Gng. Funtinilla. Lumapit ang mga kamag-aral nila kay Bea at kinausap siya upang maging kaibigan nila. Ayon kay Gng. Funtinilla, mahalagang malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga rehiyon. Nagkakatulad at nagkakaiba man ng kaugalian, paniniwala, at tradisyon, nagkakaisa naman sila sa pagpapanatili nito.
ARALIN 1: Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin
Isa sa kaugaliang Pilipino na dapat nating mahalin at panatilihin ay ang pagmamano, paggamit ng "po" at "opo" at paggamit ng iba pang magagalang na pananalita. Ang paggamit ng "po" at "opo" at iba pang magagalang na pananalita tulad ng pagtawag ng ate, kuya diko, ditse, manong, manang at iba pa sa ating nakatatandang kapatid ay likas din sa ating mga Pilipino. Wala itong katumbas na salita sa ibang wika. Mahalaga sa ating mga Pilipino ang paggalang sa kapuwa. Bawat tao ay dapat nating igalang anoman ang katayuan nila sa buhay. Iba't iba ang paraan ng pagpapakita ng paggalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Ang pagmamano ay isang pagpapakita ng paggalang na tanging sa mga Pilipino lamang natin makikita. Dapat natin itong panatilihin at huwag iwaksi sa ating buhay. Ang pagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino gaya ng mga nabanggit ay sadyang napakasarap pakinggan at nagpapakita ng respeto sa bawat isa.
ARALIN 3: Paglilimbag
Isang gawaing pansining ang paglilimbag na ginagawa sa pamamagitan ng pag-iiwan ng bakat ng isang kinulayang bagay. Maraming bagay ang matatagpuan sa ating paligid tulad ng sanga, balat ng kahoy, dahon, bato, balahibo ng hayop, at iba pa na maaaring gamitin upang makalikha ng di karaniwang disenyo sa paglilimbag.
Itinatag sa pangunguna ni Congressman Neptali Gonzales. Ito ay sentro ng kultura at turismo ng lungsod. Dito rin matatagpuan ang SilidAklatan ng Lungsod, ang kauna-unahang Congressional Library of the Philippines. Sa harapan ng gusali ay makikita ang bantayog ni Neptali Gonzales Sr., naging pangulo ng Senado ng Pilipinas.
KABAN NG HIYAS
pang-itaas na damit na walang kuwelyo at manggas
Kangan
Kulturang Materyal
Kasangkapan Bago pa man dumating ang mga dayuhang Espanyol sa Pilipinas, may iba't ibang uri ng kagamitang gawa ang ating mga ninuno para sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Natuklasan ito sa mga yungib na ginawa nilang panirahan at sa loob ng mga banga. Inukit, hinasa, pinakinis, at nililok nila ang mga kasangkapan ayon sa kagamitang nais nilang mabuo. Ito ay isang katangian ng pagiging malikhain.Sa kasalukuyan, nakikita ang ating kultura sa mga disenyo ng ating kasangkapan iba't iba man ang uri ng materyal nito.
Kulturang Materyal
Kasuotan Katangi-tangi rin ang pananamit ng ating mga ninuno noon. Nagkakaiba-iba sila ayon sa kanilang pinagmulan at pag-aangkop sa klima ng kapaligiran. Para sa mga kalalakihan: Kangan Bahag Putong Para sa mga kababaihan: Baro Saya Patadyong
Sa bahaging ito nakasulat ang mga nais iparating ng may-akda ng liham sa nais niyang padalhan nito.
Katawan ng liham
Kulturang di-Materyal
Kaugalian Maraming kaugalian ang ating mga ninuno. Halimbawa, bago mag-asawa ang lalaki ay naninilbihan sa pamilya ng babaeng ibig niyang pakasalan. Siya ay umiigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy, at tumutulong sa pagbubungkal ng lupa.
ang tawag sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar sa loob ng mahabang panahon.
Klima
Ito ay ang kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng komunidad o lipunan. Ito ang kabuuan ng mga paraan kung paano ginagawa ng isang pangkat ng mga tao ang mga bagaybagay upang mabuhay. Ito ay maaaring makita sa kanilang wika, panitikan, paniniwala o relihiyon, kaugalian, tradisyon, pagkain at sining tulad ng musika at sayaw. Maaari din itong makita sa kanilang mga batas, kaalaman at moralidad.
Kultura
ito ay tumutukoy sa kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng isang lipunan o komunidad. Ito ay may dalawang uri, ang material na kultura at di-materyal na kultura.
Kultura
Dalawang Uri ng Kultura
Kulturang Materyal Kulturang Di-Materyal
Sa bahaging ito nakasaad ang pangalan ng nagpadala ng liham. Maaaring may lagda sa ibabaw ng pangalan.
Lagda
a. Tumayo na ang kamay ay nakalagay sa baywang, ang agwat ng mga paa ay katapat ng mga balikat. b. Ibaluktot ang baywang sa gilid kasabay ng kanang kamay pakaliwa (magbilang hanggang walo) c. Bumalik sa patayong posisyon. d. Ibaluktot muli ang baywang sa gilid kasabay ng kaliwang kamay pakanan naman (magbilang muli hanggang walo) e. Bumalik sa patayong posisyon.
Lateral trunk Flexion
nagpapahayag ito ng mga espesyal na artikulo tungkol sa isang tao, lugar o bagay na nais ilathala na kawili-wili sa mga mambabasa
Lathalain
naglalaman ng artikulo tungkol sa talaan ng pelikula at iba pang libangan
Libangan
ay naging unang Filipina prima ballerina, at unang foreign soloist na sumali sa Kirov Ballet. Siya ang directress ng Ballet Manila School-isang sentro ng pagsasanay para sa ballet propesyonal na steeped sa Russian Vaganova method.
Lisa Teresita Pacheco Macuja-Elizalde
ARALIN 6: Nakilala Kami sa Aming Kultura
Marahil, maitatanong natin kung bakit mahalaga na alamin natin ang ating kultura. Naranasan mo na bang matanong kung taga-saang lugar ka? O di kaya narinig mo na ba ang iyong mga magulang na tinatanong kung, "Tagasaan sila?" Narinig mo rin ba ang mga nagsasabi, "Ah, siya ba si Nene, iyong taga-Navotas?" Ang mga tanong na ito ay nagpapakita lamang na mahalagang malaman kung anong kultura ang lugar na pinanggalingan ng bawat isa.
ARALIN 4: Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran sa Paaralan
May mga alituntunin ang paaralan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan na dapat sundin ng isang batang tulad mo. Mahalaga ang gampanin ng mga guro, bata, at sa lahat ng nangangasiwa sa isang paaralan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan.
ARALIN 6: Kaya Nating Sumunod
May mga alituntunin at mga batas na dapat nating sundin para sa kaligtasan ng bawat isa. Ang pagsunod nang kusa sa mga batas pantrapiko ay nagpapakita ng displina at pagiging responsableng mamamayan. Mahalagang sumunod sa mga batas pantrapiko upang makaiwas sa mga sakuna at aksidente.
ay tahanan din ito ng mga makasaysayang lugar at magandang pasyalan at mga industriya at pagawaan ng mga produkto.
NCR
Ako at Ikaw, Saan nga ba Nagkaiba?
Nang dumating ang kanilang guro na si Gng Funtinilla. "Magandang umaga po, Gng. Funtinilla!" ang bati ng mga mag-aaral. "Magandang umaga rin naman, halina kayo sa ating silid-aralan." Pumasok na rin ang mga mag-aaral sa silid-aralan. Ipinakilala ni Gng. Funtinilla ang bagong magaaral sa kanilang klase. Siya ay nagmula sa Rehiyon V o Bicol Region. Tinawag niya si Bea upang magpakilala at magbigay ng impormasyon tungkol sa sarili. Nalaman nila na Bicolano ang kaniyang diyalekto. Nagdaraos din ng mga piyesta sa kanilang rehiyon. Isa sa mga piyesta na dinarayo ng ibang lalawigan, ang "Our Lady of Peñafrancia," isang pagdiriwang na ginaganap sa loob ng siyam na araw tuwing buwan ng Setyembre sa Naga City. Mahilig sila sa pagkaing may gata at maaanghang. Ang produkto ng kanilang bayan ay masarap na pili.
naglalaman ng takbo ng hanapbuhay, ekonomiya at negosyo sa bansa.
Negosyo
naglalaman ng mga pangalan ng namatay na tao.
Obituwaryo
Lokasyon: A.Bonifacio, Itaas Hagdang Bato. Isang patunay at magandang halimbawa na ang Mandaluyong ay may mahalagang bahagi sa KKK ni Andres Bonifacio. Kasama ni Andres Bonifacio sa paghihimagsik sa mga Kastila noong Agosto 29,1898 ang dalawang katutubong Mandaluyong na kasapi ng KKK ay sina: Laureano Gonzales at Vicente Leyva (General Kalentong)
PLAZA NG TATLONG BAYANI
Mga Makaysayang Lugar o Bantayog sa Mandaluyong
PLAZA NG TATLONG BAYANI KABAN NG HIYAS DON BOSCO TECHNICAL COLLEGE EDSA Shrine SAN FELIPE NERI CHURCH Silid-Aklatan ng Lungsod SHAW BOULEVARD DAMBANA NG MGA ALA-ALA
ay nakilala sa larangan ng sining.Siya ay kinilala sa abstakto at sa sariling taktikang pampagpipinta na tinawag na "trapunto" o salitang Italyano na "quilting". Ginamit niya ang kanyang talent upang isulong ang mga political na kwento ng mga Filipina,at ang mga kalagayang panlipunan.Siya ang kauna-unahang babeng napasama sa "Ten Outstanding Young Men" (TOYM) noong 1984.
Pacita Abad
a. Tumayo na ang kamay ay nakalagay sa baywang. ang agwat ng mga paa ay katapat ng mga balikat. b. Ibaluktot ang katawan sa unahan (magbilang hanggang walo) c. Bumalik s a patayong posisyon. d. Ibaluktot muli ang katawan palikod naman ( magbilang 37 hanggang walo) e. Bumalik sa patayong posisyon.
Pagbaluktot paharap at palikod
Dahil hindi pa marunong magtanim ang mga ninunong Pilipino noong unang yugto ng prehistorikong panahon nanggagaling lamang sa dagat, ilog, at mga punongkahoy sa kagubatan ang kanilang pagkain. Sa pakikipag-ugnayan sa ibang pangkat ng tao sa lalawigan ay natuto silang magsaka kung kaya't naidagdag sa kanilang pagkain ang kanin at mga lamang ugat. Niluluto nila ang kanilang pagkain sa palayok o sa bumbong ng kawayan. Nakakamay sila kung kumain sa dahon o sa bao ng niyog. Umiinom sila sa pinakinis na bao o biyas ng kawayan.
Pagkain
(Backward Arm circle) a. Tumayo nang tuwid na ang ayos ng mga paa ay katapat ng balikat at nakataas ang mga braso sa tagiliran. b. Dahan-dahang iikot ang braso palikod. c. Magsimula sa maliit na ikot hanggang papalaking ikot. (magbilang hanggang walo habang nagpapaikot)
Pagpapaikot ng braso palikod
Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon, patalastas at kadalasang nakaimprenta at mabibili sa mababang halaga.
Pahayagan o Diyaryo
dito mababasa ang mga balita at iskedyul tungkol sa laro at kung sino ang maglalaro
Palakasan
Kulturang di-Materyal
Pamahalaan Noon pa man ay may kaalaman na sa pamamahala ang ating mga ninuno. Balangay ang tawag sa kanilang pamayanan. Binubuo ito ng tatlumpu hanggang isangdaang pamilya. Datu ang tawag sa pinuno na tinutulungan ng pangkat ng mga matatanda na tinatawag na Maginoo. Sila ang nagbibigay payo sa datu. Ang datu ang nagpapatupad ng mga itinakdang batas. Bagama't ang sistema ng pamamahala sa kasalukuyan ay sumusunod sa batas na itinakda ng ating bansa, may ilang bahagi ng kultura ng ating mga ninuno ang umiiral pa rin. Halimbawa, ang mga tao ay naghahain ng reklamo at nilulutas ang hindi pagkakaunawaan sa kanilang Barangay Hall. Ang kapitan ang siyang namamagitan sa dalawang panig.
Kulturang di-Materyal
Pamahiin Karamihan sa atin ay naniniwala sa mga pamahiin superstitious beliefs. Halos lahat ng mga okasyon sa ating buhay ay may mga pamahiin na pinaniniwalaan ng mga nakatatanda. May mga taong nagsasabing wala naman tayong napapala sa pagsunod nito sa kadahilanang ito ay hindi nakabatay sa katuwiran o kaalaman tulad ng baligtarin ang kasuotan kapag naliligaw sa kagubatan dahil maaari raw pinaglalaruan ng mga engkanto, iwasan ang pagputol sa mga punong pinaniniwalaang tinitirhan ng mga engkanto dahil babalikan ka nito.
Nagkaroon ng paligsahan sa pagsayaw na gamit ang pamaypay sa pagdiriwang na ito. Ipinapakita rito ang iba't ibang uri ng pamaypay na may iba't ibang hugis at kulay na siyang sumisimbolo sa makulay na kasaysayan at mayamang tradisyon ng mga taga-Caloocan sa paggamit ng pamaypay sa iba't ibang paraan
Pamaypay Festival.
Ito ay bahagi na naglalahad ng pinagmulan o tirahan ng sumulat at petsa kung kailan ito isinulat.
Pamuhatan
limang bahagi ang liham
Pamuhatan Bating Panimula Katawan ng liham Bating Pangwakas Lagda
ang kilos ay hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang. Halimbawa: maglalaba , kakain , maglalakad
Pandiwang Panghinaharap
-ang kilos ay ginagawa o ginaganap sa kasalukuyan Halimbawa: naglalakad , kumakain , naglalaba
Pandiwang Pangkasalukuyan
ang kilos ay nagawa na o naganap na. Halimbawa: naglakad , kumain , naglaba ,tumakbo
Pandiwang Pangnagdaan
Ang Pandiwa ay mga salitang kilos sa pangungusap.Ito ay may tatlong panahunan:
Pandiwang Pangnagdaan Pandiwang Pangkasalukuyan Pandiwang Panghinaharap
Ang kilos ay gagawin pa lang. Halimbawa: Kakain, sasayaw, magluluto
Panghinaharap
ay nagpapakita ng kilos na hindi pa nagaganap o nangyayari. Ang mga salitang sa susunod na araw, taon, buwan, at bukas ay nagpapahayag ng panghinaharap na aspekto ng pandiwa. Halimbawa: - Sasama kami sa kampanya ng paglilinis sa aming barangay sa susunod na araw. - Bibili kami ng mga walis at pandakot bukas. - Sa isang linggo, magkakaroon na tayo ng malinis na barangay.
Panghinaharap o magaganap
Ang kilos ay kasalukuyang ginagawa Halimbawa: Kumakain, sumasayaw, nagluluto
Pangkasalukuyan
kapag ang kilos ay nangyayari o ginagawa pa lamang. May mga salitang pampanahong nagbibigay hudyat tulad ng: ngayon, araw-araw, lagi, tuwing at iba pa. Halimbawa: - Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre. - Araw-araw na nagdadasal si Lito ng pasasalamat sa Panginoong Diyos. - Palaging tumutulong ang mga Pilipino sa isa't isa tuwing may kalamidad.
Pangkasalukuyan o nagaganap
Kung saan ang kilos ay nagawa na. Halimbawa: kumain, sumayaw, nagluto
Pangnagdaan
Ito ay may tatlong aspekto ng pandiwa:
Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap
kapag ang kilos ay nangyari o natapos na. May mga salitang pampanahong nagbibigay hudyat para sa aspektong naganap tulad ng: noon, kahapon, kanina, noong isang linggo at iba pa. Halimbawa: - Nagluto kami ng aming pagkain kaninang umaga. - Nagtakip ng tainga si Ryan dahil sa malakas na tunog. - Ang mga bata ay naglaro sa kanilang bakuran kahapon. Halimbawa: - Nagluto kami ng aming pagkain kaninang umaga. - Nagtakip ng tainga si Ryan dahil sa malakas na tunog. - Ang mga bata ay naglaro sa kanilang bakuran kahapon.
Pangnagdaan o naganap
ito ay naglalaman ng pangunahin at pinakamalaking balita sa bansa.
Pangunahing Balita
Mga Bahagi ng Pahayagan o Diyaryo
Pangunahing Balita Editoryal o Pangulong Tudling Anunsiyo Klasipikado Palakasan Obituwaryo Lathalain Negosyo Libangan
Kulturang di-Materyal
Paniniwala at Relihiyon Bathala ang tawag sa itinuturing na Panginoon ng ating mga ninuno. Itinuturing nila itong pinakamakapangyarihan sa lahat. Naniniwala silang may lugar na pinupuntahan ang mga kaluluwa kapag namatay na ang mga tao. Naniniwala din sila sa kapangyarihan ng iba't ibang espirituwal na tagabantay tulad ng diyos, diwata, at anito. Ang mga ito ay kaisa ng kalikasan kaya't sinasamba, pinapahalagahan, at pinapangalagaan nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagsamba sa imahe na yari sa kahoy, bato, o ginto. Dinadasalan at inaalayan pa nila ang mga ito ng pagkain.
ang tawag ng mga Bisaya rito.
Patadyong
Katulad ng Pista ng Itim na Nazareno, Ipinapakita ng bawat deboto ang mga paraan ng kanilang pananampalataya at pananalig sa Diyos. Pagmasdan ang mga paraan ng pananampalataya at pananalig ng mga deboto sa mga nabanggit na pagdiriwang.
Pista ng Itim na Nazareno.
Sa Lungsod ng San Juan, na karatig-lungsod ng Maynila ay may pagdiriwang din, ito ay ang pagdiriwang ng Pista ni San Juan Bautista
Pista ng San Juan
kapirasong tela na iniikot sa ulo
Putong
ay isang matandang simbahan sa lungsod na siya ring unang pangalan na ibinigay ng mga prayle sa ating lungsod. Ito ay tinatawag ding "Bayan" o sentrong Mandaluyong. Naging saksi ito sa madugong sagupaan ng mga Pilipino at Kastila
SAN FELIPE NERI CHURCH
Ito ay tinawag dati na Jose Rizal Boulevard at hango sa pangalan ng isang Amerikanong si William James Shaw na siyang nagtatag ng Wack Wack Golf & Country Club.
SHAW BOULEVARD
ARALIN 7: Mga Pangkat ng Tao sa Lungsod at Bayan sa Rehiyon, Igagalang Ko
Sa araling ito marapat na palalimin pa ang pagkakaunawa sa mga pangkat na kabilang sa sariling lungsod o bayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagpahahalaga sa pagkakaiba-iba ng bawat pangkat sa isa't isa.
kapirasong tela o tapis na iniikot sa baywang.
Saya
ay isa ring mahusay na manunulat na tubong Sta. Cruz, Maynila. Siya ay kilala sa pangalang Lola Basyang. Ang ilan sa mga isinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila, RIP, Ang Kalupi, Mga Kuwento ni Lola Basyang at iba pa. Ang RIP ay isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa pagkamatay nito.Siya ay tinaguriang "Ama ng Sarswelang Tagalog"
Severino Reyes
na isang guro ang naging tanyag sa ginawa niyang pag-aaral sa katutubong sayaw.Siya ay kinilala bilang Mother of Philippine Folkdancing. Masusi niyang pinag-aralan ang katutubong sayaw ng iba't-ibang lugar ng bansa,sinulat niya ang lahat ng hakbang na hindi niya binago ang orihinal na galaw nito.Natapos niyang sulatin ang kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang hakbang nito.
Si Francisca Reyes Aquino
ay matatagpuan sa gusali ng Kaban ng Hiyas. Ito ang kauna-unahang Congressional Library of the Philippines.
Silid-Aklatan ng Lungsod
Kulturang di-Materyal
Sining at Agham Makikita ang mga nakaukit at nakalilok sa bubong at ibang bahagi ng bahay ng ating mga ninuno. Ibaiba rin ang disenyo at hugis ng kanilang mga kagamitan gaya ng krus, bulaklak, tatsulok, at iba pa. Ang pagkahilig nila sa sining ay ipinapakita rin sa mga tattoo nila sa katawan. Ito ay patunay na nakaka-angat sa buhay ang ating mga ninuno.
ay isang uri ng Teknik sa printmaking. Ito ay isang disenyo na kung saan ginugupit o tinatanggal ang gitnang bahagi ng letra ng iyong ginawa o larawan na inyong ginuhit.
Stenciling
Walang naging tiyak na tirahan ang ating mga ninuno kaya sila ay tinawag na nomadiko. Kung saan may pagkain silang makukuha doon sila namamalagi ng pansamantala. Batay sa mga pagsasaliksik ng mga magaaral o dalubhasa sa pinagmulan ng tao, nanirahan muna sila sa loob ng kuweba. Sa paglipas ng panahon, natuto silang gumawa ng isang palapag na bahay na yari sa pawid, kahoy, kawayan, sawali, at kugon. Ang sahig ay yari sa kawayan at nakaangat sa lupa. Ang silong ng bahay ay imbakan ng mga panggatong, kagamitan sa pagsasaka, at kulungan ng mga alagang hayop. Ang batalan naman ang bahagi ng bahay na pinaglalagyan ng tapayan ng tubig.
Tahanan
Ang Mandaluyong ay nasa gitna ng Metropolitan Manila at tinatawag na "_________________" sapagkat napapagitnaan ito ng Lungsod Quezon, Maynila at Pasig.
The Heart of the Golden Triangle
tumutukoy sa uri ng tinig ng tao at instrumentong pangmusika.
Timbre
Kulturang di-Materyal
Wika Mahigit 100 wika at diyalekto ang salita ng ating mga ninuno. Ang walong pangunahing wika ay Iloko, Pangasinan, Kapampangan, Tagalog, Bikolano, Hiligaynon, Sinugbuanong Binisaya, at Waray.
Samantalang ang __________ naman ay mga bagay na hindi nahahawakan at hindi rin nakikita.
ang di-materyal na kultura
ay ang paghina at paglakas ng tunog. Nagbibigay buhay ito sa awit, tula, chant, drama o kuwentong musika. Nagbibigay daan din ito upang mas maipahayag natin ang ating damdamin sa pag-awit.
dynamics
ay isang paraan ng paglilimbag ng mga disenyo gamit ang tatak ng mga daliri sa kamay. Sa pagdiin lamang ng mga daliri, marami at may ibaibang laki, kulay at disenyo ang magagawa
finger printing
ay isang hula o palagay na walang kasigarudahan at di-tiyak ang isang pangyayari. Ito ay tinatawag na guess, infer o inference sa wikang Ingles. Halimbawa: Magkakaroon ng bonggang selebrasyon ang Pamilya Gracias. Ikaw ay magiging magaling na abogado sa edad na 30.
hinuha
tagapag-ingat ng kayamanan, salapi
ingat-yaman
Ginagamit sa pangngalang tiyak o pantangi.
laban kay, ayon kay, para kay, tungkol kay
Ginagamit sa pangngalang di-tiyak o pambalana.
laban sa, ayon sa, para sa, tungkol sa
Dalawang Uri ng Pang-ukol
laban sa, ayon sa, para sa, tungkol sa laban kay, ayon kay, para kay, tungkol kay
ang pang araw-araw na kalagayan ng papawirin, kasama na ang ulap, hangin, at temperatura sa isang lugar.
lagay ng panahon o weather
ay isang mensahe o pahayag na naglalaman ng balita, impormasyon, nararamdaman ng nagpadala para sa inaasahang tatanggap nito na nasa ibang lugar.
liham o sulat
Ang lugar ay bulubundukin at tinatayang natatamnan noon ng mga punong "_______", na naging isang basehan sa pagbibigay ng pangalan sa lugar.
luyong
pusong-mamon
maawain
Layunin ng manunulat na magbigay ng kaalaman sa mga mambabasa. Ang mga tekstong nagbibigay ng impormasyon ay naglalaman ng tiyak at totoong pangyayari. Halimbawa: mga balita sa pahayagan, tala ng kasaysayan at talambuhay
magbigay ng impormasyon.
anak-pawis
mahirap
Layunin ng manunulat na hikayatin o mapaniwala ang mga mambabasa tungkol sa isang opinyon o paniniwala. Halimbawa: editorial, talumpati, at patalastas
manghikayat
Layunin ng manunulat na libangin o bigyan ng kasiyahan ang mga mambabasa. Halimbawa: kuwentong pambata, alamat, tugma at komiks.
manlibang
ay isang sining na ginagamitan ng tubig na may hinalong pintura sa paggawa ng disenyo at inilimbag sa papel o tela.
marbling
Maraming pamamaraan ang paglilimbag o printmaking tulad ng
marbling at finger printing
patay-gutom
matakaw
Kung susuriin ang mga _________ ay mga bagay na ating nahahawakan at nakikita.
materyal na kultura
taingang-kawali
nagbibingi-bingihan
Walang naging tiyak na tirahan ang ating mga ninuno kaya sila ay tinawag na
nomadiko
ay mga kilos na nakapagpapahusay sa kalambutan ng ating katawan. Maiiwasan ang sakuna kung maisasagawa ito nang wasto. Ang taong may malambot na pangangatawan ay nakagagawa ng mga bagay na nakaiiwas sa sakuna at makatitiyak na may wastong tikas ng ating katawan.
pagbaluktot at pag-unat
ay isang kasanayan na ibinibigay ang diwa o konsepto sa napakinggan sa pamamagitan ng sariling pangungusap. Halimbawa: Ang paksa ay tungkol sa mabisang paraan ng paggagamot. Dapat na dito lamang umikot ang diwa. Nararapat na maiksi, diretso ngunit malinaw ang diwa.
pagbibigay ng sariling ideya
ay isang kasanayan din na nagbibigay ng sariling saloobin o pananaw tungkol sa isang paksa o isyu. Ang pagbibigay ng opinyon o reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o pagsalungat sa isyung napakinggan. Halimbawa: Isyu: Iniutos ng Pangulo na dapat masusing pag-aralan ng mga doktor at eksperto sa kalusugan ang bakunang natuklasan bago ito gamitin laban sa pandemyang Covid-19. Reaksiyon: Sang-ayon po ako sa sinabi ng ating Pangulo sapagkat ito'y para sa kaligtasan nating mga Pilipino.
pagpapahayag ng opinyon o reaksiyon
Ang pagsasabi ng ______ ay ang pagtukoy sa kung ano ang pinag-uusapan sa teksto o talata.
paksa
ay bahagi ng pananalita na naglalarawan ng pang-uri,kapwa pang-abay at pandiwa.
pang-abay
ay naglalarawan kung paano isinagawa ang kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na paano.
pang-abay na pamamaraan
ay mga salita, kataga, o pariralang nagsasaad ng kaugnayan sa iba pang bahagi ng pangungusap.
pang-ukol o preposition
ay isang uri ng graph na gumagamit ng larawan o simbolo upang makapaglahad ng impormasyon o datos. Sa halip na mga salita lamang ang isinusulat upang maipakita ang mga impormasyon ang pictograph ay ginagamit upang mas madaling malaman ng mambabasa ang datos o detalye
pictograph
ay salitang nagpapakitang kilos o galaw.
salitang kilos/pandiwa
Ang mga dahilan at epekto sa isang pangyayari ay tinatawag na
sanhi at bunga.
balat-sibuyas
sensitibo o madaling masaktan
silid na pinagkakainan
silid-kainan
kapag umaawit naman
singing voice
Nakikilala ang mga ito ayon sa timbre. Ang ating tinig ang isa sa pangunahing pinanggagalingan ng tunog. Nakikilala ito ayon sa dalawang uri.
speaking voice singing voice
Ang tinig na ginagamit natin sa pagsasalita ay ang ating
speaking voice,
ay maaaring gamitin ng ilang beses. Maging maingat lang sa pag-alis o pagtanggal ng iyong design upang mgamit pa ito sa susunod. Maaari din itong ibahagi o ipahiram sa iyog kaklase o kaibigan. Sa paggawa ng slogan o logo, kailangan mo rin ikonsidera ang mga simbolo na naaayon o angkop sa inyong tema na sa pamamagitan ng logo o slogan na ito, maaaring magbigay ng mensahe sa nakakakita nito. Mahalaga din ang kulay para mas lalong maging masigla at kaakit-akit tignan ang slogan o logo.
stencil designs
Karamihan sa atin ay naniniwala sa mga pamahiin o _______
superstitious beliefs.
pagtaas at pagbaba nang paulit-ulit
taas-baba
tabi ng ilog
tabing-ilog
ang umiikot na ideya na makikita sa kabuoan ng kuwento Ito rin ang nagbibigay ng aral sa mga mambabasa.
tema
tubig na maalat
tubig-alat
ARALIN 7 - Pagbibigay ng Iba Pang Pamagat sa mga Akdang Pampanitikan o Tekstong Nagbibigay ng Kaalaman
✓ Mahalaga na ang isang mambabasa o manunulat ay matutong pumili ng isang mahusay at angkop na pamagat upang ito ay pang-akit ng babasahin. ✓ Kailangan basahin at unawain mabuti ang kabuuan ng talata bago magbigay ng pamagat. ✓ Dapat na ang pamagat ay mahalagang malikhain subalit hindi nito dapat iligaw ang mga mambabasa.
Kulturang Di-Materyal
✓ edukasyon ✓ pamahalaan ✓ pamahiin ✓ paniniwala ✓ relihiyon at pananampalataya ✓ kaugalian ✓ sining at agham ✓ wika
Kulturang Materyal
✓ kasangkapan ✓ kasuotan ✓ pagkain ✓ tahanan
Aralin 6: Aspekto ng Pandiwa
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng galaw o kilos. Ito ay may tatlong aspekto. Pangnagdaan o naganap Pangkasalukuyan o nagaganap Panghinaharap o magaganap
ay binubuo ng pinagsamang dalawang payak na salita upang makabuo ng bagong salita. May mga ________ na nananatili ang literal na kahulugan ng dalawang salita.
Ang tambalang salita
ARALIN 4: Pagpapaliwanag ng mga Mensahe sa Ilustrasyon
Ang tatak o marka sa isang ilustrasyon ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon kaya kailangang tingnan o basahing mabuti ang mga detalye upang makakuha ng tamang impormasyon. Ang bawat ilustrasyon na makikita natin sa daan o iba't-ibang lugar ay may mga mensahe o kahulugan.
bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa anunsiyo tulad ng bagong bahay, bagong sasakyan, trabaho, atbp.
Anunsiyo Klasipikado
Ako at Ikaw, Saan nga ba Nagkaiba?
Araw ng Lunes, magkasamang naglalakad ang magkaibigang Anna at Jaime habang patungo sa paaralan. Masaya sila habang nag-uusap sa bago nilang pagaaralang leksiyon. Sa wakas ay narating din nila ang kanilang paaralan. Doon ay nakita nila ang kanilang mga kapuwa mag-aaral na naghihintay sa labas. Napansin nila ang isang batang babae na nakahiwalay sa karamihan. Nilapitan nila ito at kinausap. Ang kaniyang pangalan ay Bea. Nalaman nila na kalilipat lamang ng pamilya nito ng tirahan sa kanilang lugar kung kaya't siya ay doon na mag-aaral. Nahihiya man ay nakipagkamay ang bagong mag-aaral.